THE TRUTH

IKAW LANG ANG MAMAHALIN by: mm

THE TRUTH

 

KINABUKASAN:
GERALD: (kagigising, medyo masakit ang ulo) Yaya si Kim po?

YAYA: Akala ko nasa room pa niya at tulog kaya nagtaka ako kasi palaging maagang gumigising iyong batang iyon pero napansin ko wala na iyong sasakyan niya.

GERALD: Sigurado po kayo Yaya? Please paki check naman po sa taas o.

YAYA: Sige, sandaiI lang(pumanhik at kumatok sa silid ni Kim) Kim, Kim ( she opened the door) Iho wala na siya dito (habang bumababa) Kaya nga nagtataka ako na wala na iyong sasakyan niya eh hindi naman umaalis iyon na hindi nakakapagluto ng agahan mo.

GERALD: What do you mean? Si Kim ang nagluluto?

YAYA: Ang asawa mo ang nagluluto ng agahan at hapunan mo pati mga gamit at damit mo siya rin ang nag aayos. Pero sabi niya huwag ko nalang sasabihin saiyo para wala nang away. ( Napansin niyang tahimik lang si Gerald .) iho may nangyari nanaman ba kagabi? Inaway mo nanaman ba asawa mo?

GERALD: Nakainom po kasi ako kagabi at saka..

YAYA: May kinalaman ba ito sa mga litrato ni Alex sa mga newspaper ha Gerald, kay Kim mo nanaman sinisisi?

GERALD: ( hindi makuhang sumagot )

YAYA: Hanggang kalian mo paparusahan ang asawa mo iho. Sigurado ako umiyak nanaman siya ng buong magdamag. Minsan iniisip ko hangang kalian makatitis si Kim sa mga sakit na ibinibigay mo.

GERALD: Yaya hindi ko naman gusting saktan siya lalo na kagabi, kaya nga gumising ako ng maaga to talk to her para magsorry.

YAYA: Gerald hindi ko na tatanungin kung ano ang nangyari kagabi pero ang alam ko mas malala ngayon dahil umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Sana lang walang masamang mangyari sa kanya.

GERALD: Tatawag po ako sa flowershop baka po nandoon na po siya.( tried to ring the shop number) Wala pong sumasagot.

YAYA: Tawagan mo kaya si Mel baka naman pumunta doon or tumawag man lang sa kanya.

GERALD: (dialled Mel’s number)

MEL: Hello

GERALD: Mel good morning, nagising ba kita?

MEL: Medyo pero gigising naman na talaga ako eh. Ano bakit napatawag ka, may nangyari ba kay Kim?

GERALD: Iyon nga sana ang gusto kung tanungin kung pumunta ba diyan si Kim or tumawag man lang saiyo?

MEL: Wala siya dito, kagigising ko nga lang eh at hindi rin siya tumawag sa akin. Bakit ? inaway mo nanaman ba ang kaibigan ko?

GERALD: Lasing ako kagabi I didn’t meant to hurt her that way.

MEL: Gerald hangang kalian mo paparusahan si Kim. Alam mo hirap na hirap na ang asawa mo.

GERALD: (hindi makapagsalita)
MEL: Tumawag ka na ba sa shop?
GERALD: Walang sumasagot.
MEL: Okey I’ll go and check baka nandoon lang iyon ayaw sagutin ang telepono.

GERALD: Mel please pagnandoon siya pakitawagan naman ako dito sa bahay and Mel pwede makuha mobile number ni Kim.

MEL: Asawa mo pero hindi mo alam ang mobile number niya. Siya siya ito ang number niya.

GERALD: Thanks Mel and please call me as soon as you get there.

MEL: Okey I will and I hope she is there.

YAYA: Wala siya kina Mel?

GERALD: WAla po Yaya at hindi rin po siya tumawag kay Mel. I just hope na nasa flowershop lang siya at ayaw lang sagutin ang tawag natin.

YAYA: Sana nga, sana nga.

After an hour tumawag si Mel.

MEL: Gerald wala dito si Kim, sinubukan ko ring tawagan ang mobile niya pero nakaturn off yata.

GERALD: Sinubukan ko rin pero wala talaga. Mel wala ka bang alam kung saan pwedeng pumunta si Kim?

MEL: Konti lang ang mga kaibigan ni Kim, alam mo iyon. Natawagan ko nang lahat pero hindi siya tumawag sa kanila.

GERALD: Where is she?

MEL: Hindi ko alam pero ang alam ko this past days masyado siyang malungkot, depressed. I know hindi maganda ang relationship ninyo idagdag pa ang paghaharassed ng nanay ni Alex.

GERALD: Harassed?
MEL: Ayaw pasabi ni Kim sa pamilya mo at lalong- lalo na saiyo, kung ako lang matagal ko nang inaway ang matandang iyon but knowing Kim masyadong martyr.

GERALD: Mel ano ang ginagawa ng Nanay ni Alex kay Kim?

MEL: Well everytime na makita naming siya, sabihin na natin na everyday kasi iisa lang naman na mall kung asan ang mga shop naming eh palagi lang naman niyang pinahihiya si Kim. Kasehodang ipagsigawan niya na si Kim ay mang aagaw na kesyo pinikot ka lang daw niya.

GERALD: Ano ang ginagawa ni Kim?

MEL: Wala nga eh, kaya umaabuso ang matandang iyon. Kaya kami palaging nag-aaway kaso sabi niya pabayaan na lang daw, sanay na daw niyang marinig ang mga ganito eh everyday daw naman niyang naririnig saiyo. Everyday mo dawn a ipinaparamdam at ipinapamukha sa kanya so sanay na daw siya, manhid na daw siya. Pero alam ko nasasaktan pa rin siya.

GERALD: Hindi ko alam na ganoon ang ginagawa ng Nanay ni Alex.

MEL: Kailan ka ba nagkaroon ng pakialam sa asawa mo ha Gerald. Alam mo hindi ko maisip kung bakit hindi mo matutunang mahalin si Kim. She is beautiful, smart at super bait. Sabi ko nag sa kanya bakit hindi na lang siya maghanap ng iba, iyong talagang mamahalin siya. She deserve much better kaysa saiyo. You know what you don’t deserved her. I just hope na walang masamang mangyari sa kanya or else hindi kita mapapatawad.

GERALD: (tahimik lang)

MEL: Sige I will try to ring iyong iba naming kakilala. Please call me once may balita.

GERALD: I will and Mel thank you

MEL: Saka ka na lang mag thank you pag alam na nating safe si Kim.

YAYA: Wala pa ring balita?

GERALD: Wala po siya sa shop ( umupo at nag isip after a while) Ya, masama ba akong tao? I hurt her , masyado kong sinaktan si Kim.

YAYA: Alam kong hindi ka masama, napakabait mo nga sa mga ibang tao pero pagdating kay Kim hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa kanya. I remember noong bata pa kayo, noong buhay pa ang mga magulang niya napaka close ninyong dalawa. Nagbago ka simula nang tumira siya sa inyo.

GERALD: I don’t know, hindi ko alam.

YAYA: Anak, nagseselos ka ba kay Kim

GERALD: Ako magseselos sa kanya bakit?

YAYA: Dahil mas naging close siya sa Mommy mo.

GERALD: That’s remind me kailangan kong tawagan si Mommy, siguradong magpapanic iyon pagnalaman niyang nawawala ang mahal niyang alaga.

As expected nag hehysterical ang Mommy ni Gerald nang malaman niyang nawawala si Kim. Within an hour nasa kanilang bahay na ang Mommy niya.

GERALD’S MOM:Anong nangyari at umalis si Kim, inaway mo nanaman ba ha Gerald.

GERALD: As usual ako nanaman ang may kasalanan.

GERALD’S MOM: Eh ikaw lang naman ang palaging nang aaway kay Kim, Alam mo bang ginawa nang lahat ni Kim para lang mapalapit saiyo.

GERALD: Oo pati pikutin ako at pilioting pakasalan siya.

GERALD’S MOM: God Gerald hindi mo ba pwedeng matutunang mahalin ang asawa mo?

GERALD: ( hindi sumagot)

GERALD’S MOM: It’s all my fault, ang akala ko pag nakasal ka na kay Kim matutunan mo siyang mahalin. Akala ko tama ang ginawa ko.

GERALD: What do you mean Mom?

GERALD’S MOM: Walang kasalanan si Kim, hindi ka niya pinikot. Kung may biktima man dito higit si Kim iyon. Ako ang may pakana ng lahat ng ito, walang alam si Kim. That night alam kong malalasing ka kasi nga nagkatampuhan kayo ng babaeng iyon, hindi marunong uminom si Kim pero pinilit ko siya. Nang malasing siya sa kuwarto mo ko siya dinala, you were very drunk kaya nang pumasok ka sa kuwarto mo hindi mo na napansin si Kim and the rest ay alam mo na.

GERALD: Paano mo nagawa ito ?

GERALD’S MOM: dahil mahal kita, alam kong niloloko ka lang ng Alex na iyon.

GERALD: Pero wala kang karapatan para ang makialam sa buhay namin.

GERALD’S MOM: You’re my son and I love you so much. I can’t bear to see you na niloloko ka lang ng isang babae. You see noon pa alam ko nang may relasyon si Alex at Jake pero hindi ka niya kayang hiwalayan dahil mas mayaman ka kaysa kay Jake. Kaya ko nagawa ito, alam kong mahal ka pa rin ni Kim at sabi ko matutuhan mo rin siyang mahalin but now hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Kung may masamang mangyari kay Kim hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

GERALD: ( hindi malaman ang mararamdaman, oo galit siya sa kanyang Mommy pero naguiguilty rin siya sa ginawa kay Kim. Si Kim na walang kasalanan pero siya ang higit na nagdusa) God sana walang masamang mangyari sa kanya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sentimental38 #1
Wow.. Winglin stories are back.. Dare Me, Pretend, Ikaw lang ang mamahalin and Arrange Marriage! haha
preciousyang0203 #2
Chapter 14: update po^_^please
pink_panther #3
Hello, yes tapos na ang story na ito. just a matter of posting it here. Okay na siguro ang 3 chapter a day para naman may excitement.
Kimerald08 #4
Chapter 10: updaaaaateeeeeeeeeeeeeeeee waaaaaaaahhhhhhhhhh likeeeeee likeeeeeee likeeeeeeeeeeeeee hehe..... :D
anderchui #5
Chapter 10: wow next uli at sana matapos itong kwento na ito para hindi bitin
anderchui #6
Chapter 5: plz.................update na nman agad kasi ang dami na ng kwento hinihintay ko na update kaso wala pa yong iba matagal na
parkwon27 #7
Chapter 3: update please.....ang ganda ng story mo
Kimerald08 #8
Chapter 5: waaaahhhhhhhhhh update please :)