Chapter 1

PHOTO SHOOT
Please Subscribe to read the full chapter
Chapter 1 You 7 years old : Joonmyun 8 years old       "Joonmyun!" tinawag mo si joonmyun habang tumatakbo ka papunta sa kanya. Naglalaro kayo sa gitna ng ulan dahil mahilig kayo sa tubig. Lumapit siya sayo at hinila ang kamay mo.    "Bakit?" tinanong mo sa kanya, may binigay siya sayo na boat na gawa sa popsicle sticks, kulay violet medyo maliit lang at may nakasabit na flower sa flag.      "Anong meron dito Junmeng ...Ha?" tinitigan mo lang yung boat, ngumiti lang siya sayo kasi wala na siyang masabi. Walang tigil ang pag-ulan pero masaya parin kayong dalawa na nagtatampisaw. Pumunta siya malapit sa dagat at umupo, ikaw naman na bestfriend niya sinundan siya at sinamahan.   "Hindi mo parin sinasagot tanong ko iihh!" pilit mo siya kinukumbinsi na sana sagutin niya na yung tanong mo pero hinawakan niya yung kamay mo at pumikit. Pumapatak ang ulan sa mga muka nyo pero wala kayong ina-alala dahil ineenjoynyo lang ang ulan. Dahan-dahan mong binuksan ang isa mong mata para makita yung reaksyon ni Suho, nakita mo siya na nakangiti habang yung kamay niya nakapatong sa kamay mo. Hindi mo mapigilan mag-blush kahit onti lang, pero binuksan mo na lang yung mata mo para tumayo at umalis na dahil magga-gabi na.   "2 bulaklak." sinabi niya habang nakapikit.   "dalawang...bulaklak?" tanong mo sa kanya medyo paos ka na dahil kanina pa kayo naglalaro sa gitna ng ulan.   "Hindi ako iiyak, 2 bulaklak simbolo nating magkaibigan, Aeri." tumutulo na ang luha niya pero hindi mo napansin dahil umuulan.  "Anong ibig mong sabihin na hindi ka iiyak??" tinanong mo siya ulit pero hindi ka parin niya sinasagot.   "Junmeng! Sagutin mo ako! Iiyak?! Anong ibig sabihin nito??" tumutulo na ang luha mo, gusto mo na siyang sapakin dahil hindi ka parin niya sinasagot, wala kang ka-alam alam na may tidal wave na palang parating sa harap niyo. Dali dali kang niyakap ni suho at sinabing.   "I Love You Aeri." sinabi niya sayo habang nakatitig sayo umiiyak, ikaw naman tinapik mo siya sa muka, na sana magising siya sa pagiging tulala niya.   "umalis ka na dito Aeri...." nakita ni Suho ang tidal wave, tinulak ka niya pero ayaw mong umalis. "ha?..hindi..hindi kita iiwan!!"  ilang segundo na lang tatama na yung wave sa lupa, pero tinulak ka ni Suho dahil wala na siyang ibang magagawa para iligtas ka.   "TAKBO Aeri!!!!" tumakbo ka ng mabilis habang si Suho nasa gitna, kaharap ang tidal wave. Hindi ka na lumingon dahil pinapatakbo ka ni Suho as soon as possible, dahil kung hindi madadamay ka lang sa hagupit ng tidal wave. Patakbo kang umiiyak papunta sa bahay nyo, hinanap mo agad sila umma at appa mo para sabihing may tidal wave sa labas.   "Anak..anong pinagsasabi mo??"     "UMMA!! APPA!! Si Joonmyun po!!! Si Joonmyun PO!! TULUNGAN PO NATIN SIYA!!! PLEASEE!!!!" hinihingal ka na at nanghihina dahil sa bilis ng pagtakbo mo papunta sa bahay niyo. Pero kahit isa man sa mga parents mo ay walang naniwala na may tidal wave at suho nandoon.   --TV NEWS. "Latest News: Nagkaroon po ng sudden tidal wave kani-kanina lang dito sa probinsiya ng Gangwon. Isang pong batang lalaki ang natagpuang patay sa shoreline-" lumapit ka sa TV at duon nagiiyak, hindi mo inaasahan na ang bestfriend mo na kasama mo lang kanina ay biglang magbubuwis ng buhay para lang sa libo-libong katao na nakatira sa Gangwon .Sa sobrang iyak mo hindi mo napansin na hinimatay ka na.    --3 days later. Umalis ka ng bahay niyo, hindi mo naman pinagsisihan na namatay si Joonmyun, pero nararamdaman mo yung lungkot: yung lungkot na tanging hindi mo kayang kalimutan. At yung mga masasayang alaala na tanging kayo dalawa lang ang nakakaramdan. Tumingin ka na lang sa dagat habang yung alon humahampas sa buhangin, bigla mong napansin yung mini violet boat na ginawa niya sayo, inaalon na. Hinabol mo yun, pero wala na yung bulaklak na nakasabit sa flag, buong buo pa yung boat.   "Joonmyun..." niyakap mo na lang yung boat at lumuhod habang pinagmamasdan mo yung palubog na araw. Tanging luha na lang ang nakikita sayo ng bawat tao na dumadaan sa paligid,'nababaliw na ba yun?' 'anong nangyari sa kanya?' 'baka na-trauma na' kahit naririnig mo yun, wala ka namang pakelam. Sino ba naman ang hindi malulungkot na mawalan ng napakabait, maalahanin, baliw-baliwan, kyute, di ganon kaganda ang boses, di ganon ka tangkad na bestfriend ay basta basta ka na lang iiwan? Yan lang ang lagi mong iniisip dahil hindi mo makalimutan ang mala-anghel niyang ngiti. Pero nagpapasalamat ka parin kay Lord na niligtas ka ng kaibigan mo. Si Kim Joon Myun, siya yung taong- ay hindi siya yung boy-friend ko na nagligtas sa akin nung nagkaroon ng Tidal Wave. Tinandaan mo yan mabuti kahit gaano pa kasakit at mabigat ang nararamdaman mo dahil yun lang ang tanging dahilan para maabot ang mga pangarap mo.  

 

15 years later. You: Professional Photographer

"Sir, medyo ibend nyo po yung body nyo." kinukuhanan mo ng magandang angulo si Artist, yang mga artistang yan, todo sa make-up at porma. Lahat na nasa kanila pero syempre masaya ka naman sa trabaho mo dahil isa ka na ngayon sa mga matataas at kagagalang-galang na Photographer sa Seoul.    "Ilang years ka na dito Ms. Choi? at taga-Seoul ka ba talaga?" tanong ni artist na nakasobra ang porma at pakyute pa sa kamera.   "Ummm...sir 4 years na po akong Photographer, hindi po ako nakatira dito sa Seoul. Pero dito po ako binigyan ng project ni Manager Lee, kaya medyo nagtagal po ako dito." sinabi mo kay napakagwapong artist habang pinipicturan mo siya.
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
memoirQue
Do you want me to pull a Q & A Portion for each character + Behind the scenes of Photo Shoot? :D Ok lang mga guys~ gagawin ko. ^^ Please Vote sa {{10}}-SA

Comments

You must be logged in to comment
allicient-lex
#1
iconic tbh
Inspirit4ever3 #2
Chapter 10: SHEEEYYYTT~ Last chapter na agad? TT^TT Gonddooohhh teh~~ FEEL KO YUNG LAST PART! XD.. Galing mo awtor-nem! Gawa ka pa ng maraming Suho fanfics ha? XD
keixarie
#3
Chapter 9: so sakto akong nagpapatugtog ng EXO songs.. ayun, itinapat sa bawat lyrics.. para mukhang totoo.. LOLs~~~~ naiimagine ko e >_<
Dee-Dee09
#4
Chapter 10: Ang Ganda .!!!! SHEMAY .!!! T__________T
LizzCabie
#5
Chapter 10: BAT ANG DALI MATAPOS NITOOOO?!~ HA AUTHORNIM? BAKET? TT^TT LEWL JOKE LANG MASYADON NA AKONG NAG-EEMOTE... XDD AY AUTHORNIM ALAM MO BANG ISA TO SA MGA TAGALOG FF NA INABANGAN KO KAHIT NUNG ISANG ARAW LANG AKO SUMUBSRIBE DITO? XDD AHEHEHEHE \O/ NAPAMAHAL KASI SA AKIN EHHH <3 GOOD JOB AND.... PWEDE SEQUEL? JOKE LANG! XDDD AHEHEHE \O/ THE BEST!
InfiniteXOlover
#6
Chapter 10: whahahh Nakaka panibago ..... Yung nag babasa palang ako sa Foreword tas .. lagi kong sinasabi na " Author-nim Update " tas yung feeling na THE END na .. nakaka drama-on whahhahha Charotera..... Awesome Story ... Nakakaiyak wahahhahwhhahah :)
InfiniteXOlover
#7
Chapter 9: whhqhahwhhah Love You Author-nim ..!!!!!! NAg update ka na rin whahhwhaha tnx talaga /umiyak/ whahh ang drama ko ..!!!!!!! ang ganda ng upate mo ... (lagi naman eh ) whahhahwhah tnx talaga
kpoplover_forever #8
WHAHAH NAG UPDATE NA SI AUTHOR=NIM..!
allicient-lex
#9
AUTHORNIM I LOVE U!!!!!! AKO YUNG NAG UPVOTE KASI DESERVE MO YAN EH!!
InfiniteXOlover
#10
Chapter 8: whahwhahh si Author ang bilis mag Update ..!!!! whoowhoo Parteh - parteh .... The best ka Author-nim ..... Fighting ...!!!!!