Walang Kapalit

WENJOY CHILL KILL US
Please Subscribe to read the full chapter

"Wan! Wannieeee!!!" Dinig na tawag ni Wendy sa isang babaeng tumatakbo papalapit sa kanya na mukhang oso

"Seulgi? Bakit?"

"A-alamm m-o ba y-yung-" hindi na natapos ni Seulgi ang sasabihin ng pigilan siya ni Wendy

"Seul kalma! Magpahinga ka nga muna, eto tubig." iniabot niya ang mineral water na dala dala niya, agad tong tinungga ni Seulgi

"Salamat par" pagsasalamat nito, tumango si Wendy

"Walang anuman. Ano ba yung sasabihin mo at nagtatatakbo ka?" pag aalalang tanong ni Wendy

"Alam mo ba yung about sa sta. cruzan?" tanong nito

"Seul, hindi ako pinanganak kahapon syempre alam ko yun" pilosopong sagot ni Wendy

"Hindi.. yung mga kasali this year may narinig ka ba kung sino sino?"

"Wala, bakit?" pagtatakang sagot niya pareho kasi silang hindi masyadong mahilig sa mga ganito kaya nacu-curious siya ngayon kung saan pupunta ang usapan nila ni Seulgi

"Sabi sakin ni mama kasali daw si Yeri, saka yung ate nyang maganda si Irene" tumaas ang kilay ni Wendy 'kaya naman pala'

"O ano ngayon?" pagsusungit niya para kasing may na-se-sense siyang hindi maganda

"Ang sungit mo naman par" umirap si Wendy "Ano kasi... samahan mo ko.." lalong tumaas ang kilay ni Wendy 'sabi na eh'

"Saan?"

"Sumali sa sta. cruzan para makita ko si Irene" gustong ibuhos ni Wendy ang natitirang tubig na laman ng mineral bottle niya kay seulgi

"Gago ka ba Seul? Alam mo namang hindi ako nag ha-high heels saka paano mo siya makikita kung kasali ka rin? Edi manood ka nalang" may point siya pero di papatinag ang kaibigan niya

"Mas makikita ko siya ng matagal kapag sumali ako kasi makakasama ko siya sa waiting room"

"No! ikaw nalang kung gusto mo"

"Sige na please" pilit ni Seulgi. Naghalukipkip si Wendy

"Ano ba kapalit?" tanong niya dito

"Irereto kita sa Reyna Elena" walang alinlangan na sagot ni Seulgi. Namilog ang mata ni Wendy

"Hoy tigilan mo yang kagaguhan mo ha!" banta ni Wendy sa kaibigan

"Edi kahit na ano nalang basta sumali ka rin please" desperadong pilit nito. Syempre walang magagawa si Wendy

"Oo na! Bwiset ka"

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Hindi alam ni Wendy kung bakit siya napapayag ni Seulgi. Hindi rin niya alam kung ano 'tong nararamdaman niya ngayon sa tuwing naiisip niya ang magaganap na sta. cruzan, kinakabahan kasi siya in a way na parang may mangyayari. 'Baka naman dahil first time ko. Bahala na nga'

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Nasa sasakyan sila ngayon, dinaanan nalang kasi siya nila Seulgi para isang kotse nalang daw ang magamit nila. Mahirap daw mag park sabi ng nanay nito

 

"Pre, psst" tawag ni Seulgi sa kanya, habang busy na busy siya kakahalungkat ng bag niya, hindi kasi niya malaman kung na-shoot ba niya ang isang pares ng hikaw na gagamitin niya mamaya

"Bakit?"

"Nadinig ko kay mama na ang ganda daw ng Reyna Elena. Matangkad din daw. Kapatid daw nung basketball player sa school natin? Naaalala mo pa ba yun? Yun yung may kaibigan na nanligaw sayo? Yung nasa pangatlong kanto?" sunod sunod na tanong ni Seulgi na nagpatigil kay Wendy kakahahalungkat ng kanyang bag

"Ahh oo natatandaan ko na" tipid niyang sagot kahit hindi naman niya talaga natatandaan

"Wag ka mag alala Wends baka naman wala dun yung dating nanligaw sayo, hindi naman siya yung may kapatid sa Reyna Elena." tinignan ni Wendy ng masama si Seulgi saka umirap. Tumawa ng malakas si Seulgi

"Ano daw ba ang pangalan nung Reyna Elena?" pag-iiba ng topic ni Wendy

"Di alam ni mama eh, diba ma?" sagot ni Seulgi at tumingin sa kanyang ina na agad namang tumango. May tatanungin pa sana si Wendy pero naunahan siyang mag salita ng nanay si Seulgi

"Seulgi, paki abot mo naman sa akin anak yung bag na nasa likuran mo" saad ng nanay ni Seulgi na agad naman niyang sinunod. Tumingin si Wendy sa labas ng sasakyan, nakalimutan na niya ang isang pares ng hikaw na kanina pa niya hinahanap. 'Bakit bigla akong kinabahan?'

 

........................

 

Nakarating na sila sa simbahan. Agad silang nag fill-up ni Seulgi ng attendance sa front desk. Attendance ito para sa mga kasali, para na din daw hindi mahirapan ang mga nag o-organize na hanapin kung sino pa ang kulang sa kanila

 

"Seulgi, Wendy mga anak, mauna na kayo sa waiting room, kakausapin ko muna si kumare" sabi nang nanay ni Seulgi sa kanilang dalawa na may panguso-nguso pa kung nasaan ang sinasabi niyang kumare. Tumango sila at agad umakyat sa waiting room. Konti pa lang ang mga sasagalang naduon kaya hindi sila nahirapang humanap ng mauupuan. Duon sila pumwesto sa may aircon, para daw malamig at hindi mag hulas kaagad ang make-up nila. Nag uusap silang dalawa ng may matanaw si Wendy

 

"Seul, di ba hindi makakanood si Lisa?" tanong ni Wendy

"Hindi, diba sinabi niya yun sa gc? Bakit?" ngumuso si Wendy kay Seulgi

"Tangina mo pre hindi kita type, ayoko" may pandidiring saad ni Seulgi

"Tangina mo din mas lalo kitang hindi type! May tinuturo kasi ako! Hindi kita hahalikan" inis na sabi ni Wendy sa kaibigan natawa si Seulgi saka lumingon sa likuran niya

"Sino ba tinuturo mo?" tanong ni Seulgi. Hindi kasi niya makita kung sino ba ang tinuturo ng kaibigan

"Idilat mo nga yang mga mata mo! Si Jennie, nandito. Ayun oh naglalakad kasama si Mina!" inis niyang sabi. konti nalang talaga at mababatukan na niya tong si Seulgi

"Si Jennie nga! Oh gago hindi nga to alam ni mokong, dali picturan mo tas send mo sa gc! Iyak yun di niya makikita crush niya na sasagala" natawa silang dalawa at agad na kinuha ni Wendy ang cellphone niya para picturan si Jennie agad niya itong sinend sa gc. At di nagtagal ay hindi na lumubay ang kakasend ni Lisa ng message sa gc nila. Nagtatawanan sila sa mga katarantaduhang sinesend si Lisa, naangat ng tingin si Wendy saglit, tapos tumingin kay Seulgi

 

"Seul?" tanong nito. Natingin si Seulgi sa kanya "Nandito na ata yung crush mo" muntik ng mabali ang leeg ni Seulgi sa sobrang bilis ng paglingon niya

"Dito ka lang pre ah" biglang tayo ni Seulgi sa kinakaupuan

"San ka pupunta?" takang tanong ni Wendy

"Kay Irene" sabay alis nito. Nandilat ang mata ni Wendy sa mga nakikita 'nakakapag usap na sila ng ganito? kelan pa?' maya-maya ay nakita niya tong mga to na papunta kung saan siya naroon

 

"Hi Wendy, makiki upo" bati ni Irene kay Wendy

"Hi Ate Wendy" bati naman ni Yeri. Ngumiti si Wendy sa dalawa saka medyo inusad ang mga upuan para maupuan ng mga ito. Nag kwentuhan silang apat, duon na din nalaman ni Wendy na kasalukuyan na palang nililigawan ni Seulgi si Irene, napatingin siya sa kaibigan with matching 'Mag-eexplain-ka-mamaya' looks. Nagdaanan ang maraming minuto, narinig nilang may nag salita sa mic

 

"Girls, Ready yourself. 10 minutes nalang ay bababa na kayo" sabi ng isang organizer. Nag simula na ang iba na mag tayuan at yung iba naman ay nag re-retouch na. Habang si Wendy ay naka tingin sa maliit na salamin na hawak niya. Natingin siya sa may pinto. Napa hinto siya sa ginagawa, 'Joy?'

 

"Wends oh, lipstick! Mag lagay ka na para mabigay ko na kay tita tong bag ko" biglaang sabi Irene kaya nawala ang tingin niya sa may pintuan

"Salamat." Abot nito ng lipstick saka ulit lumingon sa may pintuan, wala na si Joy duon 'o guni-guni ko lang na nanduon siya?'

 

Nang lumabas sila sa waiting room ay nagpalinga linga siya. Umaasa na hindi niya lang guni-guni na nakita niya si Joy. Umaasa siyang naduon din ito. Pero hanggang sa maka baba sila para pumila ay ultimo anino ni Joy ay hindi niya nakita

 

Ilang oras ang dumaan, sa wakas natapos din ang sagalahan. Nandito sila ngayon sa loob ng simbahan, gusto na niyang umupo dahil napaka sakit na ng paa niya, pero hindi pa pwede. Hindi pa kasi tapos ipakilala ang mga sumagala at paglakad ng mga ito sa gitna upang mag-alay ng bulaklak sa mahal na birhen. Napatingin siya sa may altar ng simbahan 'sorry po Lord, pero first and last ko na po itong gagawin, ayaw ko na po. Ang sakit po pala sa paa'. Pagkatapos niyang banggitin yon ay parang may familiar na pangalan siyang narinig, kaya finocus niya ang sarili sa nagsasalita sa harap

 

"Atin po ulit nating palakpakan ang Reyna ng Sto. Rosaryo ngayong taon, Ms. Joy Marie" ulit na sabi ng nagsasalita. Agad lumingon si Wendy sa likod 'Si Joy nga' isip niya 'nandito na siya?' isip niya

 

"Pre si Joy" gulat na sabi ni Seulgi sa kanya "Akala ko ba nasa America yan?" may pagtatakang tanong nito

"Hindi ko din alam" inialis ni Wendy ang tingin niya kay Joy at tumingin ulit sa may altar, ayaw niyang makita siya neto

"Yan ba yung nang ghost kay Ate Wendy 3 years ago?" tanong ni Yeri

"Yerim!" pagsuway ni Irene sa kapatid niya

"Sorry Ate Wendy"

"No it's okay, matagal na yon" matagal na pero parang unti-unting bumabalik ang kirot na akala niyang nakalimutan na niya

 

Natapos ang pag aalay ng mga sumagala. Isa isa na tong pumupunta sa may altar para mag picture. Yung iba naman ay umuuwi na

 

"Wendy tara picture tayo!" aya ni Seulgi kay Wendy "Mama dito!" tawag nito sa ina nito. Naka ilang kuha din sila ng pictures nang hinatak naman ni Seulgi si Irene para magpapicture silang dalawa. Nanonood lang si Wendy kela Irene at Seulgi ng may narinig siyang nagbanggit ng pangalan niya

 

"Wendy?"

"Ate Tiffany, ikaw pala"

"Wendy ikaw nga, long time no see, how are you?"

"Okay naman po ako Ate Fanny" ngiting sagot niya dito

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
tealundertones
#1
Chapter 4: oa ni seulgi pwede naman mag buhat na lang sila ng arko ni irene kemi hahahaha