Young Miss?? Ako??

My Exotic GirL

Omomomo i think imma cry! salamat talaga avisdawn,taeminie12, krisyeolhoon09,hunyul_4ever, jecrisdiego, at piggyraban !!! YOU GUYS REALLY MADE MY DAY! at sa lahat ng mga silent readers dyan hwag kayong mahiyang magvote, subscribe, comment o message sakin! So heto ang isang mahabang chapter para sa inyo! 

happy reading!!! tumblr_inline_mnhhegD8sL1qz4rgp.gif

-Extrovelencester-


 

CHAPTER #3

(Viel’s P.O.V) 

 

*Baby koh~ may tumatawag sayo! Sige ka… pag ako yan at di mo sinagot magtatampo talaga ako sayo… sagutin mo na Baby koh~ Baby koh~ Baby koh~ Baby koh~ Baby koh~~*

 

“Yah Viel! Sagutin mo na nga yang phone mo! Nakakarindi ng ringtone mo! ‘Baby koh~’ yakks kadiri!” Chanyeol na sinisipa ang upuan ko. Di ko nga alam ba’t andito iyan ngayon at nakikimovie marathon sakin.

 

“Hindi nakakarindi si Laurence! Hmmp!” at sinagot ko na din yung tawag.

 

“Hello?” *subo ng popcorn*

 

*Good morning po Young Miss… Si Secretary Yeul po ito. Salamat naman at sinagot niyo na ang phone niyo*

 

“Oh! Goodmorning din Secretary Yeul. Ba’t ka napatawag?” sabay kuha ko ng popcorn sa bowl ni Chanyeol, ubos na kasi yung sakin.

 

“Huwag mo nga agawin popcorn ko! Kasalanan mo yan na inubos mo agad yung sayo!!” na tinatakpan ang bowl niya.

 

“Damot…” dinilaan niya lang ako.

 

*uhmm… Young Miss gusto ka raw po kasi makausap ni President Song.*

 

“Ngayon na?? ano raw po ba ang kailangan ni Popsie?”

 

*Di ko po alam Young Miss pero utos niya po sakin na papuntahin ka dito ngayon. Pinapunta ko na nga diyan si Mr. Han para sunduin ka.*

 

“Okay…”

 

*yun lang po ang nais kong sabihin Young Miss… have a good day.*

 

“Same to you!!” at inend niya na din ang call.

 

“oh? Anu daw sabi ni popsie mo?” tanong niya na busing busy sa pagkain ng popcorn.

 

“Ayun, gusto niya daw ako papuntahin dun sa mansion. Gusto mo sumama?”

 

“Sa mansion niyo? No thanks! Baka ipalapa  pa ako ni popsie mo dun sa mga aso niya”

 

“Hmmm.. bahala ka” at umakyat na ako sa taas para magbihis.

 

After 10 minutes…

 

*beep beep beep*

 

“Viel! Sundo mo andyan na!” Sigaw ni Chanie.

 

“OO, bababa na!” dali dali namang akong tumakbo pababa.

 

“Ingat ka dun ha… at siguraduhin mong babalik ka dito. Baka kunin ka nanaman ng lolo mong yan…” Infairness naman concern ang Chanie.

 

“Yiee! Concern ka rin pala sakin Chanyeol?”

 

“Kahit sakit ka sa ulo Viel mahalaga ka samin ni mama at noona. Pati narin sa mga hyungs ko syempre.”

 

“Achichi! Nageemote si Chanie ko ohh!” at bingyan ko siya ng isang mahigpit na hug.

 

*Beep Beep Beep*

 

“Sige, alis na at hinihintay ka na ng lolo mo” sabay tulak niya sakin palabas. Hindi ko talaga maintindihan si Chanyeol. Kani kanina lang parang ayaw niya akong papuntahin doon. Tapos ngayon parang siya pa yung atat na paalisin ako =_=

 

“Magandang araw po Young Miss” Bati sakin ni Manong Han habang pinagbubuksan ako ng pintuan.

 

“Hello din Manong Han!” at pumasok na ako sa Kotse.

 

Lumipas ang ilang minuto.. nakarating na din kami sa Mansion. Pinababa ako ni Manong Han sa tapat ng Bahay kung saan sinalubong ako ni Secretary Yeul at ng ibang maids ni Popsie.

 

“WELCOME HOME Young Miss!!” Sabay-sabay nilang bati sakin .

 

“Tenk yu! Hello din sa inyo!” *kaway kaway*

 

Pumasok na din kami sa loob.

 

“Butler Seo!!” agad kong sinigaw sabay yakap nung nakita ko siya.

 

“Ahh.. Uhmm.. Young Miss...” na animo’y nahihiya sa ginawa ko.

 

“I miss you Butler Seo!.. Naks naman... poging pogi ka pa rin ah..” sabay hawak ko sa dulo ng kanyang Americana Suit.

 

“Young Miss... ipagpaumanhin niyo po pero hindi po kayo dapat nagiingay”

 

“Eto namang si Butler Seo, hindi ka na nasanay sa golden voice ko... hindi mo ba ako namiss Butler Seo? Grabe ka naman.” Agad naman akong napacross arms at napabalin sa iba.

 

“Ehem.. Young Miss.. wag na po kayong malungkot… namiss ko rin naman po kayo..” nakangiti niyang sabi.

 

“Talaga?*insert me smiling* Sureness?? Peksman?”

 

“hehe.. opo Young Miss..”

 

“ayun! Ngumiti ka rin Butler Seo! Dapat palagi kang nakangiti kasi mas lalo kang pumopogi, diba Secretary Yeul?”

 

“huh? Ah.. ehh.. Opo Young Miss”

 

“Asus! Oh ba’t ka namumula Butler Seo? Ayieee! Kayo ha.. may namumuong love team na pala dito sa Mansion ni Popsie” napangiti naman silang dalawa.

 

“Po? Young Miss?” namumulang tanong ni Sec. Yeul.

 

“Well... basta  Yeul Unnie brides maid ako huh! Teka, saan nga pala ang napakamamahal kong Popsie?”

 

“ Ahm.. nasa op..” di ko na pinatapos si Butler Seo at kumaripas na akong tumakbo papunta sa Headquarters ni Popsie. Yeah yeah as always dun ko naman talaga parating nahahanap si Popsie ehh.

 

“I’M HOME POPSIE!!!” nakangiti kong sigaw sabay bukas ng pintuan ng kanyang opisina ni Granpa na napahinto at nanlaki ang mata ng makita at marinig ang golden voice ko.

 

“Eris, hindi ka ba marunong kumatok?!” striktong salubong niya sakin.

 

“Ahh.. Sorry Po...” sabay gaya ko dun kay Chichay.

 

“Siya ba yung sinasabi mong apo kumpadre?” nakangiting tanong ng isang matandang kausap ni popsie at para bang tuwang tuwa siya sa grand entrance ko na siyang kinakunot ng noo ni Popsie my dear.

 

“Hello po! Opo, ako po pala si Eris Viel Song –Dimakundangan 19, 5’8 sweet and sour.. Phil.. I mean KOREA!!! hehe… magandang araw po sa inyo.. ikinagagalak ko po kayong makilala..” at ginawa ko yung 90° bow sa kanya at napangiti naman siya dun.

 

“haha… nakakatuwa ka naman pala iha…”

 

“Eris , umayos ka nga!” Suway sakin ni Popsie pero di ko narinig.

 

“Talaga po? Haha salamat naman po Mr.?”

 

“tawagin mo nalang akong ‘Grandpa Oh’ ”

 

“sure po… no probs.. ang saya naman mayroon na akong Popsie at may Granpa Oh pa ako! Nice meeting you po.”

 

“ako rin iha... tiyak matutuwa siya sayo pagnagkakilala na kayo bukas”

 

“ha? Ano po?”

 

“Eris mabuti pa atang lumabas ka muna dahil di pa natapos ang usapan namin ni Mr. Oh. Ipapatawag nalang kita mamaya”

 

“ok po popsie!! Sige po grandpa Oh labas na muna ako, magchickha minute muna kayo ni Popsie” at nagbow ako ulit sa kanya.

 

“nakakatuwang bata…”sabay tawa niyang sabi.

 

“YOUNG MISS!” hingal na hingal na tumambad sakin pagakabukas ko ng pinto si Sec. Yeul at Butler Seo.

 

“oh?? Gusto niyo ng tubig?”

 

“Young Miss, ba’t po kayo pumasok sa opisina ni President eh hindi pa po kayo...”

 

“hep hep hep! Butler Seo bago ka magpatuloy sabayan mo muna ako..” *inhale* *exhale* *inhale* *exhale* at ginawa naman ni Butler Seo.“ Choks na? Sige patuloy”

 

“Young Miss, sabi po kasi ni President sa inyo na habang andito po kayo sa masyon dapat po daw kayong gumalaw na parang…”

 

“ Parang ‘Young Miss’  talaga.. hay naku Butler Seo hwag ka nang mastress sa akin pwede?”

 

“Opo, Young Miss”

 

“Ang bait niyo talaga… hmmm sige dahil diyan may premyo kayo!” agad ko naman silang hinilang dalawa sa may sala para di naman boring kakahintay kina Popsie matapos.

 

“Young Miss, ano pong ginagawa niyo?” nagtatakang tanong ni Sec. Yeul.

 

“Sec. Yeul, ano ba ang gamit ng T.V.?”

 

“Para po manood ng mga palabas Young Miss”

 

“ Edi yun! Manonood tayo ng palabas!”

 

“ Pero Young Miss ...”

 

“hay.. walang Kj Kj ngayon pwede? Anong silbi nitong Touchscreen na pagkalaki-laking T.V. ni Popsie kung hindi naman gagamitin...”

 

Basta nasa mansion ako.. asahan niyo na  talaga na magigimbal ang napakasolemn na palasyo ni Popsie my dear. Well #1 bisyo ko talaga pag nasa mansion ako ay ang magingay na magingay. Napakaboring naman kasi kung mananahimik lang ako sa 3 palapag at may malawak na espasyo na bahay na to. Sabagay, si Popsie lang naman kasi ang nagsestay dito. And #2 ang pagmomovie marathon with matching popcorn, chips, cookies and drinks.

 

At Kung tinatanong niyo kung bakit ako dun kina Chanie nakatira ehh malaki naman pala ang bahay ni Popsie ko dito. Isa lang ang masasabi ko diyan, gusto niyo bang mamatay ng maaga si lolo ko sa Highblood at altapresyon? Sa sobrang hyper ko malaking NO NO ako sabi ng Doctor niya. Kaya ayun minsan lang ako dito sa mansion.

 

“Sige! Patayin mo!! Patayin mo na yang pesteng bruhitang babae na yan!” sabay subo ko ng popcorn at pagchicheer sa bidang babae.

 

 “Ako na ang bahalang kumausap sa kanya…”

 

“Oh.. ayun pala siya..”

 

“ang batang yun talaga..”


“Sige, kumpadre aalis na ako.. salamat sa oras mo…”

 

“President!!” agad napatayo sa kinauupaan si Secretary Yeul at sabay kalabit niya sakin.

 

“Ano ba?” nagcoconcentrate pa ako sa panonood.

 

“Yo..Young Mi..”

 

“teka, ano ba? Huwag naman kayong distorbo. Nanonood aki dito…”at sabay wasiwas ko ng aking balikat .

 

“Ehemm!!”

 

“Ano ba ka…” napanto kong tanong nang malingonan ko si Popsie na siya pala ang nasa likod ko.

 

“Eris! Pumasok ka sa loob.”

 

“naku lagot…”

 

-----

 

Mahirap talaga kapag nasa mansion ako. Parati akong nasa ‘HOT SEAT’. (>.<) 

 

“Ilang beses ko nang sinabi sayo na pagpupunta ka dito. Umayos ka.”

 

“Popsie naman…”

 

“Pwede ba, huwag mo nga akong tawaging “Popsie” Eris Viel, act like a Young Miss.” Agad ko namang inayos ang upo ko.

 

“Ba’t niyo po kasi ako ipinatawag?”

 

“sa susunod na magkita kayo ni Mr. Oh, umayos ka sa pakikipag usap sakanya hindi yung... ganyan ba ang pagpapalaki sayo ni Victor?!”

 

“Popsie, huwag na po kayong mastress. Hindi na po mauulit yung kanina..”

 

“Eris, pinatawag kita dito dahil napagusapan naming ni Mr. Oh na magkaroon ka ng lunchdate sa kanyang Apo.”

 

“Popsie! Lunchdate?!”

 

“Oo, magkakaroon ka ng lunchdate kasama ang Apo ni Mr. Oh”

 

“Pero Popsie.. wala pa akong experience sa mga date-date na yan. Tsaka, ba’t niyo naman po naisipang magkaroon kami ng date ng apo ni Grandpa Oh?”

 

“Eris, matagal na naming napagisipan ni Hyun (Mr. Oh) na ipagkasundo ang isa sa mga anak naming yun nga lang hindi natuloy kaya nagaon naisipan namin na sa apo na lang.. tutal pareho naman…”

 

“Popsie! Hindi naman ata tama na ipagkasundo niyo ako? Heller... Granddaughter niyo po ako Popsie!” pagputol ko sa sinasabi ni Popsie.

 

“Eris. Saan mo ba nakukuha yang mga salitang yan?”

 

“Gaya po ng ‘heller’? ah.. para rin po nyang ‘duh’..”

 

“Ikaw talagang bata ka.. basta  bukas na bukas dadalo ka sa lunch date niyo ng apo ni Mr. Oh. Sa ayaw mo o sa gusto!”

 

“Pero Popsie…” di ko na natuloy ang sasabihin ko sa pagpasok ni Butler Seo.

 

“ihatid mo na siya kila Mrs. Park”

 

“Opo. President Song..”

 

Kalurkey to tha max naman tong si Popsie  ohh.. may lunch date pang nalalaman. Hindi ko pa nga naeexperience magkaroon ng date sa buong buhay ko tapos ito agad? Wow naman ano kayang magyayari sakin bukas. Sigurado, pagbinalita ko to kay Chanie tiyak pagtatawanan ako nun. Hayst.. Viel..Viel.. Viel.. Goodluck nalang sa Lunchdate mo.


 

 

 

   

hahahahaha lol! sige guys next time naman!! pai pai~~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jecrisdiego #1
Chapter 4: Sino po ito guy?:) nasa picture sa baba.
jecrisdiego #2
Chapter 3: Omg lunchdate sa apo ni mr.Oh excited na ako. Hehehehehe.....:)