C hapter V

One Plus One is One

 

+++
Sobrang Familiar Niya.

 

 

 

 

 

"Ate Jen, baka late ako makauwi ngayon ah."  Sabi ko sa cellphone.

 

"Bakit?"  Tanong n'ya.  Narinig ko sa kabilang linya na may kinain s'yang chitchirya.

 

"Meron pa 'kong tatapusin sa Computer Science class ko eh.  Baka..."  Lumingon ako sa orasan sa pader.  "Baka eight or eight-thirty na ako makauwi."

 

"O, sige ngarod."  Sinubuan ulit ni Ate ang sarili n'ya ng chips.  "Basta 'pag may problema, tawagan mo 'ko ah?"

 

"Yes, Ate.  Good night."

 

"Good night, din.  Ingat sa pag-uwi."

 

Inalis ko yung cellphone ko sa tenga ko.  May isang parte ng sarili ko na gustong sapakin yung mukha ko kasi hindi ako nag-bye kay Ate Jen.  Parang... disrespectful?  Ano ba'ng Tagalog ng 'disrespectful'?

 

Bakit ang dami kong tanong?

 

Shrug.

 

"Jordan, paki-reboot nga yung Computer 15?"  Sabi ng prof ko sa Comp-Sci.

 

Pumunta ako sa Computer 15.  Ni-reboot ko yung computer katulad ng sinabi ni Prof.  Lahat ng teachers ko Prof ang pangalan, ha.  Baka kasi isipin n'yo hindi ko lang talaga sila tinatawag ng complete na pangalan nila.  Prof lang talaga.  Minsan, Professor.  O Prop.

 

"Prof, ano pa po'ng gagawin ko?"  Tanong ko kay Prof.

 

Tinigil muna niya na tulungan yung isa pang estudyante sa classroom.  Tatlo lang kaming nag-stay pagkatapos ng school.

 

"Wala na, Jordan.  You may go home."

 

Pumunta ako sa upuan ko tapos kinuha ko yung backpack ko.  "Good night, Prof.  Ingat po."

 

"Ikaw din, Ruiz."  Sabi ni Prof tapos lumayas na 'ko sa classroom.

 

Ang lamiiig, grabe.  Walang halong joke.  Chineck ko yung cellphone ko:  07:37.  Mahaba pa yung oras ko.  Mamayang 8:00 nalang ako uuwi.  Ang lamig talaga, grabe.  Lupet.

 

"Ngayon ka lang uuwi?"  Sabi ni manong guard.

 

Nilampasan ko yung guard post sa harapan ng school.  "Opo, Manong.  Ginabi sa project eh."

 

"Ah, sige."  Tawa si Manong.  Minsan 'di ko gets ang mga Pinoy.  Tumatawa lang kahit wala namang nakakatawa.  "Ingat sa pag-uwi."

 

"Kayo din po."  Sabi ko, tapos tumuloy na ako paalis ng school.

 

Saan kaya magandang pumunta ngayon?

 

Madilim, maraming bituin, maliwanag ang mga ilaw kung meron man...

 

Manila Bay.

 

Pero ang layo eh.

 

Daan nalang ako sa McDo tapos diretso sa apartment.  Yan, mas magandang plano.

 

Wow, ang bilis!  Nandito na 'ko sa McDo kaagad.

 

"Good evening, ma'am, sir, what's your order?"

 

MA'AM SIR.  MA'AM SIR.

 

HINDI PO AKO BAKLAAA.  HINDI RIN TOMBOOOY.

 

Ang sakit.  MA'AM SIR.

 

MA'AM SIR.

 

"Fries lang po, tsaka burger and small Coke.  Bottled water din po.  Take out."  Ni-rap ko order ko.  Hephap yata 'to.  Maaan.

 

"Ten minutes lang po, ma'am."  Ngiti nung cashier.

 

Naglakad ako papunta sa isang table malapit sa counter.  Umupo ako sa upuan.  Yung table e two-seater lang.  Walang nakaupo sa harapan ko, huhuhu.  Imagine nalang natin si Onew yung nasa harapan ko ngayon.

 

Vogue.

 

Vogue.

 

Bongga ng pampagandang poses ni Jordan sa imaginary Onew sa harapan n'ya.  Ikaw na.  Ikaw na reyna ng topak.

 

"Ma'am?"  Tinawag ako nung cashier.  May hawak siyang paper bag.

 

Tumayo ako para ku'nin yung in-order ko.  "Salamat po."  Sabi ko, taking the paperbag at yung cup.

 

"Have a good night po!"  Ngiti ni cashier.  Ang hirap ng trabaho nila.  Kailangan laging nakangiti at cheerful.  Sakit sa panga n'yan.

 

Lumabas ako ng McDo tapos, habang nginangatngat ang isang fry, may napansin ako sa bandang kanan.

 

Tao.

 

Lalaki.

 

Medyo lang ang height.

 

Natakot ako.

 

Sobrang familiar n'ya.

 

Yung puso ko ang tindi nung pag-drum.

 

Tumalikod yung lalaki.

 

Ay, pak.

 

 

 


 

 

 

SINO SINO SINO SINO SINOOOOOOOO

Alam ko alam nyo kung sino hahahahaha.

Maraming salamat sa reads! *at sa 2 subbies hahaha*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited