MBC_8 : ASONG GALA.

Met by Chance~

''Aray! Dahan dahan naman!'' muntik na akong mahulog sa kanal sa gilid ko.Ano bang katangahan ang meron 'tong taong 'to.Pero siya pa talaga may lakas loob na samaan ako ng tingin. ''Hoy lalaki--babae pala.Puta sino ka ba?'' ngunit dumiretso lang siya papalayo.Hinabol ko agad siya at hinarap sakin. ''Lalake ako gago.Hindi ba halata?'' yun na lamang ang nasabi niya bigla akong napakamot.''Sigurado ka?'' kasi yung buhok niya ang haba eh.Nakayellow siyang damit at blue na pantalon.Tapos yung mukha naman niya parang babae yung itsura.Transgender ba to? ''Transgender ka pre? walang atubili kong tanong.Napaatras ako sa pagtingin niya sa'kin.Baka naman dumiretso na talaga ako sa kanal. ''Gago ka pare, hindi ako transgender.Talagang mas maganda tingnan pag mahaba yung buhok ko.'' Sino bang maniniwala sa sagot niya? Kulang na nga lang magdamit pangbabae siya eh. 

''Ah sige pare.Alis na ako pare ah.'' pagdidiin ko.Ayokong masangkot pa ako sa away.Ang hapdi ng dibdib ko eh.Dito kasi sa bandang dibdib ko natapunan ng kape. ''Si lee sungmin ka diba?'' tangna, kilala niya ko. May stalker pala ako! ''Hindi ako yun.Baka napagkamalan mo lang.'' baka nagkita na kami dati at gusto niya akong gantihan, pati pangalan ko natandaan! Gusto ko na umuwi! Dumidilim na rin eh.Ngunit hinigit niya lamang ako dun sa isang bench sa gilid ng kalsada. ''Kamusta ka na?'' sino ba tong lalaki na babae na 'to?! ''Kilala ba kita?'' diin ko at dali-daling tinanggal yung lingkis ng kamay niya sa braso ko.Grabe kala mo close kami.Mamaya mapagkamalan ko pang girlfriend 'to! Ay hindi pala! Sa kanya na nanggaling na lalaki siya kahit di kapani-paniwala.

''Di mo ba ako natatandaan? Nandun din ako sa trahedya tungkol sa dyip.'' pero di ko naman siya nakita sa loob ha! Naku po, delikado kailangan ko na talagang umalis.Mamaya karamay to nung tatlong masasamang loob. ''Hindi no, di kita nakita sa loob.'' simpleng sabi ko at lumayo ng konti.Masyado siyang malapit sakin, ano bang iniisip niya magjowa kami habang lumulubog ang araw? Bahagya siyang umiling at sumenyas.Nilagay niya yung kamay niya sa parehong palibot ng mata niya. ''Ano yan?'' di na lang niya sabihin.Gusto ko na gamutin yung paso ko sa dibdib.

Napairap siya bigla at nilagay yung nalaglag na buhok sa likod ng kanyang tenga. ''Ako yung nagbidyo at kumuha ng ibang pictures.Gusto mo bigay ko sa'yo yung mga pictures na nakuha ko? Libre na ikaw naman yung isa sa captain eh.'' sabay labas ng isang envelope galing sa bagpack niya.Pati ang lakas ng loob niyang magpakita sa'kin, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.Napagtawan ako at kinaawaan sa eskwela namin! Dahil sa putapete niyang bidyo! Pati anong captain! ''Umalis ka sa harapan ko ngayon, kundi tatabasin ko yang buhok mo sa ulo hanggang pwede na siyang lagyan ng lapad na plato!'' banta ngunit di ata siya natakot.

''Wala naman akong pakealam kahit na kalbuhin mo ako ngayon, ang mahalaga nakakapagusap tayo!'' nagulat na lamang ako nang lumundag ito at yumakap sakin ng mahigpit.Sabing hindi kami close eh! ''Wag ka ngang ura-uradang sumusugod, di nga kita kilala eh.'' diing suway ko ngunit ngumiti lamang siya, saan ko ba nakita kung paano siya ngumiti? Ay! Oo nga pala, dun sa tarantadong butas butas na yun! ''Makikilala mo rin ako, ako nga pala si kim heechul.'' sabay laan ng kamay niya sa harap ko.Napangiti ako ng pilit.Kilalang kilala ko na siya.Pangatlong mention na yang heechul na yan.Tae, pigilan niyo ko.Gusto ko siya sapakin. ''So ikaw yung nandun daw bidyo at nakausap mo din si hyukjae?'' 

''Di mo pa ba napapanood? Pati please ba't amoy kape ka? wala akong kilalang hyukjae.Eunhyuk pa meron.'' ay naku po! Kaya nga gusto ko na umuwi eh, pati 'tong si hyukjae.May screen name pang nalalaman!

''Wala kaming tv at di ko naman alam na meron pala nun sa internet.Wag mo na pansinin amoy ko.'' halos lumuwa yung mata niya, ngayon lang ba siya nakakita ng taong walang telebisyon? wa siya pake, di namin afford pati ayokong tanggapin yung alok ng tatay kong gunggong. ''Promise, magreregalo ako sa'yo ng telebisyon para naman updated ka sa bansa natin.'' humahaba na usapan namin ah. ''Wala akong pakelam sa mundo.Ang hinihintay ko na lang kamatayan ko.'' pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon totoo, gusto ko pa iahon ang nanay at kapatid ko sa kahirapan eh, pero minsan naiisip ko wala namang kwentang mabuhay pa ako. ''Wag mo ngang sabihin yan! Yung ibang ngang patay diyan.Gustong gustong mabuhay e, pero kung gusto mo talaga.Tatawagin ko si kamatayan para sayo.'' gagi yung alok niya ah.Alam niya cellphone number ni kamatayan? Pambihira 'tong transgender na 'to. ''Paano mo naman nalaman na gusto pa nilang mabuhay patay na nga sila? Pati wag mo akong lokohin, tawagan si kamatayan? Sinong tatawa sa joke mo?'' pambihira talaga.

Ang seryoso lamang ng mukha niya.Uh-oh, kailangan ko nang tumakbo.Dahan dahan akong tumayo ''Ay sige, kailangan ko nang umalis.Yung...y-yung kapatid ko...naglilihe.'' tangnang pang-iwas oh.

''Teka lang.'' puta parang lumamig ata yung paligid.Napahinto ako at tiningnan ko siya.''Ano na naman?''

''Ang ibig kong sabihin, yung mga taong nasa bingit na ng kamatayan gusto pang mabuhay pati yung iba gustong bumalik.. pero ikaw sa sobrang sigla mo at buti nga nakaligtas ka pa dun sa nangyari ilang linggo na ang nakakaraan.Ang masasabi ko lang sobrang swerte mo. '' omg personalan na ba 'to.Una palang naming pagkikita.. 

''Pati totoo si kamatayan, yung pinsan ko 'yun.'' tae pinsan niya si kamatayan? Delikado 'to.Ayoko pang mamatay! 

''Sigurado ka ba?'' umupo ulit ako sa tabi niya.Ano nang gagawin ko, baka tawagan niya nga!

''Oo, ilang tao na napatay nun.'' syempre si kamatayan nga eh.Pagmamalaki niya at may kinuha sa bulsa niya.

Putek! ''May dahilan naman? pati si kamatayan ba talaga yan.Yung nangunguha ng buhay? '' takang tanong ko, iniling niya yung ulo niya.''Tao siya, talagang kamatayan tawag ko.Pati di siya taga mental na papatay na lang ng kung sino-sino.Syempre may dahilan.'' nakahinga ako ng maluwag.Pwede ko pang tapatan parehas kaming nilalang e.

Pinakita niya sakin yung kinuha niya sa bulsa niya at panyo itong kulay red na nakatupi.Puta hindi ba uso sa kanya yung color coded? Rainbow siya, rainbow! Parang yung mga nerds lang! Sana lang talaga di sila magkapamilya kundi mababaliw na ako.Pero napakaliit ng mundo diba?

''Ano yan?'' 

''Panyo.'' lahad niya.

Puta obvious nga e, sobra.

''Ang ibig kong sabihin, anong nasa loob niyan.'' 

''Matulis.''  pak!

''Anong matulis?''

''May tulis ito sa apat na kanto nito.Calling card.Tawagan mo lang yan pag may kailangan ka.'' masasaksak ko na talaga siya, gamit yung calling card na hawak niya.Kanina pa niya pinapatigil yung paghinga ko e! 

''Gege.Umalis ka na.'' taboy ko sa kanya at sinuri yung calling card.Sumunod naman agad siya.Pero maiba ako.Ang laki ng ngiti niya ah.Ano bang dahilan non?

''Good bye uke.'' hanu raw? May tagalog words bang ganun.Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ko siyang maglakad palayo. 

(A/N:Uke-bottom sa relationship.Emeged)

Uke-uke? Uka-uka? poknat? good bye poknat??!! Gago yun ah!

Pinagpatuloy ko na lamang suriin yung calling card. ''Tae, calling card nga.Wala man lang pangalan.Pure numbers lang.Siya siguro nagprint nito at pinalaminate lang -_- '' bulong ko sa hangin at naglakad na papunta sa bahay namin , pero ayaw akong lubayan nang malas!

May nasalubong akong aso! Anong uri ng aso 'to? Ang ganda tae! Kaso bigla na lang akong kinagat! Ano bang kasalanang nagawa ko.Mamamatay ako sa isang araw nato!

''Tangna lubayan mo yung kamay ko.'' pilit na higit ko ngunit mas lalo pang dumiin.Nasa kaliwang kamay ko yung calling card kaya binulsa ko kaagad.Baka kailanganin.Dahil ba amoy kape ako? gusto ba niya ng kape? Tae ipagtitimpla ko siya wag lang niyang galusan yung kamay ko.

''Isang beses lang kita babantaan.Pag di mo ako linubayan.May gagawin akong pagsisisihan mo!'' wala akong pake kahit nakikipag-usap na ako sa aso.Wala namang tao sa paligid eh.Nilapitan ko siya at tiningnan yung nakasabit sa leeg niya. ''QLANA'' hanuraw? 

''QLANA KAKALBUHIN KITA! KAHIT MUKHANG MAYAMAN NAGMAMAY-ARI SAYO!'' napatigil siya sa pagdiin sa ng ngipin niya sa kanang kamay ko pero di parin niya tinatanggal.Sobrang kamalasan na ang dumating sakin ngayong araw.Wala akong pake kahit aso ka.Kinuha ko yung gunting sa bag ko at dahang dahang kinalbo yung side ng katawan nung aso.Ang ganda pa naman kaso eh ayaw paawat.Bumitiw agad ito sakin at tinahulan ako. ''Ikaw din may kasalanan eh, pati sino ba yung tanga mong amo na iniwan ka ng mag-isa.'' sabay lakad ko palayo.Rinig na rinig ko na tumahol ulit yung aso.Kala mo nakalunok ng speaker eh. ''Alam ko, alam ko na nakapangit siya sa balahibo mo.Pero sino bang may kasalanan qlana?'' sigaw ko mula sa malayo at tumahol ulit ito.Nakakaintindi na ba ako ng aso?!

''Tang ina mo rin! Malutong yun ah.'' sabay takbo ko palayo.At buti hindi ako hinabol, pati baka malapit lang yung amo nun dito.Baka maging monghe ako ng di oras.

''Ako si poknat! Ikaw naman may poknat!'' 

(A/N:BEAGLE YUNG LAHI NG ASO.)

---

Sa kabilang banda.

''Heechul! Nakita mo yung aso ko?!'' sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.Nakasalubong niya kasi ang pinsan niya at tumakbo palayo yung aso niya at napigtas yung tali.Oo sa sobrang lakas ng aso, malakas pa sa golden retriever kumawala eh.

''Nako kyuhyun.Ikaw ang may hawak ng tali nun, nakawala pa.Pati bakit naka uniform ka pa?'' tanong ng pinsan niyang si heechul.Nagpapadyak ang lalaking nagngangalang kyuhyun. ''Hindi ko ba alam kung bakit nagpumilit yun, parang sinapian na lang ng pumasok kami sa street na 'to.Tinatamad akong magpalit eh.'' sambit niya at napairap ang kanyang pinsan. ''Paano ba kasi kayo napunta sa street na 'to?'' napakagat sa labi si kyuhyun.Talagang sinundan niya lang ang aso niya kung saan nito gusto pumunta eh.Halos isa't kalahating oras na nga sila naglalakad eh.

''Sinundan ko lang yung aso kung saan niya gusto.'' simpleng buga niya.

''Pero maiba ako, nagpalit ka na ba ng number mo?'' sa pag-iisip ni kyuhyun.Ano naman kayang nasa isip ng kanyang pinsan.

''Hindi no! Marami kaming kostumer.''

''Hindi iyon ang tinutukoy ko.Yung personal.'' personal?

''Hindi naman.Kasi madalas ko lang namang nagagamit yun eh.Nandun lang siya lagi sa cellphone ko.'' napakunot ang noo ni kyuhyun nang nakita niyang mag-yes yung pinsan niya.Pati ba 'to sinapian?''

''Ge maiwan--'' naputol ang pagsasalita ni heechul nang dumating yung aso, labas ang dila.Bigla na lang niyang hinila yung suot na pants ni kyuhyun at napansin naman ni kyuhyun na may uka sa tagiliran ng kanyang aso.Dali-dali niyang binuhat ang aso kahit mabigat.''Anong nangyari sayo?'' ngunit nagpumiglas lamang ang aso.Tinulungan siya ni heechul ibaba yung aso at hinila na naman nung aso yung pants na suot ni kyuhyun.

''Gusto mo bang sundan kita?'' pagkumpirma ni kyuhyun.At tumahol yung aso.

Napatango lamang si kyuhyun at sinundan lamang nila ang aso na mabilis na tumakbo.

Napunta sila sa isang madilim na daanan at may nakita si kyuhyun na taong lumiko sa isang kanto.Ito ba yung hinahabol ng aso ko?

---

''Tang ina naririnig ko na naman yung aso na yun.Sinundan ba ako nun.'' tanong ko sa hangin at napatigil sa paglalakad, ang narinig ko na lamang mga yakap na dahang dahan papalapit sakin.May mangyayari bang masama?

''Siya ba qlana? Siya ba yung gumawa niyan sayo?'' isang boses na narinig ko mula sa likod ko.Kilalang kilala ko yung boses na yun! Tae papagbayaran ko ba lahat ng kasalanan na nagawa ko ngayong araw? Sa araw ding to? Ugh!

Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. 

''Umuwi na lang tayo insan.'' isang boses pa ang nagsalita.Heechul? Insan? Yung nagsabi sakin ng poknat?! Wag kang lilingon lee sungmin kundi dedo ka.Ito pa lang yung sinasabi niyang kamatayan.Totoo nga, totoong totoo.

''Bakit ako uuwi kung may nangganto sa aso ko.'' sa sobrang seryoso nung boses nung nerd slash lider na yun.Parang nilaslasan ako sa leeg..ng paulit-ulit.

''Baka naman hindi siya yun.Gusto lang nang aso sundan 'tong tao 'to.'' akala ko ligtas na ako ngunit tumahol ng tuloy tuloy yung isa.Next time, buong balahibo mo na kakayudin ko.

''Kilala ko ang aso ko.Kaya patay sakin 'tong balahura na'to.''  napalunok ako at kumaripas ng takbo.Hindi ko na alam kung saang banda ng pauwi sa amin kaya kung saan saan na lang ako tumakbo pero tang ina talaga! May aso siya eh.Natunton parin ako!

''Kung ayaw mong patayin talaga kita, wag kang tatakbo.'' okay hindi na ako tatakbo.

''Pero bakit parang pamilyar sakin yang likod mo?''

''Bakit lagi ka bang nakatingin sa likod ko?'' sarkastikong sambit ko.Maling galaw ko yun! Bakit pa ako nagsalita?! Baka mamukaan niya boses ko!

''So ikaw nga lee sungmin.'' paktay na talaga!

''Palayain mo na ako.Gabi na hinahanap na ako.''

''Kung ayoko? Pati ang sama ng ginawa mo.Baka isumbong pa kita sa mga magulang mo!'' puta sumabog na ata siya.Sumigaw na eh.

''May mali rin yang aso mo.Kinagat na lang ako ng basta basta.'' 

''Nakikipagharutan lang yun.'' gigil nitong sabi.For the second time.Napalunok ako.

''Ang diin diin ng ngipin niyang matalas sa kanang kamay ko!'' sabay kaway ko sa kanang kamay ko habang nakatalikod parin.Ayokong humarap, mamaya pagharap ko may nakatutok ng shotgun sa ulo ko.

''Nakikipagharutan lang yun!!'' hindi nga sabi eh!

''Tara na insan, mamaya hinihintay ka na ni sunkyu.''

''Wala akong pake heechul.Wala akong oras sa mga dada nung babaeng yun!''

''Pero future wife mo siya.'' 

Etong nerd na to? May nakalaang babae para sa kanya.Nabibili nga naman ng pera.

''Wala akong pake.Kung gusto mo umuwi ka na.May tatapusin pa ako dito.'' mabibigat na yapak ang narinig ko at bigla na lang akong may naramdaman na hininga sa leeg ko. 

''May tatapusin lang akong buhay.'' tumaas ang balahibo ko sa mukha at naramdaman ko yung labi niya sa leeg ko.

ual harrassment?!

Itutuloy...

OMG.CONGRATS SA ATIN! SA FANCHANT BATTLE AT SA TEENCHOICE

Ge hanggang sa susunod na update.Dapat kagabi ko pa 'to ipo-post kaso nahuli ako ni ateng nagsusulat.Kaya di ko natuloy.Hindi ako masyadong open sa kapatid kong yun dun lang sa isa.Yung aso dito.Inspired sa aso namin eksdi! Sarap nun iligaw as in.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.