Chapter 3

Girlfriend for Hire

[Charlane's POV]

Bakit pakiramdam ko, lumiit ang mundo ko?

Isipin nyo, kapatid ng ultimate crush ko ang pinakakinaiinisan kong tao sa buong mundo ngayon. Di ko talaga maisip na magiging magkapatid sila. Kitang-kita nyo naman ang pinagkaiba nila, di ba? Sa ugali pa lang eh...

Pagkatapos ng shift ko sa coffee shop, nakita ko si Jaejoong sa labas na parang naghihintay sa'kin. Ayan na naman yung puso ko, nagra-rock en roll na. >.<

"Mukhang pagod na pagod ka ha", sabi niya.

"Hindi naman masyado", sagot ko. 

"Let's go?"

Tumango ako, at sumakay sa kotse niya.

Habang nasa daan kami, biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko naman sinagot yung tawag.

"Hello?"

"Charlane, si So Ra 'to, yung kapitbahay nyo! Ang mama mo, isinugod sa ospital!"

"Ano po?? Saang ospital po??"

Agad naman ibinigay sa akin ng kapitbahay namin ang pangalan at address nung ospital na pinagdalhan kay Umma.

"Papunta na po ako. Salamat", at in-end call ko na yung tawag. "Jaejoong-oppa, sa St. Claire's Hospital tayo. Isinugod kasi dun yung umma ko."

"O sige", sabi naman ni Jaejoong, at lumiko siya pakanan papunta sa ospital.

Pagdating sa St. Claire's Hospital, agad kong hinanap kung nasaan si Umma. Nasa ICU na pala siya. Na- daw siya, sabi nung doktor na nag-asikaso sa kanya, at matindi ang pagkakadali nito sa kanya kaya comatose siya ngayon.

Napasalampak ako ng upo sa bench at napaiyak na 'ko. Ibang usapan na talaga pag si Umma na ang nakikita kong nahihirapan. Nadudurog na ang puso ko. Siya na lang kasi ang pamilya ko.

"Kung kelangan mo ng tulong, andito lang ako", sabi ni Jaejoong.

"Hindi ko kakayanin pag nawala pa sa'kin si Umma", I cried. Iniisip ko na kung saan ko kukunin yung panggastos dito sa ospital, tapos kelangan pa namin bayaran yung mga utang na naiwan ni Appa nung namatay siya. Buti na nga lang at scholar ako sa Eunkyo eh...

"I'll help you with the hospital bills", offer pa ni Jaejoong. "Ako na ang magbabayad ng kung anumang magagastos nyo dito..."

"Wag na, oppa. Nakakahiya naman sa'yo eh. Andami mo na rin namang naitulong sa'kin..."

He wiped my tears. "It's okay, Charlane. I'm always willing to help you. It's always my pleasure."

Niyakap ako ni Jaejoong. Napahigpit naman ako ng yakap sa kanya. Kailangan ko talaga ng masasandalan ngayon, at masaya ako dahil si Jaejoong, handa siyang damayan ako kahit anong mangyari.

The next day....

Bago ako pumasok sa school, pumunta muna ako sa ospital para kamustahin si Umma. Medyo nakakaramdam ako ng kirot pag nakikita ko yung kundisyon niya., pero sinusubukan kong pigilan yung pagtulo ng luha ko.

Paglabas ko ng ospital, I tried to calm myself. Kaya mo'to, Charlane Park. Think positive, you can solve this...

"Psst!"

Hindi ko pinansin yung sumisitsit sa'kin.

"Psst!"

Deadma pa din ako.

"Charlane?"

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. I sighed. Si Kai lang pala, nakadungaw sa kotse niya.

"Bakit ka nandito?", wala sa loob na tanong ko.

"Napadaan lang. Nakita kasi kita lumabas ng ospital", he grinned.

I rolled my eyes. "Wala akong panahon makipag-asaran ngayon, Kai. Wag mo 'kong umpisahan."

"Grabe, Charlane! Pikon agad?"

"Pasensya na! May pinagdadaanan lang kase", at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Bakit paiyak ka na?", buwisit na lalaking 'to! Sinabi na ngang may pinagdadaanan ako... Argh!

"Wala kang pakialam! Pwede ba, iwan mo na'ko mag-isa? Di ka nakakatulong eh!"

Bumaba si Kai sa kotse niya at hinawakan ang braso ko at binuksan ang pinto ng kotse sa may upuan katabi ng driver. "Get in."

"Ayoko nga!", sabi ko, sabay bawi sa braso ko. "Makahatak ka, close ba tayo?"

"Ang arte mo. May pag-uusapan lang tayo, at sabay na atyong papasok sa school", sabi ni Kai, and he shoved me in papasok ng kotse niya.

Grabe, kailangan talaga itulak ako? Buti pa si Jaejoong, gentleman eh. =___=

Habang nasa daan kami...

"Nasabi sa'kin ni Hyung yung nangyari sa mama mo, at gusto ka daw niya tulungan, pero tinanggihan mo ang offer niya", sabi ni Kai.

"Nahihiya na kasi ako sa kuya mo. Ang dami na rin niyang naitulong sa'kin. Sa totoo lang, siya ang dahilan kung bakit nag-aaral pa 'ko sa Eunkyo", sagot ko. Si Jaejoong kasi ang nag-encourage sa'kin na mag-take ng scholarship exam dun, dahil di na kinaya ng parents ko na igapang pa ang pag-aaral ko para sa susunod na sem, tapos namatay pa si Appa nung time na yun, at nalugi din yung business niya kaya hinabol kami ng mga pinagkakautangan niya.

"Tutal ayaw mong tanggapin ang offer ng hyung ko, ako naman ang may offer sa'yo", sabi ni Kai. "Consider this as a job."

"Ano na man yan?", tanong ko.

"Be my girlfriend."

Teka, mali lang yata ako ng dinig. "Ano ulet?"

"Sabi ko be my girlfriend."

Tumawa ako. "Kai, last mo na yan ha. Hahaha..."

Hitsura ni Kai:

"Wag ka ngang assuming. Iha-hire lang kita para maging fake girlfriend ko."

"Bakit kailangan mo ng fake girlfriend? At bakit ako pa?"

He smirked. "Because I know na nangangailangan ka, at bakit kailangan ko ng fake girlfriend? Dahil gusto ko pagselosin yung ex ko. Don't worry. I pay right, sobra-sobra pa minsan."

I sighed. "Ayoko pa din."

"You don't want the privilege of having a hot boyfriend like me?", nag-smirk na naman siya.

"Feeling ka din eh, no? Mas hot pa kuya mo eh..."

"Ano yon? May sinasabi ka?"

I gasped. Narinig kaya niya yung sinabi ko na hot ang kuya niya? O.O

"Wala. Sabi ko bilisan mo na lang pagda-drive mo. Baka ma-late pa tayo", sagot ko.

"Ah.... Akala ko sinabi mo, mas hot pa kuya ko."

*Facepalm*

Di bale, Charlane! Naniwala naman yata siya sa palusot mo. =_____=

"Think about it, Charlane. Hihintayin kong magbago ang isip mo", sabi ni Kai, at pagdating sa school, pinagbuksan niya ako ng pinto pagkababa niya.

"Punta na'ko sa klase ko. Thanks for the ride", sabi ko.

"Wait."

"Huh?"

Kumuha ng maliit na piraso ng papel si Kai at sinulatan yon, pagkatapos ay ibinigay niya sa'kin.

"Text mo'ko or tawagan mo'ko pag nakapag-decide ka na talaga", sabi niya. "Pero wag mo naman sana patagalin ang pagde-decide. Arraseo?"

Tumango ako, at naglakad na'ko palayo.

I looked at Kai's number sa papel. Napaisip ako. Half of my mind wants to accept his offer. Malaking tulong nga naman yung matatanggap kong bayad sa kanya para sa pagpapagamot ni Umma, kaso mukhang mahihirapan talaga akong magpanggap na girlfriend ni Kai. Okay lang sana kung sa harap lang ng ex niya, pero pati din kasi sa harap ni Jaejoong. Alam nyo naman kung gaano ako ka-head over heels inlababo sa kanya. =_____=

"Hey, cutie pie! Wake up!", may nag-poke bigla sa noo ko. 

I looked up, and blushed in embarassment. Si Jaejoong pala! O_O

"Oppa!"

"Okay ka lang ba? Parang nawawala ka sa sarili mo. May sakit ka ba?", at hinawakan ni Jaejoong ang noo ko.

"W-Wala naman, oppa. Medyo madami lang akong iniisip", sagot ko.

"Ganon ba? Umm.... Kamusta na mama mo?"

"Ayun, ganun pa din, pero contnuous pa din medication at pagmo-monitor sa kanya. Hindi pa din kasi siya nagigising", I sighed.

"Sigurado ka bang ayaw mong tanggapin ang offer ko? Kahit yung medications na lang ang sasagutin ko, wag mo lang tanggihan ang offer ko", at hinawakan ni Jaejoong ang dalawang kamay ko. "Importante ka sa'kin, Charlane, kaya tutulungan kita hangga't kaya ko."

Jusme, dapat ba'kong kiligin ngayon?

"Kamsahamnida, oppa. Sobrang nahihiya na talaga ako sa'yo...", napatingin ako sa paligid ko. Yung mga babae ang sama na ng tingin sa'kin. Parang gusto nila akong sakmalin. Naku, subukan lang nila, sila mananagot sa'kin. Di naman ako magpapaapi 'no.

"O sige, may klase pa'ko eh. I'll see you around", nahihiyang sabi ko, at naglakad na'ko papunta sa classroom ko.

12 PM: Lunchbreak:

"Inalok ka ni Kai na maging fake girlfriend niya?", bulalas ni Sulli. Agad ko naman siyang sinaway.

 "Ssh! Kaloka ka, mamaya may makarinig sa'yo eh!"

Napatakip ng bibig si Sulli. "Oops! Sorry, besh... na-carried away ang lola mo", then she leaned closer para bumulong. "Eh tinanggap mo naman ba?"

"Of course not! Di bale kung sa harap lang kami ng ex niya magpapanggap, kaso pati sa harap ni Jaejoong. I'm sure may other options pa para makahagilap ako ng pera para kay Umma."

"Pero isipin mo na lang, yun na yung pinakasiguradong option. I'm sure kayang tuparin ni Kai yung mga terms niya. Mayaman siya, remember?"

Napaisip ako. May point din naman si Sulli. Hindi rin naman ito ang time para maging selfish ako....

Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Angie, isa sa mga kasama ko sa trabaho sa coffee shop.

"Hello?"

"Charlane! Yung Coffee Handler, nasusunog!"

"A-Ano??"

"Besh, may problema ba?", tanong ni Sulli.

"Besh, yung coffee shop na pinagtatrabahuan ko, nasunog..."

Napahawak ako sa noo ko. Ngayong nasunog na yung coffee shop, wala na rin akong trabaho. Pa'no na 'to ngayon...?

4 PM:

Habang naglalakad ako pauwi, ang daming pumapasok sa isip ko. Sa'n na 'ko kukuha ng ikabubuhay namin ni Umma ngayon....?

"Hoy, dyan ka lang."

Napahinto ako. Isa yun sa mga pinagkakautangan ni Appa! Hindi ako lumingon. Nagpapatuloy lang ako sa paglalakad.

"Habulin nyo siya!"

Takbo na!

Anim na malalaking lalaki na parang mafia ang humahabol sa'kin. Jusme! Pag nahuli nila ako, baka maging katapusan ko na. Lord, save me! T^T

Sa gitna ng habulan, natapilok pa'ko. Ang sakit tuloy ng ankle ko, pero kailangan ko pang tumakbo. Hindi nila ako pwede mahuli...

"Hanggang dyan na lang kayo."

I looked up. Si kai pala yon! Hinawakan niya ang braso ng isa sa mga humahabol sa'kin.

"Hindi magandang hinahabol nyo ang isang cute at walang kalaban-laban na babae", sabi pa niya.

"Wag kang makialam dito, bata!"

Doon na nagkaroon ng sapakan. Napanganga na lang ako. Akalain mong kaya pala labanan ni Kai ang mga yon? Eh mas malalaki pa ang mga katawan nu'n sa kanya eh! O_O

Pagkatapos ng labanan, bigla akong binuhat ni Kai.

"Hey! Ibaba mo'ko!", palag ko. "Kaya ko pa maglakad."

Ibinaba naman ako ni Kai. I tried to walk, kaso bumabagsak lang ako ulit.

"Ang tigas ng ulo mong babae ka", sabi ni Kai, at binuhat na naman niya ako at isinakay sa motor niya. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
viannafe #1
Chapter 18: Too bad i cannot read this. I wish i could somehow understand
louieistrash #2
KYAAAAAAHHHHHH! Not bad for a first-timer. Actually, hindi nga "not bad" ehhhh more on, gujab! :))) Ang kulit lang. Salamat! :D :D Sulat ka ulit ng romcom na si Suzy ang bida. Hehe :D
Cdlsrys #3
Chapter 21: bgyan ng damit si jaejoong!!! XD
OMGG TAPOS NA TGA, AS IN FIN. *joyfully cries* chot haha
thanks te megan! XD
first ff m na completed mo pla to? XD
Cdlsrys #4
Chapter 17: HI JINKI BABES XD
SHET HA. NASARAPAN XD
Cdlsrys #5
Chapter 17: HI BEN BEN!!!!!!!! XD
OMGGGGG YUN LAST PART !!! PDE ISA PA?XD
Cdlsrys #6
Chapter 16: Wow, bumisita si DongHae!! Akala ko ba sa ss5 ka?!?! Haha
Huli si Hyomin eh! Nahiya tga ang Golddigger kuno sayo!! XD
Cdlsrys #7
Chapter 16: Love you Kai!! Tiwala lang! charKai parn yan!!
Cdlsrys #8
Chapter 15: Nagdudusa si Jaejoong din. And I see ds one coming TT
hyomin kse!! Ang landi!!! Kulang pa b si tito jungho?!?! XD
Ang sweet ng frst part!! tengene sa last part eh :(((((
Cdlsrys #9
Chapter 14: Kai pakiss!! XD :*
Ayun oh, tamang KV to start the day. Ang corny nga ni Charlane, XD
pero mas corny si Kai!!! Corny na autistic! XD ansaveh ng destinations nla? Buti walg 'condo' :D