Anne's First Kiss!

OneShot Collection

 

----------**

A.N.E.N :

Ito ay naisulat ko sa isang coupon bond.. Share lang :)

Naisip ko to habang nakatulala sa gilid ng pintuan ng classroom namin. (recess)

At tlagang Jackpot!! Dahil dumaan ang aking Beloved.. Whahahhaha (darkymih's laugh w/ kilig to the bones XD)

Atsaka hindi nga pala ako ang magkwekwento ngayon ng story kundi ang mismong character nitong story na iteshi. :)

Hay naku masyadong madaldal.. Simulan nanatin..

 

*That guy suddenly kiss me! (What's the reason behind it??)

----------**

 

 

*** Anne's First Kiss! ... 

 

 

Andito ako ngayon sa may paanan ng puno, malapit sa may garden ng school. Andito lang naman ako para magpahangin dahil sobrang init, Oo nga pala, nagbabasa rin ako ng biglang may tumabi saking lalaki. Hindi ko siya pinansin at medyo lumayo konte kasi hindi ko naman siya kilala ng bigla niya kong hinalikan sa lips. As in sa lips talaga! Syempre bigla ko siyang tinulak papalayo sakin. At talagang sobrang gulat na gulat ako nun! Pano naman kasi?! Ninakaw niya yung first kiss ko. Yung first kiss na pinakaiingatan ko! Dahil ang gusto ko, ang magiging first kiss ko ay yung taong pinakamamahal ko! Hindi ang asungot nato!

 

"What the Fu**!" 

 

Yan ang lumabas sa aking mga bibig at alam niyo natigilan ako bigla ng makita ko ang mukha ng lalaking pinakatinitilian ng mga kababaihan dito sa school at siya si Aetine! Ang heartthrob ng School.

 

"First Kiss mo bayon??" 

 

Tanong niya sakin.. 

 

"OO! Yun yung pinakaiingatan kong first kiss! Tapos ninakaw mo lang!" 

 

"Gusto mo ibalik ko sayo?

 

Inosenteng tanong niya na akala mo ay maibabalik niya nga! Tss.. 

 

"Wag na! Atsaka pano mo ibabalik?!" 

 

Naiirita kong sabi at tumayo na para umalis dahil worst trip ako! Nang bigla niyang hawakan yung braso ko at imperness ang lambot ng kamay niya parang babae. Whhahaha. 

 

"Sorry talaga, Dare lang kasi yon ehh. Atsaka, kapag hindi ko ginawa magbabayad ako ng P500.00, kaya no choice. Sorry talaga. Hayaan mo gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako." 

 

"Tss.. Bahala ka!" 

 

Nakakainis talaga! Kahit sabihin niyang siya ang tinitilian ng mga kababaihan dito sa school nato, eh kikiligin na ko sa ginawa niyang pagnanakaw  ng first kiss ko. Hindi noh! Nakakainis kaya! Atsaka ang mas malupit pa dun eh, Dare lang yun! Grr.. 

 

 

Next Day... 

 

 

"Anne!" 

 

May tumawag sakin, sino kaya yon? Oo nga pala! Nakalimutan kong ipakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Anne, 3rd year. Wag niyo ng alamin kung anong surname ko. Pero bago yan, sino kaya ang tumawag sakin? Mukhang lalaki ehh.. 

 

"Anne, amin na yang mga libro mo." 

 

Sabi ni Aetine tapos kinuha niya yung mga dala kong libro. Syempre ako'y naspeechless. Dahil, Ako yung tipo ng tao na hindi nagtatanim ng galit, kaya sa makatuwid hindi na ko galit sa kanya naiinis lang. Atsaka, heartthrob siya diba? Kaya lahat ng mga girly ay nakatingin saming dalawa with matching bulong-bulong.. At nakakahiya yon! 

 

"Ahm, Wag nah!" 

 

Sabi ko at akma ko ng kukunin yung mga libro ko ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos naglakad kami papuntang room. Este, room pala namin, magkaklase kasi kami eh. 

 

"Diba sabi ko lahat gagawin ko para lang mapatawad mo ako."

 

Sabi niya sakin tapos biglang ngumiti. 

 

"Sino ba naman kasing shunga ang biglang hahalikan ang isang babae, tapos dare pa! Tss... At ako pa nga ang napagtripan niyo. Eh, ang dami-dami namang babae diyan ah!"

 

Reklamo ko sa kanya.. 

 

"Kasi nga.." 

 

Sabi ni Aetine pero hindi niya na kaagad tinuloy.  

 

"Anong kasi?" 

 

Tanong ko sa kanya. 

 

"Wala."

 

Nakakindat niyang sabi tapos pumasok na kami sa room.. Araw-araw ganyan ang kanyang ginagawa.. 

 

 

Lumipas ang 1 buwan.. Isang hapon, sa may tapat ng bahay nila Anne. 

 

 

"Ahm, Aetine. Pinapatawad na kita atsaka hindi naman ako talaga galit sayo eh, Medyo naiinis lang. Ahm.. Wag ka naring mag-effort na abalahin yung sarili mo na salubungin ako araw-araw at ihatid ako sa bahay namin tapos bibitbitin mo yung mga libro. Atsaka yung dare nayon, kalimutan na lang natin at isiping isa lang yung panaginip. Salamat nga pala at Ito na yung huli."

 

Sabi ko sa kanya, pero alam niyo parang may hindi sumasang-ayon sa aking mga sinasabi at alam niyo kung ano yon? Anag aking puso. Ewan ko? Mahal ko na ata siya. Hindi lang mahal, mahal na mahal na. Sino ba namang kasing hindi mafefell sa pagiging humble niyaat gentleman sa loob ng 1 buwan. *sigh* Grabe! Ayoko rin namang isipin ng iba na ginagamit ko lang si Aetine para mapansin.

 

"Ehh?" 

 

Medyo nagulat niya sabi.. 

 

"Ahh.. Ganun ba? Ahm, Salamat naman! At hindi na ko gigising ng maaga para salubungin ka at bitbitin ang mga libro mo, nakakangawit din kasi yon eh, at araw-araw kang ihahatid sa bahay niyo. Nakakapagod. Atsaka, Dare lang naman yon Anne diba? Ahmm.. Byenga pala at ingat ka... Lagi. Simula bukas, Bahala ka na. At sana marealize mo na lahat ng effort ko ay para lang sa pagpapatawad mo sakin." 

 

Tapos umalis na siya kaagad. Pero alam niyo ng marinig ko ang mga sinabi niya nasaktan ako at parang mas lalong hindi natanggap ng puso ko.. Grabe! Parang daig ko pa ang nakipag-break, parang gumuho yung mundo ko. At lumuluha akong lumakad papasok ng bahay.. 

 

 

Next Day.. 

 

 

Pagpasok ko sa room nagulat ako sa  mga narinig ko, Si Aetine daw ay may babaeng nililigawan na mahal na mahal niya. At ang babae daw nayon ay si Kath. Nalungkot ako sa mga narinig ko at parang nawalan ng gana. Lalo na ng makita kong sabay pumasok ng room sila Kath at Aetine. Kung alam niyo lang talaga halos gusto kong takpan ang mga mata ko para hindi ko sila makitang magkasama. Pero para namang napakagreedy at napakasama ko. At di hamak naman na mas angat si Kath kesa sakin at bagay talaga sila.

 

 

Ilang araw ang lumipas... Siguro tatlo.

 

 

Laging magkasama sila Aetine at Kath, parang sila na nga eh. Pero merong kumakalat na chizmiz na medyo nagpagaan ng loob ko. Sabi ng chizmiz busted daw si Aetine kay Kath. Pero syempre chizmiz lang yon kaya hindi ako masyadong naniniwala. Pero medyo nagkaroon ako ng lakas ng loob, na ipagtapat ang nararamdaman ko para kay Aetine, Kahit na alam ko at obvious namang wala siyang pagtingin sakin. Pero ang importante masabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya. 

 

"Totoo ba talaga yon?" 

 

Tanong ko sa kaklase ko. 

 

"Oo daw." 

 

Mukhang totoo nga.. Siguro bukas ko na lang sasabihin sa kanya. Bukas ng hapon. Pero pano ko sasabihin sa kanya na hintayin niya ko paguwian at may sasabihin ako sa kanya? Parang nakakahiya yon ahh. Hmm.. Pasabi ko na nga lang kaya sa kaklase ko.

 

"Uy, paki sabi nga kay Aetine na dun siya maghintay sa may garden. Hintayin mo daw si Anne dun. At may sasabihin siya sayo." 

 

Pakiusap ko sa kaklase ko na sabihin din kay Aetine, nakita ko naman na sinabi niya kay Aetine at tumayo lang si Aetine tapos na parang wala lang. Iniisip ko tuloy parang hindi siya pupunta, pero maghihintay parin ako. 

 

 

Kinabukasan ng Hapon... 

 

 

Andito ako sa may garden kung saan malapit sa puno ninakaw ni Aetine ang first kiss ko. At 40 minutes na ang nakalipas simula ng maghintay ako dito. Ewan ko nga kung pupunta siya o hindi, pero maghihintay parin ako.. 

 

 

Lumipas na ang 10 minutes.. 

 

 

"Anne!" 

 

May tumawag sakin, pero boses babae, alam niyo kung sino? Si Kath, nagulat nga ako kung bakit niya ko tinawag ehh.. 

 

"Bakit? Bat mo ko tinatawag?" 

 

Tanong ko sa kanya. 

 

- - - - - - - - - - - - - - - 

 

"Dahil patay na si Aetine!" 

 

Sabi sakin ni Kath na paluha nah. Dahil nasaksihan daw niya ang lahat.. 

 

"Anoh?!" 

 

Sagot ko sa kanya na paiyak nah. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.. Parang guguho na ang mundo ko! 

 

"Na hit and run siya ng isang bus at namatay." 

 

"Pero!" 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 Joke lang!! Joke lang po! Lahat po ng nasa putol na guhit ay pawang kalokohan lang ng Author..  Ang susunod ho dito ay hindi na biro.. 

Peace!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

"May isang tao ang gusto kang makita." 

 

Sabi ni Kath sakin.

 

"Hah? Sino naman?" 

 

Tanong ko sa kanya..

 

"Basta, Sumama ka sakin."

 

Sabi niya sakin tapos sabay hatak ng kamay ko. 

 

"Pero, kasi.."

 

"Hindi, basta sumama ka sakin!" 

 

Nakangiti niyang sabi at wala narin akong nagawa kundi sundan siya, iniisip ko nalang na hindi pupunta si Aetine, halata naman. At talagang wala siyang balak na sumipot. 

 

"Andito na tayo!" 

 

Sab ini Kath. At nagulat na lang ako sa nakita ko... 

 

"Hah?" 

 

Yan ang nasabi ko pagkatapos kung makita.

 

"Tss. Anak talaga ng--.!" 

 

Naiiritang sabi ni Kath na nakahawak sa noo niya.. 

 

"Diba si Aetine yon?? Sino yung babaeng kasama niya? Tapos.. k-kayakap niya?" 

 

Alam niyo nasaktan ako sa nakita ko si Aetine na mahal ko at magtatapat na nga ako. Eh, nakikikipaglandian lang sa isang babae, eh. Halos isang oras na akong naghihintay sa kanya. Tapos siya na andito lang at may kayakap na babae.. Tss.. Ang sakit! Alam niyo yung feeling na gusto mong maglaho sa kinakatyuan mo. *sigh*

 

"Ahmm, Kath. Alis na koh!" 

 

Sabi ko kay Kath. Ayoko na kasi makita yung kasweetan nila. At syempre na sayang din yung effort ko sa paghihintay at yung lakas ng loob para magtapat. Tapos tumakbo na ako. 

 

"Anne, Sandali!!" 

 

May boses na lalaki ang narinig ko sa may likuran ko, kilala niyo naman kung sino siya diba, Si Aetine. Hinawakan niya ko sa braso.

 

"Anne, please? Sandali lang.." 

 

"Para saan? Alam mo halos magiisang oras na akong naghihintay dun sa may garden, samantalang ikaw! Kasama mo yung babaeng yun." 

 

Sabi ko sa kanya.. 

 

"Huy Aetine, Tara nah! Diba may date tayo?" 

 

Sabi nung babae na kung saan na lang lupalop lumitaw at humawak sa braso ni Aetine.

 

"Sige. Mukang nakakaabala na ako, Alis na ko. Kalimutan mo na lang na may sasabihin ako sayo!" 

 

Sabi ko sa kanya, at pinipigilan ko lang ang pagluha. 

 

"Hoy! Ate Abigail. Umalis ka nga diyan. Nakita mo namang may pinag-uusapan sila diba? Atsaka nakita ko yung boyfriend mo dun.." 

 

Sabat din ni Kath na ewan ko kung saan din lupalop lumitaw.. At nakita ko namang bumitaw yung Abigail sa braso ni Aetine. 

 

"Anne! Sabihin mo nah! Go! Joke lang yung mga sinasabi ko. May boyfriend na ako.." 

 

Sabi nung Abigail tapos ngumiti siya sakin at iniwan na nila kaming dalawa ni Aetine. 

 

"Anne?" 

 

Sabi ni Aetine sa kanya sabay hawak ng kamay ko, pero syempre tinanggal ko kaagad kasi naiinis parin ako..

 

"Anne, let me explain. Magpapaliwanag ako, lahat sasabihin ko sayo. Wala akong itatago at sasabihin ko rin kung ano ba talaga ang dare nayon. At may gusto akong ipagtapat sayo." 

 

Sabi sakin ni Aetine na nakatitig sa mga mata ko. Na parang nagbaliktad ang aking pagkainis sa pagkakilig dahil sa mga sinabi niya. 

 

"Oh, Sige!" 

 

Sabi ko, Curious narin kasi ako eh.. 

 

"Si Ate Abigail, Boyfriend ng kuya ko. Parehas na silang 2nd year college." 

 

"Eh, bat kayo magkayakap? Diba girlfriend siya ng kuya mo?" 

 

"Kamukhang-kamukha ko kasi yung kuya ko. Matagal niya ng ginagawa yung pagyakap-yakap sakin, minsan nga kinikiss niya ko sa pisngi kahit andiyan si Kuya. Pero wala naman yon kay kuya, kasi alam niya naman na loyal si Ate Abigail. 6 years na nga sila ehh. Tapos yung kay Kath naman. Hindi totoo, nagpapatulong lang talaga ako sa kanya sa .. Atsaka, kapitbahay ko si Kath. At may boyfriend narin siya." 

 

Sinabi niya nga talaga lahat.. Pero may kulang pa eh, Ano ba talaga yung dare nayon?? 

 

"Ahmm, Aetine ano nga pala yung---. " 

 

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang may lalaki ang sumulpot nanaman at Grabe! Kamukhang-kamukha niya si Aetine. Kuya niya siguro? Oo! Grabe! Para silang kambal. 

 

"Tine! Nasan si Abigailko?" 

 

Tanong nung kuya ni Aetine.. Wow! Tine pala yung palayaw ni Aetine. 

 

"Kasama si Kath, bat nga pala andito ka?" 

 

Tanong ni Aetine.. Oo nga naman. Bat ba sila sulpot ng sulpot eh, naguusap kami. Bastusan lang batoh?! Tss.. 

 

"Hinahanap si Abigailko.. At, sino naman tong babae natoh?" 

 

Tanong nung kuya ni Aetine sa kanya tapos sabay tingin sakin. Grabe ah! 

 

"Ahmm, Siya si Anne." 

 

Sagot ni Aetine.. 

 

"Girlfriend mo? Ikaw hah! May girlfriend kana pala! Hindi ka nagsasabi." 

 

"Ano bah! Tss.. Makaalis na nga dito! Tara Anne!" 

 

Sabi ni Aetine sabay hatak sa kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang ... Ewan? Basta lumalakad lang kami habang hawak niya yung kamay ko. Ahm, San kali kami pupunta?"

 

"Anne, dun tayo sa Park may sasabihin ako sayo paglubog ng araw. At makinig ka hah." 

 

Sabi niya sakin tapos, umupo kaming dalawa na magkatabi sa may damuhan at naghihintay ng paglubog ng araw.. 

 

"Ahm, Alam mo Aetine." 

 

"Ano yun?" 

 

"Nainlove ako sayo. Sobra mo kasing humble, sobrang gentleman. Tapos mabait. Basta! Atsaka nga pa---. " 

 

Hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko. 

 

(Paki play yung kanta sa RightSide -------> )

 

"9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1, 1/2, Hmmm.. 0.! Go! ituloy muna." 

 

Sabi niya tapos humarap na sakin. Yan tuloy, para akong nahiya. Tss.. 

 

"MAHAL KITA!! MAHAL NA MAHAL! SOBRA!"

 

Yan hah! All Caps! Pasigaw pa! Buti na lang at kami lang ang tao.. 

 

"Ako.." 

 

Sabi niya tapos biglang siyang tumayo tapos pinatayo niya rin ako, at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. Ang lambot talaga ng kamay niya.. 

 

"Ako minahal na kita mula nung simula palang. Bago pa nangyari ang dare, mahal na kita. Alam mo yung araw na pinatawad mo na ko, tapos parang pinutol mo lahat ng koneksyon natin sa isa't-isa , Ay yung araw din na magtatapat na ako. Sasabihin ko nah, balak na nga kitang tanungin nun kung pwedeng manligaw ehh. Tapos bigla kang nagsalita na itigil ko na yung pagsundo sayo, yung mga effort ko. Tss., Nasaktan ako nun noh." 

 

"Ehh? M-m-ma-Mahal? Mahal mo ko? Mula nung simula? Talaga?!" 

 

Hala! Totoo ba talaga toh? As in yung mga narinig ko?? 

 

"Oo.. Gusto mo ulitin ko? Mahal na Mahal kita Anne simula nung una palang! Pwede bang manligaw??" 

 

"ahmm, Pagiisipan ko.. Joke! Kahit wag na nga eh.." 

 

"Ibig sabihin tayo na?" 

 

"Sabihin mo muna kung ano yung dare?" 

 

"Hindi mo pa ba naiintindihan?" 

 

"Ang ano?" 

 

"Wala talagang dare, ginamit ko lang yung dare, para mapalapit sayo. Tapos nakuha ko pa nga yung first kiss mo. Diba?. Kung sa Math, ito ang ginamit kong formula para masolve ko ang isang equation. At kung sa Love naman, Ito ang ginamit kong dahilan para mapalapit at mapaibig ang taong tinitibok ng puso ko. At ikaw yon. Ang babaeng mamahalin ko habang buhay! I will love you for all eternity. I love you Anne." 

 

"I love you too.." 

 

*That guy suddenly kiss me! ( Because Love is the Reason behind it ). 

 

 

The End.

( Anne's First Kiss! )

 

 

----------**

A.N.E.N :

Nagustuhan niyo po ba? Sana nga po ehh..

Hahahhaha..

 

Pls. Comment & Vote po sa mga may gusto..

At kung trip niyo po RL niyo na po..

Thankssss.. XD

 

++ Abangan ang Next na One_Shot >>

----------**

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
DarkyMih
Just Enjoy! :D

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet