C hapter VII

One Plus One is One

 

+++
1 + 1 = 1.

 

 

 

 

 

Grabe.  Ang init.

 

Bumangon ako, ngayon naka-upo ako sa kama, nakatingin sa Etude poster ko.

 

Nakatitig dun sa Tokwa sa kaliwa.

 

"Bebs,"  huminga ako.  "Nakita kita kanina.  Ang gwapo mo pala talaga sa personal, 'no?  Ang bait pa.  Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang nagustuhan ko sa banda mo.  Tama si Luna.  Perfect husband material ka talaga.  Tanong eh... kung perfect husband material ko."

 

Aba, bente na 'ko.  Kailangan ko na rin isipin future ko.  Ga-graduate na 'ko next year.  Sasalubungin ko na ang totoong buhay sa mundong 'to.

 

Natulog ako, ngayon malaki ang ngiti ko, iniisip kung maaalala ako ni Onew 'pag nagpunta na 'ko sa concert nila.

 

"Jordan, parang antahimik mo yata ngayon,"  noted by Jamie.  Kung alam mo lang, dear.

 

"Hayaan mo s'ya.  Baka nagre-reminisce lang yan dahil sa nangyari sa kanya kahapon."  Sabi ni Carla.

 

Nag-sigh ako.  Kinuha ko yung tinidor ko tapos pinaglaruan yung French fries sa harapan ko.  Wala ako sa mood kumain.  Parang busog na busog na 'ko sa dami ng paru-paro sa tiyan ko.

 

"Bakit, Jordie?  Ano'ng nangyari kahapon?"  Tinitigan ako ni Jamie.

 

'Di ko s'ya sinagot.  Tumingin ako sa malayo, sa wala.  Blankong-blanko ang utak ko.  Sinubuan ko ang sarili ko ng isang fry at ngumuya na parang isang kambing.  Ang kambing kaya, may butterflies din sa tiyan nila?

 

"Sasabihin ko ba?"  Tanong ni Carla.  Alam ko ako yung tinanong n'ya.

 

Nag-sigh ulit ako tapos pinaglaruan yung fries.

 

"Sige."  Sabi ni Carla.  "Kahapon kasi, etong si Jordan tinawagan ako.  Sobrang excited nung boses n'ya."  Sabi ni Carla.

 

"Bakit daw?"  Eka ni Jamie.  Halatang interesado talaga s'ya.

 

"Nakita daw n'ya si Onew."

 

"ANO?!"  Inalog ako ni Jamie.

 

Nakatitig lang ako sa malayo.  Tinigilan na 'ko ni Jamie.

 

"Tapos alam mo ba?"  Tuloy ni Carla.  "May narinig ako sa kabilang linya na nagtanong.  Tinanong 'ata si Jordan ng isang babae, sabi kung alam daw ba niya kung nasa'n yung Edsa Shangri-La.  Sabi ni Jordan oo, pero malayo pa.  Nag-thank you yung babae."

 

"HOMAIGAD."  Nilagay ni Jamie yung kamay niya sa dibdib n'ya.  "Baka coordi-noona yun."

 

"Tapos alam mo ba?"

 

"Ano?"

 

"May nag-thank you ulit.  Pero this time, lalaki naman."

 

"OH.  MAI.  GAD."  Inalog ulit ako ni Jamie.  Grabe, ha, wala lang akong reaksyon pero ang sakit na.

 

"There's no doubt, si Onew nga talaga yun."  Sabi ni Carla.  Tumawa s'ya.  Pinoys and laughing, I swear.  "Nag-you're welcome si Jordan.  At dun ko na-confirm si Onew nga talaga yun.  Ang saya ng boses ni Jordie e."

 

"OH."  Inalog ako ni Jamie.  "MAI."  Inalog ulit ako ni Jamie.  "GAAAAD!!!!!"  Pinagsama-sama ni Jamie yung alog niya sa 'kin kahapon, ngayon, at ngayon sa moment na 'to.

 

Nakatitig pa rin ako sa malayo.  Ang saya ko, pero bakit parang hindi ko ma-express ng maayos?

 

Nasa math class ako.  Dito sa class ko, mas maraming dayuhan.  Limang Chinese at Korean, dalawang Japanese at Amerikano, and anim na Filipino.  20 in total.  Nasa harapan ako.

 

"We need to go back to basics in order to understand the other brances of mathematics.  Algebra, calculus, trigonometry, geometry—all of them originated from the baby math, as I like to call it.  What is 'baby math'?  Well..."  Nagsulat si Prof ng isang math problem na lahat ay pamilyar na.

 

1 + 1.

 

Nagtawanan yung mga tao sa classroom.

 

"What is the answer to this problem, class?"  Tanong ni Prof.

 

Tawa ulit sila.  Ako lang hindi tumawa.

 

"Twooooooooooooooo."  Eka nila, akala mo kindergarten.

 

Para sa akin, hindi.  1 + 1 is 1.

 

Kung titignan mo s'ya, para yang pag-ibig.  Si 1, mag-isa.  May dumating na isa pang 1.  They shared a lot in common, kaya nag-click sila.  Na-in love.  At si 1, nakasama si 1.

 

Dalawang tao, pero isa lang ang nasa isip.

 

Pag-ibig.

 

1 + 1 is 1.

 

Ganun kaya ang mangyayari sa hopeless fan-artist love story namin ni Onew?

 

"Ms.  Ruiz."

 

Bumalik ako sa mundo.  "Yes, Prof?"

 

"Do you believe 1 + 1 equals 2?"  Tanong n'ya.

 

Akin lang equation ko.  "Yes, Prof."

 

Hindi yun nasa isip ko, oo, at mas lalong hindi yun ang nasa puso ko.

 

 

 


 

 

 

UPDAAAAAAAAAAAAAAAAAAATE.

Baka hindi na 'ko maka-update frequently from now on kasi ina-update ko rin yung iba ko pang storya eh.

At may spelling bee pa 'kong pinaghahandaan.

Tama na ang reklamo at...

THANKS SA PAGBASA!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited