Patingin

Banda Rito Banda Roon
Please Subscribe to read the full chapter

Karina's POV

 


    "lapitan mo na kasi bes! sige na! sasamahan naman kita eh"

 

rinig ko si chaeryeong na kinukulit parin si chaewon na lapitan yung pinsan niya. ganun niya yata kagustong malapitan yung crush niyang winter ang pangalan.

 

tapos na agad ang klase namin kasi tulad sa first subject, maaga ding nagdismissed si ma'am sunny alas dose pa lang eh 3pm pa next class namin. saan kaya kami tatambay nito? ah baka bumalik na lang muna kasi sa dorm. napuputol naman ang pag-iisip ko sa mga bagay bagay dahil sa mga naririnig ko—

 

    "chismosa ako oo, pero hindi naman masyadong makapal ang mukha ko. nahihiya ako sa kanya" sagot ni chaewon.

 

mukhang nahihiya nga naman talaga siya tsaka kung ako yan si chae parang di ko din lalapitan yung pinsan ko kapag ganyan na maraming nakapaligid sa kanya tapos mga hindi ko pa kakilala or ka-close.
mukha pa namang maaangas tong mga nagbabanda na to.

hindi naman ako sa nang-huhusga ha? it's just how i see them.

 

 

 

pinasok ko na sa bag ko yung ballpen at notebook ko, ako lang ata ang nag notes sa aming magbabarkada. napaka-tamad talaga ng mga to— "ayan na! ayan na! dadaan na sila dito. mag hi ka lang!" ayan na naman si chaeryeong na parang ipit na ipit ang boses. kilig na kilig siguro to.

 

 

sakto pag-lingon ko nasa harap ko na nga yung grupo nila. 

 


ah ang liit nga nung winter, kaya pala nila sinasabihang cute.

cute size siguro yung ibig nilang sabihin?

 

 

at okay ang puti niya at ang amo amo ng mukha, siguro kung idedescribe ko siya in one word 'baby' yung masasabi ko.


i mean para kasi siyang baby pero at the same time ang cool naman din niyang tignan? paano ba ieexplain yung baby face na pogi? 

 


sinabi ko bang pogi? mali. mali, erase. pogi

 

basta cute size na parang masungit, o maangas? ah ewan! bakit ko ba siya ina-analyze?

 

 

mukhang di nga talaga magsasalita tong si chaewon kahit anong pilit ni chaeryeong kaya narinig ko na ang isa naming bida-bidang kaibigan na nagsalita nung saktong nasa harapan ko itong winter. 

 

 

    "hi winter!"

 

 

 

ayan na nga si lia. kilala ba niya to? kung maka-hi naman! ang taas pa ng energy.

 

 

kitang-kita ko tuloy ang paglingon ng lahat ng kasama niya, lahat nakatingin kay lia. nagtataka ata sila kung bakit tinawag si winter?


napatingin na din kami kay Lia na nakangiti pa sa direksyon ni winter, hindi ba siya nahihiya? omg. 

 

 

tumigil tuloy sa mismong harapan pa ng upuan ko yung winter, nasa likuran ko kasi si Lia katabi niya si chaeryeong at chaewon.

 

 

katabi ko naman si Jeno at si Yeji na naka-yuko lang, nahihiya siguro to para sa kaibigan namin kumbaga second hand embarrassment.

 


nakatingin ba naman kay Lia buong members ng banda daw nila.

 

 

 


    "uhm. a-ano, I'm a f-fan. i mean fan ako ng b-band niyo" nagsalita na ulit si Lia. ayan mabulol-bulol ka pa girl! ano ba kasing naisip mo bakit ka naman nag hi—

 

     "I'm Lia nga pala"

at nagpakilala pa nga! tumayo pa itong friend ko at inaabot yung kamay niya kay winter. makikipag-hand shake pa ang loka-loka.

 

samantalang tahimik parin yung mga nasa harap namin, nagsasalita ba itong mga to? or puro kanta lang alam? hello my friend here is being nice and friendly tapos mukhang mapapahiya pa yata. my god naman. yung kamay—

 

    "hi, I'm ryujin." ayun may nakipag-handshake naman sa kanya. buti naman.

i can't even imagine how embarassing it would have been kung wala man lang umabot sa kamay ng friend namin.


 pero grabe parang ramdam na ramdam ko ang tension. hindi ba sila friendly? itong ryujin lang ata.

 

at hindi ba sila marunong magsalita? nakita kong bumaling ang mga mata nitong winter sa katabi ni lia, baka kay chaeryeong or kay chaewon.

 

 


    "hi winter" narinig ko si chaewon mula sa likuran ko. binati na siguro niya pinsan niya kasi tinignan na siya, no choice na.

 

tumango lang tong si winter sa pinsan niya tapos bumaling na ulit ng tingin kay lia at tumango lang ulit sabay naglakad na palabas. 

 

 

ano yun?

 

hindi man lang nagsalita? hindi man lang ngumiti? looks can be decieving nga naman, ang amo ng mukha pero suplada naman pala.

 

 

ano kayang nagustuhan ni chaeryeong sa kanya? kasi for sure hindi naman ugali. ah syempre looks nga.

 

 

wait, bakit hindi nagsasalita si chaeryeong? akala ko ba magha-hi siya?


nilingon ko sila sa likuran at nakita ko siyang naka-yuko, asan ang fighting spirit mo girl? or baka na-turn off na to.

 

 

nakita ko naman na may mga sumunod na dun kay winter na mga kaibigan niya sa labas at may tatlo naman na naiwan din sa harap namin.

 


i guess itong mga naiwan yung mga friendly. well it's just a hunch.

 


    "pagpa-sensyahan niyo na yung kaibigan namin, ganun lang talaga yun since birth" nagsalita naman yung isang guy natawa pa yung dalawang kasama niya.

naka-ngiti din naman siya sa amin, mukhang friendly nga. well, hula ko lang nga.

 


    "I'm mark by the way and this is Jeno" baling niya sa isa pang guy na kasama nila. 
ang tipid naman ng ngiti sa amin nitong Jeno, pero mukhang shy type lang naman, hindi katulad nung mga lumabas na hindi man lang kami nginitian.

 

bakit ba ang dami kong napapansin tungkol sa kanila? hindi naman ako interested sa mga to.

no choice lang talaga ako kundi ang makinig sa pag-uusap nila, andito ako eh.

 

 

"hi karina"

 

nagulat naman ako dito sa Jeno. kilala niya ako? paano nalaman name ko? magsasalita ba ako?

 

basta i don't wanna be rude like their friend kaya i should greet him back.

 

 

"hello" tanungin ko ba kung paano nalaman name ko?—

 

"you know her?" ayan may someone na, na naunang magtanong.

 

ofcourse it will be jaehyun, sometimes he will be just overly protective or may tawag sila gigi sa kanya eh. 'nangbabakod' yung term nila.

 

 

parang natakot naman ung jeno guy at napaurong, nagtago pa sa likod nung ryujin. pero sana sagutin yung tanong ni jaehyun.

ofcourse for sure sasabihin na kilala ako kasi nga he just mentioned my name. pero paano nga ako nakilala? nung highschool kami? naputol naman yung pag-iisip ko nang biglang magsalita yung mark.

 

 

"ah yes jeno knows karina, because of our friend Yuqi" bumaling ng tingin sa akin yung mark. siya ba yung leader and voice of the group? siya lagi ang nagsasalita for his friends eh.

"nakasama mo siya once sa isang competition nung highschool right? and jeno used to pick up yuqi sa mga practices niyo then ipinakilala kayo sa isa't-isa. you probably don't remeber it na." pag-eexplain nung mark.

 

really? oo hindi ko na nga maalala. pero i know yuqi! ofcourse! hindi ko alam na friend pala niya tong mga to.

as far as i know, hindi naman kasama sa banda nila si yuqi eh. ang layo ng ugali ni yuqi sa mga to.

 

 

 

         "yes i know yuqi, sorry hindi kita naalala jeno, nagiging makakalimutin na yata ako" ngumiti na lang ako at tumango lang naman sa akin yung jeno at ang tipid parin ng ngiti nito, sa tingin ko kinakabahan to kasi grabe makatingin sa kanya si jaehyun na nasa tabi ko.


    
    "uhm, friend ko pala si chaewon.. pinsan siya ni winter" singit na ni lia.

sige lia sabihin mo sa kanila para hindi naman masyadong nakakahiya na nag hi ka sa kaibigan nila.

 

 

kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng tatlong kaharap namin. halatang gulat na gulat. well hindi din siguro nila alam.

nagtinginan pa silang tatlo na parang hindi alam kung anong sasabihin sa amin.

 

bakit kaya? hala nahahawa na yata ako sa pagka-chismosa ni chaewon. this can't be.

 

 


    "hello chaewon nice meeting you. and by the way thank you for being a fan Lia. see you around?" yung ryujin na yung bumasag ng tension at umalis sila agad-agad after mag see you around back ni lia.

 

 

 

okay for me lang ha? parang may tension talaga.
tapos bigla-bigla na lang silang nagmamadaling umalis. ano yun?

 

 

 

    "ano yun?" tanong agad ni yuna nung kami kami na lang. yes, yan din tanong ko diba. ano yun?

 

"feeling ko hindi ako naka-hinga ng mga ilang minutes sa harapan nila" may pahawak effect pa itong sa yuna sa dibdib niya, parang oa lang.

 

    "they look friendly naman diba? yet they're giving this cold aura that i can't explain" nagsalita na din si gigi. "specially winter" dagdag niya pa.

 

tumango lang ako kasi umaagree ako then i saw yeji naman naka-poker face parin as usual, pero kanina hindi din ito makatingin sa kanila eh. or wala lang din talaga siyang pakialam?


ang hirap talagang basahin ni yeji kahit super close pa kaming dalawa at matagal ko na tong kasama.

 

 

 

    "si chaeryeong nga nanigas na yata eh" singit ni chaewon habang pinagtatawan ang kaibigan namin.

 

    "seriously... chaer bakit hindi ka nakapag-salita? akala ko ba you will say hi na this time?" tanong sa kanya ni lia. nasasayangan siguro sa chance since siya naman yung naglakas ng loob na mag start ng conversation kay winter which unfortunately, hindi naman pala nakakapag-salita yung tao na yun.

 

 

     "paano yan magha-hi eh ang sungit naman nung winter" si jaehyun.

 


    "i got nervous lang okay? sobrang lapit lang niya kanina halos hindi ako maka-hinga." nagpaliwanag naman si chaeryeong, mukhang unbothered naman sa attitude nung crush niya hmp.

 

"ganun pala yung feeling" dagdag pa niya. nakahawak siya sa dibdib niya, pinapakiramdaman siguro yung pagtibok ng puso niya.

mabilis ba? gustong kong itanong.

 

 


ganun daw pala kasi yung feeling...

 

 

 

yung feeling...

 

 


yung feeling na gustong-gusto ko din maramdaman....

 

 

inerase ko na lang muna sa utak ko yung tungkol diyan. first year pa lang naman kami, i have a lot of time pa. for now aral muna okay kat? 

iba na to, kinakausap ko na din ang sarili ko.

 

 

    "you okay?" bigla naman natigil ang mga pag-iisip isip ko ng may humawak sa braso ko. ah si jaehyun.

"ang tahimik mo, you don't like them?" tanong niya sa akin. don't like agad? kinausap ko nga sila diba?

 

 

    "I'm okay. just not interested" maikling sagot ko at nginitian ko na lang din si jaehyun kasi baka isipin pa nito nagtataray ako sa kanya. napangiti naman siya sa sinabi ko. ang saya mo lang? anong nakaka-tuwa sa maikli kong sagot?

 

 

anyway.. inaya ko na din ang mga kaibigan ko na umuwi muna sa dorm. 3pm pa naman ang next class namin, parang gusto ko din na matulog muna.

ang aga-aga ko kasing nagising. or parang na-drain lang talaga ang utak ko sa mga ganap? ah ewan.

 

 

 

-----

 

 

third person's pov

 

 

    "kilala mo yun win?" tanong ni ningning nang makalabas sila sa room nila. sa labas na lang nila hihintayin yung tatlong representative na naiwan sa loob. 

 

 

representative ang tawag nila kila mark at ryujin kasi tuwing may mga makikipag-usap o makikipag-kilala sa kanila na fan daw ng banda nila, ganyan ang set-up nila palagi, minsan si mark lang ang makikipag-usap minsan dalawa sila ni ryujin pero ngayon pati si Jeno nagpa-iwan na din sa loob.

 

baka dahil iyon kay karina.

 

 

natural lang naman sa grupo nila yung mga students na bigla-biglang lumalapit sa kanila o makikipag-kilala kasi nga sikat naman talaga ang banda nila nung highschool.

pero itong si winter hindi parin sanay at masyadong mailap sa mga tao. kaya ang ending lagi siyang nauunang umalis at sila mark na lang talaga ang nag-eentertain.

 


syempre si ningning palaging susunod kay winter yan sa mga ganung pagkakataon.

 

hindi naman sa snob o masungit si winter, talagang mailap lang siya sa mga tao kasi mahiyain ito, pero mabait at may pagka-kalog din once na maging komportable na siya sa isang tao.

marunong din naman siyang magsalita at ngumiti kaso nga lang wrong timing lang talaga. hindi maganda ang sitwasyon niya sa ngayon.

 

 

kaya naman nagtaka din sila ningning at yunjin nang may tinanguan itong isa pang babae bukod dun sa babaeng nag-hi sa kanya.

 

 

nakasandal si winter sa pader ng hallway. magka-krus ang mga braso at nakayuko. nakatingin lang sa sapatos niya. "sino?" tanong niya.

 


    "yung isang babae, yung nakaupo" sagot ni ning. nakatayo lang sila sa gilid ni winter.

 


    "pinsan ko" maikli nitong sagot. wala man lang bakas na emosyon sa boses nito.

 

agad namang nagkatinginan si yunjin at ningning at parang nagkaroon sila ng silent agreement na wag ng magtanong pa.

 

pero soon, kailangan na din nilang mag-usap usap. kailangan na nilang kausapin si winter.


lumabas na din ang tatlong kaibigan na hinihintay nila. tahimik lang ang mga ito hanggang sa nagsalita na din si mark.

 

    "tara na sa student council?" aya niya sa mga kaibigan. agad namang tumango ang lahat.

 


    "excited na kong magperform dito sa university!" sigaw ni ryujin habang naglalakad sila palabas ng building.

 

parang nawala naman ang kung ano mang gumugulo sa isip ng magkakaibigan dahil sa malakas na boses nito.


ngumiti silang lahat. syempre maliban kay winter.

 

 


------


nakabalik naman sila karina sa dormitory nila 


sina yeji, giselle, chaeryeong at karina ay kasalukuyang naka-upo sa kanya kanya nilang bunk bed. matutulog muna sana sila kaso biglang sabay sabay na tumunog ang mga cellphone nila.

 

si karina ang unang tumingin sa phone niya. message pala mula sa groupchat nila.

 

 


Puro Drawing

​​

Chaewon👂: guys mukhang andito na yung isang makaka-sama namin sa room.
andito na yung mga gamit eh pero wala siya dito, siguro lumabas.

Lia😴: share mo lang?

 

napatingin si karina sa mga kaibigan na hawak na din ang mga cellphone nila.

 

Chaewon👂: oo skl.

 

Chaeryeong☃️: ako din may ishi-share.

 

nasa iisang dormitory lang sila at wala pang limang minuto na hindi magkakasama ay ito na naman sila, nag-uusap na naman. ngayon, sa gc naman nila.

 


Jaehyun🍑: akala ko ba matutulog?

 

Yuna🧜‍: edi matulog ka jaehyun sus. baka hanggang dito sa gc natin nakabakod ka kay katarina! 🤨

 

Gigi🌙: HAHAHHAHAHHAHAHHAHAHHA!

 


nakahiga naman na si karina at nagiiscroll na lang din sa phone niya, nagpapa-antok at nagbabasa na din sa kakulitan ng mga kaibigan sa gc nila.

 


Chaewon👂: ano yung ishi-share mo chaer??

 

naisipang sumali ni karina at asarin ang chismosang kaibigan

 

Karina💙: basta talaga sa chika game na game chae? 😂

 


Chaeryeong☃️: share ko lang naman sa inyo yung IG ni winter eh hehe 😍

 

Jaehyun🍑: if you guys really want to nap, dapat matulog na kayo ngayon. 3pm next class natin.

 

Gigi🌙: kat matulog ka na daw.

 

Yuna🧜‍: bayaan niyo yan si jaehyun..

 

Lia😴: chaer diba matagal ka nang naka-follow kay winter? ako din eh hehe.

 


patuloy lang naman sa pagbabasa si karina sa gc. gusto na niyang matulog pero parang nawala naman yung antok niya nung naka-higa na siya.

 

 

Chaeryeong☃️: oo naman yes! gusto niyong makita IG niya? share ko lang kung gaano ka-cute ang baby ko 🥰

 

Jaehyun🍑: not interested chaer, solohin mo na lang yan mabuti pa.

 

Yuna🧜‍: si basag naman to agad kay chaeryeong HAHAHAHHA!

 

 

 

Yeji😼: patingin
Karina💙: patingin

 

 


napaupo si karina mula sa pagkakahiga sa bunk bed nang makitang sabay at parehas na parehas pa ang chat nila ni yeji.

 

agad din namang napatingin sa kanila sina chaeryeong at giselle na kasama lang din nila sa kwarto. nasa baba ng bunk bed si karina at si yeji nasa taas.

 


Lia😴: send mo lang chaer, wala naman nang magagawa yan si jaehyun pag nasend mo na 🤪

 

 

"wow.. nahahawa na yata kayo sa pagiging chismosa ni chaewon? or iisa lang talaga kayo ng utak yej at kat? parehas na parehas ang chat?" si gisellle.

nakangiti habang nakatingin na ulit sa cellphone niya.

 


napabangon naman si yeji at bumaba, tumabi kay karina. "we just want to support chaer, right kat?" sabi niya sa kaibigan nang makaupo na sa higaan nito.

 


"right! tsaka great minds think alike kaya" sagot ni karina at nakipag apir pa kay yeji.

 

napa-iling naman si chaeryeong pagkatapos ay ngumiti at pumindot pindot na ulit sa cellphone niya.

 

 

chaeryeong☃️:

 

 


sabay napatingin sina yeji at karina sa phone nila dahil sa notification ng chat sa gc. si giselle naman mukhang naka-tulog na yata.

 


chaewon👂: kung hindi ko lang talaga yan pinsan naku! ako na yata ang kaagaw mo chaer!

 

chaeryeong☃️: eh pinsan mo, so sorry na lang. try again next life 🤪

 

Lia😴: a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
hello. short update po muna. hehe
may private X account pala ako, may AU ako dun ☺️ @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
nkenravi
#1
inaabangan ko parin tor
_multiplayer__troy #2
Chapter 5: minsan talaga kapag madami namang nagkaka-gusto sayo, yung maling tao pa yung mapipili mo... (ay may hugot)
nkenravi
#3
Chapter 5: grabe daming nakapila kay pareng retniw
cleofierayne #4
Chapter 5: Huhu thanks po sa pa updateee huhu. Gigil parin ako kay Jaehyun 😆

Pero yieeee gagi lang yung point ng meetup ng mag frenny ay dahil si Winter hahahaha di daw curious halata na po kayo wag na kayo mag deny 🤣

Excited na ako sa susunod na mangyayari myghaddd magkikita napo ulit!!
tenixwnrn #5
Chapter 4: excited na ako sa mga susunod na mangyayari. ang hirap hulaan kung anong mga pwedeng mangyari kina karina at winter huhu. pero naka kainis talaga si jaehyun!
minsansilent #6
Chapter 4: winter ilaban mo na yan ngayon 😭 hindi na uso ang mag paubaya sa ngayon. wag kang mag paubaya sa ex friend mong war freak at puno ng inggit sa katawan hahahaha

and ngayon palang i feel sorry na kaagad kay yeji 🥺
kwinminjeong
#7
Chapter 4: kinikilig ako sa interaction ng mag destiny na yan 🫠 anuvahyarn may ganyan palang ganap ah haizzz winter bebe qoh i feel so sorry for u 🥹 pls wag ka na magpaubaya! choose yourself naman this time and don't be selfless na! sana malaman ng tropahan nila yeji kung anong klaseng tao yang jaehyun na yan! at para di na pagbigyan ni rinrin plith 🙏🏻 inggitero kasi kay win ampota pak ka tlg beh!!! (ily irl jaeh)
kwinminjeong
#8
Chapter 4: thanks sa pag accept 'tor! kanina ko pa talaga nabasa kaso di ako maka comment huhu, at ang masasabi ko lang ay you ka jaehyun inis ako sayo dito
jmjenjoyer
#9
Chapter 4: "love is sacrifice, love is letting go" yes yeji at mukhang sasapitin mo din yan :( okay lang yan girl ienjoy mo muna ngayon si winter.

may mga feelings talagang temporary lang kaya winter fighting!

bowset ka jaehyun! pavictim ka pre