Why?? Bakiiiiiiiiit? [a Tagalog rant]

Pasensya na, pero kailangan ko lang ilabas 'tong hinaing ko.

NAKOKONSENSYA AKO, LIKE FOR REALLLLZZZZ............. Bakit? Lemme tell you the story.

Irreg student ako, kaya paiba-iba ako ng classmates sa bawat subject. Okay na sana, kasi sa bawat subject eh parati kang may bagong kakilala, di gaya kung naka-block section, malamang mauumay ka kung parating kayo-kayo ang magkakaklase. So ayun, enjoy ko naman ang pagiging part ng 'free section', at akala ko eh magiging okay na ang buhay ko sa pagiging irreg... Kaso hindi.

May play kami na gagawin for FILI104. Pagtatanghal base sa isang maikling kwento. Yung groupmates ko, block ng mga taga-Psychology, kaya parati silang magkakasama. Kaya akong irreg, hirap makisabay sa practice, dahil madalas may conflict sa sched. At ngayon, nagtetext yung groupmates ko at tinatanong kung makakasama ako sa practice. Eh 'nak ng tokwa, may project pa 'kong tinatapos para sa subject ko bukas. Isang beses palang akong nakakasama sa practice, at parang nahihiya na rin ako sa kanila.

Oh wait.

Hiyang-hiya na ako sa kanila.

Kaya sa ngayon, itinago ko muna ang phone ko sa ilalim ng cabinet, para kahit papaano eh maibsan ang tawag ng konsensya.

Ugh.

Hirap nito, dude.

'Yoko na. 'Yoko na.

Kaya pinapangako ko sa sarili ko na igagapang ko 'tong subject na 'to, maipasa ko lang.

Tutal ito na ang last at huli (what?).

O siya, pagtataguan ko muna groupmates ko para matapos ko na ang project ko.

Pasensya na, at kuntodo emote ang peg ko ngayon. Maulan kasi eh. Nakikisabay lang ako sa mood ng panahon.

Bye.

Comments

You must be logged in to comment
misscafe060693
#1
i miss you .. my dear online friend ^^