Reunion

[SOSHI Tales II] Happy Ending??

 

 

"Yoona! Birthday ni Sooyoung ngayon. Nakontak mo na ba siya?" tanong ni Taeyeon mula sa screen.

 

"Hoy Yoona! Ano ba ginagawa mo? Papasokin mo na kami!" sigaw ni Hyoyeon mula sa screen.

 

Pinindot ni Sooyoung ang screen tsaka lumabas siya sa bahay nila. Natulala ang tatlong kaibigan niya ng makita nila si Sooyoung nagbukas ng gate ng bahay nila. Ngumiti si Sooyoung sa mga kaibigan niya at binuksan ang pinto.

 

"Hoy! Ano bang nangyari sa inyo para kayong nakakita ng multo" sabi ni Sooyoung sa mga kaibigan niya.

 

"OhSoo!" sigaw ni Yuri tsaka niyakap si Sooyoung.

 

"Yul, musta na? Si Jessica?" tanong ni Sooyoung.

 

"Sooyoung?! Ikaw na ba yan?" tanong ni Taeyeon sa matangkad niyang kaibigan.

 

Tumawa si Sooyoung tsaka niyakap si Taeyeon. "Dandyu!"

 

"Namiss kita! Namiss ka namin. Laki ng pinayat mo" sabi ni Taeyeon habang niyayakap si Sooyoung.

 

"Kailan ba tumaba leader natin?" sabi ni Hyoyeon habang lumalapit kay Sooyoung.

 

"Hoy goldilocks" pang-aasar ni Sooyoung kay Hyoyeon.

 

"Goldilocks mo mukha mo!" naiinis na sabi ni Hyoyeon.

 

Tumawa si Sooyoung ng malakas at sumabay na rin si Taeyeon at Yuri. "Balita ko ikakasal na daw kayo ni Seohyun?" tanong ni Sooyoung.

 

"Matagal pa yun. Kilala niyo naman si Seohyun. Pero engage na kami" nakangiting sagot ni Hyoyeon.

 

"Mauunahan niyo pa kami ni Yoona" nagpanggap na nalulungkot si Sooyoung.

 

"Ikaw kasi! Teka. Kailan ka ba magpro-propose kay Yoona?" tanong ni Taeyeon.

 

"Basta.." ngumiti si Sooyoung tsaka niyakap ulit mga kaibigan niya. "Namiss ko kayo"

 

"Namiss ka namin OhSoo" sabi ni Taeyeon.

 

"Namiss kita OhSoo" sabi ni Hyoyeon.

 

"Ikaw Yul? Di mo ko namiss?" tanong ni Sooyoung kay Yuri.

 

"Namiss kita syempre!" tsaka in-armlock le-eg ni Sooyoung.

 

"Baby, sino ba yan?" bigla lumabas si Yoona sa pintuan. "Ow!"

 

"Hi Yoong, since birthday ni Sooyoung pumunta kami dito para magcelebrate sana.. Pero ito na pala si Sooyoung.." sabi ni Taeyeon.

 

"Daya mo Yoong, di mo sinabi sa amin na andito na pala si OhSoo!" reklamo ni Hyoyeon.

 

"Eh!" ngumiti si Yoona tsaka lumapit kay Sooyoung.

 

"Sorry Yoong kung nasira namin plano mo. U-uwi din kami" sabi ni Yuri.

 

"Alam mo OhSoo, minsan pumupunta kami dito. Dito kami nag new year sa bahay niyo dahil mag isa lang si Yoona" sabi ni Taeyeon habang tinatapik sa likod si Sooyoung.

 

Tumaas kilay ni Sooyoung. "Mag pinsan na manyak? Malaya nakakapasok sa bahay na toh pag wala ako?" tinutukoy niya ang mga Kim.

 

"Hoy grabe ka naman! May Seohyun na ako" sabi ni Hyoyeon.

 

"Karibal ko pumapasok dito kasama asawa ko?" biro ni Sooyoung kay Yuri.

 

"Sira! Kasal na ako!" ngumiti si Yuri pinakita niya singsing na nasa palasing-singan niya.

 

"Ikaw Yoona, kailan mo gusto magpakasal?" tanong ni Sooyoung habang niyayakap tyan ni Yoona.

 

"Ewan ko sayo! Biru-an lang ang pagpapakasal" nakasimangot si Yoona.

 

"Syempre, kailangan ko 'I do' mo" ngumiti si Sooyoung.

 

"Bakit nagpropose ka ba?" tanong ni Yoona tsaka iniwan niya ang Apat sa labas ng bahay nila.

 

"Bilis-bilisan mo na pagpro-propose OhSoo" sabi ni Hyoyeon habang nauuna itong pumasok.

 

"OhSoo, 28yrs old ka na. Dapat siguro mag settledown ka na" sabi ni Taeyeon habang sumusunod ito kay Hyoyeon.

 

"Pero wala pa sa isip ko yun" tulalang sabi ni Sooyoung.

 

"Ok lang yan, makakapaghintay naman si Yoona." ngumiti si Yuri at sabay silang pumasok ni Sooyoung.

 

Nung pumasok na si Sooyoung sa bahay nila ay dumeritso siya sa Kwarto nila. Gusto niya kausapin si Yoona dahil nagtatampo ito sa kanya. Dahan-dahan binuksan ni Sooyoung ang kwarto nila at sumilip siya dito. Binuksan niya ang ilaw at nakita si Yoona nagtatago sa comforter. Ngumiti si Sooyoung at nilapitan niya ito. Humiga siya sa tabi nito.

 

"Baby Yoongie" sabi ni Sooyoung habang niyayakap ito mula sa likod.

 

"Sorry na" sinusuyo ni Sooyoung si Yoona.

 

"Sorry, wala kasi sa isip ko ang mga kasal na yan..Akala ko kontento ka na sa ganito" hinigpitan niya pagkakayakap dito.

 

"Wow! Ang sweet mo din ha?" ngumiti ng mapait si Yoona.

 

"Baby, ano ba kinakagalit mo?" malambing na tanong ni Sooyoung.

 

"Si Yuri at Jessica kasal na..Si Taeyeon at Tiffany kasal na din..Tapos si Hyoyeon at Seohyun ika-kasal na din...Sa katunayan mas matagal pa tayo kaysa sa kanila!" sigaw ni Yoona. Tinanggal niya ang mga kamay ni Sooyoung sa bewang niya.

 

"Naiinggit ka?" ngumiti si Sooyoung.

 

"Obvious?" pilosopong sagot ni Yoona.

 

"Paano fans mo?" tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi ko naman ginusto maging artista" sagot ni Yoona.

 

"I-iwan mo ang buhay celebrity mo?" tanong ni Sooyoung.

 

"Bakit hindi?" nagsimula ng tumulo luha ni Yoona.

 

"Sigurado ka bang hindi mo ire-reject proposal ko?" tanong ni Sooyoung.

 

Hinarap ni Yoona si Sooyoung at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Sa tingin mo?"

 

"Ok..Mag iisip ako paraan. Surprisahin kita" sagot ni Sooyoung tsaka tumayo ito.

 

"Wag ka ng lumabas" hinawakan ni Yoona kamay ni Sooyoung.

 

"Baby, saglit lang toh" sabi ni Sooyoung.

 

"Promise?" tanong ni Yoona.

 

"Lumabas ka halika, inom tayo" nakangiting sabi ni Sooyoung.

 

"Kayo nalang, gusto lang naman kita masolo eh" sabi ni Yoona.

 

"Mamaya" sabi ni Sooyoung habang hinahalikan niya si Yoona sa labi.

 

"Hindi ako matutulog ha? Hihintayin kita" sabi ni Yoona.

 

"Ok, I love you!" nakangiting sabi ni Sooyoung.

 

"I love you too" sagot ni Yoona.

 

"Wow! Feel at home lang ah? Kayo pa talaga kumuha ng mga yan sa fridge namin?" tanong ni Sooyoung sa mga kaibigan niya.

 

Tumawa si Yuri halatang naka-inom na ito. Inabot naman ni Hyoyeon ang baso. Si Taeyeon naman pinipikit mata niya habang kumakain.

 

"Kumusta?" tanong ni Hyoyeon halatang wala pa itong tama ng alak.

 

"Ito ok lang naman..Kahit mag-isa lang ako sa Japan..Kaya naman" sabi ni Sooyoung habang umiinom.

 

"Wag mo na natin pag-usapan ang business" sabi ni Yuri habang naduduling.

 

"Yul, tama na pag inom" pigil ni Sooyoung kay Yuri.

 

"Hindi pa ako lasing. Hindi ko alam kung bakit umiikot kayo" sabi ni Yuri.

 

Tumawa si Sooyoung at Hyoyeon. "Hoy! Taeng, lasing ka na?" tanong ni Sooyoung kay Taeyeon na nakapikit.

 

"Di naman pinapahinga ko lang mata ko" sagot ni Taeyeon.

 

 


 

 

Na-idlip si Yoona habang naghihintay kay Sooyoung. Madaling araw na ay hindi parin pumapasok si Sooyoung sa kwarto nila. Bumangon siya para silipin ang apat sa Dining Room. Sa kwarto pa lang ay tanaw na niya ang apat na natutulog sa couch. Nainis si Yoona padabog niya niligpit ang mga kalat tsaka nilapitan si Sooyoung at ginising niya ito.

 

"Hoy!" sabi ni Yoona habang inaalog si Sooyoung pero hindi ito nagising.

 

"Hoy! Umuwi na nga kayo!" sabi ni Yoona sa natutulog na si Yuri, Taeyeon at Hyoyeon.

 

Sinubukan niyang gisingin si Yuri, Taeyeon at Hyoyeon. Pero si Hyoyeon lang nagising. Kinukusot nito mga mata niya habang bumabangon.

 

"Yoona. Andito ka pala" sabi ni Hyoyeon habang nakangiti tila lasing parin ito.

 

"Syempre bahay ko to!" gigil na sabi ni Yoona. "Gising mo pinsan mo at si Yuri, Hyo"

 

"Oo nga pala" bumangon si Hyoyeon at ginising si Taeyeon.

 

Ilang minuto din lumipas bago magising si Taeyeon. May kung anong ginawa si Hyoyeon para magising ito.

 

"Hyo, favor?" tanong ni Yoona kay Hyoyeon.

 

"Ano yun?"

 

"Pwede tulongan mo kong buhatin si Sooyoung papunta sa kwarto namin?" nahihiyang tanong ni Yoona.

 

 


 

 

"Tawagan mo nalang si Jessica, sabihin mo ipapasundo mo si Yuri" inaantok na sabi ni Hyoyeon habang pinaglalaruan car keys niya.

 

"Ok, salamat Hyo" yumukod si Yoona sa harap ni Hyoyeon

 

"Paki-sabi kay OhSoo Happy Birthday ha?" nakangiting sabi ni Hyoyeon.

 

"Ok, makakarating" gumanti din ng ngiti si Yoona.

 

"Sige Yoong, ihahatid ko pa si Taeng eh" nagpa-alam si Hyoyeon kay Yoona.

 

"Ingat kayo" nakangiting sabi ni Yoona.

 

Nang maka-alis si Hyoyeon ay agad niyang tinawagan si Jessica.

 

"Hello Jessica unnie?

 

"Oh Hello Yoona"

 

"Pwede mo bang sunduin si Yuri dito sa bahay. Nakauwi na kasi si Sooyoung tapos nag-inoman sila"

 

"Ah sure, pasensya ka na Yoong. I know my schedule ka pa bukas."

 

"Unnie, balak ko sana mag quit....."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YoongMae-ssi
#1
Chapter 1: SooNa!!! ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
shikshinhot24
#2
Chapter 1: oh shoot!!this is so ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
shikshinhot24
#3
this <////3!!!