Chapter 2

Girlfriend for Hire

[Charlane's POV]

The next day...

*Ring! Ring!*

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. 8 na pala ng umaga. Jusme, may pasok pa'ko! Kaya bumangon na 'ko at nag-ayos para sa pagpasok. Pagka-check ko ng cellphone ko, nakatanggap ako ng GM galing kay Choi Sulli, ang bestfriend ko. Ni-reply-an ko naman ito.

To: Besh-Sulli

Choi Sulli! my chika aq sau l8er! ^_^

Pagkatapos ko mag-reply kay Sulli ay bumaba na'ko para umalis.

"Umma, alis na po ako!", at hinalikan ko si Umma sa pisngi.

"O sige. Ingat ka", sabi ni Umma, at lumabas na'ko ng bahay.

Inilagay ko yung earphones ko sa tenga at pakanta-kanta pang naglalakad sa kalsada. Lalala~ ako ang pinaka-inspired na babae ngayong araw na 'to... Lalala~

Maya-maya pa, biglang may nagbusina na kotse. Nagulat ako kaya natumba ako. Peste! Muntik na'ko masagasaan!

"Hoy, miss! Papakamatay ka ba??", sigaw nung lalaking nagda-drive ng kotse na nakadungaw sa bintana nito. Buwisit 'to ha! Siya na nga itong muntik nang makabangga sa'kin, siya pa'tong galit! >.<

"Eh ikaw? Shunga ka ba? Kita mo na'ng red yung traffic light, di ka pa huminto! Gusto mo, ibalik kita sa Grade 1??"

Lumabas yung lalaki sa kotse at hinubad yung suot niyang shades, at tumingin-tingin sa paligid niya. "You're embarassing me, you know?"

"Eh ano ngayon? Kasalanan mo kung bakit ka napapahiya ngayon! 'Pakayabang mo. Di ka na lang mag-sorry!"

He smirked. lumapit siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Medyo napaurong ako.

"I'm sorry."

*chup!*

Hinalikan niya ang ilong ko.

Kyaaaahhh!! Manyak!!

Sinampal ko ang manyak na lalaking yon. Parang nagulat pa siya nung sinampal ko siya.

"Bastos!", sigaw ko, sabay walkout.

Grr! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yon! Di ko pa nga alam ang pangalan niya tapos hahalikan niya ako sa ilong?? Argh! Manyak talaga!!

Ayun, nakarating na din ako sa school. Welcome nga pala sa Eunkyo University, isa sa mga magagandang university dito sa Seoul. Daebak ang facilities, magagaling ang mga professors, daebak din ang ambiance... sa presyo ng tuition na mapapanganga ka. Mapapanganga ka dahil hindi lang laslas ang bulsa mo, pati wallet at bank account ng parents mo, laslas! Lol..XD Pero pa'no nga ba nakapasok sa school na'to ang pooritang katulad ko? Kasi nga, scholar ako dito, 100%! O, baka isipin nyo, ang genius ko. Well, hindi naman. May utak lang siguro ako na tamang-tama ang sukat o kaya sobra lang ng 2 centimeters sa loob ng ulo ko. Hehehe...

Napadako ang tingin ko sa isang magsyota sa school grounds. Hinalikan nung guy yung ilong nung girl....

Argh! Naaalala ko na naman yung manyak na lalaking yon!>.<

"Beeeeesshh!!", patakbong lumapit sa'kin si Sulli at niyakap ako. "Ano yung ichi-chika mo sa'kin?" ^____^

"Well...", lumapit pa'ko sa kanya at bumulong. "Si Jaejoong..."

"Boyfriend mo na?"

Kinaltukan ko nga ang loka. >.<

"Aray ko naman, besh! Why did you do that??"

"Excited much?? Ayaw mo'ko patapusin muna eh!"

"O sige na, makikinig na'ko..."

"Si Jaejoong kasi, hinatid ako kagabi pauwi", pabulong na sabi ko.

Napatakip ng bibig si Sulli. "Omo! Really??"

"Oo nga. Nagkape kasi siya sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Nagulat nga 'ko nung makita ko siya dun kagabi."

"Pero kinilig ka? Ayiee!!", at sinundot ni Sulli ang waist ko.

"Malamang! Tinatanong pa ba yan?", sagot ko. "Ang hirap na nga magpigil eh." =___=

"Oh, speaking of Jaejoong...", she snickered. "I think papunta na siya dito."

Sinuklay ko ng daliri ko ang buhok ko. Act normal, Charlane. Just. Act. Normal.

"Annyeong haseyo, girls!", bati ni Jaejoong sa'min.

"Annyeong haseyo", bati din namin ni Sulli, sabay bow.

"Charlane! Blooming ka today ha", sabi ni Jaejoong. "May nagpapasaya ba sa'yo ngayon? You look so inspired." ^___^

Shuz... Ikaw lang naman ang nagpapasaya at nagpapakilig sa'kin, Kim Jaejoong. Kunwari pa 'to na di alam. Haha... :3

"Umm... Lagi naman akong ganito ha, masaya palagi", sagot ko. Hay... lalo na pag nandyan ka.... :3

"Ganun ba? Akala ko may boyfriend ka na eh", nakangising sabi pa niya.

Eh kung nililgawan mo na'ko, eh di sana may boyfriend na'ko ngayon. Woo!! Kape pa, Charlane! XD

"Ay, wala pa. NBSB ako. Good girl eh", nakangisi din na sagot ko. "Oh, may klase pa kami. I guess, I'll see you later." :)

"i'll really see you later", nakangiting sabi ni Jaejoong, at umalis na rin siya.

"'I'll really see you later'? May balak siyang sunduin ka ulit? naks, Charlane! Ganda mo, bruha!", at sinundot-sundot na naman ni Sulli ang waist ko.

Buwisit 'tong babaeng 'to! Habang tinutukso niya 'ko kay Papa Jaejoong lalo akong kinikilig eh! "Tumigil ka nga dyan,Sulli! Tara na nga!"

1 PM:

Naghiwalay na kami ng landas ni Sulli dahil oras na yon ng klase ko sa Biology. Magkaiba naman din kasi kami ng course nu'n. HRM yung lokaret na yun eh. HRM ang course pero ayaw na ayaw tumuntong sa kusina. Ewan ko ba dun kung bakit HRM ang kinuha niya.

Bakit ko alam? Bestfriend ko na kasi yun simula Grade 6, pero di tulad ko, rich kid talaga siya. Rich kid pero hindi matapobre. Hehehe.. ^___^

Pagpasoik ko dun sa classroom namin, wala pa masyadong tao. Dun ako umupo sa nakasanayn ko: sa may upuan malapit sa bintana, sa last row. Inilagay ko ulit yung earphones ko sa tenga at nag-soundtrip muna.

[Now Playing: Gee by SNSD]

Tumingin muna ako sa may bintana. Baka sakaling matanaw ko si Papa Jaejoong, chos! XD

"Boo!"

"Ay tarsier!"

"Sira ulo!"

"Aray ko!" T___T

Si Kyungsoo lang pala. Taeng yan, kelangan talaga kaltukan ako?? Sakit ha...

"Bakit mo ginawa yon??"

"Tama bang tawagin mo 'kong tarsier? Porke't malaki mata ko...", nagpaawa effect pa 'to.

"Che! Kainis ka kasi, gugulatin mo pa'ko eh", sagot ko.

Maya-maya'y may pumasok na lalaki sa classroom. I was like...

.

.

.

.

.

ASDFGHJKL!!! O___O

Kaklase ko yung manyak na lalaking yon??

"Oy, Charlane! Anyare sa'yo?"

"Sino yung lalaking yan?"

"Bagong classmate natin yan, Charlane, at saka kaibigan ko yan", sabi ni Kyungsoo. "Kai ang pangalan niya. Gusto mo ipakilala kita sa kanya?"

"Ayoko!", i replied indignantly. Nanlaki na parang sa tarsier ang mga mata ni Kyungsoo.

"Huh?"

"Ayoko, Kyungsoo! Ayoko." >.<

"Bakit ayaw mo? Mabait yang si Kai..."

Mabait? E manyak nga yun, at saka napakayabang. Ugh! =___=

"Basta ayoko. Di ako interesado", sabi ko.

"Bahala ka nga", sabi ni Kyungsoo. "Puntahan ko na nga muna si Kai", at tumayo ito. Napailing na lang ako.

Super friends nga talaga sila ni Kai. Kung magyakapan talaga, akala mo matagal di nagkita...

Oh well, iidlip muna ako. Ang lamig kasi dito sa classroom, nakakaantok...

"Good morning, class!"

Bigla akong nagising. Andyan na pala yung prof namin.

Nagsimula na'ng mag-discuss ang prof namin. Medyo inaantok ako, pero pinipilit kong isalaksak sa utak ko yung lesson. Para sa scholarship ko 'to, dahil kapag nagkaroon ako ng bagsak, goodbye Eunkyo, goodbye pag-aaral na'ko. T^T

Napatingin ako sa pwesto ni Kai. Wow, tulog ang mokong. Parang pagod na pagod siya. Grabe, may sideline ba'to sa gabi?

Pagkatapos ng klase, saktong nagising si Kai. Nag-stretch pa siya ng arms niya.

"Kyungsoo, alis na'ko", sabi ko, at kinuha ko na yung mga gamit ko at tumayo. Tumango naman si Kyungsoo at nilapitan na niya si Kai.

Kung hindi ko lang kilala 'tong si Kyungsoo, iisipin kong may crush siya kay Kai, eh.

Paglabas ko ng classroom, sinalubong ako ni Sulli. Sabay kasi kami nagla-lunch nito lagi. As usual, hyper na naman ang bruha.

"Tara na, besh! Tomguts na ang lola mo", sabi niya, at hinila na niya ako pauntang cafeteria.

Sa cafeteria...

"O eto, kain na tayo", sabi ni Sulli, at binigyan niya 'ko ng coke float at fries.

"Nakakahiya naman, Sulli. Lagi mo na lang ako nililibre", sabi ko.

"Wala yon, besh, ano ka ba? Okay na sa'kin yung may shine-share ka sa'king mga chika about sa blooming mong lovelife", she grinned, at napalingon ito sa likod niya.

"OMG!"

"Eh?", ano na naman ba ang nakita nito?

"Si Papa Jaejoong mo, kakadaan lang."

Muntik na'kong masamid. "Ha??" 

"Tara na! Ii-stalk na natin siya. Heehee!", at hinila na naman ako ni Sulli. Kinuha ko naman kaagad yung coke float ko. Sayang kasi pag iniwan ko. =____=

Sinundan nga namin si Jaejoong hanggang sa makarating kami sa may swimming pool. Kitang-kita ko na hinubad niya ang uniform niya. Oh gosh, naka-trunks na lang siya. Jusme, litaw yung walong pandesal sa tiyan niya...

"Whoo! Ang hot!", sabi ko, sabay paypay sa sarili ko gamit yung kamay ko.

Tumalon kaagad si Jaejoong sa tubig. Shet, ang hot niya talaga pag nagsi-swimming! At ang best part, pag yung aahon na siya.

 

Oh laway! *Q*

"Besh, baka tumulo laway mo dyan. Punas-punas din pag may time", sabi ni Sulli.

"Ano ba, Sulli! 'Wag ka ngang panira ng pag-ii-spazz ko", saway ko sa kanya, habang nakatitig pa rin kay Jaejoong.

Bigla siyang tumingin sa lugar namin. "Hi, girls! Ano'ng ginagawa nyo dyan?" ^____^

Spell "Patay": K-A-M-I!! O.O

Isip agad ng paliwanag, Charlane! Alangan namang sabihin nyong inii-stalk nyo siya di ba?

"Ah eh... Napadaan lang naman kami ni Sulli dito. Grabe, ang galing mo pa rintalaga lumangoy!", nakangising sabi ko. Ngumisi din si Sulli.

Tumawa si Jaejoong at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute-cute mo talaga, Charlane! Hehe..."^____^

Omo!! Kinikilig na naman ako... Jaejoong naman eh! Papatayin mo ba'ko sa kilig??

"Hyung!"

Napatingin kaming tatlo dun sa nagsalita. My eyes widened nung makita ko si Kai.

"Jongin! Kamusta first day mo?", nakangiting tanong ni jaejoong sa kanya.

Lumapit naman si Kai. "Ayos lang, hyung", at tumingin sa'kin si Kai. "You know this chick?", he flashed his naughty smile.

"Don't call her that, bro. She's a decent girl", saway ni Jaejoong sa kanya. Pinagtanggol ako ni jaejoong. Kilig vibes na naman ako. Lol.

"By the way, girls, si Jongin nga pala, kapatid ko", pakilala ni Jaejoong kay Kai sa amin.

"Hyung! Sinabi na'ng Kai yun eh", nakasimangot na protesta ni Kai. Nag-smirk lang si Jaejoong.

My jaw dropped. I can't believe this! "K-Kapatid mo siya, oppa?" O.O

Tumango si Jaejoong. "Yup. magkapatid nga kami."

Akalain mo yon! Magkapatid pala sina Jaejoong at Kai??

Mukhang kailangan kong pakisamahan yung manyak na Kai na yun... =____=

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
viannafe #1
Chapter 18: Too bad i cannot read this. I wish i could somehow understand
louieistrash #2
KYAAAAAAHHHHHH! Not bad for a first-timer. Actually, hindi nga "not bad" ehhhh more on, gujab! :))) Ang kulit lang. Salamat! :D :D Sulat ka ulit ng romcom na si Suzy ang bida. Hehe :D
Cdlsrys #3
Chapter 21: bgyan ng damit si jaejoong!!! XD
OMGG TAPOS NA TGA, AS IN FIN. *joyfully cries* chot haha
thanks te megan! XD
first ff m na completed mo pla to? XD
Cdlsrys #4
Chapter 17: HI JINKI BABES XD
SHET HA. NASARAPAN XD
Cdlsrys #5
Chapter 17: HI BEN BEN!!!!!!!! XD
OMGGGGG YUN LAST PART !!! PDE ISA PA?XD
Cdlsrys #6
Chapter 16: Wow, bumisita si DongHae!! Akala ko ba sa ss5 ka?!?! Haha
Huli si Hyomin eh! Nahiya tga ang Golddigger kuno sayo!! XD
Cdlsrys #7
Chapter 16: Love you Kai!! Tiwala lang! charKai parn yan!!
Cdlsrys #8
Chapter 15: Nagdudusa si Jaejoong din. And I see ds one coming TT
hyomin kse!! Ang landi!!! Kulang pa b si tito jungho?!?! XD
Ang sweet ng frst part!! tengene sa last part eh :(((((
Cdlsrys #9
Chapter 14: Kai pakiss!! XD :*
Ayun oh, tamang KV to start the day. Ang corny nga ni Charlane, XD
pero mas corny si Kai!!! Corny na autistic! XD ansaveh ng destinations nla? Buti walg 'condo' :D