Surprise, Surprise

Description

"Bulaga!"

"Ay butiking patay!" Tiningnan ko nang masama yung nasa likuran ko. Kung nakamamatay lang ang tingin, bumulagta na 'tong taong ito. "Anakanamanoh!" sabay palo sa braso niya. "Gusto mo ata akong magkasakit sa puso, ah."

"Ikaw naman kasi, ang seryoso mo dyan. Ano bang sinusulat mo?" sabi niya, sabay tingin sa pinagkakaabalahan ko. Bigla kong tinago sa likod ko yung hawak ko.

"Wala naman. Mga doodle lang naman..."

"Anong doodle? Patingin naman. Alam kong maganda yan, magaling kang mag-drawing, eh."

Lalo kong inilayo sa kanya yung notebook na naglalaman ng mga 'sketches' ko, knowing na kapag nakita niya, naku, malaking problema yun. Baka makita niya na... "Ayoko nga. Baka lalo kang ma-amaze sa gawa ko, main-love ka pa sa 'kin", sabi ko sabay tawa. Ang lakas ng loob mo, ateng! Push mo pa, sige!

"Hahaha. Okay lang yun. Gusto ko naman sa mga babae, creative, eh. Kaya patingin na, para mapuri naman kita kung maganda", akmang aagawin na niya yung notebook ko nung tumayo ako para umiwas.

"Hindi na kailangan! Maganda naman lahat ng gawa ko, ah."

"Paano kung pangit? Para malait ko din. Dali na," pilit niya.

"Eh di pangit na kung pangit. Wag mo nang tingnan, pangit din lang."

"Sus, pa-humble ka pa dyan. Patingin na, dali." At hinabol pa talaga ako ng loko paikot sa buong classroom. Hay, ang kulit talaga ng isang 'to pag tinopak. Na lagi namang nangyayari.

Pabilis na nang pabilis ang mga hakbang ko para hindi ako maabutan. Ang laki pa naman ng mga biyas nitong lalaking 'to. Kaya nasali sa basketball team, eh. Akalain mo yun? Forward pa ng team nila. Aba, matinde. Umikot ulit ako sa mga upuan at aakyat na sana ako sa isang desk nang may mga brasong yumakap sa akin mula sa likuran.

"Huli ka! Bakit ba ayaw mong ipakita sa 'kin yan, ha? Bestfriend mo naman ako, di ba?" ungot niya, sabay attempt para makita yung notebook. Fail, kasi kuntodo ang higpit ng hawak ko. Niyakap ko na talaga. Eh, yun na nga, eh...

"Basta. Kapag ba bestfriend, kelangan laging alam lahat? Hindi naman, ah. Bitiwan mo na nga ako, mamaya may makakita pa sa atin, isumbong pa ako sa girlfriend mong hilaw." Pinilit kong alisin yung mga braso niya, kaso ang lakas ,eh. Ano ba naman yung payat kong mga braso compared sa malakas niyang arms. And comforting ones, for that matter.

"Eh ano naman? Alam naman ni---"

"Chanyeol, ginugulo mo na naman yung bestfriend mo. Buti napagtiyatiyagaan ka pa niya," speak of the devil; nakangiting bungad ng girlfriend niyang hilaw. Just what I needed.

"Sanay na sa akin si bestfriend, di ba, besfriend?"

Yeah, right. Bestfriend.

"Uy, bestfriend?"

Just 'bestfriend'.

"Dara? Oy, wala ka nang imik dyan."

"Ha? Ay, oo..."

Bestfriend.

"Bestfriend."

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet