Chapter 11 ♥kiss me kiss me♥
Forget the Pass Ann, James
Lumipas ang mga araw na hindi man lang nakapag-usap sina Ann at James
dahil na rin sa dami ng ginagawa nila sa company. Maraming Dumating na mga
product kailangan nilang ayusin para na rin sa pagla-launch ng product nila sa
September. Lumipas ang dalawang linggo, ay nagkaroon siya ulit ng pagkakataon
na magpahinga. Na-alipungatan ang dalaga dahil may nataggap itong mensahe sa
cellphone niya. (Ann, Can i talk to you privately? I really need to talk to you right
now.) Mensahe ng isang di kilala numero sa phone niya. “sino namn kaya ito?”
tanong niya sa sarili. Tinanghali na siya ng gising dahil sa nagclub silang dalawa
ni jenny kasama ang ilan pa nilang kaibigan. Pagod na pagod pa rin siya pero
kailangan niyang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng number na ito. Agad
niyang tinext si Jenny upang tanungin kung sino ang nagmamay-ari ng number at
baka may idea ang kaibigan niya kung sino ito. (Hey, bez... can u tell me huz d
owner of this number? Sabi niya sa text. Agad naman nagreply si Jenny sa kanya
at sinabing si James ang nagmamay-ari nito. Nang araw din na iyon ay marami na
namn na gumugulo sa isipan niya. Hindi niya alam kung tatawagan ba niya si
James para maka-usap niya ito. Sinubukan niya itong tawagan dahil naguguluhan
siya, ngunit hindi ito sumasagot. Napagpasyahan niya na mag-iwan na lang ng
mensahe para dito. Sinabi niya na gusto niya rin na maka-usap ito at kung ok lang
sa binta na magkita sa isang bar sa makati. Hindi niya inakala na magre-reply ito
sa message niya. Ang usapan nila ay alas-otso ng gabi sila magkikita. Mabilis na
lumipas ang oras. Alas-syete pa lang ng gabi ay bihis na siya at nagpaalam na kina
Ryan at Bret at sinabing pupunta siya sa bar kung saan sila magkikita.
Pagdating ni Ann sa bar ay nakita niya si James sa isang table na may
kaharap na anim na bote ng alak. Agad itong nilapitan ni Ann. “James, sorry I'm
a bit late. Ano ba ang problema? Bakit ka umiinom?” tanong nito sa binata. “may
malaki akong problema Ann” sabi ng binata. “I can help, ano ba ang problema
mo, pwede mo naman sabihin sa akin diba, Palagi mo ngang sinasabi sa akin
noon na lahat ng problema ko dapat nilalabas, pero hindi dapat sa ganitong
paraan, sa pagiinom,” sabi ng dalaga. “Ann I'm still inlove with you,” sabi ni
James, sa pagkabigla ni Ann wala ni isang salita ang namagitan sa kanilang
dalawa, nagkatitigan silang dalawa, pero umilag si Ann, hinila ni James si Ann
palabas ng club “james where are we going, james let me go,” sabi ni Ann “Ann i
need to talk to you in private, not here, marami akong dapat ipaliwanag sayo.”
hindi na nagdalawang isip pa si Ann at sumama na rin siya dito, dinala siya ni
James sa taas ng burol, kung saan doon sila naglalaging dalawa noong sila ay
magboyfriend at girlfriend palang. Nang makarating sila doon, unang lumabas si
Ann, naglakad patungo sa harap ng sasakyan, sumunod si James, sinimulan na ni
James ang mga paliwanag niya dito. “Alam ko Ann nasaktan kita, inaamin ko
nasaktan ako sa ginawa ko sayo at nasaktan din kita, wala akong magawa, mahal
ako ni Devon, mahal ko rin siya noon pero hindi ko Inakala na ganon pala siya,
palagi na kaming nagaaway, Ann im so sorry for what i've done to your life,”
paliwanag ni James “James it's been so long, marami ng nagbago, marami na ang
nangyari, nakalimutan ko na un, ang iniisip ko nalang ay kung paano kita
pakikisamahan gayong sa puso ko galit at pagkamuhi pa rin, ang nilalaman,
James paano ko tatanggapin kung ang taong minahal mo ay ang taong naging
kaaway ng pamilya ko, magiging masaya pa sana ako kung ibang babae nalng
sana, James dinurog mo ang puso ko, subrang sakit,” paliwanag din ni Ann, hindi
makuhang tumingin ni james sa mga mata ni Ann dahil na rin siguro sa hiya niya.
“Alam mo ba James simula noong bumalik ka dito sa pilipinas, naging mahirap sa
akin ang mga araw na palagi tayong nagkikita, Parang pinaaalala mo ang mga
nakaraan, kung minsan nasasabi ko sa sarili, what if ako namn ang umalis,
biglang tingin ni James kay ann. “yan ang wag na wag mong gagawin Ann, Alam
mo bang hinihintay ko ang oras na ito Ann para sabhin magpaliwanag sayo, Ann
mahal na mahal kita” paliwanag ni James, “James ang pagmamahal ko sayo hindi
nagbago hindi nawala, mahal na mahal pa rin kita james, kahit anong pasakit ang
ginawa mo, mamahalin pa rin kita.” Ann said. Napangiti si James sa narinig niya,
niyakap niya si Ann ng mahigpit, niyakap na rin ni Ann si James, habang
napapaiyak si Ann, hndi niya lubos maisip na ito na ang hinihintay niya. Ang
prince charming niya nagbalik na ulit sa kanilang palasyo. “mahal na mahal kita
Ann, hinding hindi na ako lalayo sayo, hindi na kita sasaktan pa.” ani ni James
kay ann. “mahal na mahal rin kita James,” nagkatitigan silang dalawa, nagtama
ang mga mata pati na rin ang labing matagal ng hinanap, ng matapos ang ganoong
eksena, nagkayakapan sila. “james.... minahal mo ba talga si Devon?” tanong ni
Ann kay james, “babe diba tapos na natin pinagusapan nya, kalimutan nalang
natin Ann, ikaw ang mahal ko at ikaw ang huling mamahalin ko tandaan mo yan”
sabi ni James. Pagkagaling nila sa burol ay hinatid na rin ni James ang kanyang
princessa. Habang papasok na si Ann sa gate ay napapakagat labi si James dahil
sa may nakalimutan ito.. “Ann, sabay turo sa pisngi.. (parang ung kinanta nila sa
ASAP kahapon) kiss me kiss me habang kumakanta si James napangiti niyang
muli si Ann, para tumigil na sa pagkanta si James, binigyan na niya ito ng kiss
pero sa lips tumama.. nagkatawanan lang sila.. “i love you ann,”james said. “i
love you so much James.”Ann said “o sige na pumasok ka na. Magkta nalng tayo
sa office bukas huh..” paalam ni James, “sige see you bye..ingat ka sa pag
dadrive.” ani ni Ann “opo ma'am...hahah ” patawang sabi ni James. Sabay ngiti sa
isa't isa
End of the chapters..
please leave a comment and suggest more character to be included..next chapter again tomorrow..have fun reading..
pagpasensyahan nlang ninyo ung mga error ko..
Comments