dundundundun
ChanBaek's Jeepney Love Story“Oh apat pa apat pa apat pa!”
Tumakbo na si Baekhyun kamamadali, 7am ang class pero eto siya, 8am na on the way palang. “Malapit na ko!” Sigaw niya sa kaibigan niyang tumawag.
Paandar na ang jeep tapos pinara pa ni Baekhyun yun dahil wala na siyang choice.
“Haaay salamat.” Bulong niya sa sarili at huminga ng malalim. Kinuha niya yung eyeliner niya tapos mag-aapply na sana sha nang may narinig siyang chuckle sa tabi niya. Sino ba naman kasi ang nag-a-eyeliner sa tumatakbong jeep? Nag-hmp! siya at tinabi nalang ang eyeliner.
Kumuha siya ng barya sa wallet niya pambayad. “Bayad pooooo.” Boom walang pumapansin. Isa pa. “Ehem. BAYAD PO.” Wala pa rin. Isa nalang. “BAYAD POOOOOOO~” Birit niya at nag-una-unahan na sa pagkuha sa kamay niya nung barya. Nag-glare siya sa lahat pero mas nagtagal ang glare niya sa katabi niyang—. Yung katabi niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Baekhyun at sigurado siyang hindi lang yun dahil sa nabubuhay siya kundi dahil, THIS IS LOVE! Naniniwala siya sa love at first sight eh bakit ba.
Kyungsoo, di ka maniniwala dito.
Text niya sa best friend niya na sana magreply kahit may klase sila.
From: Kyungsupot <3
Bakit
To: Kyungsupot <3
Ang pogi ng katabi kooooooooo!!!!! !!!!
From: Kyungsupot <3
K
Inirapan nalang ni Baekhyun ang phone niya kasi di na siya nagulat sa reaksyon ng kaibigan niya.
To: Lulubeyb <3
Luluuuuuuuuu!
From: Lulubeyb <3
Yes?
To: Lulubeyb <3
Di ka maniniwala ditto!!
From: Lulubeyb <3
Papasok ka ba?
In-ignore niya yun at nag-proceed sa kalandian niya.
To: Lulubeyb <3
ANG POGI NG KATABI KO WAAAAAH
From: Lulubeyb <3
Malandi ka PUMASOK KA NA
To: Lulubeyb <3
K
Kunyari nalang di siya nagtext.
Malayu-layo pa biyahe ni Baekhyun so may excuse siya para kunyari matulog siya. Nag-lean siya nang maayos sa jeep kaya nakuha niya ang atensyon nung poging katabi niya at nag-wink siya with lipbite. Pinigilan niyang tumawa sa reaksyon na nakuha niya kasi nagulat si koyang pogi.
Natigilan siya.
So si koyang to ang tumawa sakanya kanina.
Lumaki butas ng ilong ni Baekhyun sa inis. Pasalamat ka pogi ka.
Ni-plug niya earphones niya at nagpatugtog ng kanta.
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Hindi ‘to galing sa phone niya kasi siya mismo ang kumakanta.
Di makapaniwala
Tiningnan niya si koya habang kumakanta. Nagulat si koya at siyempre lahat ng pasahero. Bumirit na nga siya kanina tapos ngayon…
Parang may hiwagang nadama
Tiningnan niya si koya nang maigi sa susunod na line.
Nang tumama sayo ang aking mga mata-ah~
May bumabang ale habang tinitingnan siya.
At nagsiksikan na
Contrary sa lyrics, lumuwag yung jeep at hindi rin tumigil yun pagkababa ng ale.
Dahil tumigil ang jeepney sa tapat ng eskwela
Para ma-suit ang lyrics sa sitwasyon niya, dinikit niya ang balikat niya kay koya at si koya naman mukha ine-enjoy na ang mini-concert.
Biglang nagkadikit
Puso ko’y biglang sumikip
At natulala
Nag-chuckle si koya at tumingin sa ibang direksyon. Bastos.
Nakita ni Baekhyun ang ID ni koya at natuwa siya, alam niya na pangalan ni koya.
Park Chanyeol
Nang sa chorus part na, dun nagbayad si koyang Chanyeol at napatigil saglit si Baekhyun kasi UMAYGAHD ANG Y NG BOSES NIYA
Ayoko nang pumara kahit san mapun—wait!
Bababa na si koya nang hindi pa natatapos ang kanta. Saka din na-realize ni Baekhyun na lumampas na pala siya sa school nila.
Patakbo siyang bumaba at balak niyang sundan si koya nang mag-ring ang phone niya.
Incoming call from Kyungsupot <3
ASAN KA NANG MALANDUTAY KA?
Teka! Andito na naglalakad na nga eh..
KANINA TEXT MO SAMIN NI LUHAN MALAPIT KA NA TAPOS NGAYON
Oo na nay! Oo na!
Binaba niya ang phone na mabigat ang loob. Tinatawanan lang siya ni koya at di man lang pinatapos ang kanta
Naalala niya bigla na alam niya pala ang pangalan ni koya! May facebook kaya siya? Malamang, may tao bang walang facebook ngayon?
Nuon, pag bored na bored na siya sa klase, natutulog siya.
Ngayon, di siya makatulog. Gusto niya nang mag-facebook.
“Baek, pupunta ka sa bahay?” Sabin i Luhan habang kinukuha bag niya sa locker nila.
“May wifi ba kayo dun?” Di alam ni Baekhyun bat yun ang una niyang hinanap kaysa sa pagkain.
“Meron, nakapunta ka na dun teh di na nga mabilang sa daliri kung ilang beses.”
“Eh kasi--,” Na-cut ang sasabihin niya nang binatukan siya ng kuwagong supot.
“Aray! Nahirapan akong plantyahin buhok ko ah!” Reklamo niya pero inirapan pa siya.
“Baka gusto mong ma-plantsa talaga ng totoong plantsa yang mukha mo? Di ka na nga pumasok ng first subject late ka pa sa pangalawa! Dahil ba yun dun sa pogi ah? Baek?”
Naglipat ng tingin si Baekhyun kasi ayan na naman ang nanay niya.
“….medyo,”
Alas, nahanap niya sa facebook ang Park Chanyeol na yun at yun nga siya.
“ANG POGI NIYA HANGGANG SA PICTURE AYOKO NA,”
Nahihiya siyang i-chat si Chanyeol pero na-add niya na at na-accept na rin siya. Isang araw, online sila parehas. Nanginginig na si Baekhyun, dapat ba niyang kausapin yung lalaking yun?
Nag-ho-hover na yung arrow dun sa screen nang biglang may mag-chat sakanya.
Akala niya paglalamayan na siya pagtapos niyang makita kung sino yun.
Park Chanyeol: Hi! Ikaw yung sa jeep diba? ;)
Nanginginig na si Baekhyun kasi kinINDATAN SIYA NG CRUSH NIYA JUSMIYO
Byun Baekhyun: Yep! Ako nga :)
Park Chanyeol: Ang cute mo pala. :D
AYAN HUH. Baekhyun = 1
Nung nakita niya yung word na “pala”, bumaba ang presyon ng dugo niya.
Byun Baekhyun: Ah, so akala mo di ako cute?
Park Chanyeol: Hindi, ano ka ba. Unang tingin ko palang sayo nung nag-a-eyeliner ka na-cute-an na ko sayo. :”>
Kinikilig ang fifi ni Baekhyun.
Park Chanyeol: Ayie kilig nay an biro lang to naman di mabiro.
JOKE LANG DI SIYA KINIKILIG.
Tuluy-tuloy lang sila sa pagcha-chat hanggang sa nagtapang-tapangan na si Baekhyun at umaming crush si Chanyeol….
BBH: Pano gagawin mo pag nalaman mong crush kita?
PCY: Oh? Alam ko na eh, pano ba yan? :)
Atapang-atao na rin siya kasi hiningi niya ang number ni Chanyeol…
BBH: Pahingi ng number mo.
PCY: 61
BBH: HUH?
PCY: 69 pala. Hahaha
Nag-blush si Baekhyun pero di niya kasi maintindihan yun ano ba yun.
BBH: Phone number?
PCY: Ah, kala ko favorite number. ;)
Nag-blush na talaga si Baekhyun nang bungga.
Naisipan nilang mag-meet kasi parehas silang bored.
BBH: Eh di san tayo magm-meet?
PCY: Saang hotel mo ba gusto?
BBH: EXCUSE ME?
PCY: Bakit?
BBH: HOTEL?
PCY: Oo, bakit? Masama ba mag-meet sa hotel?
BBH: Ah, hindi oo nga sabi ko nga.. hehe.
PCY: Hahaha. Okay lang kahit saan wag lang sa SOGO.
So nag-meet nga sila sa hotel. Literal na dun nag-meet. Antayan, tapos meet. Pero andun pa rin sila.
“Thank you pala.” Sabi ni Baekhyun at kanina pa siya nagb-blush.
“Saan naman?”
“Kasi niyaya mo kong lumabas..” Tinatago ni Baekhyun yung ngiti niya pero ANG HIRAP.
“Di naman to date.”
BASAG
“Bored lang ako sa bahay kaya kita niyaya.”
WASAK
“Wag ka ambisyosa ha?”
DUROG
“Oo oo sige okay lang ako.” Ngumiti si Baekhyun nang pilit sabay tawa ni Chanyeol.
“Joke lang di ka naman mabiro.” Nag-lean si Chanyeol hanggang ka-level na ng bibig niya ang tenga ni Baekhyun. “Type din naman kita.”
And ladies and gentlemen, yun ang nangyari kaya ang dalawang naghintayan sa hotel ay unexpected na naka-check-in na ngayon.
Bilis nuh?
--
A/N
lalalalalala hahahaha
Comments