The Surgeon

What If.

 

 

 

 

Daniel Henney a.k.a Patrick photo daniel-daniel-henney-799352_1024_768_zps54ee2fdb.jpg

Daniel Henney as Patrick Andrew Lee-Park

 

 

01.  The Surgeon

 

 

 

     “Doc! Flat line!” sigaw ng isa sa mga nurse na tumutulong sa kanya ngayon.

 

     “Get the defibrillator ready.” At pinutol na ng binatang doctor ang sinulid pagtapos niyang tahiin yung sugat.

 

     “Ready, doc” sabi nung medtech na naka-assign sa technical aspects ng operation. Tumango sa kanya ito at sinimulan na ang revival procedure.

     “1…2…3…4…5…” pagbibilang niya ng pumps na ginagawa niya para marevive ang pasyente. “CLEAR!” at dinikit na sa pasyente ang paddles ng defib. “1…2…3…4…5…” ulit niya sa pagpump sa dibdib ng pasyente. “CLEAR!” sabi niya ulit at dinikit nanaman nung medtech assistant niya  yung paddle ng defibrillator to shock the muscles of the heart para tumibok ulit ito. And this time, narevive ang pasyente.

     “Vital signs are now stable.” Sabi nung isa pang nurse assistant  after nilang masigurado na ayos na yung pasyente.

     “Good job, everyone.” Nakangiting sabi ni doc sa team niya. “Get him ready to be moved into his room.” Bilin niya sa team niya habang tinatanggal ang surgical gloves at palabas na ng operating room.

     “Doc, how’s my husband?” tanong ng babaeng kakatayo lang mula sa isang bench sa tapat ng operating room pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pinto.

     “He’s out of danger now. He’s going to be moved to his room in a while. For now I have to talk to your family doctor about him. Dr. Castro will tell you everything you need to know. But, I assure you that your husband’s now out of danger.” Nakangiting saad nito sa babae.

      “Thanks, doc.” Relieved na sagot nito sa kanya.

     “I was just doing my job, Madame. I have to go.” Sagot nito at umalis na para kausapin ang nasabing family doctor ng pasyenteng kakaopera niya lang.

 

 

He immediately went to his office and asked his secretary to call on Doctor James Castro. His secretary immediately came on the phone. He took his surgical suit off at umupo sa likod ng desk niya. Maya-maya pa ay pumasok na ang nasabing doctor sa loob ng office niya.

 

     “How was the operation, Doctor Park?” tanong nito pagkaupo niya sa chair sa tapat ng desk ng binatang doctor.

     “It was successful. The bullet was a few inches off where his heart is at muntikan nang matamaan ang lungs niya. He flat lined towards the end, but we were able to revive him. Other than that, there’s nothing else. He should have a quick recovery.” Sagot nito sa mas nakakatandang doctor.

     “You really are one amazing surgeon. Another successful operation conducted by the great Dr. Patrick Andrew Lee-Park.” Pumapalakpak pang saad ng doctor.

     “Tss..” nailing na natatawang tugon nito.

     “I should leave now. Thanks for doing the operation for me, Dr. Park.” Pagpapasalamat nito sa kanya habang iniabot ang kamay for a shake.

     “I was just doing my job.” Sambit ulit nito sabay kuha sa kamay ng mas matandang doctor.

 

Lumabas na ang kausap at naupo nalang ulit siya. He was revered by everyone working in the hospital for being one of the best surgeons in Asia, the son of the President and CEO of the company that handles the hospital and the Head Director at an early age. He twisted his chair around to gaze out the full, floor-to-ceiling, window behind him. He was staring out the night sky, contemplating. Kahit grabeng paghanga ang nakuha niya sa lahat ng mga tao sa paligid niya ay feeling niya hindi parin siya buo. Hindi na siya buo. He never knew that she’ll be able to do such a despicable thing to him. His girlfriend for 5 years just flew out the country dawn of that day, when he got back from Seoul. Nasaktan siya ng sobra sa ginawang biglaang pag-alis ni Janna. Ni hindi man lang niya nagawang gawin kung ano man yung plinano niya. He was so excited back then. He had the perfect proposal in mind. It’s been 2 months, and not even a word reached him since the day she left. And, he doesn’t know what to think. Pero, para sa kanya, they’re already over.

 

Sino siya? He’s Patrick Andrew Lee-Park. He’s the eldest son one of the most powerful man in Asia.  The Head Director of St. Mercy Medical Center which is under his dad’s company which is Intercorp Intertional. He’s one of the most successful surgeons in and around Asia. A model-actor out of interest, but a full-time surgeon by profession. He’s also a trained kick-boxer. He wanted nothing but save lives and help those who are sick. He was one of the most well-known jocks in his college days. Magna Laude, the brightest of his batch when he gradruated from college. He was immediately sought after by different medical groups because of his outstanding intelligence. Pero, mas pinili niyang magtrabaho at mas itaguyod ang ospital na ang haraboji niya ang nagtayo. He has a lot of friends, pero mas pipiliin niyang maging mag-isa.

 

 

*ring ring riiiiiiiing*  

Thunder Calling…

 

 

Si Anthony Choi or mas kilala bilang Thunder. Ang bestfriend niya. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. His bestfriend is known for being such a party-animal and a womanizer. He loves drinking, parties and women, especially women. He’s also notorious for the name “The 3-second Guy” for he can get any girl in just 3 seconds time. The phone kept ringing, so he decided to pick it up now.

 

     [ Yo! What took you so long to freakin' answer? ] bungad ni MJ sa kanya.

     “I’m in no mood for bulls. Anong kailangan mo?” iritableng sagot nito.

     [ Hahaha. Typical Patrick. Anyways, bro. There’s a party at ********* club. Andameng hot chicks! May ipapakilala pa nga ako sa’yo, eh. ] says Thunder, proud of himself.

     “I’m in no mood for flirting.” Maikling sagot nito sa kaibigan

     [ Tsk tsk. Too bad for her. Well then, at least have a drink with us. ] pagpupumilit ni Thunder. [ Man! You should move on. She left, and she haven’t even called you. Not even a letter or a single e-mail. Stop sulking. She’s not worth it. ] may point na sabi ni Thunder.

     “Tss.. Fine! I’m coming.” Wala sa loob na pagsang-ayon nito.

     [ Niiiiiiiiice! We’ll be waiting. ] sabi nito at binaba na ang telepono.

 

Napabuntong hininga nalang siya. Thinking about it, he’s right. Thunder is right. Wala na sila. She left without a single word. There’s no use in sulking. Para sa kanya tapos na din sila. Kaya mas mabuti pang magpakasaya nalang. He stood up and went out to talk to his secretary.

 

     “Do I have anything scheduled tonight?” tanong nito sa secretary.

 

Binuksan nito ang planner sa desk niya at tinignan kung may nakaschedule ba na operation ang boss niya.

 

     “None, sir. Tomorrow pa ang next sched niyo.” sagot nito sa boss. Tumango ang doctor.

     “Don’t accept any other calls tonight for me, please. Emergency or not.” bilin nito sa secretary.

     “Got it, sir. Anything else?” nakangiting baling nito sa boss.

     “No. That’s all. Thanks.” At pumasok na ulit ito sa loob ng opisina para kunin ang coat niya at car keys.

 

He hurriedly walked out of the office and of the hospital bago pa may masingit sa agenda niya. He immediately got inside his car and drove to the club kung saan laging umiinom ang bestfriend niya. He suddenly remembered that he has to check on his siblings. Bilang panganay, responsibilidad niya ang bawat isa sa mga kapatid niya. Alam pa naman niya kung gaano kaloko-loko at katarantado ang mga kapatid niya. He took his phone out para tumawag sa mga kapatid niya.

 

     “Siri, call Gabby.” Utos nito sa program ng phone niya. Agad namang nagring ang telepono.

     [ Yeoboseyo? Duguya? ] sagot ng isang boses sa kabilang linya.

     “It’s me.” Sagot niya kay Gab.

     [ Sinong ikaw? ] sagot naman ni Gab. He can hear him snickering on the other side.

    “Gab, stop playing. It’s me.” Natatawang sagot niya sa kapatid.

     [ Who are you? I don’t know you. How’d you know my name? ] sunod sunod na sagot ni Gab sa kuya.

     “Gabriel.” Medyo matigas na ang boses nito.

     [ Ehehe. Mianhe, hyung. ] Nakakalokong sagot naman nito sa nakakatandang kapatid.

     “So, how is it there?” tanong nito sa bunso nila.

     [ We’re all fine. Katatapos lang mag-dinner. ] Sagot naman nito sa kanya.

     "Good. Who cooked?" tanong ulit niya sa kapatid.

     [ Zayn hyung made salad and Xandra noona made Spicy Tuna Pasta. ] masunuring sagot naman ng bunsong kapatid.

     “Where’s Joshua? He home yet?” pagpapatungkol sa pagalis ng kapatid niya. Napansin kasi nito na kasunod niyang umalis ng bahay si Joshua.

     [ Hulaan mo…! ] mapang-asar na sagot nito sa kuya.

     “Seriously, Gabby. Where is Joshua?” medyo seryoso nitong tanong ulit sa kapatid.

     [ Nasa pwet ko, hyung. Nagkakape. ] Nangaasar na sagot ulit ni Gabriel.

     “Isa, Gabriel. Magseryoso ka.” Medyo irritable nang sagot ni Patrick.

     [ Nasa pwet ko nga, hyung. Hot choco naman ngayon ang iniinom. Ayaw na daw niya ng kape. Sayang! Starbucks Premium Brew pa naman sana yun. Tsk. ] parang dismayado pang sagot naman nito.

     “Isa pang ganyan mo, you’re grounded. I’ll even take your car.” Napupuno nang sagot ni Patrick.

     [ Hehe… Kanina pa lumabas. Hindi pa nakakauwi. Peace, hyung! ^o^v ] takot naman na sagot nito sa kuya. [ Hyung! Si Tiffany noona, oh! Nababaliw nanaman. Kanina pa parang wheel ng car na gumugulong sa bed niya.] dagdag pa nito.

     [ *Yah! WT~!!!* ] angal ni Tiffany sa background. Natawa naman siya sa mga kapatid.

     “Tell your Noonas to sleep early. Wag na kayong magpuyat.” bilin naman nito sa kapatid.

     [ Deh~! ] sagot naman nito sa kanya.

     “I’ll hang up now.” pagpapaalam nito sa kapatid.

     [ Hyung! ] pahabol naman na sigaw ni Gabriel.

     “Yes, bro?” sagot naman nito.

     [ What time will you be back? ] tanong ulit ng bunsong kapatid.

     “Idk. Maybe I’ll stay in my condo. Sched’s a bit hectic tonight.” pagsisinungaling nito.

      [ Oh… Arasseo. ] sagot ng kapatid.

     "Jal ja. Sleep now." bilin ulit nito sa kapatid at binaba na ang telepono.

 

Next he called Joshua. He knows how that particular brother of his can be such a huge pain in the . At alam niya ang mga gawain nito. He already said na no funny business, and here he is. Gumagawa nanaman ng kalokohan niya.

 

     "Siri, call Blake." utos ulit nito sa program ng phone niya. The phone rang.

     [ Hello? ] a girl's voice answered the phone.

     "Who's this? Why do you have my brother's phone? Where's Joshua?" tanong niya sa babae.

     [ Oh! Kuya Pat. It's Dara. Andito sa condo ko. Bagsak. Naglasing, eh. ] sagot naman nung babae sa kabilang line.

     "Oh, Dara. I'm sorry about that brother of mine." pagsosorry niya sa dalaga.

     [ Nuh. Sanay na ako dito, kuya. Eh lagi naman dito agad punta nito. No worries. I'll tell him to go straight home pagkagising niya. ] assurance naman ng dalaga.

     "Thanks, Dara. Bukas mo na yan pauwiin. Sumabay ka nalang din sa kanya so you can see Xandra." sagot naman ni Patrick sa dalaga.

     [ Aight, Kuya Pat. Bye. ] pagsang-ayon naman ng dala.

    "Alright. Bye." at naputol na ang linya.

 

He turned left papunta sa street kung nasaan ang club na madalas nilang puntahan. Nakarating na din siya sa wakas sa club kung nasaan ang bestfriend niya. It didn’t take much time para mahanap ang grupo nila. Medyo kasi kilala na sila sa club na yun and they even have they're own space. The band is complete when he got there. Andun lahat ng mga kolokoy na tinuturing niyang kaibigan. They were all part time models. Nakasama niya ang mga ‘to sa mga projects noong mga panahong nagmomodel pa siya.

 

     “So, FINALLY! Dumating na din ang doctor ng grupo.” Comment naman ni Alvin, ang isa sa mga nakasama nito sa varsity at sa pagmomodel. “How’s our life as a doctor, Pat?” dagdag pa nito. 

 

He just smirked and sat on the last vacant seat on their table. May lumapit na isang waitress sa kanila. Kukunin daw ang order ng bagong dating. He looked up at the waitress. She’s pretty. But, she’s nowhere near Janna. He smiled at her and placed her order.

 

     “Heineken. Bottle.” Sabi nito.

     “One Heineken beer in a bottle, coming up.” Pag-uulit ng waitress sa order nito at umalis na.

     “So, p’re…” pag-uumpisa naman ni Thunder. “What made you decide to come grace us with your presence?” pagtutuloy nito.

 

Patrick just smirked and remained silent. His drink came pero he still didn’t utter a word and just drank his beer. His friends went around the club picking up girls. After a while napagdesisyonan niyang sa bar nalang ng club siya maglalagi. Wala din naman makausap na matino sa mga kabarkada niya. His friends told him that they'll be leaving one by one after a while, and soon he was left all alone by the bar, drinking his off. Ayos lang naman sa kanya dahil hindi naman siya madaling malasing at talagang mas gusto niyang mag-isa. He already drank 8 bottles of beer pero hindi parin siya nalalasing. He was about to get up when he heard a girl screaming complaints and profanities. By the sound of it, it looks like she’s being harassed. He looked around to search where the commotion is coming from. Pagkalingon niya sa kaliwa eh nakita niya yung babaeng hawak-hawak ng isang lalaki sa braso ng mahigpit. Nagpupumilit itong makawala. He smirked and approached the two.

 

     “Babe, may problema ba?” sabi nito sa dalaga. The girl looked at him. Fear is apparent in her eyes.

     “Sino ka ba, p’re? Bakit ka nakikialam sa amin?” sagot nung lalaking may hawak doon sa girl. Halatang lasing na.

     “Girlfriend ko lang naman yung hawak mo.” May awtoridad na sabi nito.

     “Eto??” sabi nung mukhang kalyo sa paa na nanghaharass doon sa dalaga habang dinuduro eto.

     “Oo. Siya.” sabi niya sabay hatak sa dalaga, “Stay behind me, babe. I’ll just teach this bastard a lesson. And, I’ll make sure that it’s one that he’ll never forget.” Sabi nito sabay halik sa lips ng dalaga at nagsmirk.

 

He looked at the guy and was calculating his moves. Uunahan na dapat siya ng suntok ng lalaki pero nakaiwas siya. He countered the moves of the guy with a punch of his own. He punched the guy so hard that the guy fell on the floor and was fast asleep. The guy was immediately knocked-out. May mga dumating na bouncer but they were a minute too late. He immediately took the girl’s hand at hinatak niya ito palabas ng club. Dinala niya ang dalaga sa kotse niya. Hindi naman ito nagpumiglas, which made it easier for him. Balak niyang ihatid ang dalaga sa bahay nito. He let go of her soon as they reached his wheels. She was surprised to see her dream car infront of her. Nanlalaki ang mga mata nito habang titig na titig sa isang Black Hummer H3 na nakapark sa harap niya ngayon. He was about to enter the car when he noticed that she’s just standing like a statue beside his car and staring at it na para bang ngayon lang siya nakakita ng kotse.

 

     “Aren’t you going to get in?” tanong nito na nagpabalik naman sa wisyo sa babae.

     “Uhh…” at tumango-tango nalang ang dalaga. “Wait! Sayo ‘to?” tanong niya sa binata.

     “Tss..” nasambit nalang nito at nakasmirk pang pumasok sa kotse niya.

     “Do you know na pangarap kong makabili ng isang ganito?” sabi ng dalaga pagkapasok sa loob ng sasakyan.

      “Yes, this is mine and no. But now, I do.” Nakasmirk nitong sabi habang iniistart ang sasakyan.

    “Wow! Ang yaman mo siguro noh?” sambit nito. “Kami din naman. Pero gusto ko sa sarili kong pera ko ako bibili ng sasakyang tulad nito.” Dagdag pa niya.

      “I’m a surgeon.” Tipid na sagot nito.

 

Nakita niyang natango ito. He smirked at pinaandar na ang sasakyan paalis ng parking. He looked at the girl beside him. It’s apparent na medyo lasing na yung babae. Ay, hindi. Lasing na pala talaga. He tried to ask for some information from her, para maiuwi na niya ito. Pero wala talagang nasasagot na matino ang babae. Kaya napagdesisyonan nalang niya na sa condo nalang niya ito dadalhin. Sandali pa ay narating nila ang condo niya. Pinark na niya ang sasakyan sa reserved slot for him. Nilingon niya ang dalaga pagkapark niya. Nakita niyang nakatulog na pala ito. He got off and went to her side of the car. He carried her out bridal style at papasok ng condo niya. Buti nalang at nakacode locking lang ang pinto niya at hindi niya kailangan ng susi. Ilalapag na sana niya ang dalaga sa kama niya pero nagising ito. Nagkatitigan sila sandali. Nagulat nalang ito ng halikan siya nito ng marahan. The kiss was a bit innocent at first. Pilit man niyang pigilan ang sarili, eh hindi niya magawa. Masarap din kasi ang mga halik na binibigay nito. He can’t stop himself. He just realized na nakapaibabaw na pala siya sa dalaga. He was showering her with kisses. And she was stripping him of his clothes. He lifted his head and looked at her. And the next thing he knew is…

 

 

----------------------------------------------------------------------------

 

 

Translation:

Neh / Deh - Yes

Arasseo - I understand / I get it 

Haraboji - Grandfather

Yeoboseyo - Hello (on the phone)

Duguya - Who's this

Mianhe -  Sorry / I'm Sorry

Hyung - Older brother (boys)

Noona - Older sister (boys)

Jal ja - Good night (inf) / Sleep well 

 

© Chine.♥

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
FeelLikeDance
#1
wow mukhang maganda!! Pwede bang si kimsoeun ang ipartner kay kimbum? :)