Kapag 'Meron' Ang Girlfriend Niya - Exo K

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)

Kyungsoo

"O, bakit?" tanong ni Kyungsoo sa hindi mapakaling girlfriend.

"Meron ata ako eh..." napalatak ang girlfriend ni Kyungsoo. "Nakalimutan ko pa naman mag-baon ng sandwich. Pa'no na--" Habang nagsasalita siya, kinukuha na ni Kyungsoo ang tangan-tangan niya araw-araw na back-up period kit. "BAKIT MERON KA NITO?"

"Eh ikaw, bakit wala ka niyan?"

Ayun. Basag ka lang, girl. Bakit ka'mo meron siya niyan? Kelangan pa itanong?? Mahal ka niya eh.

 

Baekhyun

They were in one of their secret dates. Di pa kasi legal si Baekhyun sa mga magulang ng girlfriend niya. They were having fun, until...

"B, halika saglit..."

"Ha? Bakit?"

Humawak si Baekhyun sa balikat ng girlfriend niya at iniikot ito para tumalikod sakanya. Hindi siya nagkamali. Napatingin siya sa paligid, pero nalampasan na nila yung bilihan ng damit. Hinubad niya ang suot-suot na T-shirt at iniabot ito sa dalaga.

"Huy, bakit? Ano 'to?"

Lumapit si Baekhyun sakanya para bumulong. "Meron ka ata ngayon..."

"Ay, weh?" medyo nataranta ang dalaga dahil alam niyang nasa gitna sila ng daan. 

"Sige na. Magpalit ka na lang dun sa may Jollibee."

"Eh pa'no ka?"

"Uh...palit na lang tayo ng shirt."

Maya-maya, mukhang hiphop na ang girlfriend niya, habang si Baekhyun naman, pwede nang palayawan ng Beki.

"Sige na. Wag ka nang magpigil. Nakakatawa naman talaga eh." sabi na lang ni Bek--ni Baekhyun. "Kala mo naman siya hindi mukhang tanga..." dagdag niya nang pabulong.

"Ha? Anong--" She was utterly cut off when she heard her name being called by a really familiar voice. Probably not pleasantly familiar in this time of the day. "M-mama?"

"Sino yang kasama mo, ha?"

Nanlaki ang mga mata ng girlfriend ni Baekhyun sa gulat at sa panic, pero.

"Ayyy, ako po si Beccky!" papilantik na abot ni Baekhyun ng kamay niya sa nanay ng dalaga. "Nice to meet you po, titaaaa! Your pretty daughter and I were just shopping!"

"Ahh, ganun ba?" her utterly confused mother stared at Baekhyun's face and then nodded. "Nice to meet you, rin..." napatingin ang ina sa anak. "Bakla talaga 'to ah?"

"O-opo..." awkward na sagot ng dalaga.

Her mother scanned Baekhyun's features once more and shrugged. "Sayang naman. Pero oo. Mukhang bakla nga."

While Baekhyun's girl found this ultimately hilarious, he wasn't so amused.

"Sige, mag-ingat ka. Wag pagagabi." bilin ng ina bago sila iniwang dalawa.

She didn't hold back her laughter. She couldn't anymore. It was too much. "I think your eyeliner gave you away..."

"No, it was your shirt! Look!" Natawa lang lalo ang dalaga sa pagiging defensive ng Baekhyun. Lalo siyang nagiging cute pag ganito. "Huy, wag ka ngang ganyan, tinulungan na nga kita eh!"

 

Chanyeol

Period, period, period. Walang pagkakataong nasaksihan niya ang nanay at ate niya sa gitna ng pagdi-dysmenorrhea dahil tuwing nagkakaro'n ang mga ito (halos sabay lang ang cycle ng mag-ina), ay dinadala siya ng tatay niya some place...nice. Chanyeol's dad wanted to protect him from the monsters that his wife and his daughter become. They absolutely had to leave the vicinity and everytime, they would go to amusement parks, at concerts and sometimes even abroad. Period for Chanyeol meant having fun and it never was a picture of nightmare.

Dahil walang ideya at all si Chanyeol kung anong gagawin niya sa mga pagkakataong ito, being the music lover that he is, he made his girl a *"period mixtape". As in a complilation of songs to help her get through the bloody times.

Natuwa ang girlfriend niya sakanya. Nung una. And then, he played the tape.

"Closed off from love, I didn't need the pain..." Chanyeol started singing the first track and she swore the blood down there is staring to rise up her head. "Keep bleeding~ Keep keep bleeding love~"

She exploded and Chanyeol didn't even have the chance to pull off the chorus with his imitation of Leona Lewis. Yung tipong Leona Lewis na kumakanta galing sa ilalim ng lupa.

Needless to say, mula nung araw na yun, hindi na gumawa ng period mixtape si Chanyeol. Nagka-phobia na rin siya sa mga babae tuwing meron sila.

 

Sehun

Pinatuloy si Sehun ng nanay ng girlfriend niya sa kanilang tahanan, at hindi nagtagal ay umakyat din siya sa kwarto ng dalaga. Tahimik itong nanonood ng TV, halata ang tamlay sa kanyang ekspresyon. Mga kamay ay naka hawak sa may ibaba ng tiyan.

"Chocolates." bati niya. "Sabi ni mama, makakatulong daw."

Nanghihinang napangiti ang girlfriend ni Sehun sa pagkakita sa binata, sumesenyas para paupuin siya sa tabi nito.

"Ayos ka lang?" Maingat na tanong ni Sehun habang pinaglalaruan ang Hello Kitty na unan ng grilfriend.

"Medyo humupa na ang galit ni satanas..." tugon ng dalaga, ngunit nang may kasamang maliit na pag-ngiwi. "But yeah. Medyo masakit pa nang konti..."

"Ba't di mo i-try dumapa? Sabi ni mama, nakakabawas daw ng sakit yun eh..."

"Ginawa ko na kanina. Hindi naman na rin naman na masyado eh..." ngiti niya kay Sehun.

Sehun mirrored his girl's cute grin and slightly pushed the bag of chocolates towards her. "Oh. Kain tayo."

She happily obliged and they continued to watch cartoons and when Sehun got bored, he watched her instead. He flinched a little bit when she turned to him. Muntik pa siyang mahuling nakatitig. Ayaw nung girlfriend niya nun kasi nakaka-intimidate daw yung mata ni Sehun.

"Sehun..." He raised both of his eyebrows as a reply. "Anu-ano nga 'tong mga chocolates na dinala mo sakin?"

"Ahhh..." Sehun got a hold of the entire pack of assorted chocolate and inspected it. He began the roll call. "Three Muthketeers, Thninkers, Herthey'th--" he stopped when her stifled chuckles gave away the humor of this moment. Sehun sighed. "Next time, Cadbury na lang bibilin ko sa'yo ah."

"Di, gusto ko Herth—" Sehun stuffed a piece of chocolate in before she could say more.

 

Suho

"Hala, t-teka! A-ano--Ok ka lang ba??" natataranta na si Joonmyun dahil ngayon niya lang nakitang namimilipit sa sakit ang girlfriend niya. Pa'no naman kasi, hindi naman ganito kalala yung dysmenorrhea nung mga babae sa pamilya niya. Masyado naman siyang awkward sa mga babae para magkaro'n ng sobrang ka-close to the point na matatanong niya ang mga ito tungkol sa sitwasyong gaya ngayon.

"Masarap 'to Joonmyun! Sobrang sarap! Halika dito, sisipain kita sa puson nang malaman mo kung gaano kasara-Aaaaaaaa! Haaaaaaahaa...Ang sakit!!"

Hindi maipinta ang pagmumukha ni Joonmyun. Kanina pa siya isip nang isip kung ano nga bang dapat gawin at pwede niyang magawa para maalis ang sakit sa girlfriend niya. Grabe. Mas mahirap pa 'to sa pagaalaga ng limang bata. At mas nakakatakot. Pero naisip niya bigla, pa'no na lang kapag maga-asawa siya? Alangan namang matakot siya ng ganito? Alangan namang iwanan niya yung asawa niya sa emergency room, tapikin sa balikat ang doktor at sabihing, "Ok, I'm out! Good luck with that."

Syempre hindi, diba? And so, when he returned his gaze on his girl's crying face, it pulled at too many heartsrtings and it really hurt him too. Pero kung panghihinaan rin siya, wala nang mananatiling matibay sa kanilang dalawa. Kaya kahit masakit pa, niyakap na lang niya ang kawawang girlfriend saka ginamit ang malambing niyang tinig para pawiin ang ilang porsyento ng sakit.

Practice, Joonmyun. Practice to... sabi niya sa sarili, habang nakatitig sa kumakalma nang mukha ng babaeng gusto niyang pakasalan balang araw.

 

Kai

"Ahh...pa...pabili po..." Kai says rather awkwardly to the fat old man tending the sari-sari store.

"Ano yun?"

Kai tentatively froze as he thought of the awkwardness that he foresaw out of this conversation. "Isa pong pack ng M-M—"

"Malboro?" the man suggested.

Kai's face brightened a little bit. How long has it been since he had a good stick of cigarette? But then, it was not what he was here for. At malamang masasabon lang siya ng girlfriend niya kapag bumili siya ng yosi. Kung nakakatakot na siya sa normal na araw, ano pa kaya at this time of the month?

"Hindi po. Isa pong pack ng..." he cleared his throat and braced himself. "Isa pong pack ng Modess!"

Napangisi yung mama habang iniaabot sakanya yung sanitary pads. "First time mo, 'no?"

"Ha???" Jongin's eyes widened as he quickly realized what 'first time' meant. "Hala, hindi po ako yung gagamit! Para sa girlfriend ko yan!"

"Ano ka ba! Ibig kong sabihin, first time mong mautusan na bumili!" natawa yung mama sakanya. "'To naman!"

"Ah...ah. Hahahah..."

"Masasanay ka rin." tinapik-tapik siya sa balikat ni manong. "Mabuti yang ginagawa mo..."

Patango-tango siyang nagsimulang umalis sa harap ng tindahan. Pero napalingon uli siya nang may itsura ng pangungulila sa kanyang mga mata. Hindi naman siguro masama. He just won't tell her. Para hindi naman siya masyadong manlumo sa pag-uwi, napagpasyahan niyang bumili na rin ng,  "Isang pack nga din po ng...M...M—"

"Malboro?" handa na sanang iabot ni manong sakanya ang kahon at itinataktak pa para sakanya. But in the end, he still can't seem to go against her wishes.

"Isang pack na lang po ng Milo." Napangiti na lang siya  sa paglalakad niya pauwi. Alam niya kasing mahal siya ng girlfriend niya.

 

*Reference galing sa isang movie ni Ashton Kutcher. I forgot the title.


{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!