Home

[SOSHI Tales II] Happy Ending??

 

Narrator: Belated Happy Birthday to Sunny unnie.

 

Nang maka-graduate si Sooyoung sa LSMU ay siya na pumalit sa pwesto ng papa niya. Kahit ayaw niya iwan si Yoona sa Korea ay pumunta parin si Sooyoung sa Japan. Dahil kailangan siya ng papa niya. Nag-retire na papa niya dahil dinapu-an siya ng sakit na Retinal Disease. Sa ngayon ay siya na ang CEO ng family business nila. Mahirap ito para sa first timer na tulad niya. Dahil hindi siya sanay sa ganitong buhay. Halos wala na siyang panahon sa sarili niya, dahil madaming empleyado umaasa sa kanya. Minsan, personal pa niya itong pinupuntahan. Iba't ibang bansa kada buwan.

Isang taon rin sila hindi nagkita ni Yoona, pero araw-araw silang nag-uusap sa Social Media. Kahit pareho na silang inaantok ay naguusap parin sila sa webcam. Pero hindi ito sapat. Gusto niya pag umiiyak si Yoona ay nayayakap niya ito. Para patahanin. Gusto niya palaging komportable si Yoona pag natutulog. Dahil nung nasa Korea pa siya ay ginagawang unan ni Yoona braso ni Sooyoung. Gusto niya naroon sa siya ups and downs ni Yoona. Gusto niyang nahahawakan niya mukha ni Yoona. Gusto niya itong hagkan pag nalulungkot ito. Pero hindi niya ito magawa. Pakiramdam ni ang sama niyang Girlfriend kay Yoona.

Kasulukuyan ay hinihintay ni Sooyoung si Yoona sa Dressing Room. Gusto niya sana itong panuorin habang nagta-taping pero mas gusto niya ito surpresahin sa pag uwi niya. Kahit na wala siya sa Korea ay pinapanuod parin ni Sooyoung mga films ni Yoona. Kahit na sasaktan siya habang pinapanuod rule nito sa mga movie nito. Kinuha ni Sooyoung mga magazine ni Yoona na siya ang nasa cover. May isa dito ay may pamagat na Getting to Know Im Yoona.. Binasa niya ito at napangiti si Sooyoung sa nakita niya. Picture ito ng LSMU at nasa baba nito ang article kung saan header ito. Dito ko nakilala ang Soshi Four at ang leader nila, ang taong minahal ko hanggang ngayon. Ngumiti si Sooyoung ng matamis habang nililipat page ng magazine. Hanggang sa may marinig siya mula sa labas.

 

 

"Salamat manager unnie" tinig ni Yoona.

 

"Magpahinga ka na Miss Im, wag kang magpupuyat. May Fansign Event ka pa bukas" tinig ng isang di pamilyar babae.

 

"Hindi ko maipapangako, dahil birthday ni Sooyoung ngayon" tinig ni Yoona.

 

Ackk?! Birthday ko ngayon? Tiningnan ni Sooyoung kalendaryo na nasa mesa ni Yoona at nakita niyang ang 10 sa gitna ng bilog. February 10 nga ngayon.

 

"Bahala ka Miss Im, susundu-in kita 10am, ok?" tinig ng babae.

 

"Kamsahamnida" masiglang boses ni Yoona.

 

Maya-maya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Yoona sa Dressing Room niya para magbihis at maka-uwi na. Hinanap ni Yoona bag niya dahil naroon damit na suot niya kaninang umaga. Nang may mapansin si Yoona sa Dressing Room niya. Nagkalat sa mesa mga magazine niya. Nag-simulang kabahan si Yoona, marahil may nakapasok na stalker. Naglakad-lakad siya sa Dressing Room niya at hinanap ang nakapasok sa Dressing Room niya. Dahan-dahan binuksan ni Yoona ang Comfort Room na nasa loob ng Dressing Room niya. Pumasok siya at binuksan ang ilaw, nakahinga ng maluwag si Yoona ng wala siyang makita sa loob.

Baka si Manager unnie lang yun. Lalabas na sana si Yoona ng may pumigil sa kanya, niyakap siya nito mula sa likod. Nagsimula siya matakot, pero pamilyar sa kanya ang yakap na yun. Ngumiti si Yoona at hinarap ito. Nakita niya si Sooyoung umiiyak habang yakap yakap parin siya. Tumayo ito at tinutulak si Yoona hanggang sa maramdaman niya ang pader sa likod niya. Sinimula ni Sooyoung halikan si Yoona sa labi habang nakangiti. Gumanti naman ng halik si Yoona habang kumapit sa le-eg ni Sooyoung.

 

"Happy Birthday" naiiyak na sabi ni Yoona habang nakatitig sa mga mata ni Sooyoung.

 

"Hindi mo ko namiss?" nagtatampong tanong ni Sooyoung.

 

"Kailangan pa ba itanong yun?" nakangiting tanong ni Yoona.

 

"Gusto ko marinig!" protesta ni Sooyoung na parang bata.

 

"Ang kapal mong magtanong! 1year tayo hindi nagkita tapos tatanongin mo ako kung namiss kita?!" sigaw ni Yoona. "Kung ikaw kaya nasa kalagayan ko, araw-araw akong dumadaan sa airport baka sakaling makita kita dun!" nagsimula na ring tumulo luha ni Yoona.

 

"Masama ba akong Girlfriend Yoongie?" niyakap ni Sooyoung si Yoona.

 

"Oo! Sobra! Ang sama mo!" agad-agad na sagot ni Yoona.

 

"Hindi mo na ba ako mapapatawad?" tanong ni Sooyoung habang ngumi-ngiti siya ng matamis.

 

"Minsan hindi mo pa sinasagot tawag ko!" sumbat ni Yoona.

 

"Sorry na" nakasimangot na sabi ni Sooyoung.

 

"Kung bubuhatin mo ako at ikaw magda-drive" ngumiti si Yoona.

 

"Yun lang?!" tanong ni Sooyoung habang sinusuot backpack ni Yoona sa harap niya at yumuyuko patalikod sa harap ni Yoona. "Easy!"

 

"Yabang!" nakangiti si Yoona habang nakasakay sa likod ni Sooyoung.

 

"Ano bang laman nitong bag mo?" tanong ni Sooyoung habang naglalakad palabas ng Dressing Room ni Yoona.

 

"Gamit ko kaninang umaga" sagot ni Yoona habang nakayakap ng mahigpit kay Sooyoung.

 

Nang makalabas si Sooyoung at Yoona ay madaming tao nag-aabang sa kanila. Ka-agad tumakbo ang mga security at ang manager ni Yoona para harangan ang mga fans ni Yoona.

 

"Yoona unnie! We love you!" sigaw ni babaeng fan.

 

"Noona! Siya ba si Sooyoung?" tanong ng lalaking fan.

 

"Unnie sino siya?" tanong ng isa pang fan.

 

"Unnie pa autograph!" nagsimula ng magkagulo ang mga fan.

 

"Sorry, pero bukas nalang sa fansign event magpa-authograph. Pumunta kayo ha?" mahinahong sagot ng Manager ni Yoona.

 

Nang makarating si Sooyoung at Yoona sa kotse niya ay agad pinagbuksan ng pintuan ni Sooyoung si Yoona. Masaya naman itong pumasok sa kotse ni Sooyoung at pumasok na rin si Sooyoung sa kotse.

 

"Mam saan mo gusto pumunta?" tanong ni Sooyoung habang nag-aastang driver ni Yoona.

 

"Pwede bang sa bahay nalang? Yung mahal ko kasi halatang pagod" nakangiting sagot ni Yoona.

 

"Ok mam" ngumiti si Sooyoung habang hinahawakan kamay niya at hinalikan ito.

 

 


 

 

"Wow! Ito na ba bahay natin Baby?" tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa bahay.

 

"Oo Sooyoungie, diba ikaw ba nagdesign niyan nung bago ka umalis?" tanong ni Yoona habang nakayakap sa braso ni Sooyoung.

 

"Oo, pero hindi ko akalaing...Ganito ka ganda ang resulta" naglakad si Sooyoung at Yoona papasok sa bahay nila.

 

Binuksan ni Yoona ang pintuan at agad pumasok si Sooyoung. Malaki ngiti nito habang palingon-lingon sa bahay nila. Pumasok siya sa isang kwarto. Pero bakante ito, malamang ito ang guest room. Pumasok siya sa kabilang kwarto at may mga litrato nila ni Yoona ang kwartong iyun. Nilapag ni Sooyoung ang kanya gamit at sinimulang ilagay sa cabinet ang mga damit niya. Bigla pumasok si Yoona sa kwarto at niyakap si Sooyoung.

 

"Baby, kumain ka na ba?" tanong ni Yoona.

 

"Hindi pa baby" sagot ni Sooyoung.

 

"Nagbake ako ng cake baby at nagluto. Kahit na hindi ko inaasahang uuwi ka" bulaslas ni Yoona.

 

"Halika kumain na tayo" sagot ni Sooyoung habang hinahawakan kamay ni Yoona at nagtungo sila sa labas.

 

 

"Baby, kung hindi masarap. Sabihin mo sa akin. Magpapadeliver nalang ako" nahihiyang sabi ni Yoona habang pinapanuod si Sooyoung kumakain.

 

"Baby, masarap kaya. Kumain ka na" ngumiti si Sooyoung sa girlfriend niya at pina-upo ito sa tabi niya upuan.

 

"Baby, pasensya na sinubukan ko lang lutuin yan" nag iwas ng tingin si Yoona kay Sooyoung.

"Hindi ko inaasahang uuwi ka, gusto ko sana yan ipakain ko sayo pag nakauwi ka na at.." hindi na natapos sasabihin ni Yoona ng subuan siya ni Sooyoung.

 

"Baby, kumain ka na. Ang payat mo na oh" sabi ni Sooyoung habang sinusubuan ulit si Yoona.

 

Natigilan si Sooyoung sa pag subo ng may nag-doorbell at tumayo ito para buksan ang gate.

 

"Baby, bubuksan ko lang toh. Kumain ka na" sabi ni Sooyoung.

 

Hindi sumagot si Yoona, nakatitig lang ito sa likod ni Sooyoung habang naglalakad palabas ng bahay nila. May maliit na ngiti bumakas sa labi niya. Masaya siya dahil nakabalik na ang protective girlfriend niya.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YoongMae-ssi
#1
Chapter 1: SooNa!!! ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
shikshinhot24
#2
Chapter 1: oh shoot!!this is so ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
shikshinhot24
#3
this <////3!!!