Dula: Pa'no manligaw [BTS]

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)

RapMon: Guys, guys! Nag-iimagine nanaman si author-nim. Kelangan mag-Tagalog tayo lahat para sa skit na 'to, ok?
V: 알았어--
RapMon: Tagalog nga EHH
V: Patawad...
Jimin: Kasi, kasi...
JHope: Game na, game na leader
Jungkook: So, kuya-
V: Mahaha! "kuya"? Ang awkwaaaaaard
RapMon: Nag-message si author-nim. Pwede na daw mag TagKor [pabulong] pambihirang mga bata 'to...
V: Hyung, hyung, bakit ikaw lang mine-message ni author-nim?
RapMon: Kasi ako ang bias
V: Di kaya. Ako kaya.
RapMon: Nag-pm ulit. Ako raw eh.
Jin: [rolleyes na sa sorbang sassy, kelangan i-transcribe dito kahit di niyo naririnig]
JHope: Suga my lab, asan si Suga my lab
RapMon: Jimin, paki-gising mo nga saglit si Yoongi
Jimin: SugaSugaSugaSuga~ [palabas ng recording booth]
Jungkook: Hyung, pa'no na ba gagawin?
RapMon: Wait ka lang, GoldMak. Nawawala yung cue card. Ay, wait, eto na pala- What the- TAEHYUNG, P&^*#@*&$ SINABI NANG HINDI KINAKAIN ANG PAPEL-

[PLEASE STAND BY]

[static sound]
Jimin: Ayan, ayan!
RapMon: Ano, ok na? Mahigpit na ba pagkakatali dyan?
Jimin: Ok!
Jungkook: Hyung, hahaha Hyung
V: [ginaya si Manny Pacquiao] Uke lang. Pers taym ko po magapos. Ekspiryins din. Kaya...uke lang 
RapMon: OK! Si Yoongi, andyan na?
JHope: Eto na. Pag nakatulog pa uli 'to, hahalikan ko na.
RapMon: Ehem. Sorry sa delay.
Jungkook: So ganito ang gagawin natin ngayon...
RapMon: Ba-
Jungkook: Yaman din lamang na mahilig tayong magsali sa bawat album natin ng mga walang katuturan na skit na gaya nito, na minsan, hindi tina-transcribe ng mga international fans na nakakintindi, gagawa tayo ngayon ng Tagalog na dula para sa mga Filipino ARMY natin...
RapMon: Seriously, kelan niya kinuha sakin yung cue card-
Jin: Shhhhhhhhhh!
Jungkook: So dahil naadik si author-nim satin kelan lang, tayo ang napagdiskitahan niyang gawan ng- [emotional breakdown] Bakit kasi hindi ako bias mo, author-nim?! Kaya ko gawin lahat! Everybody loves me! I'm not GoldMak for nothing!
RapMon: Wait. Nag-pm ulit si author-nim. "Ayokong maging pedo, Jungkook. Kaya, saka na siguro pag legal ka na." Haha...
Jin: O siya, siya, siya. Kala mo naman kung sinong special yung author-nim na yan, 'no...
RapMon: Ang TOPIC natin ngayon...hahaha, nabawi ko rin yung card. Haha. Ang topic natin ngayon: panliligaw. Pa'no ba manligaw, guys?
Suga: Yung totoo, kelangan pa bang manligaw ngayon?
RapMon: [binasa ang pm ni author-nim] "Suga, anong problema mo?" Hahaha...
Suga: Sorry po...
RapMon: Game, guys! Sinong mauuna? [katahimikan] [tinapik ang balikat ng katabi] Gurang, ikaw muna.
Jin: Diba madali lang 'to? Flowers, chocolates. Duh.
Jungkook: Eh pa'no kung allergic siya sa bulaklak? Or on diet siya? Baka magalit pa, diba? Siyempre dapat aalamin mo muna...
Jimin: Waah...nice [high five]
V: Ohhh...pero dapat alamin mo rin muna kung babae nga talaga siya, diba?
RapMon: Guys, duct tape nga. Di pa ata masaya ang isang 'to eh.
Suga: Ako na, ako na. [chair creeks as he stands up] Ako na kukuha...[shuffles towards the door]
RapMon: Game, sino sunod? [recording booth door opens then closes with a thud] Game, Hope!
JHope: [pumalatak] Ain't got no time for that ...
RapMon: Hoseok, anong problema mo?
JHope: [natatawang hinampas si RapMon] Sabi ni author-nim?
RapMon: Hindi, sabi ko. Jimin, paki sundo nga uli si Yoongi. Feeling ko sumimple nanaman ng tulog yun eh.
Jimin: [chants as he shuffles towards the door] Yooooongi~Yoongi Yoongi Yooooongi~ Yooong- [door opens] O, eto na pala eh!
Suga: O, bakit? Eto na yung duck. [*squeak* *squeak*]
RapMon: Anong duck?
Suga: Rubber duckie... [*squeak* *squeak*]
JHope: [clapping and laughing]
Jimin: [laughing and probably RLAB-ing on the floor cause there was a thud just now]
RapMon: Tanga, sabi ko duct tape
Suga: Hehehe...sige, sige. Babalik ako...

 

[PLEASE STAND BY]

JHope: Whoo! [shuffling towards the fan and plugging it] Ang init naman dito sa Piripin...
Jungkook: At san ka naman nakakita ng recording studio na de-electrifan lang?
RapMon: GoldMak, puntahan mo na nga si Yoongi. Tulog na yun. [buzzing sounds of the electric fan as it opens] Nauto tayo.
[sound of the door opening and closing]

[PLEASE STAND BY]

Suga: -ahahaha! Hindi na, hindi na! Promise! Swear!

[PLEASE STAND BY]

Jungkook: Sikreto sa mga babae? Tignan mo sa mata. Iparamdam mong ang lapit mo, kahit nakadistansya pa talaga. Maganda siyempre pag sweet, pero wag lagi. Leave her wanting more...
Suga: Halikan mo, tas wag mong pansinin ng isang linggo
JHope: YOOOOOON
RapMon: [sounds of incoherent spazzing] Teka, teka putangina kinikilig akooo
Jin: Yuck, Namjoon, lumayo ka nga sakin!
RapMon: Homaygad homaygad Suga feels homaygaaaad
Jimin: [clapping] Ahahahahaha
Jungkook: Ah, hyung ayoko na [nahulog sa sahig katatawa] tama na hahaha!
Suga: Eh bakla pa pala 'to eh...
RapMon: [booming deep voice] SINONG BAKLA

 

[PLEASE STAND BY]

Jungkook: [clears throat] So yun kasi. Keep her guessing. Dapat kikiligin siya saýo pero every now and then, mapapaisip siya, Äno kayang susunod na gagawin nito?"
JHope: Alam mo, kanina pa 'ko nagtataka kung sa'n mo napupulot yang mga yan
Jungkook: Nah, I just got game and you might not...
RapMon & Jimin: OHHHHH
Jungkook: Joke! Hala, I love you hyung~
JHope: Wehh labyu diiiin~
Jin: Hala, sige. Sa'n na napunta tong usapan na 'to...
Suga: Wala na, na-turn off na yung babae, bakla kayo parehas
JHope: Weeeeeh...alam ko namang nagseselos ka ehhhh

[PLEASE STAND BY]


Jimin: Namjoon hyung, ikaw na!
RapMon: I-ra-rap ko yung idudugtong ko sa sagot ni Junggook.
Suga: Sigesigesige
RapMon: Hope, gimme a beat.
JHope: [beatboxes]
RapMon: Pag ikaw na ang nilapitan ng babaeng kinababaliwan / Pag nagawa mong baliktarin ang kwento, nasiguradong siya na ay sa'yo / Wag mo ka nang magtangkang bitiwan / Mahalin mo pare, mahalin mo
[explosion of feels ni JHope, Suga at Jimin]
[natatwang napailing lang si Jungkook]
[napa-face palm si Jin]
[ititigil ko na ang pagke-kwento ng ginagawa nila dahil audio transcription lang 'to]

 

[PLEASE STAND BY]

RapMon: Ano na? Kalmado na kayo?
JHope & Jimin: [natatawa uli]
JHope: Teka, teka...wag ka muna magsalita...mga hanggang bukas...
Suga: P*%@, nangilabot ako, Namjoon!
RapMon: [natatawa nang onti]
[katahimikan]
RapMon: Haha. Si Taehyung ang tahimik kanina pa oh. 'Di maka-relate.
Jimin: Kanina, bawat beses na magsalita siya sinasaway mo. Ngayong di siya nagsasalita, pinapansin mo pa rin.
JHope: Woot! Pinagtatanggol~ VMin feels! VMin feels!
Jin: Kung ako yung babae, nabatukan ko na kayo...
RapMon: Girl, walang pumipigil sa'yo.
V: [sa boses ni Anabelle Rama] Ngawit na ko 'dong...
RapMon: Hahah. Sino na magkakalag kay Taehyung?
V: [sa boses ni Boy Abunda] Ikaw na!
Jin: Alam niyo, hiyang-hiya na ko. Wala pa ba kayong balak tapusin 'to? Sirang-sira na image natin.
[katahimikan]
RapMon: Medyo nga...
[katahimikan]
RapMon: Buti na lang, audio lang 'to...

 

 

 

 



CCTV sa wall: Laaa~lalalaaaa~laaaaa~
 


sorry not sorry

{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!