Kung Naging Kaklase Mo ang Super Junior

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)
Leeteuk – yung senior na madalas mong makitang nakatambay sa classroom niyo. 
 
Tutulungan ka sa project at maya-maya mahahalata mo na lang pinopormahan ka na pala.  Tinaguriang “banat boy”.  Hindi man niya kayang gawin ang lahat, ay gagawin naman niya lahat ng makakaya niya…para sa’yo. (sample ng banat niya)
 
Heechul – madalas napapa-office dahil nahuling nanghahalik…ng mga lalaki; king and queen in one…pero sige, more like queen although sometimes, pwede ring princess
Tuwing may performance ka sa school program siya ang fanboy mo;  makikita mo siyang may hawak na banner at nagsa-spazz sa harap ng stage kasama ang isang batalyon ng mga instant supporters mo/alipores niya.
 
Hangeng –  saksakan ng  pogi, masarap kakwentuhan
Kalapit-bahay mo na madalas kang sinasabayan pauwi at ihinahatid sainyo. Bumalik na siya sa China para dun na mag-aral pero hinding-hindi mo makakalimutan yung fried rice na dinala niya sainyo nung bagong lipat ka pa lang sa village…
 
Kangin – welcoming, maalaga, at sweet pero sa babae lang; sipsip sa teacher at madalas mag-taas ng kamay pag recitation; banat boy number two
Tropa ni Leeteuk, senior mo din. Kapag may problema ka, tinulungan ka talaga niya. Para mo na siyang kuya, kaya lang medyo naimpluwensyahan ka niya sa pag-toma. Minsan ka na rin niyang sinubukang pormahan, pero inaway siya ni Donghae at na-cutan siya kay Donghae kaya ayun. Kapatid na lang daw niya kayong dalawa.
 
Yesung – tahimik na maingay; bigla na lang sumusulpot at bigla ring nawawala;
Kapag nagi-emote ka, kinakantahan ka niya para daw may soundtrack ka; kapag gusto mong tumawa sinasayawan ka naman niya. Minsang pauwi ka na, may tambay na nambastos sa’yo. Takot na takot ka na, pero out of nowhere, biglang dumating si Yesung at sinapak nang isang beses pero sobrang lakas yung nambabatos sa’yo, saka ka hinila palayo. Maya-maya, napaluha siya siya. Hinimas-himas niya ang kamao niya, at kalmadong sinabing, “Unang beses kong ginawa yun. Ang sakit pala…”
 
Shindong – jokebox ng classroom; food supplies officer; party organizer
Walang makakatalo sakanya pag asaran kaya tawagin kapag may gustong resbakan. Kayo lang ang klase na merong ref dahil sakanya. Mas mapagbigay na siya sa pagkain ngayon dahil diet na siya.
 
Sungmin – masipag mag-aral; usually bubbly at masayahin; lapitan kapag nababadtrip ka at mawawala yung galit mo; layuan kapag nabadtrip siya at baka mabugbog ka naman ng tiyako; custom made yung desk niya na kulay pink; National Bookstore ng klase
Best friend ni Kyuhyun na naging isa na rin sa mga pinaka ka-close mo. Ayaw niyang maniwalang cute siya. Pag sinasabihan siya nang “cute”, sasabihin niyang hindi naman at mamumula. Kapag nag-insist ka, tumakbo ka na kasi magagalit na siya dahil hindi nga talaga kasi siya cute, ang kulit mo.
 
Eunhyuk – medyo batugan pero matalino naman; mabuting kaibigan kung hindi pera ang iyong kailangan
Mahiyain siya sa mga babae—halata naman eh: yung tipong nanonood lang siya sa gilid ng classroom sa laptop niya at pag nakita niyang palapit ka, natataranta agad siya at sinasara niya agad yung laptop niya. Hanggang ngayon iniisip mo pa rin kung ano yung pianpanood niya lagi na mukhang tuwang-tuwa siya pero ayaw naman niya i-share sa’yo. Pero ngayon, sasabihin ko sa’yong nagsisimula yun sa letter P. Tama. Pero hindi yun Phineas and Ferb.
 
Siwon – rich kid;permanent prayer leader niyo; taga-tweet ng list of homework and reminders
 May stolen shots ka niya na patago mong tinatawanan tuwing nalulungkot ka o kaya gusto mo lang matawa at busy si Shindong sa pagkain para i-entertain ka. Kayong dalawa ni Kyuhyun ang bugaw niya. Ikaw ang photographer, si Kyuhyun ang promoter. Kayo ang responsable sa celebrity status ni Siwon sa school.
 
Zhoumi – transfer student na tahimik lang pero sobrang bait at masayahin; super elegant; game sa kahit ano; chill lang lagi; napakaganda ng ngiti
Minsan, nagkaro’n ng salu-salo sa classroom dahil birthday ng adviser niyo. Habang naguunahan ang mga patay-gutom mong classmates sa handa, at hindi ka makasingit para makauha ng sa’yo, ipinaglabay ka ni Zhoumi ng pancit canton na may kasamang ngiti.
 
Donghae – friendly sa lahat; medyo slow; mababaw ang kaligayahan pati ang luha; maalaga sa mga kaklase; seatmate ni Sungmin na ayaw na sa pink; hindi kumakain ng isda
Mula kinder, kaklase mo siya at isa ka sa mga witness sa kadaldalan niya. Numero uno sa listahan ng noisy, mula noon hanggang ngayon. At kahit pa siya ang assigned sa paglilista ng violators, inililista niya pa rin ang sarili niya dahil hindi siya marunong magsinugaling. Isa sa mga pinaka-close mo. Isa ka naman sa pinakamahahalagang parte sa buhay ni Donghae dahil ikaw ang isa sa mga pinakamatagal na niyang kilala.
 
Ryeowook – akala mo tahimik pero maingay; akala mo inosente pero may pagka siga; akala mo mahiyain pero medyo assertive naman
May mga araw na titignan ka niya tapos bigla siyang lalapit sa’yo at sasabihing,  “Huy, pumapayat ka na. Kumain ka nga, oh…” sabay ishe-share sa’yo  ang baon niya na siya mismo ang nagluto.
 
Kibum – class face at madalas na pambato sa pageants; ang taong may kasalanan kung bakit adik si Kyuhyun sa DoTA; mukhang cold pero mabait, ngiti niya ang bumubuo sa araw mo;
Nag-transfer siya sa ibang school pero BABALIK SIYA…daw. Kelan kaya uli MABUBUO ang araw mo?
 
Kyuhyun –parating wala pero laging pumapasa, sa likod mo siya nakaupo pero hindi niya inuupuan yung likod mo; manager at cashier ng 'National Bookstore'; promoter ni Siwon
Best friend mo na palaging wala. Madalas kayong kumopya ng assignment kay Sungmin kapag wala kang ring assignment at hindi ka niya makopyahan. Bilang manager at cashier ng National Bookstore tungkulin niyang pagkakitaan ang school supplies ni Sungmin. At bilang bugaw ni Siwon, tungkulin niyang i-advertise ang merchandise na ginagawa mo at i-mass produce ang mga ito gamit ang parte ng  kita niya galing sa 'National Bookstore'.
 
Henry – seatmate mong madalas na tulog pero mabait naman; cute
Pag bored ka libangan mo ang pagpisil sa pisngi niya at pumapayag naman siya. Ikaw lang ang pinapayagan niyang gawin yun.

{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!