Wan Call Away

WENJOY CHILL KILL US
Please Subscribe to read the full chapter

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong na may pag-aalala ni Wendy habang hinihilot at binibisita ang paa ni Joy

"Oo ayos lang ako, hindi naman ako sobrang napuruhan" sagot nya. Tinignan sya ni Wendy saka medyo diniinan ang pag hilot sa may paa nya. Nanguwing kusa ang kaninang naka ngiting si Joy "aray ko naman wannie" napa-nguso ito nang makita nyang umiling iling si Wendy. Tinigil nito ang pag hilot sa paa ni Joy saka tumayo

"Dito ka lang muna ah. Kukunin ko lang yung bag ko, ako maghahatid sayo"

"Teka may klase ka pa ah? Kaya ko naman umuwi. Mag papasundo nalang ako kay manong. Siguradong nasa bahay na yon" tuloy tuloy nyang sabi. Ayaw naman nyang mapag iwanan si Wendy ng mga lessons nila today dahil sa kanya. Kahit na matalino ito at kayang-kaya bumawi, iba pa rin ang nandun sya at nakikinig sa professor nila kumpara sa self study

"Hindi din naman ako makakapag-focus lalo't alam kong may masakit sayo. Hindi ako kampante hangga't hindi kita naiihatid sa inyo" malambing na tugon ni Wendy. Inialis niya ang tingin nya sa dalaga dahil tangina! bakit biglang uminit? gusto sana ni Joy na tawagin at kausapin ang nurse para sabihing walang kwenta ang aircon sa clinic. Deserve nila ng bago at mamahalin na aircon lalo't apaka mahal ng tuition nila. Natigil lang sya sa iniisip nya nang maramdaman nyang may sumundot ng cheekies nya. Nag katitigan sila, 'gago ang cute talaga netong maliit na to' biglang lalong nag init ang pakiramdam nya at para bang may kiliti din syang nararamdaman. Narinig nyang ngumisi si Wendy

"Bat namumula ka? Kinikilig ka ba?" sabay lapit ng mukha nito sa kanya. ano daw? kinikilig? lalo syang namula at nagsimulang humagalpak ang kasama 'tangina mo Wendy!'

"Umalis ka na nga. Kunin mo na yung bag mo! Gusto ko nang umuwi!" sabay irap nito

"Okay baby. Wait for me here!" Kinindatan sya neto saka tumakbo papalabas ng clinic

sira ulo talaga bulong nya habang naka ngiti. Nahiga sya sa bed clinic. Sigurado kasing medyo matatagalan si Wendy dahil nasa 3rd floor pa ang classroom neto sa pangalawang building. Gumala ang mga mata ni Joy sa loob ng kwarto, wala pa ring masyadong pinagbago ang clinic nila. Ganun pa rin ang set up ng mga higaan pati na rin ang maliit na painting katabi ng siraang orasan. Napangisi sya, wala ba silang pambili ng battery? Natigilan siya ng makarinig ng ingay mula sa labas ng kwarto maya-maya may narinig syang boses galing sa isang nurse, sinusuway ang mga estudyante. Napangisi nanaman sya. Naalala niya bigla ang unang beses na makapasok sya sa school clinic nila

 

First year college sila, huling subject na sana ang aatenan nila ngayong araw, pero andito sila ngayon sa clinic, iniintay na i-discharge ang kaibigang si Yeri. Isinugod kasi nila ng isa pa nynang kaibigan na si Sana si Yeri sa clinic matapos masuntok ng nililigawan nyang si Saeron. Ani ni saeron, akala daw kasi nya ay binobosohan siya ni Yeri habang nag papalit siya ng P.E uniform

"Umamin ka binobosohan mo talaga no? Sa itsura mong yan? Halatang hindi ka gagawa ng matino" Pang aasar ni Sana at agad siyang pinakyuhan ni Yeri

"Tangina mo!" sagot ni Yeri kasabay ng pag-balibag ng unan kay Sana. Lumakas ang tawanan nila dahil hindi nila malimutan ang itsura ni Sana na sapol na sapol ang unang binalibag sa kanya

'knock knock' natigilan sila ng may kumatok kasabay nito ang pag bukas ng pinto

"Please be quite nasa clinic po kayo" bungad na sabi ng isang babae. Tumaas ang kilay ni Joy. Ba naman kasi, anong karapatan niya na pagsabihan sila lalo na't kapwa estudyante lang din ito. Alam nyang nasa clinic sya at medyo cute etong nasa harap nya pero nananaig pa rin ang pagiging maldita nya. Nakita ni 'cute girl' ang pag taas ng kilay niya kaya medyo namilog ang mata nito saka tumingin sa may gilid nya at binuksan ng maluwag ang pinto kasabay ng pag pasok ng isa pang estudyante na babae

"Hi, I'm Irene nga pala. Student assistant dito sa clinic" bungad nito "Si Wendy kasama ko, assistant din siya dito" sabay tinuro ang kasama na nasa may pinto pa rin

'ahhh kaya pala' isip ni Joy na naka tingin kay Wendy. 'Sorry naman. Pinapatawad na kita cute girl' But without her knowing natitigan nya pala si Wendy from head to toe with matching serious face kaya ng natitig ulit siya sa mukha neto ay nakita nyang napalunok ito at nagmamadaling inalis ang tingin sa kanya. Naalis din ang tingin nya ng nagsalita ulit si Irene

"Pinapasabi ni Nurse Choi na kung kaya mo daw pwede ka naman daw bumalik sa klase nyo, pero mas mainam daw na ipahinga mo muna. Bibigyan ka nalang daw niya ng excuse letter na ibibigay sa prof mo."

"Ah sige po. Hihingi nalang po ako ng excuse letter. Medyo nahihilo pa po kasi ako." Tinignan nya si Yeri. Gusto sana nyang taasan ng kilay dahil alam na alam nyang hindi ito nag sasabi ng totoo. Hindi nalang niya ginawa kasi alam nyang may nakatitig pa rin sa kanya mula sa may pintuan

"Okay. Ako na hihingi. Dito lang muna kayo." Paalam ni Irene

"Thank you po" sabay sabay nilang sabi. Ilang minuto din bago bumalik si Irene sa kwarto nila dala dala ang excuse letter. Pagkatapos nitong ibigay sa kanila ay nag pasalamat sila saka tumayo para umalis na. Pagkalabas ng kwarto ay nakita niya ulit si Wendy, nag katitigan sila. Pero yumuko agad ito. Hindi na niya pinansin magpapasalamat pa naman sana siya

"Tinarayan mo kasi eh" bulong ni Sana sa kanya pagkalabas nila ng clinic. Di naman niya tinarayan on purpose, talaga lang masungit mukha niya. Isip isip niya

~~~~~

Pangalawang balik nya sa school clinic nila ay siya naman ang dala dala ng dalawa nyang kaibigan. Sobra kasing init sa labas ng mag earthquake drill sila, 'Sino ba naman ang punyetang mag e-earthquake drill kapag collage na?' akala nya kasi graduate na siya sa mga drill drill na ganyan hindi pa pala. At mas worst pa ngayong collage dahil may mag sasalita pang taga Red Cross after ng drill nila

Inis na inis siyang inilagay ang katinko sa noo nya dahil ito lang daw ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
tealundertones
#1
Chapter 4: oa ni seulgi pwede naman mag buhat na lang sila ng arko ni irene kemi hahahaha