THE PROMISED

IKAW LANG ANG MAMAHALIN by: mm

THE PROMISED

____________________________________________________
Gaya ng kagustuhan ni Kim inihatid nga sila sa domestic airport. Pagbaba nila pumunta na si Kim para bumili ng kanilang ticket ni Yaya.

Mang Lando: Naku sigurado pagagalitan ako nito ni Sir Gerald.

YAYA: Wala tayong magagawa kahit hindi mo sundin si Kim, gagawa at gagawa ng paraan ang batang iyan para makaalis at least alam natin kung saan siya pupunta at kasama pa niya ako.

MANG LANDO: Pero paano si Sir Gerald, baka magalit iyon sa akin?

YAYA: Sige na Lando umuwi ka na ako ng bahalang magpapaliwanag kay Gerald, tatawagan ko na lang.

MANG LANDO: Sige po Yaya siguradong papakinggan kayo non.

YAYA: Sige na( kinuha ang cellphone na bigay ni Gerald)

GERALD: Ya, bakit kayo napatawag kaagad, asan na kayo? may nangyari ba sa daan?

YAYA: Wala pero gusto ko lang ipaalam saiyo na nandito kami sa domestic airport.

GERALD: Ho! anong ginagawa po ninyo dyan. Sa tagaytay ko kayo ipinahatid kay Mang Lando.

YAYA: Nagbago isip ni Kim, ayaw sana naming sundin ang utos niya pero sabi niya pag hindi namin sinunod eh aalis din daw siyang mag- isa so sabi ko kay Lando ihatid na lang kami kung saan niya gusto at least alam natin kung saan siya pupunta at saka kasama pa rin niya ako.

GERALD: Ang tigas ng ulo ng alaga ninyo Yaya.

YAYA: Magulo lang isip niya.

GERALD: Eh saan daw kayo pupunta?

YAYA: Sa Borakay, may resthouse daw ang isang kaibigan niya.

GERALD: Sino daw Yaya? Wala akong maisip na kaibigan niya ang may resthouse sa Borakay.

YAYA: Sam daw yata ang pangalan, narinig ko kanina ng kausap siya ni Kim sa phone. Sinasabi yata na okey lang na mag- stay siya doon.

GERALD: Sigurado kayo Yaya?

YAYA: Oo naman, hindi pa ako bingi no.

GERALD: Sige po Yaya alagaan nyo na lang ng mabuti si Kim. Kung may problema tawagan lang ninyo ako.

YAYA: huwag kang mag- alala iho hindi ko pababayaan si Kim.
sige iho at padating na si Kim.

GERALD:Sige po Ya, ingat at ingatan nyo asawa ko.

Kim: Yaya, sino kausap nyo? si Gerald?

YAYA: oo kasi naman iha pabago bago isip mo. Siguradong mag- aalala iyon kaya tinawagan ko para alam kung saan tayo pupunta. Bakit balak mo bang ilihim kung saan tayo pupunta?

KIM: Hindi po Yaya, thank you nga pala sa pagsama ninyo pati tuloy kayo naabala.

Yaya: Walang ano man iha, alam mo kung gaano ko kayo kamahal ni Gerald. Hindi na ako magtatanong kung ano nanaman ang nagyari pero kung gusto mo nang kausap nandito lang ako anak.

KIM: Thank you Ya pero huwag po kayong mag-alala kaya ko po ito. Gusto ko lang pong mag-isip, iyong malayo sa problema.

YAYA: Iha pasasaan ba at maayos din ito.

KIM: Ewan ko Yaya pero parang, ewan sobra lang sigurong magulo ang utak ko. Paano Yaya tayo na at least makakapagbakasyon tayo.

More than two weeks din sila Kim sa Borakay at sa buong two weeks panay ang tawag ni Gerald Kay Yaya para kumustahin si Kim.

FRED: Ano kumusta na daw sila Kim doon?

GERALD: Sabi ni Yaya mukhang nag- eenjoy naman siya.

FRED: Hindi pa ba sila uuwi?

GERALD: Babalik na sila bukas.

FRED: Eh bakit ganyan ang mukha mo? akala ko ba gusto mo na silang bumalik? Sabi mo nga pag balik nila dito kakausapin mo si Kim about your situation at itatama mo na ang lahat.

GERALD: Of course I'm happy na babalik na sila kaya lang hindi mo naman maalis sa akin na kabahan lalo na kung iisipin ko ang mga nangyari bago umalis si Kim. Paano kung galit pa rin siya sa akin?

FRED: Di magtiis ka, ang tagal kayang nagtiis si Kim sa masama mong ugali.

GERALD: ano ba kaibigan ba kita o ano?

FRED: Bro you are both my friend kaya pantay lang ang pagtingin ko sa inyo. Aminin mo man o hindi talagang malaki ang iyong kasalanan kay Kim so dapat handa kang ipakita sa kanya na nagbago ka na.

GERALD: Sabi ko naman sa iyo na handa kong gawin ang lahat para lang mapatawad ako. I know I've hurt her at gusto ko lang na sana kahit na iyong frienship man lang ang maibalik namin.

FRED: Just prepare your self .

GERALD: Handa ako kahit ano pa ang gawin ni Kim sa akin para lang mapatawad niya ako.

SA bandang dako ay nakapag-isip isip din si Kim. Nakapagdesisyon siyang tapusin ang isang taon ng kanilang kasal gaya ng plano ni Gerald then after a year saka nila ipapaanull ang kanilang kasal. For the meantime magtiis nalang muna siya sa piling ni Gerald but this time hindi na siya magpapakamartyr. This time makikilala ni Gerald ang bagong Kimmy. Kung ang gusto ni Gerald na hindi sila magpakialaman then walang pakialaman. Wala na siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ni Gerald sa kanya, kahit ano ang gawin ng binata hindi na siya masasaktan ng nito dahil sa pagbabalik niya ibang Kim na ang makikita nila, she promised it to herself that never again she will gonna cry because of Gerald, tuturuan niya ang kanyang puso para limutin ang kababata.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sentimental38 #1
Wow.. Winglin stories are back.. Dare Me, Pretend, Ikaw lang ang mamahalin and Arrange Marriage! haha
preciousyang0203 #2
Chapter 14: update po^_^please
pink_panther #3
Hello, yes tapos na ang story na ito. just a matter of posting it here. Okay na siguro ang 3 chapter a day para naman may excitement.
Kimerald08 #4
Chapter 10: updaaaaateeeeeeeeeeeeeeeee waaaaaaaahhhhhhhhhh likeeeeee likeeeeeee likeeeeeeeeeeeeee hehe..... :D
anderchui #5
Chapter 10: wow next uli at sana matapos itong kwento na ito para hindi bitin
anderchui #6
Chapter 5: plz.................update na nman agad kasi ang dami na ng kwento hinihintay ko na update kaso wala pa yong iba matagal na
parkwon27 #7
Chapter 3: update please.....ang ganda ng story mo
Kimerald08 #8
Chapter 5: waaaahhhhhhhhhh update please :)