Sa Iyong Ngiti

WENJOY CHILL KILL US
Please Subscribe to read the full chapter

Stressed na stressed si Wendy sa mga nangyayari ngayon sa buhay nya. Nag resign na kasi siya sa dati niyang pinapasukan dahil nagiging toxic na ang environment after mapalitan ang head ng department nila. Kaya eto siya ngayon limang buwan nang bakante. Sabi niya magpapahinga lang muna siya for 1 month. Pero nang nagsimula na ulit siyang maghagilap ng trabaho ay hindi siya mapasok pasok. Pangatlong job interview na ito na napuntahan niya this week pero failed pa rin. Hindi pa rin siya natanggap sa trabaho. Kaylangan na kaylangan pa naman na niya ng pera dahil pangalawang buwan na siyang hindi nakakabayad ng upa sa apartment na tinutuluyan niya. Masungit pa naman ang may-ari noon, matandang dalaga kasi kaya scary. Kaya eto siya ngayon sa isang coffee shop malapit sa apartment niya naka tambay. Tatlong oras na siya dito pero wala pa rin siyang trip umalis. Bakit ba? Puno ang cafe pero wala naman nang dumadating na bagong customer saka bumili naman siya ng kape saka ng cheesecake na medyo hindi nya trip ang lasa. Napa buntong hininga siya

'Ilang trabaho pa ba ang aaplayan ko bago ako matanggap?' bulong nya. Nag scroll scroll siya sa Job apps na naka install sa cellphone niya. Matapos mag apply sa mga nakitang ilang job offers, pinatay na nya ang cellphone nya. Lalo ata siyang na-iistress, makakita maraming job offers pero ni isa sa mga na-aplayan niya ay wala pa ring tumatanggap sa kanya

'Wag susuko Wen! Kaya mo yan' bulong niya muli sa sarili

Ilang minuto rin ang nakalipas, naka tingin lang siya sa labas. Nabaling ang atensyon niya sa may pintuan ng cafe ng tumunog ang bell nito, sanhi na may dumating na customer. Napatitig siya dito habang naglalakad papunta sa counter, hanggang sa umorder ito ay hindi niya maialis ang tingin niya. Ang ganda kasi neto, maamo ang mukha, maputi, parang nakaka wala nang lungkot yung mga ngiti, ganitong ganito ang mga tipo niya. Kaya nga lang parang mas matangkad sa kanya. 'Okay na yun kahit mas matangkad sakin' napa smile siya sa naisip, maya maya ay bigla siyang natauhan 'Wendy anong okay? Ang landi mo! Problemahin mo muna saan ka papapasok bago ka lumandi' sambit niya sa sarili. 'Wait' nagpalinga linga siya, wala siyang makitang bakante na upuan 'Hala walang mauupuan si Ms. Beautiful' nilingon niya ulit ito. Tapos na itong umorder at pumunta sa may sulok kung saan ang intayan ng take-out orders. 'Take-out naman pala, ako ba hindi mo i-te-take out?' natawa siya sa kagaguhan niya. Maya-maya ay tiningnan ulit niya ito, sabay tingin din sa kanya saka ngumiti. Natanga siya hanggang sa makarinig siya ng may nabasag sa may likod niya kaya tumingin siya dito. Nakita niyang pinuntahan ng isang waitress yung table kung saan may nabasag na plato na pinag lalagyan ng slice na cake. Medyo naki isyoso muna siya hanggang sa maalala niya si 'Ms. Beautiful' nang tignan niya ang waiting area ay wala na ito. 'Sayang hindi ko narinig pangalan niya' panghihinayang na sabi niya

........................

 

Nasa apartment na siya nang biglang nag vibrate ang cellphone nya. Ang bestfriend niyang si Seulgi, tumatawag. Dali dali niya itong sinagot

"Wends, naghahagilap ka pa ba ng trabaho? Sabi sakin ni Irene may vacant daw sa office nila Yeri, yung pinsan nya?" bungad nito sa kanya

"Talaga? Oo naghahanap pa ako. Saan daw ba? Go ako dyan" nabuhayan siya sa sinabi ng kaibigan

"Me-message ko sayo agad mamaya yung address, hihingin ko muna kay Irene yung exact location"

"Thank you Seul, life saver ka talaga" si Seulgi lang talaga ang best of friends niya. Ang dami nang naitulong nito sa kanya. Always the life saver ika nga niya

"Wala yon! Ikaw pa ba? Alam mo naman pringles lang katapat ko" natawa sila pareho

"Oo na, kahit kaylan" natatawang sabi ni Wendy

"Yown! Sige ibababa ko na nang mahingi ko agad yung address kay Irene" pagpapaalam ni Seulgi

"Thank you ulit Seul"

"Wala yon! Goodluck! Update mo ko ah" nagpaalam lang sila sa isa't isa pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag. Nangiti siya, apaka swerte niya na may kaibigan siyang kagaya ni Seulgi

 

........................

 

Maya maya pa ay nag vibrate ulit ang cellphone nya, text message galing kay Seulgi, 'eto na siguro yung address' isip niya saka niya dali daling binuksan ang mensahe

 

'Company name: Mon Chicoy Inc.

Address: 081 Lagim Street, Makati City (sa may tapat ng tapsihan ni Aling Pering)'

 

"Ang baho naman ng company name. May ganito pala sa Makati?" bulong niya "Well di bale nang mabaho, at least may trabaho diba manen?" tanong nito sa katabi nyang stuff toy. Naramdaman niyang nag vibrate ulit ang cellphone niya

‘Pinapasabi ni Yeri pumunta ka na daw agad bukas. Sinabihan daw nya ang H.R na may kilala siyang willing mag apply’ message ni Seulgi

‘Okay sige. Thank you ulit Seul, paki sabi din kay Irene at Yeri salamat. Update kita agad bukas’ reply niya

‘Walang anuman. Goodluck Wends’ nangiti siya matapos basahin ang mensahe ng kaibigan.

 

"Let's do it" alog niya sa stuff toy niyang si manen saka humiga sa kama niya. Matutulog na siya dahil bukas ang araw na makakapag pabago sa buhay niya

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

'9 a.m ka daw pumunta' basa niya sa message ni Seulgi, galing daw yon kay Yeri. Pero 8:00 a.m pa lang ay nandito na siya. Di bale nang maaga wag lang late, pangit na impression yun! Pinapasok naman siya ng guard dun nalang daw siya mag intay sa waiting area sa 2nd floor. Laking pasasalamat niya dahil ayaw naman niyang mag hulas agad ang init pa naman ng suot niya. Naka upo siya sa waiting area, paulit ulit na pina practice kung paano siya magpapakilala at yung mga possible na tanong na itanong sa kanya. Pang apat na beses na niya tong interview this week pero kinakabahan pa rin siya

Natingin siya sa orasan ng cellphone '9 a.m na shet' bigla siyang kinabahan ng husto 'No! You can do it Wendy!' bulong nya. Nakita niyang may nag notif sa phone nya,

 

'Goodluck Wends! Galingan mo daw sabi ni Irene' si Seulgi. Napa ngiti siya. Biglang tumaas lalo ang confident niya matapos niya basahin ang message ni Seulgi. Mag rereply pa sana siya ng may tumawag ng pangalan nya

 

"Ms. Wendy? Pasok na po kayo sa loob" inayos niya ang sarili saka pumasok sa loob 'Let's do it'

 

........................

 

‘Seulllllll natanggap ako ahhhhhhhh’ message niya kay Seulgi. Hindi niya ito matawagan dahil alam niyang nasa trabaho na ito kaya binulsa nalang niya ulit ang cellphone niya saka lumabas ng company.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Kinabukasan ay maaga siyang pumasok dahil itu-tour daw siya sa buong company

 

"Dito naman ang table mo" turo ni Boss Taeyeon sa kanya. Senior employee na siya dito at siya ang pinaka mataas ang rangko sa department nila kaya 'Boss' ang tawag sa kanya

"Salamat po" magalang niyang pagpapasalamat

"Walang anuman. Kung may tanong ka puntahan mo nalang ako duon sa room ko" tinuro ni Taeyeon ang room niya na nasa may kaliwa

"Okay po. Salamat" pagpapasalamat niya ulit

"Ay Wendy" tawag nito sa kanya

"Po?"

"Lagi mo nalang sana pagpasensyahan yung naka pwesto sa harapan mo" sabi nito saka umalis. Napaisip si Wendy 'Ano kayang ibig sabihin niya don?' at napa tingin siya sa harap ng table niya

 

........................

 

Kasalukuyan niyang inaayos ang table niya. Okay naman ito, may harang sa dalawa nyang gilid, ayos na ayos hindi makikita ng mga katabi niya mga ginagawa niya. Eto talaga ang pinapanalangin niya. Hindi kasi siya komportable na nakikita ng iba kung ano man ang pinaggagagawa niya. Natingin siya sa harap niya, medyo sumimangot, wala kasing kahit na anong harang ito. Mataas naman ang computer desk nila pero nag aalinlangan pa rin siya lalo na nung maisip niya ang sinabi sa kanya ng boss niya 'Shooks paano kung yung ibig sabihin ni Boss ay yung nasa harapan ko pala ay manghaharot? Baka mamaya habang nag ta-trabaho eh may palabas labas pa ng dila yon? tas bigla mapapatingin sakin?' napanguwi siya 'Diyos ko, wag naman po sana'

Ilang minutes pa ay isa isang dumating na ang mga empleyado. Anim lang naman sila dito at lahat to ay mukha namang okay. 'Sana yung nasa harapan ko din okay' napapikit siya at napakagat labi. Naramdaman niyang may nasa likod sya kaya agad itong dumilat, si Boss pala nila

"Eto Wendy ah, madadali lang muna hanggang sa malaman mo lahat" naka smile ito habang sinasabi niya iyon

"Okay po" nahihiya niyang tugon

"Wag ka mahiya, masaya dito sa department natin" pagpapalubag loob ni Taeyeon sa kanya

"Okay po" sabi nya saka ngumiti sa kausap

 

Matapos ito ay nakita niyang may parang pinapapunta si Taeyeon sa kanila. Tumingin siya kung saan naka tingin ang boss niya. Nanlaki mga mata niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapunta ito sa sarili nyang table

"Yeri, meet Wendy. New employee and new member sa team natin. Wendy si Yeri."

Laking pasasalamat niyang magka department silang dalawa at siya ang empleyado na nasa harap niya. At least may kilala niya siya ditong malapit sa kanya

 

........................

 

"Ate Wends ano? Lunch na tayo. May baon ka ba?" Tanong ni Yeri sa kanya

"Wala eh, san ba pwedeng kumain dito?"

"Dun sa harap kela Aling Pering, masarap mga lutong ulam dun."

"Tara"

 

........................

 

Nasa harap sila ng tindahan ni Aling Pering. Nagkatinginan sila ni Yeri. Ang daming tao shuta tomjones na siya. Tumitilaok na lahat ng parte ng sikmura niya

"San tayo kakain? Punuan pala dito?"

"Hindi, ngayon lang yan. Lagi may vacant dito, yun kasing lunch break natin medyo late kaya hindi tayo kasabay ng ibang mga employees dyan sa ibang buildings"

"Eh bakit puno nagyon?" napa pout siya, gutom na gutom na kasi siya

"Ate Wends hindi ko rin alam!" natawa si Yeri "Saka wag kang mag pout ng ganyan mukha kang bibe"

"Tangina mo Yerms! Kung di ka lang pinsan ng nakakatakot na girlfriend ni Seul baka nakotongan na kita"

"Nakakatakot ah~ sabihin ko nga yan kay Ate Irene!"

"Wag puta ka! Gusto mong bigla akong turukan ng injection nun?" Natawa sila "So saan tayo kakain?"

"Sabi ni Saeron may kainan din daw dun sa may kanto. Tara tignan natin"

 

Sumakay sila ng tricycle at nagpadala sa may kanto. Buti nalang malapit lang ang kanto na 'to kundi baka hindi na niya makayanan ang gutom at bigla nalang siyang mangagat. Well si Yeri lang naman ang makakagat niya if ever

 

Nandito na sila ngayon sa may tapat, nakatingin siya sa pangalan ng sinasabing karinderya, "Paliligayahin kita" basa neto sa pangalan na nasa tarpaulin. Tinignan niya ang nasabing karinderya, 'Talaga bang karinderya to o bar? Bakit ganito pangalan? Saka bakit hindi naka bukatsa?' Natingin siya kay Yeri

"Karinderya ba talaga to?" tanong niya dito saka nginuso ang nasa tarpaulin. Napatawa si Yeri

"Hindi ko rin alam Ate Wends, first time ko lang din dito" nag aalinlangan na siyang pumasok. Baka pag bukas nila ng pinto bigla siyang hatakin sa isang kwarto. Nawala ata ang gutom niya sa naisip

"Wag na kaya tayo dito"

"Utang na loob Ate Wends gutom na gutom na ko! Saka may mga pumapasok naman tignan mo" saka nginuso ang mga kasalukayang estudyanteng pumasok. 'Katanghaliang tapat! wala naman sigurong magtutukaan sa ganitong oras?'

"Sige ikaw mauna" sabi ni Wendy na medyo tinulak si Yeri para mauna pumasok. At nang makapasok na din siya napagtanto niyang m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
tealundertones
#1
Chapter 4: oa ni seulgi pwede naman mag buhat na lang sila ng arko ni irene kemi hahahaha