Chapter 9 BAD vibes
Forget the Pass Ann, James
Pagkaalis ni James sa coffee shop ay agad siyang nagpunta sa bahay niya.
Nagsinungaling siya kina Ann. Ang tumawag sa kanya ay si Devon. Ang ex
-girlfriend niya. Dali-dali siyang sumakay sa sasakyan niya at pina-andar ito.
Makalipas ang 20 minutes na pagda-drive ay nakarating na rin siya sa bahay nila.
Inabutan niya si Devon sa mismong door ng bahay niya. “hi baby. I miss you!”
agad na bati ni Devon. Tumaas ang kilay ni James ng marinig niya ang sinasabi
nito. “anong ginagawa mo dito?” sabi nito sa galit na tono. “i need to tell you
something, sana mataggap mo.” aniya ni Devon. “ano? Sabihin mo na at may
lakad pa ako! Kasama ko si Ann. Magdi-dinner kami.” pagsisinungaling niya.
“James I'm pregnant. You're the father of this child.” sabi ni Devon. “magiging
daddy ka na” dagdag pa niya. Biglang natigilan si James ng marinig niya ito. “oh
bakit babe? You're going to be a dad soon!” bulalas ni Devon “Pa-paano nangyari
na ako ang ama ng dinadala mo? We've never went to bed together!” sabi ni
James na halatang galit na galit. “pero James, nung lasing ka... nangyari ito
remember! Inuwi kita sa condo mo sa states at doon nangyari ang lahat.! Bakit?
Ayaw mo ba? Ayaw mo bang maging ama nito? Mahal pa namn natin ang isa't isa
hindi ba?” sabi ni Devon na akmang yayakapin niya si James ay lumayo ito.
“hindi na kita mahal! Matagal na tayong hiwalay! Tapos ngayon? Sasabihin mo sa
akin na ako ang ama ng dinadala mo! Devon, ano ba? Ano ba ang gusto mo?
Hindi na kita mahal pero bakit balik ka pa rin ng balik sa akin?” pasigaw na sabi
ni James. “ mahal kita! At sa akin ka lang James. Hindi ka pweding mapunta sa
iba!” palaban na sagot ni Devon. “si Ann ang mahal ko! Nagkamali ako ng iwan
ko siya Devon! Nagkamali ako ng niligawan kita! So mas mabuti pa umalis ka na
dito dahil wala kang mapapala sa akin.” sigaw nito sabay turo sa gate. Punong
puno ng galit ang damdamin niya. Kitang-kita ito sa kanyang mga mata. Walang
nagawa si Devon, kaya sinunod niya ang gusoto ni James. “sige aalis ako ngayon.
Pero tandaan mo, babalik ka rin sa akin” aniya ni Devon paglabas ng gate ng
bahay ni James. Halos hindi malaman ni James ang gagawin. Papaano kung siya
nga ang ama ng dinadala nito? Paano si Ann? Maraming tanong si James sa sarili.
Dahil sa inin nito ay biglang niyang nasuntok ang dingding ng kwarto niya. “ano
nalang ang gagawin ko? Paano kung ako ang ama ng batang 'yon? Paano na lang
ang plano ko na balikan si Ann? Papaano ang lahat ng ito?!” sigaw ni James.
Dahil dito ay bigla na lang siyang napahigaw sa kanyang kama at tumingin sa
cellphone nito. Naalala niya na kinuha pala niya ang number ni Ann. Sinubukan
niya itong tawagan pero busy ang phone nito. Nag-iwan na lang siya ng mensahe
dito at tuluyang natulala si James sa kawalan. Dahil sa paghihintay niya na
tawagan siya ni Ann ay tuluyang nakatulog ang binata na medyo may sama pa rin
ng loob. Hindi niya inaakalang mangyayari ulit ang kinatatakutan niya. Ngaun pa
na nakita na niyang muli si Ann.
Itutuloy....
please leave a comment and suggest more character to be included..next chapter again tomorrow..have fun reading..
kimbang moment next.....
Comments