Chapter 6

Right Here Waiting because this is Not Your Ordinary Love

 

Kim’s POV.

15 minutes na lang at tapos na ang break namin kaya lang wala pa si Gerald. Pero nagulat ako ng bigla silang nagtinginan sa may bandang likuran ko, na para bang nagulat sila sa nakita. Napalingon na rin ako --- at si Gerald nasa likod ko at ang laki pa ng ngiti. Napangiti na rin ako sa kanya habang naka tingin siya sa akin.

“Bro, ang tagal mo naman yata sa CR.”

Tanong sa kanya ni Matteo.

“Ah, kasi nawala ako hindi ko alam papuntang CR.”

Aba magaling din siyang magpalusot ha.

“Nawala or may dinaanan?”

Pabulong na sabi ni Maja.

“Oh, tara na.”

Pagyaya ni Matteo. At nagsitayuan na nga kami ng biglang nagsalita si Gerald.

“Aalis na kayo? Eh, hindi pa nga ako nakakain.”

“Hello, kakain ka pa pala. 15 minutes na lang tapos na ang break.”

Sagot ni Christine.

“Ah, sige ma una na lang kayo.”

Sagot ni Gerald.

“Ok.”

Mabilis na sagot ni Maja. Maldita talaga ito. Paalis na nga kami ng bigla magsalita ulit si Gerald.

“Ah, Kim pwede mo ba akong samahan?”

Napatigil si Maja at biglang lumingon sa akin. Medyo na una na kasi silang lumakad. Aba, tinaas pa ako ng kilay.

“Mabuti pa nga Kimmy samahan mo na yang pinsan ko at baka MAWALA na naman.”

Mabuti na lang at sumagot kaagad si Matteo. Pero nakita kong siniko siya ni Maja.

“Ah, Kim ok lang ba?”

Tanong ni Gerald sa akin. Nakaharap na siya sa akin pero parang ayaw niya akong tignan.

“Ah --- “

Tumingin muna ako kay Maja na para bang nagpapaalam. Pero tinalikuran lang ako nito at umalis na sila.

“Ok lang Kim kung ayaw mo.”

Nagulat ako ng bigla na naman niya akong hawakan sa braso.

“Ok lang --- sige samahan na muna kita dito. Pero bilisan mo lang sa pagkain ha.”

Nag smile lang siya at umupo ulit ako.

“Oh, sige dito ka lang ha. Bili lang ako ng food promise, bibilisan ko.”

At dali-dali na siyang umalis papuntang counter. Bakit parang naging hyper yata yun? Napa smile ako kahit alam kung lagot na naman ako kay Maja nito.

Gerald’s POV.

Nauna na ang mga friends namin, siguro naman pwede ko na silang matawag na friends. Ang saya ko talaga nung pumayag si Kim na samahan ako. Pagkatapos kong umorder, bumalik na ako kaagad sa table naming, ayoko naman paghintayin si Kim. Binilhan ko na din siya ng food kasi alam kong hindi siya masyado nakakain.

“Kim, oh for you.”

Sabay abot ko sa kanya ng strawberry cake at isang coke in can.

“Kumain na ako Ge.”

Ang sarap pakinggan nung tinawag niya akong Ge. Para kasing matagal na kami magkakilala.

“Ganun ba, kasi kanina parang hindi mo kinakain yung food mo. Pero ok lang, ewan mo na lang diyan kung busog ka na.”

“Ah eh, sayang naman noito. Kain ko na lang.”

Natawa ako sa sinabi niya alam ko naman kasi na hindi siya nakakain.

“Thank you Kimmy.”

Oo, ako na ang feeling close. Pero gusto ko siyang tinatawag na ganun ang cute kasi. Ok, ako na ang corny.

“For what?”

“Sa pagsama mo sa akin dito.”

“Ok lang.”

Ang tipid niya naman yata sumagot pero ok lang kaysa hindi siya sumagot.

“Ah Kim may boyfriend ka na?”

Nagulat ako sa reaction niya, muntik na siya kasi masamid nung sinabi ko yun. Mabilis ba? Mabuti na yun mas maaga alam ko para naman may saysay ang pagpapacute ko.

“Parang ang bilis mo naman yata.”

“Kasi baka nagpapacute na ako sa’yo dito pero may boyfriend ka nap ala. Para mas alam ko kung saan ako lulugar.”

“Wala.”

Parang lumundag ang puso ko sa aking narinig. Ok. Corny for the 2nd time.

“Good!”

Sagot ko sa kanya habang naka smile ako at siya naman ay parang natatawa.

“So --- “

Nagulat siya ng bigla akong tumayo at tumabi sa kanya. Magkaharap kasi kami eh.

“Ah eh --- Gerald bakit?”

Natawa ako sa mukha niya kasi para bang may gagawin akong masama sa kanya.

“Pwede ba akong manligaw sa’yo?”

Natawa siya.

“Ganyan ba talaga pag lumaki sa ibang bansa? Ang bilis.”

Kung alam niya lang first time kong manligaw. Totoo. Swear.

“Ayaw mo ba? Sorry. Sa totoo lang kasi first time kong --- kung papaya ka, first kong pa lang manligaw.”

At dahil dun tumawa siya ng malakas.

“Sige, pagtawanan mo lang ako.”

“Hindi kasi, hehehe kasi hindi bagay sa’yo.”

“Ha? Anong hindi bagay sa akin?”

“Na mag pacute.”

Natawa ako.

“Kasi gwapo ako?”

“Alam mo ang yabang mo.”

Nakaharap siya sa akin habang sinasabi niya yan. Pero hindi ko na napigilan at hinawakan ko na siya sa magkabilang pisngi. Kaya lumaki ang mata niya, nagulat sa ginawa ko.

“Kim, please Yes or No lang? Payag ka bang ligawan kita. Hindi man ako ganun ka gaing or hindi man ako kasing the best katulad ng ibang manliligaw mo pero, but I’ll do everything to win you.”

Habang nhawak ko ang magkabilang pisngi niya, naramdaman ko na ginagalaw niya ang kanyang ulo. Ibig sabihin oo? Nag nod siya?

“That means pwede? Pwede kitang ligawan?”

Kinuha ko yung mga kamay ko sa pisngi niya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

“Oo --- “

Tapos yumuko siya, halatang nag blush siya. Ngumiti ako. Ang saya-saya ko. Parang nanalo ako sa lotto. Ganito pala talaga ang feeling pag yung feeling mo sa isang babae eh sincere. Ang saya ko.

“Yes ---“

Pero mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.

“Pero sa isang kondisyon.”

Kondisyun? Meron pa pala nun?

“Ok, anything.”

“Pwede wag muna nating sabihin sa kanila… kasi alam mo na. Tsaka kung nandiyan sila yung civil lang tayo, parang magka barkada lang.”

Nagtaka ako sa sinabi niya pero parang na gets ko naman ang gusto niyang sabihin sa akin. Pero bakit ayaw niyang ipaalam sa iba or sa mga kaibigan niya? Nag isip ako, masaya ako sa huling sinabi niya dahil parang may chance ako sa kanya. Ok, bahala na kesa naman hindi na siya pumayag. Ang importante naman kasi siya, hindi yung gma kaibigan niya.

“Ganun ba gusto mo? Natatakot ka ba Kim?”

“Hindi naman, kasi ang hirap eh explain. Ano kasi pag nalaman ni Maja.”

“I get it Kim. Don’t worry, naiintindihan kita at kung yan man ang gusto mo, I’m fine with it.”

Nag smile ako sa kanya, pero hindi na katulad kanina. Hindi naman sa hindi na ako masaya, siyempre sobrang saya ko pa rin, kaya lang nalulungkot lang ako first time ko kasi manligaw at maging ganito sa isang babae tapos patago pa. Pero alam ko kakayanin ko yan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
please update ... thanks
KG4life #2
Thanks sa update :) how will kuya ge do his panliligaw moves since he doesn't have any experience :p
kimmy03 #3
hehehe....paano ba manligaw ang isang gerald anderson? Sige nga, uodate, pls...
cagali14 #4
waaah! manliligaw na si gerald!!! :))
nainis tuloy talaga ako kay maja :)) nakakalimutan ko na fic lang pala to :))
update soon :)
kgmelagi #5
thanksssss plssssssss more and more update,,
KG4life #6
Waaaaaa I'm curious on what will happen next :p
nippyz #7
thnx! more update pls...:))
foreverkg #8
Ok na ba yan? Hehehe.

And oh, btw. I just want to greet Kim Chiu, a happy happy birthday. Kimeralds will always be here for You and Gerald. I love you both! Keep on supporting guys.

Thank you :)
KG4life #9
Thanks for this new kimerald fanfic :)
filipinadoll #10
Can you please change the font its more harder to read. Thanks:)