C hapter VIII

One Plus One is One

 

+++
And Out Of All These Things I've Done, I Think I'll Love You Better Now.

 

 

 

 

 

Gabi na ulit.

 

'Di ulit ako makatulog.

 

Ano ba'ng pwedeng gawin...

 

A-HA!

 

Bumangon ako tapos ni-raid yung desk ko sa kwarto.  May desk ako for emergency kasi madalas sa gabi ako inaatake ng mga ala-Stephen King na ideas eh.  Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa tapos kumuha ng lapis.  Mag-drawing tayo!

 

Nung bata pa 'ko, sabi ni Mama, lagi ko daw pinagti-tripan yung mga bond paper sa lamesa n'ya.  Eight months daw ako nung inakyat ko yung upuan tapos sumampa sa lamesa, tapos nag-drawing ng mga linya sa mga papel.  Isang linya per paper.  Magastos akong bata.  Nagulat si Mama nung nakita n'ya ako sa lamesa, 4 feet above the ground.  Umiyak daw ako ng sobrang lakas nung sinubukan ni Mama kunin yung bolpen sa 'kin.

 

Dun nagsimula yung pagka-artistic ko.  Heh, buti na lang hindi nawala kahit na kolehiyala na 'ko.

 

Nung tumungtong ako sa Grade 1, dun na nagsimula yung "mas" magaganda kong drawings.  Binilhan ako ni Mama ng watercolor tapos kinulaykulayan ko yung papel sa harapan ko.  Para lang akong baliw.

 

Pero maganda daw yung resulta.  Yung puno ko, violet yung katawan tapos pula yung mga dahon.  Yung araw ko, itim.  May tubig daw na dumadaloy mula sa araw na kulay blue, pero tingin ko nagkamali ako dun sa "ilog" na yun eh.  Tapos yung mga damo, dilaw.

 

Bongga.  Makulay ng buhay sa sinabawang watercolor.

 

Tapos may babae daw na nakaupo sa dilaw na mga damo.  Mahaba yung buhok, brown yung kulay nung buhok, tapos pink daw yung damit n'ya.  Piniktsuran ako ni Mama habang nagdo-drawing.  Yung drawing kong yun naka-frame sa bahay namin sa Maynila ngayon.

 

This time, hindi para sa 'kin yung dino-drawing ko.

 

Para kay Tokwa.

 

Inspired ako ng kanta ni Ed Sheeran na "Lego House", kaya ibabase ko yung drawing ko sa kantang yun.

 

Kumuha ako ng pulang colored pencil galing sa baso sa desk ko.  Nagsimula ako mag-drawing ng Lego blocks sa papel, yung kalat-kalat.  Kinuha ko yung green; inoutline ko yung pulang Lego blocks.  Kinuha ko yung itim; nilagyan ko ng anino yung mga Lego blocks.

 

Sa loob ng papel na puti pa, nag-drawing ako ng dalawang Lego na tao.  Yung ulo nila pulang Lego blocks.  Yung katawan nung lalaki itim, tapos yung babae orange.  Yung pantalon ni guy blue, tapos yung palda ni girl light na light na violet.

 

May gap sa gitna nila.  Ginamit ko yung gap na yun para mag-drawing ng isang itim na box.  Sinimulan ko yung outline na black, yung madiin.  Tapos kinulayan ko yung loob ng abstract style, yung mga kulay e green, orange, dilaw, pula, blue, at violet.  Tapos kinulayan ko ng madiin na madiin yung loob nung box.  So ngayon, wala na yung makulay na abstract style, puro itim nalang.

 

Kumuha ako ng isang toothpick sa drawer ko.  Sinimulan kong isulat sa loob ng box gamit yung toothpick:  "I will love you better now", sa pinakamagandang hand-writing ko.  Yung kulay nung mga letra ay yung kulay sa ilalim nung itim, which is the abstract style na makulay.

 

Galing, 'no?  Hehe.

 

Nung binaligtad ko yung papel, nagbakat yung itim, pero binura ko naman.  Gamit ang isang bolpen, sinulat ko:

 

"Annyeong, Onew-oppa!  >< I'm the girl back in McDonald's :)".

 

Idea yun.

 

Baka maalala niya, kahit konti lang.

 

Nilagay ko sa isang tabi yung nakulayang papel.

 

Ngumiti ako.  Yung mga paru-paro sa tiyan ko pumapagaspas nanaman.

 

Ngumiti ulit ako nung nakita ko yung drawing ko.

 

Mas proud pa 'ko dito kaysa nung naka-pasa ako sa entrance exam ko sa ADMU.

 

Hay.

 

Maganda tulog ko ngayong gabi.

 

Hee-hee.

 

 

 


 

 

 

AYIIIIIIIIIIIIIIE.

Naalala ko lang yung style na yun ng pag-kulay/drawing galing nung nasa Sunday School ako sa 'Pinas nung bata ako.

Astig eh ><

Salamat sa reads!

WELCOME 50+ VIEWERS!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited