My So-called Date!

My Exotic GirL

 

(me bowing 10x) Omo! Chinggus mianhe! matagaltagal na din nung nag.update ako.. marami kasing mga gawain sa skul maka-stress at may research paper pa akong tinatapos kaya naman mukhang babagal ng kaunti ang pag.upadate ko pero sisikapin ko pag may time magpopost talaga ako! Kaya (hingang malalim) heto na ang chapter 4.. 

p.s. siguro mga this week makapost din ako ng chap 5 pero di ko mapapramis hehe..

p.p.s. @jecrisdiego salamat sa upvote hehe >///<

-Extrovelencester-


CHAPTER #4

Viel’s P.O.V

*sniff sniff* “hmm… ang aga-aga ba’t napapalibutan ang bahay ng usok?” agad naman akong bumaba upang silipin ang nangyayari sa kusina.

 

“ Omomo!! Chanie! Ano ba yang ginagawa mo?” sigaw ko sa kanya sabay patay nang stove ng nasusunog na niluluto ni Chanyeol. =_=

 

“Hay salamat… hindi ko na ata alam ang gagawin ko kung hindi ka pa nagising Pats” Chanyeol na nakahinga ng maluwag.

 

“ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mong Mokong ka at magluto?! Alam mo namang hindi ka expert dito sa teritoryo ko..”

 

“aba-aba! Kung makapagsalita ka parang bahay mo lang eh noh? At tsaka bago mo pa patuluyin yang sermon mo sakin ay maligo ka muna dun. Nangangamoy ka na!” mapaamoy tuloy ako sa aking sarili. Eew! Ang baho ko na nga..

 

“Che!.. Ay oo nga pala bago ko makalimutan may dapat nga pala akong pupuntahan ngayon”

 

“Naks.. nabanggit mo nga pala sakin kagabi na ngayon yung ‘date’ mo” sabi niya na may pangaasar na ngiti. “Ano pang hinihintay mo? Ligo na dun! Shu shu shu”  taboy niya sakin. Ano tingin niya sakin langaw?

 

Hindi.. hindi.. Viel dapat di ka dapat mastress.. may date ka ngayon dapat happy ka. Hay ano kayang mangyayari sakin sa first ever date ko? Sana maging memorable naman. Ano kayang itsura nang Apo ni Grandpa Oh? Well.. sana kasing gwapo siya ng Taemin my loves ko…

 

----

 

“Hindi ba sasabay satin si Viel?”

 

“hwag mo nang aalahanin yun. Busy yun ngayon baekhyun” sabay subo ni Chanyeol ng kanin.

 

“Busy sa ano?”

 

“Busy sa salamin” with matching smirk niyang sabi.

 

*ubo ubo* “ hahahaha nagpapaganda si Viel?! Eh daig pa nga tayo nun kung makaporma! Hahaha” muntikang mabilaukang sabi ni Baekhyun.

 

“Sa totoo lang, mahirap mang paniwalaan pero makikipagdate yung patpatin na yun..”

 

“Ibang klase naman kasi talaga ng karisma ng Viel natin.. tsk.. tsk.. tsk..”

 

“TADA!!!” at nabitawan ni Chanyeol ang isinusubong saging.

 

“Maganda na ba ako? Ok na ba itong ayos ko? Bagay ba sakin?” abot tenga kong ngiting tanong sa kanila.

At sabay napafacepalm ang dalawa , na halatang disappointed. May mali ba sa ayos ko?

 

“Viel… tapatin mo nga kami… aattend ka ba sa date o  aatend ka ng Prayer Meeting?”

 

“Ehh?? Bakit ano bang problema sa suot ko?”

 

“Viel, magiisang oras ka na dun sa kwarto mo tapos hindi mo alam kung anong problema sa suot mo?” natatawang wika ni baekhyun

 

“Bacon!! Ang aga-aga nang-iinis naman kayo!”

 

“hay.. halika nga dito” maupo naman ako satabi nilang dalawa

 

“Pats... No hurt feelings pero ang panget kasi talaga nitong ayos mo..”

 

“aba Chanie, parang sinasabi mo na ring baduy akong pumorma. Ganun ba ang ibig mong sabihin?” napatayo kong tanong.

 

“Tumpak!” walang alintanang sagot ng bestfriend ng mokong. Sasakalin ko na sana ang mokong.

 

“teka teka teka… Chill ka lang Viel” dahan-dahang pinaupo ako ulit ni Chanyeol. “hindi naman sa baduy.. kaya lang..*kamot ng ulo* Ah! May naisip ako”

 

“Ano  naman yun?” naiirita na ako sa kanilang dalawa.

 

“may mga damit pa ata si Yoora Noona sa taas. Tiyak mas maganda kung yun ang susuotin mo!”

 

“talaga lang ha! Sige na nga!”

 

After a few minutes...

 

“Oh? Ok na ba to?” nakapameywang kong tanong

 

“masyadong mahaba yung palda sayo” at pinabalik nila ulit ako at pinasukat nanaman ng bagong damit.

 

“oh, eto?” maganda na ba?” pilit na nakangiti kong tanong.

 

“yan! Ayos na yan. Bagay din pala sayo mga ganyang damit..

 

*Beep Beep Beep*

 

“Guys, andyan na ata si Manong Han”

 

“hep hep hep! Teka lang, hindi naman ata tama kung naka rubber shoes ka.. heto suotin mo!” sabay hagis ng 6 inches heels niya sakin.

 

“hindi kaya ako matapilok neto?" Sinuot ko na nga din yun. God bless nalang sakin at sa nga paa kong magaganda nito.

 

----

 

“magandang araw po Young Miss. Wow, ang ganda niyo po a suot niyo” halatang masayang Masaya si Sec. Yeul sa itsura ko ngayon

 

“hehe Thank you” abot tenga kong ngiting sabi.

 

*stomach grumbling* “Uhmm… Sec. Yeul..”

 

“Bakit po Young Miss? May nakalimutan pa po ba kayo?”     

 

“Ah wala wala… uhmm pwede ba tayong dumaan muna sa may Bubble tea shop?”

 

“bakit po Young miss may bibilhin po ba kayo?”

 

“ malamang.. hehe.. hindi pa kasi ako nakakain kanina.. Sige na Sec. Yeul..” *puppy eyes*

 

“pero Young Miss..”

 

“Please.. pretty please Sec. Yeul di ka ba naawa sa tummy bells ko?” patuloy parin ang pag pupuppy eyes sa kanya.

 

“hay.. Mr. Han bago po tayo pumunta sa Restaurant dumaan muna tayo sa Bubble tea shop”

 

“opo Maam” Yes!!

 

“yehey! Thank you Sec. yeul!” Bubble tea Bubble tea Bubble Bubble Bubble tea~

 

---

 

Someone’s P.O.V

 

“Nahanap niyo na ba si young Master?”

 

“Hindi pa nga ehh.. Saan kaya siya nagpunta? Tiyak malalagot tayo kay President Hyun nito..”

 

“tara! Di pa tayo pwede tumigil sa paghahanap!”

 

Tsk! Anong akala nila di ko sila matatakasan. Pwes dun sila nagkakamali!

 

“Ay! Butiki na palaka ka!” sigaw nitong babae sabay tapon ng bubble niyang hawak sakin.

 

“Hoy Miss! Tingnan mo nga anong ginawa mo sa damit ko!” Galit kong sigaw sa kanya. Sh*t naman kasi oh!! Badtrip na nga ako dinagdagan pa nitong pesteng babaeng to! ughhh!

 

“Naku Ahjussi.. hindi ko naman sinasadya eh..tsaka ikaw kaya tong bumangga sakin..”

 

Ahjusshi?!

 

“Ahjussi?!  Teka, ito nanaman ba ang bago niyong modus para makakuha ng autograph at picture? Ibang klase din kayo noh? Tss” napasandal naman siya bigla sa pader. Lalapitan ko na siya sana nang..

 

“YOUNG MASTER!!”  Sh*t! nahuli tuloy ako. Kasalanan talaga nitong Pesteng babaeng to!

 

“Tss…Pasala…” asan na yu..

 

“Hoy! Hindi ko kailangan ng autograph at picture mo!” Sigaw nung pesteng babae sabay kumaripas siya ng takbo. Kailan pa siya napunta doon? Ahh bahala na nga  siya. Nang dahil sa kanya mahuhuli nila tuloy ako..

 

*hingal hingal* “Young master!”  at kumaripas na din akong tumakbo paalis.

 

----

 

Viel’s P.O.V

“Manong Han bilis, Umalis na tayo!” at pinagtatapik ko ang balikat ni Manong Han. Baka habulin pa ako ng sira ulo na yon.

 

“O-Opo Young Miss”

 

“Young Miss, ok lang po ba kayo?”

 

“Hmmp! Kala niya siguro mahuhuli niya ako nang ganun ganun lang track n field runner kaya to kala niya...”

 

“Po?”

 

“Ahh.. wala sabi ko baka naiinip na yung kadate ko.. teka Sec. Yeul, Ok lang ba ang ayos ko? Hindi ba magulo ang buhok ko?” Kasalanan talaga nung loko-lokong yun kung magulo na ang ayos ko ngayon hmmp!

 

“Naku Young Miss huwag po kayong mag-alala kahit anong itsura niyo maganda po kayo..”

 

“ihh.. ikaw talaga Sec. Yeul masyado mo naman akong pinaflattered..”

 

After a few minutes nakarating na din kami sa restaurant.

 

 “Andito na ang Apo ng Song Coorporation, nahanap niyo na ba si Young Master?” Hindi mapakali sa teleponong hawak.

 

“Secretary Jung nakikipag habulan pa po kami kay Young Master..”

 

 “Whow!!! Ang ganda naman dito..” at isa-isang inilapag ang masasarap na pagkain sa harap ko.

 

“Magandang Araw po Young Miss” sabay yuko niyang sabi.

 

“magandang araw din po” nakasmile kong bati sa kanya.

 

“Paumanhin po pero maaari niyo po bang hintayin si Young Master?”

 

“Po? Wala pa po ba siya dito?”

 

“Ahm.. wala pa po..”

 

“sige.. hihintayin ko siya..”

 

“salamat po sa pagiintindi” nakayuko niyang ulit na sinabi.

 

Hayts..ano ba naman yan. Ang aga ko palang dumating baka naman sbihin niyang atat ako sa ‘date’ naming to… Akala ko pa naman late na ako yun pala siya ang late! *buntong hininga* bahala na nga siya at mas importante ngayon ay ang matikman ko itong..

 

“Young Miss!”

 

“Ano yun Sec. Yeul?”

 

“Young Miss.. hindi niyo pa po pwedeng kainin yan, kailangan niyo po munang hintayin si..”

 

“Sabi ko nga mamaya na ako kakain! Hindi pa naman ako gutom” (a/n tiis tiis din pag may time Viel..)

 

---

Sa bahay...

“Chanyeol, tawagin mo na si Viel sa taas at may dala kaming bubble tea sa kanya”

 

“Suho hyung… wala si babygirl niyo dito.. may… hehe.. may date siya ngayon”

 

“DATE??!!” nanlaking matang sigaw ni Suho.

 

---

 

“hmmm..  magiisang oras na ahh.. ba’t wala pa yung lalaking yun?” naiinip na ako sa kahihintay sa kanya at ni tikim ng pagkain dito di ko magawa..

 

“Excuse me Young Miss..”

 

“Oh? Sisiputin pa ba ako Secretary Yeul nang date ko?”

 

“Young Miss… hindi na daw makakarating si Young Master…”

 

“So? Pwede na ba akong kumain?” pakialam ko sa lalaking yun basta mapalamon ko lang mga alaga ko sa tiyan ok na ako.

 

“Huh? Opo Young Miss..”

 

Dapat ba na sabihin kong memorable tong date ko? Ehh may lahi palang Indian yung Date m Viel... wala kang nang magagawa… (a/n: So Viel ikaw lang lalamon diyan? di ka man lang ba magsha-share ng foods! pabugbog kaya kita kay C***** L**?) 

"Bakit authornim? nasa condo ba tayo? sa restaurant nga diba? ikaw tong nagsusulat di mo alam! :p"

(a/n: Ihhh..gusto mo tapusin nalang natin dito story mo?)

"sabi ko nga magsha-share ako! ikaw naman authornim di ka naman majoke.."

"Young Miss.. Sino po yang kausap niyo?" nagtatakang tanong ni Sec. Yeul.

"Ahh wala mga alaga ko lang sa tiyan..hehe" (a/n: hahapinagkamalan kang baliw.. lagot ka sakin sa next chap! alaga mo pala ako sa tiyan ha?!) 


 

So guys bitin noh? haha parang warm up pa kasi ito para sa chap 5 where everything begins Char! haha thanks for reading! dont be shy na magsuscribe and comment welcome na welcome kayo! so.. peace out!

 

 

Ayaw ko mang magkasala pero ang sarap talang imurder ang pesteng babaeng yan feel na feel pa niya talaga!!!!!!!!!!!!! kkaeppsong.... :(((( ahhhhhhh huhuhuhuhuhuhuhu

*sniff sniff*

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jecrisdiego #1
Chapter 4: Sino po ito guy?:) nasa picture sa baba.
jecrisdiego #2
Chapter 3: Omg lunchdate sa apo ni mr.Oh excited na ako. Hehehehehe.....:)