Chapter 4

Right Here Waiting because this is Not Your Ordinary Love

 

Gerald’s POV

Nandito na kami ngayon sa classroom, ibang iba talaga dito. Yung mga girls naka-upo sa unahan namin tapos kami naman nasa likuran lang nila. Habang nagkukulitan sila Matteo, hindi ko mapigilan na mapatingin at tumitig kay Kim. May time pa na para bang kinabahan ako kasi any moment feeling ko lilingon siya, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nahuli niya akong nakatitig lang sa kanya. Sa totoo lang kasi frist time kong ma feel ang ganitong feeling, yung parang hindi mo ma explain pero gustong gusto mo lang siya tignan, gusto mo lang siya kausapin at nandiyan lang siya parati sa tabi mo. Doon kasi sa amin, hindi ako ganito eh. Nasanay ako na ang mga babae ang lumalapit sa akin. Ngayon doon, for sure napapalibutan na ako ng mga babae at kung sino-sino na ang kahalikan ko ngayon. Totoo nga ang sabi ni Matteo na ibang-iba ang mga babae dito sa Philippines kaysa doon sa states. Mostly, but not all.

Dumating yung professor, nagpakilala siya ang then nag start na siya mag discuss. Geez, ganito ba talaga dito? Ang tahimik nilang lahat na parang bang nasa simbahan lang sila at nagdadasal. Parang hindi na sila gumagalaw sa mga upuan nila.

Habang nagdidiscuss yung prof namin, nagulat ako ng biglang mag salits si Kim at tumayo ito. Narinig kong nag eh excuse siya pero hindi siya naririnig ng prof namin or sadyang nagbibingi-bingihan lang siya. Tatlong beses na yata mag salita si Kim at yung panghuli niyang sinabi ay parang matatawa yung mga classmates namin pero pigil na pigil lang ang mga ito.

Lumingon ako kay Matteo at sadyang nilakasan ko ang sinabi ko.

“Is she deaf or something?”

Nakita kong nagulat yung mga classmates namin dahil sa akin na sila nakatingin ngayon. At hindi namin namalayan lahat na lumingon yung prof namin ang then nag salita siya.

“I heard something, who said it?”

Yung mga classmates ko nakatingin na sa kanya. Walang nagsasalita.

“I said who said it? Kung walang aamin sa inyo, I will fail all of you.”

Galit na sabi ni Ms. Orleans.

“Me!”

Sagot ko sabay tayo. Ngayon kaming dalawa na ni Kim ang nakatayo at ang buong klase ay naka tingin lang sa amin.

 “Go out!”

Yun lang at tumayo na ako. I don’t care. Sanay na ako na ganito. And I think chance ko na to’ to talk to Kim. Hindi na ako makapaghintay eh. Lumakad na ako papalabas ng room, yung mga classmates ko at si Kim at nakatingin lang sa akin. Para bang na shock talaga sila dahil hindi man lang ako nag protest or something. Pagkalabas ko ay tumayo na lang ako malapit sa pinto at sumandal sa wall.

Nakapikit ako, ng maramdaman ko na may lumabas sa pinto. Pagkamulat ko nakita ko si Kim, nag smile ako sa kanya --- at nagsmile din siya sa akin. She’s really so beautiful. Her beauty is so rare na kahit all day mong titigan hindi ka magsasawa.

And then she starts walking again. Ok, Gerald --- isip-isip! Medyo malayo na si Kim kaya binilisan ko ang paglakad ko, ng malapit na ako sa kanya hinawakan ko siya sa braso at --- yung feeling na there’s some kind of electricity.

Binati ko siya at binate niya rin ako. Ok. I am so speechless right now. C’mon Gerald you can do better that this. Pero iba eh – iba pag ganito ang feeling.

“So…”

“Ahh..”

Nagkasabay pa kami. Ok, chill lang dude. Pina-una ko ng magsalita si Kim, nag sorry siya sa akin kasi dahil daw sa kanya kaya napalabas ako ng room. Siyempre sinabi ko na it’s not her fault and then she asked me kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko sana tanungin eh kung pwede makipag friends sa kanya, pero hindi yun ang nasabi ko. This is not the Gerald Anderson I used to know.

“Uhm. Just want to ask if how are you.”

What the… nakakahiya Gerald. Sinisisi ko pa ang utak ko. Think! Think! Nahalata ko na parang matatawa na siya sa sinabi ko pero alam kong pinigilan niya lang ito. And then sumagot siya na parang bad vibes daw yung first day niya.

“Don’t worry I’ll make sure na gaganda ang araw mo. Oh, here you go. I think ito na yung CR.”

Sabi ko sa kanya. At ng pumasok na siya sa loob, hinintay ko na lang siya sa labas. I admit, first time kong maghintay sa isang babae sa labas ng CR, dahil kung hindi lang si Kim ito at kung nasa states lang ako kanina pa siguro ako nasa loob niyan and what do you expect – make out session. That’s me, before --- and I think i’m changing into a new and better person.

After 5 minutes lumabas si Kim at nakita kong parang nagulat siya dahil nandun pa ako. Naglakad kami ulit pabalik pa puntang classroom, ang tahimik naming dalawa. I can’t think of something kung ano ang pwedeng sabihin sa kanya. I guess this is not the right time para makilala ko siya ng mabuti. Nung malapit na kami sa room, she asked me if sasabay akong papasok sa kanya and then I told here na hindi na lang, na badtrip ako kay Ms. Bingi eh, she even laugh when I said that and yun nga pumasok na siya sa room, at ako naiwan sa labas.

After our first subject, meron pa kaming next subject. It went smoothly naman, kasi ang cool ng prof namin, si Sir. Java. After 1 and a half hours discussing natapos din ang 2nd subject. Ang then break na namin.

Nasa cafeteria na kami ngayon, gusto ko sanang magkatabi kami ni Kim kaya lang napagitnaan na siya ni Maja and Erich kaya sa harap na lang niya ako umupo. Feeling ko kasi parang ayaw ni Maja sa akin. Kanina kasi pagkatapos ng first subject namin, palabas na sila at nakita nila akong may kayakap na babae. Kaya gulat na gulat sila. Pati si Matteo, sinabihan pa nga niya ako na wala na daw ako sa states. Pero mali naman kasi ang nakita nila nadulas kasi yung babae at napaka ungentleman ko naman kung hindi ko siya tulungan, habang tinutulungan ko na yung babae patayo bigla na lang itong yumakap sa akin, kahit ako nagulat. Pero kung minamalas ka nga naman, nasakto pa sa paglabas nila Kim at nakita ko na parang nag-iba yung mukha niya. Ok. 1st day, 1st meeting negative.

Habang naka-upo at kumakain, nagkukwentohan sila Erich at Kristine, si Maja naman ito naglalamibangan sila ni Matteo, malapit na daw kasi ang monthsary nila. Tapos sila Rayver and Enchong nakukwentohan tungkol yata sa varsity. Tapos nahalata ko si Kim, nakayuko lang, parang pinaglalaruan lang niya yung pagkain at may malalim na iniisip. Tinitignan ko lang siya. Alam ko na.

“Bro, pa hiram naman ng cellphone mo.”

Sabay pa silang nakatingin ni Maja sa akin.

“Bakit sino itetext mo? May girlfriend ka na ba kaagad dito?”

Kung maka pag judge naman. May chance pa naman siguro ako mag bago diba, kaya nga sinisimulan ko na. Malas lang siguro talaga ako ngayon.

“Ah, ano --- kasi nag text si mommy, naubosan ako ng load.”

Yan na lang ang ginawa kong alibi, alam kasi ni Matteo na mahal mag text sa ibang bansa. And then inabot niya sa akin yung phone niya. Ok, pinindot ko na yung letter “K” sa phonebook ni Matteo para mas mabilis kong mahanap ang name ni Kim. Pero wala eh, nagsimula ako sa “A”… “B”… “ C” may nakita akong “chinitaprincess” siya na kaya ito? Siya lang naman ang Chinese sa kanila eh at nalaala ko princess siya ng barkada nila. Copy ko na yung number. Pagkatapos, sinuli ko na yung phone kay Matteo at nag paalam ako sa kanila na mag CR lang ako.

Habang naglalakad ako nag start na ako mag type ng message for Kim.

“chinitaprincess” --- I’m sorry :(

Pagkatapos kong eh send umupo na lang ako dito sa bench, mamaya na ako babalik sa kanila. Sana mag reply si Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
please update ... thanks
KG4life #2
Thanks sa update :) how will kuya ge do his panliligaw moves since he doesn't have any experience :p
kimmy03 #3
hehehe....paano ba manligaw ang isang gerald anderson? Sige nga, uodate, pls...
cagali14 #4
waaah! manliligaw na si gerald!!! :))
nainis tuloy talaga ako kay maja :)) nakakalimutan ko na fic lang pala to :))
update soon :)
kgmelagi #5
thanksssss plssssssss more and more update,,
KG4life #6
Waaaaaa I'm curious on what will happen next :p
nippyz #7
thnx! more update pls...:))
foreverkg #8
Ok na ba yan? Hehehe.

And oh, btw. I just want to greet Kim Chiu, a happy happy birthday. Kimeralds will always be here for You and Gerald. I love you both! Keep on supporting guys.

Thank you :)
KG4life #9
Thanks for this new kimerald fanfic :)
filipinadoll #10
Can you please change the font its more harder to read. Thanks:)