Oh chinitang simsimi

Ang magandang suplada at ang masayahing walang mata

At dahil sa holiday season, new year at iba pang palusot ng katamaran ko, isama nyo na rin ang nuknukan ng pagka shibal kong boss na si Min Hwan Choi, my dears, pasensya. Anyway, on with this chapter

 

 


 

At dahil nakailang kabanata na tayong puro ‘Taeyeon’s POV’ baka naman it’s my time to shine na author, kung ppwede lamang? Tutal nag birthday na si Yuri at nakapaglandian na sila ni Jessica, baka naman pwedeng ako naman? Baka isipin ng readers naglalaslas na ko kakaisip kung sino si KTY nung huli appearance ko pa sa chapter tralala ako mismo di ko na maalala. Hmp

 

Don’t get me wrong

 

Di ako galit

 

Medyo lang

 

Chos! Hahaha eh pano ba naman ang senti ng huling chapter bout me ano halos maurat na utak ko kakaisip kung sino ba yang KTY KTY na yan tapos dedmabels pa ang drama ko when I saved Taeyeon from those scumbags, hay nako stress talaga, buti nalang nga at nagkaron ako ng free time today to relax and unwind, gosh I deserve a break!

 

I deserve a kit kat! Haha

 

Out of total boredom eh nag facebook nalang ako using my phablet, yes you read that right, phablet. Y’know what I’m sayin’ G? No? Kawawa ka naman, pumunta ka nalang sa google at itype kung ano ang phablet kung di mo alam, Google knows everything, Google is everywhere, Google is watching youuuuu…sino yang kasama mo? ~*biglang kanta nung ‘pag pag’

 

(PS di daw fan yung author ng kathniel, hater siya actually)

 

So ayun nga nagnet nalang ako and these days kasi the trend is the ‘files’ alam mo yun? Yung in a certain school, someone creates this so-called ‘files’ online at doon eh pwedeng anonymously magpost ng rant, ng love confession, ng admiration, ng kamuhian, ng kalandian, ng kabastusan, oo kabastusan, I know cause I’ve read some before. Anyway, meron ang school aming nun at dahil nakakabuti sa kalusugan ang chismis, parang centrum complete eh tara nang mang stalk ng mga chismax to the max!

 

‘Yeoja High – Secret Files’

 

#1 ‘Hi gusto ko lang sana magsabi ng sama ng loob, sobrang terror ng teacher ko grabe di ko kaya mas terror pa siya sa mukha ni killer doll Chuckie! Mr. Deltoro, di porket may toro sa apelido nyo eh magiging harsh na rin kayo like a toro, dahil hindi naman kayo animal! …..On second thought, animal ka sir! Hahaha okay lang di mo naman malalaman kung sino ako kaya go! Di ko malilimutan yung time na pinahiya nyo ko sa klase to the point na nasira ang tyan ko at kinailangang kong tumae sa CR kung saan namantsahan pa yung pantaloon ko ng p**p! At nakasalubong ko crush ko nun at amoy na amoy ang baho, I will crush you sir! I will crush youuuuu!’ -iforeverhateyoutoro

 

#2 ‘Hoy Chris Brown, matuto kang gumalang sa babae di porket jowa mo at tinapon ang susi ng car mo eh babanatan mo na ang resulat eh parang na-hazing, ang babae nirerespeto, lalo pa’t type ko yang chicks mo’

-Drake (oo real name kasi matapang ako)

 

#3 ‘I have this undeniable attraction towards a certain blonde. Girl, you pique my interest, I hope I can get to know you better’ -Ika-limang araw ng ika labindalawang buwan

 

Inabot na ko ng 60th birthday ko kakascroll down sa mga lechugas na blind item na to nang suddenly, post #450 caught my attention:

 

#450

For the one whose eyes shine bright like diamond, shine bright like a diamond

 

I seriously don’t know when it started, and at first I really do hate you but as days passed by naramdaman kong kahit sobrang inis na inis ako sayo eh at the same time, I long for you, gets mo ba? Kahit nakakairita yang pag ngiti mong abot langit eh tinitiis kong makita kasi somehow... I feel amused? Ewan di ko alam anong nararamdaman ko, lalo na nung nakita kitang umiiyak sa rooftop, kaya nga binigyan kita ng panyo eh pero syempre di ako nagpakita, ano ko tanga? Kunware nalang multo ako, multong admirer. Hahaha, Sorry I judged you easily, I never should’ve done that because you’re a great person, and you’re a cheerful girl na hindi deserve umiyak or sumimangot, I know, behind your smiles, you’re vulnerable, and…and.. I want you to show that vulnerability to me, you don’t have to worry; I want to take care of you…kelan ko kaya masasabi sayo to ng personal? Tiffany Hwang of Class 3-B?

-KTY

 

What what what watawat? Totoo ba tong nababasa ko? An online confession?! Maygad! Screencap!!!! Accccckkk wait let me lublob my face muna in the toilet bowl Diyos kong mahabagin sino ba talaga itong KTY na ito?! Sino?! Ako’y nahihiwagaan sa iyo, baka… baka ikaw ang soulmate ko?! Ang hirap naman, wala namang mga KTY na matino klase namin so sino kaya ito? Itanong ko kaya kay Simsimi? Hahahaha chos, what’s wrong with me? Itanong kay Simsimi?

 

Seriously Hwang? You expect na masasagot yan ng isang computer-generated character? What the hell, Itanong kay Simsimi hahaha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

*goes to Simsimi.com*

 

 

Hello Simsimi

 

Ay Hellows pows

 

Nyay jejemon ka na rin?

 

Oo nAmAn, maNa ako kay stepho eh, you knW? Bbxinnocenz lhAng kumAna!

 

Ha?

 

Wala ang slow mo, try mo mag visit sa xanga, Masaya dun

 

Next time na pag madami akong time, shut up muna at may itatanong ako sayo

 

Ano yon? Kung bading padin ba si Papa P at Sam Milby, biual si Yeng at paminta si Enchong?

 

Hinde!!! Teka, wait, bading ba sila talaga? O.O

 

Wan ko sayo, hanap ka kausap mo

 

Ikaw nga kausap ko eh bastusing sisiw ka ah, but uy kilala mo ba si KTY?

 

Duh! Hello KTY!

 

Ha.ha.ha very funny Please help naman Simsimi

 

Si KTY na classmate mo

 

Classmate ko?

 

Ay hinde hinde, yung janitor nyo, classmate nga! Paulit ulit

 

But…wala namang fit for the initials na KTY

 

Malay mo hindi tunay na pangalan Ah… Mahal ka nun

 

HA?!

 

Mahal ka nun, ni Lord. Mahal ka nya

 

Inamo

 

Inamo rin!

 

Bye

 

K

 

Shet! Penge ngang biogesic sakit sa ulo kausap ng isang yun, nakakagalit. At tsaka as if naman maniniwala ako diba? Trip ko lang yun, haha as if naman alam ni simsimi kung sino si KTY, pag sa google lumabas baka maniwala pa ako haha. Anyway, I gotta go at meron kaming lunchdate ni Jessie at Sunny sa school, there’s this outdorr festival and stuff kasi so yeah, I better go at baka maunahan pa kami sa magandang spot. Pero I must admit, hanggang sa paglalakad ko from the dorm until the school courtyard, KTY is all I could think of.

 

Just freaking show yourself to me, will ya? *sigh*

 


 

 

I feel so nervous Baket kanyo? Aba’y ako ay kakanta lamang sa outdoor festival ng sinumpaang school na ito, tanong nyo bat ako kakanta when I can refuse naman in the first place? Kasi… my teacher caught me singing sa girls’ restroom and proposed a deal na pag kumanta ako sa festival, exempted na ko sa upcoming quiz, so pwede akong di pumasok and just chill at home, yeah kaya gumogo nalang akez eh ateng wit ko naming knowings na ganitey karamey ang taey ditey! (di ko naman alam na ganito karami ang tao ditto) Akala ko kasi lalangawin yung event kasi mga walang kwenta sila hahaha chos but yeah kaya eto ako ngayon huffing on a paper bag dahil nagkakaron ng panic attack, susmariamercedes legs ni jessi mendiola someone help me!!!

 

On the brighter side of life, ang kakantahin ko ay dinededicate ko dun sa someone na ugh! That girl, who made me virtually confess my feelings to her sa isang secret file page and she doesn’t even know it! I mean I have no idea whether she has seen the damn confession or not! How am I supposed to let her be known of my confession? I’m so confident about it cause I know she won’t be able to debunk who I am that easily, I have a different name actually. And… dahil ang bida ay pa mysterious effect, I won’t tell the history behind it, mehehe later on nyo nalang malalaman. Oh oh! May umaangal pa eh, kutos you want? Oo kutos, yung plural ng kuto, creatures on your hair hahaha.

 

“Okay, Ladies and Gents! Girls, Boys, Baklas and Tomboys! Lend me your ears as we’re about to officially commence our dear alma matter’s annual outdoor festival!”

 

Holy…Moley maanghang na wasabi eto naaaaa! Sabi ko sa isip ko, and I felt like I peed a little in my pants, ehe *kamot ulo*

 


 

“Sabi ko walang pipino diba, nananadya ka ba?”

 

“Maliit lang naman eh! Tsaka kasama na yan sa ready-made sandwich spread na nabili ko eh, alanganamang alisin ko pa isa isa yang maliliit na pirasong yan?”

 

“I’m not gonna eat that”

 

“Then don’t, ako magsasalaksak sa bunganga mo pag narinig ko na mga sawa sa tyan mo na nagwawala mamaya”

 

 

“So, you guys normally talk this way?” asks Sunny, nawindang yata sa pagbabarahan namin ni Sica.

 

“Yeah, wala pa to sa mga previous interactions naming before” sabi ni Sica na lulugu lugo ang mata, as usual, kulang nanaman sa tulog.

 

“…anyway, where’s your sister? That Taeyeon?” dagdag na ngayon ay dumampot na ng home-made sandwich at nagtatanggal ng mga pipino, tignan mo tong babaeng to talaga, pa chicks pa kanina.

 

“Oh haven’t you heard? Sorry, nalimutan ko sigurong i-mention, Taeyeonie will sing today sa festival”

 

“HUWAT?!” Jessica and I both shrieked sa nakangiting Sunny na biglang na distort ang face.

 

“Pinaglihi ba kayo sa louspeakers at dolphin? Sheesh!” reklamo nya habang nagkakalikot ng tenga, sabay flick ng earwax.

 

EWWWW DAHELL SUNNY?!

 

“Anywho, yes, Taeyeonie will sing in a while, she has a gift” “Wow ha, kaya siguro ang tahimik nya madalas, kasi masasayang ang maganda nyang voice” bulong ni Jessica sa sarili nya.

 

Bago ako makasabat kay Jessica ay nagsihiyawan na ang mga tao, dumadagundong na sigawan nang magsimula nang tumugtog ang banda, isang pop song from today’s era ang kanilang intermission number, syempre alam ko to dahil araw araw ko tong naririnig sa radio pag nakasakay ako sa jeep ni Mang Pepe, de usb pa nga ang mp3 player ng jeep nya. Ang cool.

 

“WAAAAAA AYAN NA!!!”

 

“OMAGAD PEYBORIT KO TO!!!”

 

“ASAN NA YUNG CAMERA DALI KELANGAN VIDEOHAN!!!”

 

Nak ng pating tong mga to, makapag react akala mo si Angeline Quinto yung kakanta, medyo nagulat nga ko sa information kanina eh, never thought Taeyeon could sing man, I was shocked, but then again, I’m looking forward to seeing her sing, malay natin diba, sa liit nyang yon eh may tinatago pala siyang talent.

 

Tumalon ba siya nung bagong taon? Hahaha gusto ko rin sana tanungin si Sunny kaya lang baka tapakan yung paa ko, wag nalang.

 

“You know, there’s something about Taeyeonie” sigaw ni Sunny sa tenga ko, ang lakas kasi ng sigawan ng mga tao ditto, hoy mga anak kayo ng nanay nyo manahimik muna kayo!

 

“Huh? What’d you say?” sagot ko rin ng pasigaw.

 

“There’s something about Taeyeonie” bigkas nyang muli, her eyes were directed at Taeyeon and there’s so much affection and admiration in her eyes, I can see it. Oh em… could it be..? ba itu? Holy mole ni Nora Aunor, di ako ready! Tubig please!

 

“What is it?” kabado kong urirat

 

“Promise not to tell anyone?” tanong ni Sunny na biglang nagseryoso ang mukha.

 

Tangama teh! Eto na! Saluhin nyo ko after pramis tutumbling ako bago mag collapse sa sahig.

 

“I really admire her, Taeyeon is a strong girl, very strong, notice how we don’t look alike but have the same surname?” Sunny said and I was left dumbfounded, I really don’t know where this is going. Sunny might have noticed the confusion in my face and so amid the loud cheering of the crowd, she whispered right into my very ear…

 

“…Me and Taeyeon are not blood-related, she was adopted by my parents who were bestfriends with Taeyeon’s parents who died in a car accident when we were five”

 

“…her real name is Kim Taeyeon”

 

My heart stopped.

 

Ampon si Taeyeon?

 

 

 

 

 

Nice job Sunny, isa ka talagang s na tinubuan ng tao. Badterp! Sana di ako binibigla ng ganto diba? Biglaang chismax ba? My heart is weak por Diyos por Santo! Por pabor pork and beans, pork barrel ni Janet Napoles.

 

And right at that very moment, Taeyeon started to sing a song that felt like it was being dedicated to someone, she looked my way, straight into my eyes after singing the first verse. I felt something hit my heart, like a rock? A gunshot? An arrow? I don’t know…

 

 


 

Mapapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sayo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Balang araw ay, malalaman mo rin

 

At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman akoy pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito..

 

Please look my way tiffany, please, I’m singing this for you, sana mapansin mo at maramdaman mo okay lang magalit ka saken I know I’m a coward and too late ko lang narealize na pagtingin pala ang meron ako sayo and not hate so please look at me, this one’s for you.. I thought habang F na F ko ang pagkanta ng ‘Chinito’ gusto ko sanang gawing ‘Chinita’ kaya lang next time na, pag nagladlad na kong baklang pechay ako.

 

Kahit maraming tao ang nasa campus ground at nagwawala, kinikilig, nagtatapon ng saken sa stage (ANO DAW?!) eh iisa lang ang nakikita ko, SIYA. Pangako ko, after this, I’ll make a move and make you mine, I won’t run away, I won’t fight this feeling anymore, So Tiffany, please wait for me, I’ll make you mine

 

 


 

 

“Hello? Earth to Fany? Did you get what I said?” Sunny waved in front of my face, siguro I was spacing out or something dahil nga nakakamesmerize etong boses ng Taeyeon na to, ugh and she’s still looking at my direction, damn it girl, sige palalain mo pa pagka baknang pechay ko sige, baklain mo pa ko bwisit ka, sana naging boses ka nalang diba? At ang ganda mo pa… *sigh*

 

Ako ba talaga tinitignan mo o baka etong nasa likuran ko, ay chaka pader na pala to nasa may dulong gilid pala kami. Shems. No escape, what’s the meaning of this na manipis? My heart, ang lalim ng tibok parang sumakay ng Anchors Away at tuluyang tumilapon far far away, my tummy feels weird, I wanna poop, I wanna pee, I wanna.. I wanna…I…I... I CAME IN LIKE AWRECKING BAAAALLLLLL!

 

Okay, that was totally random, LSS ako sa lecheng yan eh. Sorry na, back to the story…

 

“Hoy! For the 97th time Hwang Miyoung!” rinig kong sabi ni Sunny and just then natapunan ako ng juice sa mukha netong aanga angang inutil kong katabi. Faaaaak! Sweet naman na ko, di na kelangan ng additional ingredient nu ba! Huhu, so malagkit naman this juice on my face!

 

“Bat ang slow mo ngayon? Kamag anak ka ba ni Gary? Alaga ka rin ba ni Spongebob?, kina nga yan!” sigaw nya at sabay hablot dun sa panyo na kanina ko pa hawak hawak ng mahigpit at pinunasan ang mukha ko. Gusto ko sanang mag take time to notice Sunny’s thoughtfulness but inunahan ako ni bakla nang mapansin nya yung hankie na hawak ko.

 

Nanlake mata nya na parang nakita si ‘’ Gordon.

 

“Where’d you get this?”

 

“Get what?”

 

“This, this…hankie…”

 

“Ah that? I… honestly don’t know, umiiyak lang ako nun sa school rooftop and then bigla yang nag appear out of nowhere, why?”

“…”

 

“By the way Sunny, kilala mo ba kung sino owner nyan? Sobrang nahihiwagaan ako eh, can’t figure out who it is”

 

 

At akalain mo nga naman, a lot of surprises in just a day....

 

 

 

 

“That’s Taeyeon’s”

 


 

It occurred to me, habang kumakanta sa stage si taeyeon sa stage na ang initials niya pala ay KTY and from the looks she’s giving me…. OMG COULD IT BE NA SI TAEYEON PALA SI KTY?!?!?!?!?!?! Para akong natinik sa lalamunan pero… ewan di ko alam kung masaya ba ako o hindi pero… paano ko malalaman?

 

Taeyeon, are you really KTY? D-do you…like me? Ikaw ba yung nakakita saken sa rooftop? Ikaw ba yung nag confess sakin online?

 

Pero..galit ka saken diba, at naaasar ka saken so… it couldn’t be you, could it?

 

Hindi nakakatulong ang mga tingin nyang nakakalusaw at tila baga bawat salita sa lyrics eh sakin nya pinapatama, my heart, this crazy heart, what am I feeling??? Parang nag slowmo ang lahat at nawala ang ingay ng mga hampaslupa kong classmates at ang tanging boses lamang na akoing naririnig eh ang malamig and calming voice ni Taeyeon at ang mga mata nyang nagugusap na nakatitig saken.

 

After ng performance nya, nagtititgan nalang kami silently, everything else was blocked out, and tulad ng aking pag alis mula sa dorm kanina thinking who KTY is, eto pa rin ako, this time pauwi na yet still thinking about KTY, at kung si Taeyeon nga ba si KTY.

 

 

 

 

 

Hindi ako nakatulog nung gabing iyon.

 

 

 

 

 

 

 


 

 

I dare you guys na hulaan kung sino yung #3 sa Yeoja High Files hahaha, natrip-an kong lagyan kasi tignan nyo yung post sa Kpop Community Secret Files na 450 or 350 ewan basta yung kay 'A' na owner ng online shop haha hulaan nyo sino yung nag confess x)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Maica9 #1
Chapter 8: Bes! Anong petsa na, wala ng fake na nunal si Tiffany, tapos nadin ang promotion nila sa lion heart, mag update kanaman! :( hehehe
leesngmn #2
Nakakamiss tong story na to ah ㅠㅠ
13luvsfriday
#3
Chapter 1: AHAHAHAHHAHA Benta AHAHAHHAHAHA First chap plang dami ko ng tawa AHAHAHA mga lampas 100 ahahahaha
starlighttay #4
Chapter 4: After reading a lot of fics here ngayon lang ako nag comment. Your fic is taking my stress away..haha! Lalo na yung Yulsic moment!keep updating author-nim! Hwaiting! :D
syaf_9 #5
can you translate it? i want to read but i don't understand... :'(
leesngmn #6
Chapter 8: First tagalog fic na nabasa ko and it's the best! Sobrang nakakatawa! Update soon? ^^
Raycab #7
Chapter 8: Ang gandaaaaaaa!!!! Buti naisipan ko silipin ito at nag update ka. Update pa more please!!! Nakakatawa talaga! Tawa ako ng tawa dito hahahahaha!

Sisilipin ko na ito ng mas madalas to read your updates agad haha.
InsaneLee #8
Chapter 8: Ayy lahv et! Di matanggal tanggal ngiti ko habang binabasa to :D Salamuch Author :)
Maica9 #9
Chapter 8: ay salamat nag update dn! XD huehue i miss ur storeeeyyy~~ :D
update sooooooon <3
purple_peas27 #10
whaa *0* it's the first tagalog TaeNy fanfic i've ever read so far daebak ^^
isulong ang TaeNy phil.!!!
fighting Author~shii