Kapag In-orient Ka ng SC Vice President na si Heechul

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)

“Bilis!” sabi sa’yo nung so-called Vice President ng SC na…Kim Heechul daw ata yung pangalan. Aba, siya na nga ‘tong na-late, siya pa ‘tong demanding.

Pero napatakbo ka na lang din. Natakot ka eh. He seemed…very…intimidating.

Well, physically, ano bang itsura niya…

Magandang lalaki? Is that it? No.

Masyado siyang maganda para maging lalaki…

And before you know it, he caught you staring…

“Para malaman mo, hindi ako bakla.”

Taray. Mind-read much?

Awkward. Napaiwas ka ng tingin.

Soon enough, he started.

Ayos naman. Na-o-orient ka naman niya nang maayos. Marami kayong nadadaanang mga tao na kundi niya binabati, pinapagalitan niya. Parang bad mood siya, pero pag ikaw naman yung kausap niya, maayos naman. Hindi naman parang galit. Nang ma-sense niya na medyo hindi ka nagsasalita.

“Uy, pasensya ka na ah…” sabi niya bigla. “Ganito lang talaga ako. Nasabon ako ni President eh. Saka ito talaga kasi yung trabaho ko: manermon. Haha!”

“Ok lang, Kuya Heechul. Naiintindihan ko naman eh. Naging officer na rin ako dati.”

“Ah.” Kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya. “Heechul na lang.”

“H-ha?”

“Heechul na lang.” ulit niya. “Feeling ko tumatanda ako pag tinatawag akong kuya eh—HOY YESUNG!” nagulat ka nang bigla siyang sumigaw. May kausap na pala sa telepono. “BUMABA KA DYAN SA PUTANGINANG PUNO NA YAN, NAKIKITA KITA!”


{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!