If We Just Realize

OneShot Collection

 

----------**

**A.N.E.N. :

Alam niyo naisip ko lang to kanina nung nasa Library ako ng School namin.  Actually hindi mo siya matatawag na Library ehh.. Kasi maliit lang siya pero okey lang yun. Tapos yun gumana nanaman ang  aking imahinasyon.. Whahhahhahhaha!!! (Lagi naman.)

 

Totoo bang lahat ng tao naiinlove?

Lahat ba ng tao natry ng magmahal?

Totoo rin ba na lahat tayo ay may minamahal? .. (Bukod sa magulang)

Pero pano kung hindi mo inaasahan na ma-iinlove ka pala sa isang taong hindi mo alam kung ano nga bang nararamdaman niya para sayo? 

At nalilito ka kung pano ito ipapaalam..

Pero pano kung kaylan mo na ipapaalam sa kanya eh..

Dun mo lang malalaman na...

.

.

.

Read niyo po..

Enjoy! 

----------**

 

 

 

*** If We Just Realized. ...

 

 

 


"Ahmm, Brian? Ano ba yung name nung lalaking nagbabasa dun sa may dulo yung nakasuot ng black na bracelet tapos medyo konting brown yung buhok?" Tanong ni Zoey kay Brian.

"Ah. Yun ba? Siya si.... Teka! Bat mo tinatanong?" Tanong din ni Brian kay Zoey na parang may iniisip.

"Wala lang.. Simula kasi ng mag-volunteer kang maging librarian tuwing lunch at after school ehhh.. Lagi ko na siyang napapansin na laging nandito sa Library.. Siguro Bookworm talga siya noh?" Sabi ni Zoey habang nakatingin sa lalaking sinasabi niya..

"Hindi.. Matagal na talaga siyang nagpupunta dito simula nang magvolunteer ako. Matagal ko na siyang napapansin dito sa Library. Siguro habit niya talagang magbasa." Sabi ni Brian habang may inaayos sa gilid.

"Ahhh.." Tapos biglang lumingon kay Brian. "Teka.. Bat mo nga pala nilalayo yung usapan?? Tinatanong ko lang naman kung anong pangalan nun ah." Sabi ni Zoey kay Brian.

"Secret.. Alamin mo magisa!" Sabi ni Brian tapos may konteng pagdila.

"Halaaaaa.. Ang daya naman nito! Sige na kasi!" Sabi ni Zoey.

"Ayoko nga.. Mamaya kapag sinabi ko sayo yung pangalang niya hindi mo na ko pansinin iwan mo na lang ako dito.. Kaya AYOKO! Period.." Sabi ni Brian.

 "Ang Shopol naman nito! Atsaka hindi naman tayo close ah! Tsss.. Shopol!" Naiinis na sabi ni Zoey tapos iniwan nya na si Brian.

 

Pagkaalis ni Zoey napangiti si Brian... 

 

Ako si Brian.. At wala ng ibang Info pah! As in pangalan lang talaga ang gusto kong ipaalam.. Alam ko rinng gusto niyong malaman kung mag-kaibigan ba kami ni Zoey o hindi.. Actually. NO!! Ayoko ngang magkaroon ng kaybigang babae kasi.. Basta!! Secret yun! At totoo talaga yung sinabi niyang hindi kami close. Actually para kaming aso't pusa sa loob ng klase at ang masaklap pa ehh. Seatmate ko pa siya. Ewan ko nga kung bakit kapag nasa Library kami nitong babae na to ehh. Medyo walang sigawan, asaran at higit sa lahat walang batuhan.. Pano naman kasi, marami kang makikitang "SILENT PLEASE!" Sa bawat sulok ng Library na toh kaya tahimik kaming dalawa. At ito pa ang hindi ko maintindihan kay Zoey. Alam kong matalik kaming magkaaway pero kapag uwian siya ang lagi kong kasabay.. Whahahaha! Ang weird noh!! Teka!! Hindi ko na naipakilala sa inyo ang aking sarili. Nagstart akong magvolunteer dito bilang isang Librarian dahil mahal ko ang mga LIBRO.. Joke! Wala lang.. Ito lang kasi yung pinakatahimik na lugar ehh.. Atsaka, marami pa kong makikilalang ibang estudyante diba?? Marami pa naman kasing estudyanteng ang gumagamit ng Libro.. Atsaka masayang pagmasdan ang mga taong nagbabasa at minsan nagkakandarapa kakahanap ng librong kaylangan nila.. Whahhahaa.. Ang sama ko naman. Yun!! Actually, tahimik lang akong tao pwera lang kapag andiyan na si Zoey pati nga rin yung tibok ng puso ko ay maingay ehh. Pero.. Hindi ko pa ina-admit sa sarili ko na may gusto talaga ako kay Zoey. Sadyang hindi ko lang talaga maintindihan yung puso ko pati yung sarili ko!! Ewannnnnnn!! Basta!! Sabi ni Brian sa sarili niya..

 

Nang biglang lumapit sa kanya ulit si Zoey na parang kinikilig... 

 

"Brian! O.M.G.! O.M.G. talaga!!" Sabi ni Zoey habang nagpipigil na sumigaw at kilig na kilig.

 "Bakit nanaman?" Tanong ni Brian.

"Pano kasi.. Nahawakan nung guy na sinasabi ko sayo yung kamay ko. Pareho kasi yung librong  kukunin namin tapos nagkatinginan pa kami. Ieeeeeeeeeeeh!" Kilig na kilig na sabi ni Zoey kay Brian.

"Oh! Ano naman.. Tsss. Bat kaylangan mo pang sabihin sakin? Close tayo?" Pangaasar ni Brian kay Zoey. 

"Hmfttt! Alam mo, kung wala lang tayo sa Library. Binatukan na kita! Kainis kah! Manong makisama ka muna sakin. Tsss. Shopol ka talaga." Sabi ni Zoey at inirapan si Brian.

 

Pagkaharap ni Zoey andun yung guy na sinasabi niya sa may likuran niya at nagulat naman siya.. Iniisip niya kung baka narinig nito yung mga pinagsasasabi niya kanina.. 

 

Patay!! Hindi naman niya siguro narinig yung mga sinabi ko kanina diba?? Tsss!! Iniisip ni Zoey habang nakatingin sa lalaki.

"Ahm, sayo ata tong panyo. Nahulog mo ata nung tumakbo ka." Sabi nung lalaki tapos inabot kay Zoey.

"A-ako nga.. Thank you!" Medyo nagblublush na sabi ni Zoey tapos kinuha na sa lalaki yung panyo niya.

"Sigeh.." Sabi nung lalaki tapos aalis na sana siya ng biglang hawakan ni Zoey yung laylayan ng damit niya.. "Hah?" 

 

Nagulat naman si Zoey sa ginawa niya..  

 

"A-aahm.. May itatanong lang sana ako eh. Anong pangalan mo?" Nahihiyang sabi ni Zoey na hindi makatingin dun sa lalaki.

"James.." Nakangiting sagot nung lalaki tapos umalis na kaagad.

 

At parang naistatwa si Zoey sa ginawa niya at tumingin kay Brian na iniwas naman yung tingin sa kanya.. 

 

"Happy kana?? Tsss.. Nalaman mo lang yung pangalan para kanang manikin diyan." Medyo parang naiinis na sabi ni Brian.

"Syempre! *sigh* Yes! Nalaman ko narin sa wakas yung pangalan niya.." Masayang sabi ni Zoey.

"Ang Inggay mo!" Sabi ni Brain. Bat parang sumisikip yung dibdib ko? Ano ba?!! Ano bang nangyayari sakin. Tch!

 

After ilang araw. Friday, sa room nila Zoey..

 

"Zoey. Sasabay kaba sakin mamaya?" Tanong ni Brian kay Zoey.

"Hmmm.. Hindi eh. Sabay kami ni James." Masayang sabi ni Zoey.

"Bat parang nabura na yung pagiging aso't pusa niyong dalawa? May nangyari ba?" Singit nung kaklase nilang isa.

"Actually, wala naman! Diba Brian?" Nakangiting tanong ni Zoey kay Brian.

"Ahmm.. Meron ata." Sabi ni Brian.

"Hah?!" Sabay na sabi ni Zoey at nung isa nilang kaklase.

"Ahm, Wait lang. CR muna ko." Sabi ni Brian sabay tayo at pumuntang CR. 

 

Pagka-alis ni Brian.. 

 

"Anong nangyari dun?? Bat parang.." Tanong nung kaklase niya.

"Hindi ko nga rin alam eh. Hindi naman dating ganyan si Brian eh.." Sabi ni Zoey.

"Halata nga.. Wala na nga rin yung Daily Ramble niyong dalawa ehh. Nakakapanibago tuloy." Sabi nung kaklase niya.

"Hahhahaha.. Ganun talaga." Nakangiting sabi ni Zoey.

"Siguro nga.." Sabi nung kaklase niya.

 

Sa loob ng CR kung saan andun si Brian.

 

Lintik naman tong dibdib natoh! Bat ba parang sumisikip ka?? Ano bang nangyayari sakin?!! Alam ko naman sa sarili ko na wala talaga akong gusto kay Zoey pero bat parang nagkakaganto ako sa tuwing babanggitin niya yung pangalan nung James na yun.. Bakit ba?!! Tssss.... Nanahimik muna siya sandali.. Wag niyong sabihin na unti-unti ko nang nagugustuhan si Zoey?? *sigh* "Ewan!!" Naiinis na sabi ni Brian sa sarili niya.

 

Balik tayo ulit kay Zoey habang nakatingin sa may bintana.. 

 

Ahhmm.. Im Zoey, 15 years old na ako at isang 4th year student na. Sa totoo lang.. Cute talaga ako. >.< at crush ko si James! Alam ko namang halata niyo naman diba?? Atsaka.. Meron nga pala akong Bestfriend.. Para sakin siya ang bestfriend ko kahit na araw-araw yung rambulan namin. Pero sa tingin ko. Hindi bestfriend ang tingin niya sakin. Alam niyo kung ano? Mortal Enemy! Tssss.. Pero para sakin.. Siya ang Bestfriend ko kahit na minsan binabatuk-batukan ko lang siya!! Shopol yun eh!! Nga pala.. Siya si Brian ang bestfriend ko!! Wag kayong maingay hah.. Ahhmmm.. Para sakin.. Tahimik lang talaga siya, kung hindi mo siya aasarin hindi karin niya aasarin. Ewan ko ngang kung bakit nagvolunteer siyang maging librarian ehh. Siguro may babae siyang pinagmamasdan sa Library ayaw niya lang sakin ipaalam. Tsss. Ah! Basta!! Kaso.. May napapansin lang ako. Parang ang  tahimik tahimik ni Brian ngayon? Ano kayang meron dun?? Iniisip ni Zoey.. 

 

After ilang oras.. Lunch Break.. 

 

"Brian sabay tayong maglunch." Aya ni Zoey.

"Hah? Bakit?" Tanong ni Brian.

"Wala lang.. Masama bang sumabay sayo?" Medyo masungit na tanong ni Zoey.

"Oo.. Hindi tayo close ehh." Sabi ni Brian tapos bigla tumayo at akma ng iiwan si Zoey pero biglang hinawakan ni  Zoey yung kamay ni Brian.

"Hah?" 

"Bat ba ang sungit sungit mo? Ano nanaman ba yung ginawa ko sayo?" Sabi ni Zoey.

"Marami!" 

"Ahh Basta!! Kahit anong mangyari sabay tayo! Period! Tara?" Nakangiting sabi ni Zoey.

"Ang Shopol mo!" Sabi ni Brian.

"Line ko yan ahh!!" Natatawang sabi ni Zoey.

"Ewan ko sayo.." Sabi ni Brian.

 

Tapos kumain na sila.. Kinahapunan. Uwian nah!! 

 

"Bye Brian!" Nakangiting sabi ni Zoey.

"Goodbye.." Sabi naman ni Brian.

"Hah?" Sabi ni Zoey. 

"Joke! Byeee.. Ingat kah!" Nakangiting sabi ni Brian tapos umalis na. 

"Shopol!" Sabi ni Zoey.

 

Tapos biglang may kumalabit sa kanya.

 

"Tara?" Sabi ni James.

"Hmm.." Nakangiting sagot ni Zoey.

 

Nagpunta sila Zoey at James sa Park at nagkwentuhan.. 

 

"Nakakatawa ka talaga! Hahhahaha.." Natatawang sabi ni Zoey.

"Tss..  Ahmm, May gusto sana akong sabihin sayo ehh." Sabi ni James.

"Ano yun??" Ano kale yung sasabihin niya? Bat parang kinakabahan ako..

"May gusto kaba kay Brian?" Tanong ni James.

"Hah?! Wala ahh!! Bakit naman!" Gulat na sabi ni Zoey.

"Ahhh.. Zoey? I Like you. Will you be my girlfriend?" Seryosong sabi ni James habang nakatitig kay Zoey.

"Ehh?! Seryoso ka? Hindi nga! Hindi ako nakikipaglokohan sayo hah!!" Gulat na gulat na sabi ni Zoey yung reaksyon na parang hindi makapaniwala.

"Mukha ba kong nagjojoke? Ang saya mo kasing kasama. Atsaka nahulog kaagad yung loob ko sayo Zoey lalo na yung una tayong nagkakilala sa Library."Sabi ni James.

"Ahmm.. Teka lang hah. Ano, Ano kasi ehh." Pinapakilig niya ba ko??! Kyaaaaa!! Kinikilig ako!! Grabe! Pero.. Para naman atang biglaan!! Ano bah?!!! 

"I will wait for your reply until friday." Nakangiting sabi ni James.

"O-oh Oh S-Sigeh." Omigoshhiiiiiii!!! Totoo ba toh??! Nililigawan ako ng Crush koh!!! Kyaaaaa!! Ano ba!!

"Ahm.. Tara? mag-gagabi na ehh." Aya sa kanya ni James. "Hatid na kita.."

"Tara.." Ohmigosshhiiii!! Ihahatid niya pa ko!! 

 

After nun. Lagi ng iniisip ni Zoey yung sinabi ni James sa kanya. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito atsaka medyo nalilito pa siya.. 

 Lunes ng hapon hinahanap ni Zoey si Brian..

 

"Asan kale si Brian?? San bayun nagpunta." Tanong ni Zoey sa sarili niya tapos naisipan niyang tingnan sa Garden ng school.. 

 

Sa Garden.. 

 

"Aha! Andito ka lang pala! Hoy Bri--." Hindi na naituloy ni Zoey yung sasabihin niya ng makita niya si Brian na natutulog. Tapos umupo siya at tiningnan ang mukha ni Brian na natutulog. "Bakit ngayon ko lang napansin na gwapo pala tong Shopol natoh. Tapos para pa syang Angel na kabababa lang sa langit. Tapos ang haba pa ng pilikmata niya *sigh* nakakainggit.. >.<" Hindi niya alam nahinahawakan niya na yung pilikmata ni Brian. At yun na yung dahilan kung bakit nagising si Brian at bigla siyang hinila nito at niyakap at may ibinulong ito sa tenga niya. 

"I Think I Love Her.." Bulong ni Brian tapos bumalik ulit sa pagtulog habang nakayakap kay Zoey. 

"Hah?! Sinong Her? Brian!" Sabi ni Zoey.

 

Pero wala na siyang narinig kay Brian dahil nga nakatulog ulit ito. At naisip nalang ni Zoey na ihiga si Brian sa Lap niya at hinintay na lang itong magising... 

 

Teka.. Bat parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Ewann!! Siguro naaaliw lang ako sa mukha nitong shopol natoh habang natutulog.. Ngayon ko lang kasi nakita yung mukha niyang natutulog ehh. Calm Down na heart. Bilis! Atsaka, Ang lambot pala ng buhok ni Shopol! Ngayon ko lang napansin.. Whahhahha.. Ang cute niya talaga kapag natutulog!! Teka.. Picture-ran kaya natin. Tapos kinuha niya sa bulsa niya yung cellphone niya at piniture-ran si Brian.

 

 *CLiccckkkk* 

Nakalimutan niyang patayin yung sounds ng camera niya kaya nagising si Brian at hinawakan yung kamay ni Zoey na hawak yung camera.. 

 

"Ayy. Sorry hah! Hindi ko sinasadyang gisingin kah.." Sabi ni Zoey.

"Bat andito ka?" Tanong ni Brian sabay tayo pero nakaupo..

"Hindi.. Hinahanap kasi kita tapos nagpunta ko sa garden tapos nakita kitang natutulog kaya hiniga kita sa lap ko? Masama bayun?" Sabi ni Zoey. Atsaka piniture-ran din kita! Whahhaaha!

"Oo! Lalo na kung pinipicture-ran ka habang natutulog ka ng hindi mo alam diba?" Sabi ni Brian sabay tingin kay Zoey na itatago na yung cellphone niya.

"Ahmm. Tama!! Ahh Sige Unah na koh!!" Sabi ni Zoey at akma ng tatayo ng biglang hawakan ni Brian yung kamay niya na nakalagay sa bulsa niya.

"Patingin ng Cellphone mo. Bilis!" Utos ni Brian.

"Ayoko nga! Atsaka.. Hindi naman kita piniture-ran ehh." Pagsisinungaling ni Zoey.

"Anong hindi!! Tch! Bahala ka, hindi kita bibitawan hanggat di mo pinapakita sakin yung cellphone mo. Bahala ka diyan! Hindi ka makakauwi.." Pananakot ni Brian.

"Kainis naman toh!! Wag mo kasing burahin!!" Naiinis na sabi ni Zoey tapos kinuha niya na yung cellphone niya sa bulsa niya.

 "Tsss.. Ibibigay mo rin pala ehh." Sabi ni Brian.

 

Tapos tiningnan na ni Brian yung cellphone ni Zoey at pagtingin niya. Yung itsyura niyang natutulog yung nasa wallpaper ng CP ni Zoey.. 

 

"Sus! May gusto ka sakin noh!" Sabi ni Brian kay Zoey sabay tingin dito.

"As If naman noh!! Nahiya naman ako sayo!" Sagot agad ni Zoey kay Birian.

"Ehh, Bat picture ko yung wallpaper mo!" Pangaasar ni Brian

"Syempre! Ang cute mo kasi kanina habang natutulog ka ehh.. Atsaka, ngayon ko lang nakita yung mukha mong natutulog. Ngayon ko nga lang napagtanto na gwapo ka pala.. Kahit Shopol kah!!" Sabi ni Zoey sa kanya.. 

 

Pagkarinig ni Brian sa mga sinabi ni Zoey. Medyo nagblush siya kasi nga sinabihan siya ng gwapo ni Zoey na hindi niya inaasahang sasabihin nito. Kaya para iiwas yung mukha nyang nag-blublush bigla na itong tumayo at binigay kay Zoey yung cellphone niya.

 

"Ohh Eto nah yung Cellphone mo! Bahala ka kung gusto mong Idelete yung picture ko. Okey lang din kung ipagkalat mo. Sabi mo kasi, gwapo naman ehh.." Sabi ni Brian tapos hinawakan yung kamay ni Zoey at lumakad na sila papuntang room.

"Teka.. bat mo hawak niyong kamay ko?" Tanong ni Zoey sabay tanggal ng kamay niya.

"Obvious ba?! Baka kasi madapa ka ehh. Ako pa sisihin mo.. Bahala ka nga!" Sabi ni Brian na iniiwas yung mukha nya kay Zoey.

"As if naman noh!! Tsss.. Kaya ko na yung sarili k----. Ahhhhh! Aray ko!" Sabi ni Zoey dahil hindi niya napansin na may bato pala sa inaapakan niya kaya natapilok siya. Buti na lang at nahawakan siya ni Brian.

"Okey ka lang??" Nag-aalalang tanong ni Brian.

"Shopol kaba?! Syempre hindi noh! Ang sakit kale.. Aray!!" Sabi ni Zoey habang nakahawak sa paa niyang natapilok. 

"Kaya mo pa bang maglakad?" Tanong ni Brian kay Zoey. 

"Ahmm.. Siguro?" Tapos sinubukan niyang maglakad pero natumba ulit siya

"Tsss.." Tapos biglang umupo patalikod si Brian.

"Bakit??" Nagtatakang tanong ni Zoey. Ano nanaman ba ang trip nitong Shopol natoh.

"Piggy Back Ride.. Boblacks lang?" Sagot ni Brian na hindi man lang lumingon kay Zoey..

"Eh?! Wag nah!" Sabi ni Zoey. Nakakapanibago talaga tong Shopol natoh!! Ano ba yung kinain nito sa panaginip niya kanina?? Tccchh.  ~.~  

 "Bilis nah. Bahala ka! Kapag nagbago na yung isip ko. Iiwan talaga kita dito.

 "Hindi!! Ito na nga ehh.." Sabi ni Zoey ...

 

Habang karga ni Brian si Zoey.. Walang nagkikibuan..

 

"Zoey?" Pangbabasag ni Brian ng katahimikan..

"Hmm. Bkit?" Bat ba wala akong masabi o kaya walang pumapasok sa utak kong pagusapan?? Teka.. Ito ba yung tinatawag nilang Awkward moment?? Tssss... 

"Ahmm.. ANG BIGAT MO!!" Putik yan! Bat ba hindi ko sa kanya masabi nah.. Nafafall na ko sa kanya.. Bakit hindi ko masabi??!! At bat sa lahat pa ng pwedeng sabihin bat yun pa??! Anak ng SHopol!! - Brian.

"ANO??! Teka nga.. Hindi naman ako mataba ahh." Sagot agad ni Zoey.

"Joke lang.. Kamusta na kayo ni James?" Bat ko nga pala natanong to?? Tsss.. Ang tanga ko naman! 

"Oo nga pala!! Tungkol din dito yung sasabihin ko sayo kanina ehh.. Kaso natutulog ka naman ehh." 

"Napuyat kasi ako kagabi kakapractice ng gitara.." Sabi ni Brian.

"Ehh?! Akala ko ba hindi ka marunong mag-gitara.?" Sabi ni Zoey.

"Akala mo lang yun.... Ano na yung sasabihin mo sakin?" Sabi ni Brian.

"Ano kasi.. Ahm? Naguguluhan kasi ako.." Ishashare ko rin ba yung problema ko? Sige na nga!! Tutal Bestfriend ko naman tong si BRian ehh.. Sercet nga lang.. 

"Anong ano?? Ituloy mo na kasi.." Pamimilit ni Brian.

 "Sasagutin ko ba si James o Hindi?" Sabi ni Zoey na medyo nahihiya pa konte..

 

Napahinto sandali si Brian sa narinig niya.. At hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Zoey.. 

 


Teka.. Bat biglang huminto tong Shopol nato?!  Tanong ni Zoey sa sarili dahil biglang huminto si Brian.

"Malay ko sayo! Mahal mo ba siya? Gusto mo ba siya? Nasayo naman yun kung sasagutin mo siya o hindi ehh.. Wag mo kong tanungin dahil hindi ko hawak ang puso mo at hindi ko rin alam kung ano ba ang nararamdaman nito para kay James." Sana nga hawak ko na lang talaga yung puso mo eh. Para kaya kong turuan itong mahalin ako..

"Ha? Hmmm... May point ka dun ah.. Pero... Alam mo Brian, kapag kasama kita. Iba yung pakiramdam eh. Alam mo yung feeling na, Napakakomportable ng pakiramdam ko kapag kasama ka. Pero kapag si James, hindi ko maintindihan.. Parang kakaiba? Yung feeling nah.. Ayaw ko siyang mahiwalay sakin. Siguro nga mahal ko na siya.. Pero alam mo Brian. Para sakin ikaw ang Bestfriend ko! Kahit magkaaway tayo lagi.. Promise!" 

 

Nanatiling tahimik si Brian hanggang sa makarating siya sa Bahay nila Zoey at ganun din si Zoey. 

 

"Ahm.. Salamat Brian hah!! Teka, Okey ka lang? Kanina ka pa tahimik ahh.." Sabi ni Zoey habang nakatingin kay Brian na medyo nakayuko.

"Sa tingin mo okey lang ako? Sa tingin mo Oo.. Para sakin Hindi. Alam mo Zoey.. Ayaw kitang maging bestfriend! Hindi sa ayaw ko sayo.. Alam mo kasi... *Sigh* Ewan!! Pero sana.. Kalimutan mo na ko simula bukas. Goodbye Zoey.." Sabi ni Brian sabay tingin kay Zoey "Nga pala.. Kung sasagutin mo si James. GoodLuck sa inyo." At tumalikod na si Brian.. 

"Teka Brian! Anong bang meron?! Hoy?! Teka Sandali!! " Tawag ni Zoey kay Brian. Dahil nga sa masakit yung paa niya hindi niya mahabol si Brian. "Ano bang ginawa ko?! Brian!!" Ano bang meron kay Brian?! Hindi ko siya maintindihan.. Ano ba?! Tanong ni Zoey sa sarili niya. 

 


Kung sana hawak ko lang talaga ang puso mo..

Tuturuan ko tong mahalin ako. 

At sana maibaling mo rin ang mga mata mo sakin.

Dahil masakit tanggapin na ang minamahal ko.. 

Ay may mahal na iba..

At ang masaklap pa ehh. Bestfriend lang ang tingin niya sakin.

Ang sakit diba?

Lalo na kung harap-harapan niyang sabihin na iba ang mahal niya at bestfriend lang ako.

Masakit.. Bat ba kasi ngayon ko lang narealized?! 

Na mahal ko pala yung taong lagi kong kaaway.. 

At si Zoey yun.. 

Siguro nga.. Kaylangan ko nang sabihin sa inyo ang Past ko..

Ayoko nang maulit ang Past.. 

Na minahal ko ang dati kong Bestfriend.. 

Nang Labis!! Pero.. Ano?! Binalewala niya lang yun! 

Dahil nga.. BESTFRIEND niya ko!! 

At hindi na magbabago yun.. 

 

Kaya ayokong maging bestfriend si Zoey.

Because she just reminds of the past..

Na minsan.. 

Ang pagkakaibigan ay pang habang buhay na.. 

At hindi na maiiba kaylan man. 

- Brian

 

Friday... 

Dala ni Brian ang gitara niya sa may rooftop at tumututog ng.. 

(Click niyo po yung Song sa right side..)

 

Take time to realize
That your warmth is crashing down on in
Take time to realize
That I am on your side
Didn't I, didn't I tell you?

But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it out for you

If you just realize what I just realized
That we'd be perfect for each other
And we'll never find another
Just realize what I just realized
We'd never have to wonder
If we missed out on each other, now

Take time to realize
Oh oh, I'm on your side
Didn't I, didn't I tell you
Take time to realize
Oh oh, I'm on your side
Ohhh, Ohhh


But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it o--.

 

Natigilan siya ng biglang may nagbukas ng pinto ng rooftop.. At si James yun. 

 

"Oopss.. Hindi ko sinasadyang istorbuhin ka.. Sorry." Sabi ni James. 

"Okey lang yun." Tapos nilapag muna yung gitara niya sa lap niya. "Bat andito ka nga pala?" Tanong niya kay James.

"Ahmm. Para mag-pahangin? Nakakabored kasi ehh.." Tapos umupo siya malapit kay Brian.

"Ahh.." Yan lang ang isinagot ni Brian at pinagmasdan na lang ang ulap.. 

"Sagutin mo nga ako.. May gusto kaba kay Zoey?" Nakatingin tanong ni James kay Brian.

"Hah?! Bat mo naman natanong?" Nagulat si Brian sa tanong ni James.

"Wala lang.. Napapansin ko kayong laging magkasama dati sa Library.." - James

"Ahh.. Kasabay ko kasi siya lagi paguwi. Nga pala, Sabi niya sakin nililigawan mo siya. Sinagot ka na ba niya?" - Brian. Bat parang ang confident kong magtanong ng mga tanong na ganyan. Eh kapag nalaman ko naman yung sagot masasaktan nanaman ako..

"Hindi pa nga ehh.. Hindi ko nga alam kung rejected ako o hindi ehh.. Hindi ko rin kasi siya mahagilap ngayong week na toh. Ni hindi ko nga siya talaga nakita ehh. Ikaw ba?" Tanong ni James.

"Ahhmm. Actually, pinutol ko na ang lahat ng connection namin sa isa't-isa.. Hindi narin kami nagkikita.. Kaya wala na akong alam tungkol sa kanya.." - Brian.

"Bakit??"

"For some reason.." 

"Ganun bah.." Sabi ni James tapos tumayo na siya at pinagpag yung pwetan niya. "Nga pala. Realize ba yung tinutugtog mo?" Tanong ni James kay Brian.

"Oo.. " Sabi ni Brian habang nakatingin kay James na papaalis..

"Alam mo.. Kahit hindi mo ipakita, ipadama, o sabihin.. Alam kong may gusto ka kay Zoey. I-admit mo na kasi sa sarili mo. Bahala ka.. Papalampasin mo na lang ba ang pagkakataon na hindi niya malaman ang nararamdaman m-----." Natigilan siya ng biglang mag-salita si Brian.

"Wala kang alam! Kung gusto mo si Zoey hindi ko yun pakialam.. Ligawan mo man siya! Dahil... Bestfriend niya lang ako! Hanggang dun lang yun!! Dahil ikaw ang gusto niya at.. Hindi a-ako." Sabi ni Brian kay James.

"Sinasabi ko na nga ba eh.. Gusto mo talaga siya.. Bat ba nagpapakatorpe ka?!"

"Oo nah! Mahal ko si Zoey! Pero hindi ako ang mahal niya. Kung hindi ik---." Hindi naituloy ni Brian yung sasabihin niya ng biglang may nagbukas ng pinto at si Zoey yun.

"Ang Shopol mo talaga Brian!! Ikaw na talaga ang Shopol!! Ikaw nah!" Sigaw ni Zoey kay Brian.

"Teka!! Mukhang nakakaistorbo ako hah!! Makaalis na nga." Paalam ni James at umalis na..

 

Pagkasarado ni James ng pinto ng Rooftop napangiti siya.. 

 

"Hmm.. Actually kahapon niya pa ko binusted Tsss.. Kung alam niya lang na hindi rin ina-admit ni Zoey sa sarili niya na gusto karin niya... Tssss. Nagkakahiyaan pa kasi ehh!" Bulong ni James sa sarili niya at dumiretsyo nasa canteen.

 

Sa loob ng rooftop.. 

 

"Narinig mo?" Nahihiyang tanong ni Brian kay Zoey.

"Simula ng kumanta ka at bago pa pumasok si James."

"Shete kah James! Kalimutan mo na mga yung sinabi ko.." Sabi ni Brian sabay talikod. 

"Diba nga sabi nga sa kanta..

Take time to realize.. 

I'm on your side.. 

But I can't spell it out for you.. 

No, it's never gonna be that simple..

 

To say I Love you too. Brian." Nakangiting sabi ni Zoey kay Brian.

"Akala ko ba ang mahal mo ay si James?" - Brian

"Ayoko ko kasing i-admit sa sarili ko ng ikaw yung gusto ko." Nagblublush na sabi ni Zoey.

"Ahhmm.. Ganun din kasi ako. Pero ngayon hindi na ko mahihiyang sabihin na MAHAL KO SI ZOEY!!" Sabi ni Brian tapos lumapit siya kay Zoey at niyakap din ito.. 

"Hahahaha. MAHAL KO RIN TONG SHOPOL NA SI BRIAN!!" Masayang sabi ni Zoey at niyakap niya rin si Brian.. 

 

And they love each other forever.. 

 

 

The End.

(If We Just Realized)

 

----------**

**A.N.E.N. :

Ang gulo no?? Teka, edit muna natin yung iba.. 

Ahmm.. Salamat po kung binasa niyo po ito.. Lamat :))

Sorry ngayon lang ulit nakagawa.. T_T 

Lapit na kasi Test namin ehh.. (Kahit naman hindi.)

 

Pls. Comment & Vote po sa mga may gusto..

At kung trip niyo po RL niyo na po..

Thankssss.. XD

 

++ Abangan ang Next na One_Shot >>

----------**

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
DarkyMih
Just Enjoy! :D

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet