Chapter 3

Right Here Waiting because this is Not Your Ordinary Love

 

Kim’s POV

So nandito na kami ngayon sa classroom. Magkatabi kaming mga girls, tapos yung mga boys nasa likuran namin. Ay, siya nga pala Business Ad course namin. Plan nga namin na pagkagraduate eh magpatayo kami ng sarili naming negosyo, yung parang Starbucks. Coffee addict kasi kami.

Habang kaming mga girls ay nagchichikahan at ang mga boys ay nagkukulitan sa likod, napansin ko na parang may tumititig sa akin. Ayokong mag assume, lilingon sana ako pero wag na lang.

Ilang minuto pa ay dumating na yung Professor namin, si Ms. Orleans. Napaka intimidating talaga ng mukha niya. Business Law and Ethics professor siya, ang aga-aga ganito na kaagad ang subject namin. Nagpakilala siya sa amin at nagsimula na siyang mag discuss. May lakad yata si ma’am eh, nagmamadali. Di na kasi uso yung introduce yourself to your classmate, kunsabagay hindi na kami high school. Hehehe.

Ok so lahat nakikinig, pero alam kong bored na bored na ang mga kaklase ko, takot lang mag-ingay kasi sinabi sa amin na terror daw siya. Ok! So --- nakinig na lang kaming lahat.

Halos 45 minutes na rin na nagdidiscuss si Ms. Orleans, ng maramdaman ko na parang naiihi ako. Nahiya man ako mag may I go out --- pang high school lang kasi yun. Kung sa ibang prof lang to’ kanina pa ako lumabas. Natatakot kasi ako eh baka pagalitan iya ako. Di ko na talaga kaya, 45 minutes pa bago matapos ang class namin. Kaya ko to’.

“Ah, Ms. Orleans?”

Sabay tayo ko at yung mga kaklase ko ay napalingon sa akin, pati sila Maja na para bang kinakausap niya ako sa mata na “ano-ang-ginagawa-mo-look?” at “maupo-ka-nga-look” Pero hindi lumingon si ma’am, may sinusulat kasi ito sa whiteboard. Kaya inulit ko.

“Ms. Orleans? Excuse me po?

Wala pa rin.

“Ms. Corazon Orleans.”

Sabi ko, buong pangalan na niya ang sinabi ko at nakita ko ang mga classmates ko na pigil na pigil tumawa. For the 3rd time wala pa rin.

Nagulat na lang kaming lahat ng biglang nagsalita si Gerald. Oo siya yun! Hindi ako nagkakamali.

“Is she deaf or something?”

Nagulat kaming lahat, yung mga kaklase ko na noo’y nakatingin sa akin, ngayon sa kanya niya. Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin na malakas ang boses niya or talgang sinadya niya yun.

“I heard something, who said it?”

Biglang lingon sa amin ni ma’am at nakakatakot talaga ang mukha niya. Kulang na lang eh mag transform siya. Lahat tahimik, ngayon yung mga kaklase ko sa kanya na nakatingin, natawa ako para lang silang mga zombies. Hehehe.

“I said who said it? Kung walang aamin sa inyo, I will fail all of you.”

Galit na sabi ni Ms. Orleans. Na shock kaming lahat and all of a sudden may tumayo sa likod ko.

“Me!”

Si Gerald, tumayo siya with matching hands-up pa. Aba, parang proud pa siya sa ginawa niya. Eh muntik na kaming bumagsak lahat 1st day pa lang dahil sa ginawa niya.

“Go out!”

Na shock ulit kaming lahat, grabe naman kasi talaga si ma’am. Wala ng paligoy-ligoy eh. At hindi ko inaasahan at biglang mag start lumakad si Gerald papalabas ng classroom namin. Horror ba ang subject namin? Kasi parang gulatan lahat ng nangyayari eh. Pati yung ihi ko feeling ko nag-stop sa takot!

Nasa labas na si Gerald at ako nakatayo pa rin.

“What do you want?”

Tumingin siya sa akin, nag eye-to-eye kami.

“Ah, ma’am may I go out? C- CR lang po ako.”

Nakita ko na nagbuntong hininga yung mga classmates ko.

“Go!”

Sagot ni ma’am sa akin. Binilisan ko ang paglakad papalabas ng classroom. Nung nasa labas na ako, nakita ko si Gerald na nakatayo sa wall at naka sanadal lang ito. Nakapikit ang mga mata nito at nung medyo malapit na ako sa kanya eh napamulat siya at bigla na lang siyang nag smile sa akin. Oh! Shocks ang gwapo talaga niya. Nag smile din ako sa kanya at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papuntang CR.

Lakad…

Lakad…

Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko at bigla akong kinabahan. Iba eh. alam niyo yung may kuryente? Char!

“Hello Kim.”

Bati ni Gerald sa akin.

"Ay, ikaw pala. Hello.”

Ok, so moment of silence. Ang awkward ng feeling sa totoo lang, ba’t ganito?

“So…”

“Ahh..”

Sabay pa kaming dalawa nag nagsalita. Ok! Awkward moment no. 1.

“Ladies first?”

Tinignan niya ako at nag smile na naman siya ulit. Pwede na talaga siyang gawin model ng close-up siyempre ako ang partner niya. Hihihi.

“Sorry nga pala, dahil sa akin napalabas ka.”

“No, it’s not your fault. Don’t mind it. Sanay na ako mapalabas sa classroom, maninibago ako pag hindi.”

Sabay tawa niya, nakitawa na rin ako.

“Ah, ok.”

Yan lang ang naisagot ko and nag smile ako. Bakit ba feeling ko ang layo-layo ng CR. Did the world stops? Char lang!

“So, you were saying?”

Sabi ko ulit, naglalakad pa rin kami papuntang CR at na sight ko na medyo malapit na kami, parang gusto ko tuloy mag CR sa kabilang building. Hihihi.

“Uhm. Just want to ask if how are you.”

Gusto kong tumawa sana sa sinabi niya pero pinigilan ko. Yun lang? Akala ko kung ano na.

“Obviously, parang hindi kasi naman eh first day and first subject parang ang bad vibes na ni ma’am. At nakakatakot talaga ang mukha niya kanina.”

Tumawa siya, oh God ang hot niyang tumawa. Music to my ears.

“Don’t worry I’ll make sure na gaganda ang araw mo. Oh, here you go. I think ito na yung CR.”

Nag smile lang ako sa kanya at pumasok na sa loob. After 5minutes eh lumabas na ako. Nandiyan pa kaya siya sa labas? Hinintay niya kaya ako? At nung pag bukas ko ng pinto, tantararantaran --- Si Gerald nakatayo lang at nakasandal sa wall.

“Nandiyan ka pa pala.”

Sabi ko sa kanya at nag start na kaming lumakad pabalik sa room.

“Ah, oo. Wala naman kasi akong gagawin eh.”

“Ah, ok. Thank you sa pag hintay.”

Lakad…

Lakad…

Ang tahimik naming dalawa. Parang naghihintayan kung sino ang maunang mag salita. Hanggang sa dumating na kami malapit sa room. Mag CR kaya ulit ako? Hehehe. Joke lang.

“Sige, pasok ka na.”

Sabi niya sa akin.

"Eh, ikaw paano? Dito ka lang?”

“Yeah, I’m fine here. Mababadtrip lang ako kay Ms. Bingi.”

Natawa naman ako sa tawag niya sa prof namin. Nag smile siya and then pumasok na ako. Pagkaupo ko ay bigla na lang bumulong si Maja sa akin.

“Bakit ang tagal mo?”

Lumingon ako sa kanya at sumagot ng pabulong.

“Ha? Matagal ba? Hindi naman ah.”

Tapos nag smile lang ako sa kanya.

“Halos 15 minutes kaya.”

“Ang dami kasing tao sa CR.”

Pagkasabi ko nun, tinignan lang ako ni Maja ng nagdududa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
please update ... thanks
KG4life #2
Thanks sa update :) how will kuya ge do his panliligaw moves since he doesn't have any experience :p
kimmy03 #3
hehehe....paano ba manligaw ang isang gerald anderson? Sige nga, uodate, pls...
cagali14 #4
waaah! manliligaw na si gerald!!! :))
nainis tuloy talaga ako kay maja :)) nakakalimutan ko na fic lang pala to :))
update soon :)
kgmelagi #5
thanksssss plssssssss more and more update,,
KG4life #6
Waaaaaa I'm curious on what will happen next :p
nippyz #7
thnx! more update pls...:))
foreverkg #8
Ok na ba yan? Hehehe.

And oh, btw. I just want to greet Kim Chiu, a happy happy birthday. Kimeralds will always be here for You and Gerald. I love you both! Keep on supporting guys.

Thank you :)
KG4life #9
Thanks for this new kimerald fanfic :)
filipinadoll #10
Can you please change the font its more harder to read. Thanks:)