chapter 5 ♥ Dinner date♥

Forget the Pass Ann, James

“So baby we're here.” saad ni James. Pagkapark niya ng sasakyan ay

bumaba na siya at inalalayan si Ann pagbaba. Habang naglalakad sila papunta sa

front door ng restaurant ay nakahawak si James sa kamay ni Ann. Tila ba

parang sila kung titignan. Sa panahon na iyon ay biglang lumakas ang kaba niya

at lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso sa nangyayari. Hindi man niya

itanggi ay gusto niya ang nangyayari dahil sa pagkakataon na iyon ay ramdam

niya na mahal pa rin niya ang lalaki. “Hi ma'am. Hi Sir. Welcome to japanese

culturual restaurant. Do you have reservation?” tanong ng waiter. “yeah, two seats

for Mr. Smith.” sagot ni James. “this way please.” sagot nito. Sinundan nila ang

waiter sa kanilang pina-reserve na table. Nagtaka si Ann kung bakit parang ang

layo nito sa karamihan ng tao. Isa ang table na pina-reserve nila ay tila naka-linya

sa VIP list. Medyo naging alerto siya sa nangyayari dahil muli ay silang dalawa

na lang ang magkahara. “Babe, you can order whatever you like. Ako bahala

sa'yo.” sabi ni James. “paki balikan nalang kami dahil medyo mag-iisip pa yung

(Girlfriend) ko kung anong gusto niya.” baling niya sa waiter. “sige po sir.”

magalang na sagot ng waiter. “so anong balak mo na orderin? Nakapag-isip ka na

ba?” tanong niya kay Ann. “uhmm.. siguro sushi nalang tska tempuro. Ok na ako

dun.” sagot ni Ann sa binata. “sigurado ka ba? Baka pag may gusto ka pa sabhin

mo lang ha? Wag ka mahiya. Sagot kita.” paninigurado ni James. Muli ay tinawag

nila ang waiter at binigay ang kanilang order at agad na bumalik upang

siguraduhin na ok lang ang kanilang customer. “So, siya nga pala may gusto

akong itanong sa'yo, kung ok lang sana.” aniya ni James. “sure, tungkol saan ba.”

tanong niya. “sa atin sana, pero alma ko na hindi pa ito yung tamang panahon.

Marami pa tayong dapat ayusin. Pero may bagaylang akong gustong sabihin sayo

Ann. Sana maintindihan mo itong sasabi...” “anong tungkol sa atin? Anong dapat

mong sabhin?” putol ni Ann. “Ang tungkol sa atin na sinasabi mo ay tapon na.

Matagal na panahon na ang nakalipas. Iniwan mo ako at hinayaan kita na sumama

kay Devon. Hindi ko kayo ginulo. Tapos anong tungkol sa atin ang sinasabi mo?

Ano ba ang gusto mong mangyari? Matuwa ako kasi bumalik ka? Yun ba?” saad

niya habang may namumuong luha sa kanyang mga mata. “let me explain first

Ann. Please, just listen to me first.” pagmamakaawa ni James kay Ann. “hindi,

wag ka na munang mag-explain. Hindi pa ako ready na makinig sa'yo. Mas ok na

muna yung ganito tayo. We can still be friends, and maybe when the time comes

that I'm ready to hear your side, ako na mismo ang mag-o-open nito.”

pagmamatigas niya. “as you wish my princess.” sabi ni James na may ngiti na ulit

sa labi. Matapos nilang kumain ay hinatid na niya si Ann sa bahay nito. “thanks

for a wonderful evening James. Salamat talaga.” sabi ni Ann sa binata at niyakap

niya ito. “your welcome babe. I also did have a great time.” saad ni James. “so i'll

see you in the office then. Goodnight.” paalam niya. “good night to you too

baby.” sabi ni James.

Pagkaalis ni James ay pumasok na rin siya sa kanilang bahay at inabutan

niya ang dalawa niyang pasaway na kapatid. “hoy mga baliw, anong ginagawa

ninyo dyan ha?” sabi ni Ann kina Ryan at Bret. “wala lang sis, may lovebirds lang

kasi kaming nakita ni Bret, so pinanuod namin. Ha ha. By the way sis, cute nilang

dalawa.” pang-aasar ni Ryan sa kapatid. “kayo talagang dalawa, wala kayong

magawa sa buhay niyo! Teka bakit parang may lakad yata kayo? Saan ang punta

ninyong dalawa?” puna ni Ann sa dalawa. “ano ka ba namn sis, hindi mo ba

nakita? Gabi na oh. Syempre may lakad kami. Magcu-club lang. Eto namn parang

si Mam. Di bagay sa'yo, tumatanda ka tuloy.” saad ni Bret. “Che! Magtigil ka

dyan. Ayoko lang namn na mapahamak kayo eh. So ano?aalis na ba kayo?”

tanong niya. “oo aalis na kami manang.hehe. Inintay ka lang namin baka kasi

hindi ka ihatid ng (boyfriend) mo!” bulalas ni Bret. “hindi ko siya boyfriend.

We're friends. So kung ano man ang iniisip niyo, tigilan niyo na ha? Oh siya sige,

umalis na kayong dalawa. Mag-ingat kayo. Bret, yang si Chickboy bantayan mo.

Ha ha ha..” sabi ni Ann. “sure sis, ako na bahala sa kanya. So sige una na kami.

Get some rest, MRS.SMITH.” Bret said while laughing so hard. “ha ha ha. Leche!

Sige bye.” paalam niya. Pagkaalis ng dalawa ay agad na pumasok si Ann at

dumiretso sa kwarto niya upang magbihis at magpahinga. Habang nakahiga siya

sa kama ay hindi mawala sa isip niya ang nangyari ng gabing iyo. Isang buntong

hininga ang pinakawalan niya at may isang parte ng katawan niya ang

nagsasabing totoo ang nangyayari. “oh God, i still love James. It can't be.” sabi

niya at tuluyan na siyang nakatulog dahil sa pag-iisip.

End of the chapter

please leave a comment and suggest more character to be included..next chapter again tomorrow..have fun reading..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Lien_013
#1
omo!!! Jamli..:)
PurpleMidLuv
#2
Oh Em Gee!!! JamLi! hahaahaha I'm a fan xD