Panyo

Banda Rito Banda Roon
Please Subscribe to read the full chapter

yeji's pov

 


highschool pa lang kami kilala ko na si winter kim.


paano? bakit?

 

siguro ang iisipin ng lahat kasi dahil guitarist siya nang banda rito banda roon at dahil sikat siya sa campus. pero hindi. hindi dahil 'dun.

 

 

nakilala ko siya dahil sa panyo niya...

 


third year kami noong inabutan niya ako ng panyo. bakit? kasi umiiyak ako.

 


ako kasi yung tipo ng tao na hanggang sa kaya kong itago lahat ng problema at nararamdaman ko, itatago at sasarilinin ko na lang talaga kaysa magsabi sa mga kaibigan ko o sa kahit kanino man.


o kaya naman kapag hindi ko na talaga kaya, iiyak na lang ako mag-isa. sa walang makaka-kita sa akin.

 


noong araw na 'yun, sobrang bigat na sa puso yung sakit na nararamdaman ko. nasa room ako 'nung makatanggap ako ng chat sa ate ko na baka maghiwalay na daw sina mom and dad.

 

hindi na nga dapat ako magtaka pa o magulat o masaktan pa sa balita na 'yun dahil alam ko naman na sa hiwalayan na talaga ang ending ng parents ko. halos araw-araw ba naman silang nag-aaway at nagbabanta sa isa't-isa na mahihiwalay na sila. gabi na nga lang din sila halos magkita eh nag-aaway parin sila, puro trabaho puro din away.


kaso kasi syempre bilang anak, masakit parin yung talagang reality na maghihiwalay na ang parents mo.

hindi na nga ako nakapag-reply sa ate ko 'nun at nagpaalam na lang ako sa mga kaibigan ko na may bibilhin lang ako saglit sa canteen.
pero syempre ang totoo, didiretso lang ulit ako sa cr para doon umiyak.

 

ganun naman palagi. kapag hindi ko na kaya, sa cr na lang ako iiyak. mag-isa.

 

mag-isa naman ako palagi. bukod lang sa araw na yun...

 


ang lakas kasi yata talaga ng hikbi ko 'nun kaya may kumatok na sa toilet cubicle. agad ko namang tinakpan ang bibig ko para mapahina yung kusang tunog ng iyak na lumalabas galing sa akin. natigil din naman yung pagkatok nung tao at nagpalipas din muna ako ng 5 minutes bago lumabas. para sure na wala na yung tao.

 

kaso paglabas ko andun siya...

nakasandal sa pader sa tabi ng pintuan.

nakatingin sa akin. at alam kong may bakas ng pag-aalala sa mga mata niya.

 


nag-iwas naman ako agad ng tingin sa kanya kasi nahihiya ako, alam ko namang namumula ang mga mata ko at isa pa hindi ko naman siya kilala tapos kinakatok niya pa ako kanina sa cubicle at hindi ko siya pinansin. hindi ko naman na talaga dapat siya papansinin eh...


pero bigla na lang siyang lumapit sa akin nung maghihilamos na sana ako ng mukha tapos inabot niya yung panyo niya. 

 

syempre nagulat naman ako 'nun kaya napatitig na lang ako sa kanya medyo nanlaki pa nga yung singkit kong mga mata eh pero nginitian lang niya ako. ang weird lang kasi hindi naman kami magkakilala, pero ito siya ngayon parang concern na concern sa stranger dahil una; inaabutan niya ako ng panyo at pangalawa; she's giving me a comforting smile.

 


at ang cute cute nang ngiti niya na 'yun. God i can still rember that smile until now.

 


nangawit pa nga siguro siya 'nun kaya kinuha na niya yung isang kamay ko at nilagay yung panyo niya tapos nagbitaw siya ng mga salitang hindi ko akalain na sobrang magpapa-gaan pala sa loob ko sa buong araw na 'yun at sa mga sumunod pang mga araw. at hanggang ngayon...


"feel everything you need to feel until your days feel a little brighter miss. and i hope to see you smiling naman next time" pagkabitaw niya ng mga salitang yan lumabas na agad siya at naiwan lang ako dun na naka-tulala. repeating her words in my head. 


"feel everything you need to feel until your days feel a little brighter miss. and i hope to see you smiling naman next time"

 


napatingin ako sa hawak kong panyo niya. may nakaburda na pangalan. Winter K.

 

 

ayun simula 'nun parang naging visible na lang siya bigla sa mga mata ko. nakikita ko na siya sa crowd of students na nasa canteen, nakikita ko na siya kapag nadadaan sila sa room. nakikita ko na siya kahit saan na parang pakiramdam ko namamalikmata na lang talaga ako.

 


gustong-gusto ko siyang lapitan, gusto kong magpasalamat at syempre ibalik yung panyo niya. pero hindi ko magawa. simpleng paglapit lang sa kanya noon hindi ko talaga magawa. kasi ganun ako, sobrang lala siguro ng pagka-introvert ko noon. hanggang ngayon pa rin naman pero tolerable na daw sabi nila Karina.

 


hanggang sa isang araw nakita ko na lang siya sa stage. member pala siya ng school band at guitarist pa. sobrang humanga ako sa pagtugtog niya at sa ganda ng boses niya, pero hindi naman ako katulad ng mga typical na students sa campus namin na grabe kung makapag-fan girl at magsisigaw ng name niya ha?

 

simpleng humahanga lang ako sa kanya sa malayo. ang ganda niya and ang pogi din, ang bait niya pa! tapos talented din. oh sinong hindi hahanga kay winter diba?

 

kaya naman wala talaga akong pinapalampas na event nila sa school at kahit outside campus pa yan pinupuntahan ko talaga nang palihim sa mga friends ko.
ayun nga wala kasing nakaka-alam sa mga kaibigan ko na kahit sa labas ng campus, sinusundan ko pa rin yung band ni winter.

 

hindi ko naman kasi talaga ugali ang mag-share kung anong nararamdaman ko, lalo na kung ang babaw pa lang naman. hindi nga nila alam na gusto ko si winter eh, even kay karina my closest friend hindi ko pa na-oopen.

 


ang akala ko nga kasi mababaw lang talaga.. akala ko simpleng paghanga lang yung nararamdaman ko para kay winter.. kaso narealize ko na hindi na eh. 

 


tingin ko hindi na to mababaw. hindi na basta bastang paghanga lang... 

 

 

bumibilis na kasi yung tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya, kahit na never pa niya ulit akong nakita at tinignan simula nung araw na yun.


siya na yung naiisip ko bago ako matulog.. yung ngiti niya noon sa akin parang naka-print na sa utak ko.


inaabangan ko siya palagi sa canteen. konting silay lang pwede na.

 

and i feel a little brighter everyday just thinking about her and seeing her kahit from afar lang...

 

ah gusto ko siya. yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko noon.

 

 

 


gusto ko si Winter K. 

 


gustong-gusto ko siya to the point na i don't find anyone else attractive anymore. kasi sa mga mata ko, siya lang ang attractive. siya lang naman ang nakikita ng mga mata ko eh.

 

 


ilang years ko nang gusto si winter mula sa malayo. kontento ba ako na hanggang sa malayo na lang? syempre hindi. 


ilang beses akong nag-attempt na lapitan siya, kahit maibalik ko lang sana yung panyo niya. kaso palagi siyang madaming kasama, syempre yung bandmates niya kaya nahihiya ako.


dumating na nga ako sa point na inabangan ko na lang na pumunta siya ulit sa cr kung saan kami nagkita noon.


naabangan ko naman, kaso may kasama siya...

 

 

at tinawag niyang mahal yung kasama niyang babae.


hindi nga man lang yata nila napansin na may kasama sila sa cr. napapasok tuloy ako sa cubicle ng wala sa oras. hindi naman ako naiihi eh, kaso ayun lang parang naiiyak ako.

 

hawak ko naman yung panyo niya. naalala ko din yung sinabi niya, feel everything you need to feel.. edi ayun, umiyak ako.

 

ganun pala masaktan. very highchool talaga yung pakiramdam, hindi mo naman jowa pero iniiyakan mo. very puppy love ang datingan.

 

may girlfriend pala si winter! rinig na rinig ko pa sila 'nun. very highschool din ang landian. 'sabay na tayo mamaya mahal ha? hatid kita'  'sige mahal para din ma-solo naman kita, lagi kasi nating kasama mga bandmates mo eh, miss na kita'


ang sarap nila pag untugin. umiiyak na nga yung tao sa cubicle, maghaharutan pa sila diba? mahal pa yung tawagan parang mga tanga.

 

 


pag-uwi ko 'nun naisip ko na lang talaga na ofcourse winter will not be single. yung ganun ba naman kabait, kaganda at ka-talented na babae eh single? 
hindi ko lang talaga naisip yun noong umpisa pa lang bago ko pa sana siya nagustuhan.

 


simula noon, hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya, nililimitahan ko nga din eh. pilit ko na lang din binabaon sa limot yung nararamdaman ko. sabi ko sa sarili ko bata pa naman ako, mawawala din tong drumrolls sa dibdib ko tuwing nakikita ko siya.
kailangan ko lang ng time, masasanay din akong isipin na. ah si winter my girlfriend na yan. imposible naman na mapansin ako niyan


 

 

eh ang kaso lang, ilang taon na din ang lumipas andito parin yung kabog sa dibdib ko tuwing nakikita ko siya. paano pa kaya kung ganito ang sitwasyon namin ngayon sa bus?

winter offering me her seat tapos napaka-lapit pa niya sa akin dahil naka-lean siya sa inuupuan ko at nakahawak to support her weight habang nakatayo dito sa bus? edi nagtatakbuhan na naman itong mga daga sa puso ko.

 

sinusubukan ko namang kumalma pero yung puso ko talaga parang lalabas na sa ribcage ko sa sobrang bilis ng tibok.

ang init-init pa ng pakiramdam ko bakit parang ang hina naman ng aircon dito sa bus? ramdam na ramdam ko yung init ng mukha ko, for sure ang pula nito.
wag kang titingin sa akin winter.

 

wag kang titing—

 


    "okay ka lang ba?"


mas malala pa pala. kinakausap pa ako.

 

ang tagal kong hinintay yung time na to. i mean, nung highschool pa lang gusto ko na siyang makausap para mapasalamatan tapos ibabalik ko pa yung panyo niya. ay wait hindi ko dala yung panyo!
ay wait ulit! naaalala pa kaya niya ako? pero baka kaya niya ako kinakausap ngayon kasi naaalala niyang ako yung iyakin sa cr sa dati.


grabeng pagpapanic na yung nararamdaman ko sa mga oras na to, hindi parin ako maka-imik sa kanya at makatingin man lang. baka isipin niya pa ang weird ko or ang isnabera ko eh pinaupo na nga niya ako sa upuan niya.


hindi ba pwedeng nag-ggay panic lang talaga sayo winter? wait lang naman.

 

    "miss?" kinalabit na niya yung balikat ko. can someone help me?

 

ang oa ko na ba? hindi niyo naman kasi ako maiintindihan. introvert ako plus yung tao pa na kumakausap sa akin ngayon eh yung tao na matagal ko nang ginugusto mula sa malayo. so diba? ang hirap.

 


huminga ako nang malalim at tinignan ko siya.


nakita ko ulit yung mga mata niyang may bakas ng pag-aalala.


hindi ko talaga maintindihan yung mga tao na nagsasabi na ang sungit nitong si winter at ang cold, malamang hindi lang kasi talaga nila ito nakaka-encounter. kasi when you look at her now.... sobrang ano naman siya eh...

 

 

sobrang pogi.


ah basta mabait siya. hindi siya masungit.

 

 

    "namumula ka. are you sick?" tanong ulit ni winter. 

oo. magkakasakit yata ako sa sobrang lapit nating dalawa sa isa't-isa.

 


    "w-wala. a-ano.. m-mainit l-lang" great. now I'm stuttering. way to go yej! mukha akong tanga for sure.


    "here drink this" may kinuha siya sa bag niya tapos may inabot na naman sa akin.


diyan mo ko kuhang-kuha talaga winter.. sa mga paabot-abot mo. ngayon, tubig naman. 


syempre this time kinuha ko na agad yung bottled water at nag "t-thank y-you" na ako. Lord matagal pa ba yung byahe? parang di ko na yata kakayanin.

 

naisipan ko na lang na mag-phone. hindi rin naman ako makaka-tingin sa kanya eh. nanood lang ako ng mga reels at di ko na din namalayan ang oras, nangangawit na kaya siya?
sabay sa pagtanong ko sa isip ko niyan ang bigla namang pagtayo ng katabi ko dito sa 2 seater side ng bus. "diyan lang ako sa may weteng shed" sabi nung matandang lalaki sa tabi ko dun sa konduktor.


bakante na yung upuan sa tabi ko kaya umusog agad ako at tinignan ko si winter, alam na siguro niya ang ibig kong sabihin kaya umupo na siya.. 
walang tigil talaga sa kabog yung puso ko. katabi ko si winter kim! napapainom na lang talaga ako ng binigay niyang tubig.

 

    "okay ka na ba?" bakit naman kinakausap mo pa ako.... hindi naman sa ayaw ko, pero naman kasi eh.

 

    "o-oo. s-salamat ulit." atleast i managed to answer her.


tumango-tango lang yung ulo niya. so Lord ito na ba yung binibigay mo sa akin na chance? medyo natagalan po ah? pero thanks parin.

 


    "u-uhm.. nung a-ano.." simula ko. hindi ko nga alam kung paano ko ba talaga sisimulan eh. tumingin na siya sa akin. wala naman akong makitang emosyon sa mukha niya.
pero sure ako na yung mga mata niya malamlam. halatang malungkot.


    "nung highschool tayo. t-thank you sa p-pag-abot mo sa akin ng panyo mo. and s-sorry kung hindi ko pa n-naibabalik sayo. h-hindi ko din dala ngayon eh" wow nakaya ko....


kumunot yung noo niya. "what do you mean?" tanong niya.

oh..mukhang hindi na niya naaalala? mapapa-hiya pa yata ako.

 


    "uhm.. s-sa cr? umiiyak ako sa cubicle that time. tapos.. kumatok ka then b-binigyan mo ko ng panyo" pwes ipapa-aalala ko sayo.


humawak siya sa baba niya na parang nag-iisip talaga. ang cute cute niya. Lord parang ayaw ko na lang pala matapos ang bus love story namin na to. dito na lang kami wag mo to pahintuin.

tumingin siya ulit sa akin, parang nanigas na lang yata talaga ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. wag kang tumingin winter.

 


    "ah right. you're the crying cubicle girl" she chuckled.


wait ano daw? hindi ko na mainitndihan yung sinabi niya kasi tumawa siya. tinawanan niya ba ako? atleast tumawa siya diba?


crying cubicle girl? ginawan niya pa talaga ako ng nickname... 


pero sa mga oras na to balewala na sa akin yun eh kasi nakita ko siyang tumawa.
kahit siguro asarin niya ako ngayon okay lang sa akin basta tumawa lang ulit siya. natawa na lang din tuloy ako. "oo ako yun" sabi ko.

 

    "I'm glad hindi ka na umiiyak ngayon. namumula na lang" sabi niya pa ulit.


teka, nagjo-joke ba siya? hindi na talaga yata maniniwala sa akin ang mga kaibigan ko kapag sinabi ko na naka-usap ko si winter at nagjojoke pa sa akin.


    "m-mainit kasi eh." nginitian ko na lang siya. syempre pinakita ko kay winter yung famous eye smile namin ni ate tiffany sa kanya. kailangang magpa-cute na ako sa kanya habang may chance pa. harmless smile naman to, hindi naman killer smile.

 

"i guess your days feel a little brighter na?" tanong niya sa akin.

i just nodded and smiled at her.

ngumiti din naman siya pabalik sa akin. pero ramdam ko naman ang lungkot ng mga mata niya. kaya parang may kumikirot tuloy sa puso ko. ayoko yata siyang nakikitang nalulungkot ha?
nahahawa yata yung puso ko. ang lalim tuloy ng buntong hininga ko.


gusto kong ibalik sa kanya yung mga salitang sinabi niya sa akin noon.

 

 

winter.... feel everything you need to feel until your days feel a little brighter.


    

karina.. mukhang malapit na akong may maikwento sa inyo.

 

-------

 

parang ayoko pang bumaba sa bus kanina nung nakarating na kami sa terminal. tahimik na lang kasi yung mga natira naming moments ni winter kanina, eh pano ba naman nagsuot na kasi siya ng earphones niya tapos pumikit.
alangan namang kausapin ko pa diba?

kaya ayun hanggang sa maka-baba kami sa bus hindi ko na din siya nagawang kausapin pa. ni hindi ko man lang nga nasabi ang pangalan ko sa kanya. hindi din naman kasi niya tinanong.

 

nauna na din kasi siyang bumaba ng bus sa akin tapos pagbaba ko wala na siya agad. ang bilis nakakainis lang.

 


dumating din naman agad yung sundo ko sa terminal. pinasundo na lang ako ni ate tiffany sa pinsan namin gamit ang sasakyan niya kasi malamang busy na ngayon si ate sa kusina kaya hindi siya mismo ang nakapunta.


ang parents ko? imposible namang manundo ang mga yun. 


at gaya nga ng ineexpect ko, pagdating ko sa bahay busy nga ang ate tiffany ko sa kusina kasama si manang minda. halatang-halata ko ang pagka-aligaga niya sa dami ng niluluto nila. hindi na nga niya ako napansin na nakapasok na pala sa kusina.


    "ate.. parang may fiesta ha" sabi ko na ikinagulat naman niya.

    "yeji! I'm glad you're here na! i missed you bunso" bati sa akin ng ate ko while showing off our famous eye smile. niyakap niya ako sabay bumalik na agad sa paghalo ng niluluto niya. she look tense.


    "chill ate, it's just a family lunch. bakit parang tensed ka?" pang-aasar ko sa kanya.


    "i told you already diba? ipapakilala ko na siya sa inyo and mom and dad will also be here" sagot niya.

wow mukhang may pakialam pa rin naman pala ang parents namin sa lovelife ng anak nila kaya magpapakita sila ngayon ng magkasama kahit hiwalay na sila.

 

    "hay nako neng kanina pa nga hindi mapakali itong kapatid mong si tipane sabi ko naman sa kanya ay ako na bahala dito sa kusina" singit sa amin ni manang minda.


 

"i just wanted to make sure everything is okay and enough yung food yej and manang. kasama din kasi ni taeyeon yung kapatid niya" pag-eexplain ni ate habang naglalagay na ng mga baso sa lamesa.

 

    "taeyeon? taeyeon pala ang name ng jowa mo ate." at wow kasama din pala ang kapatid.


    "yes. taeyeon kim." ang ganda ng ngiti ni ate tiffany. ngiting inlove na inlove. Lord saan na po yung sa akin?

 

ayun iniwan ako kanina sa bus.

 

    "how about her parents ate?" kung meet the family na pala to, dapat kasama din parents ni ate taeyeon right? kasama nga yung kapatid eh.

 

    "busy yung dad niya and wala na yung mom niya..... cancer." malungkot na kwento ni ate.


    "so be nice to them yej okay? I'm also expecting you to be friends with her sister. i think same uni kayo nag-aaral" sabi ni ate


    "really? but ate alam mo namang I'm not good with people. pero i'll try for you" i smiled at her.


ilang sandali lang, dumating na din ang magagaling kong mga magulang. nauna si daddy sumunod si mommy. alam ko namang hindi sila magsasabay ng punta. hiwalay na sila at balita ko kay ate parang may bagong babae na and dad ko.


naiinis at nalulungkot parin ako pero dahil medyo malaki na ako, naiintindihan ko na din naman ang bagay-bagay. hindi na mahal ni dad si mom. kaya sabi sabi ni mommy sa akin kailangan na nilang pakawalan ang isa't-isa.

sabi niya, hindi natin pwedeng itali sa atin habang buhay ang taong hindi naman masaya sa atin. sabi pa niya mahal parin daw niya si dad and when we love someone, hahayaan natin sila sa kung saan sila mas liligaya. 

love is sacrifice daw. and love is letting go.

 

 

pasalamat na lang din kami dahil pumunta sila ngayon for ate.

 


narinig ko na si ate tiffany na kausap sa phone yung girlfriend niya. ginaguide na yata sa direction papunta dito sa house, baka naliligaw sila.
tumulong na din ako sa pag-aayos ng lamesa habang hinihintay namin ang bisita namin at kinausap naman ako ng parents ko kanina pero as usual nagtanong lang naman kung kamusta ang grades ko at kung kailangan ko ba daw ng pera.


kaka-start lang ng class, grades na agad? ni hindi pa nga kami nag-eexam. hindi man lang ako kinamusta.

 

maya maya lang nakarinig na kami ng busina sa labas. andiyan na yata sila. aligagang tumakbo ang ate ko papunta sa gate habang ang awkward naman namin ng parents ko na naghihintay. hindi sila nag-uusap, may cold war naman sila ngayon. dati nung sila pa halos mawala ang boses nila kakasigaw sa isa't-isa eh.

 

naririnig ko na ang hindi pamilyar na boses sa may pintuan namin, andyan na nga sila. tumayo na kami at agad na pumunta sa may pinto para i-welcome sila and guess what??

 

 

para na namang lalabas sa ribcage ko yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. 

 

 


si winter...


nasa bahay ko si winter!

 

 

    "uhm. good morning po. I'm Taeyeon Kim girlfriend po ni tiffany and this is my sister Winter" agad namang nagpakilala si ate taeyeon sa parents namin at nakipag-shake hands pa. bumati din naman pabalik ang mga magulang ko. mukhang goods naman.

 


while ako? nakatulala parin na nasa gilid ni mom. nakatingin lang ako kay winter na nakatingin din naman sa akin. kita ko din ang pagkabigla sa mukha niya.


oh my god! reality hits me! kapatid ni winter ang girlfriend ng ate ko? Lord grabe naman po ang biyaya na binibigay niyo sa akin ngayong araw. maraming salama—


hindi ko na natapos ang pagpapa-salamat ko kay Lord dahil bigla na akong siniko ng ate ko.


    "be nice.. greet them" bulong niya sa akin.

nag-space out na naman pala ako.

 


    "h-hello po. I'm Yeji hwang"

grabe naman. ano bang klaseng pag-greet yan yej! halos kurutin ko na din sarili ko eh. kinakabahan kasi ako dahil nakatingin si winter! nakangiti pa!


agad din naman kaming pumasok na sa loob, mag-llunch nga pala kami. makakasabay kong kumain si win! ay wow may pa-nickname na agad..

 

 

sa buong family lunch namin. halos hindi ako nakapag-salita, katabi ko kaya si winter! ang tahimik din naman niya. parehas lang kaming nakikinig sa kwento ni ate tiffany at ate taeyeon sa kung paano sila nagkakilala.
although alam ko naman na ang iba sa kwento nila. masaya lang din na nakikinig ang parents ko at nagtanong din about sa work and bussiness ni ate taeyeon, mukhang approve naman siya dahil may construction firm siya. 

tuwang-tuwa pa nga ang magaling kong ama. bussiness man eh.

 

 


napansin din nila ang pananahimik ni winter kaya itong mom ko bilang isang mabuting ina, kinausap niya ito. tinawag pa ngang anak.

    "winter anak, saan ka nag-aaral?" tanong niya.


parang nagulat pa nga yata si winter nang marinig ang salitang anak. baka hindi siya comfortable. ito kasing si mom feeling close na agad.


    "uhm. sa SMU po" tipid na sagot niya. sana hindi siya mamisjudge ng family ko at isipin na masungit.

gusto kong sabihin kila mom na ganyan talaga yan, mailap sa mga tao.


    "really? doon din nag-aaral itong bunso kong si yeji" sumingit itong daddy ko. ngumiti na lang ako. awkward smile pa nga.

 

    "ah yes po. we happened to be classmates po sa ibang subjects" sagot ni winter.

 

hindi naman niya ako tinitignan pero mukhang iki-claim niyang kilala niya ako ha! bakit ba hindi ako makapag salita.


    "you're taking up architecture too?" chismoso ng tatay ko. bakit ba siya interested? si ate taeyeon yung jowa ng anak mo. soon pa lang si winter. 

 

joke. prank. 

 

Lord baka naman.

 

"no po. civil engineering po" mabilis na sagot ni win.

 

    "oh an engineer just like your ate!" ang lawak ng ngiti ni dad parang nanalo to sa lotto ha.


    "you know sabi nila magandang tandem daw talaga ang engineer and architect lalo na sa totoong buhay. i mean, sa pagbubuo din ng family" dagdag ni dad.

 

anong pinagsasabi nito? 


napa-adjust naman sa kinauupuan niya si winter. baka hindi na siya comfortable. nagkatinginan din si ate tiffany at ate taeyeon.

 

 

    "dad..." ayan na ang ate ko. alam kong sasawayin na niya ang tatay kong wala yatang ibang alam kundi pasamain ang loob namin.

alam ko na ang iniisip niyan eh.

 


    "what? I'm just saying yeji and winter... pwede silang maging friends" sabi ni dad. asus

 

sabi ko na nga ba eh. pero kahit gusto ko yung idea niya na yan, ayoko naman maging uncomfortable si winter.


    "dad wag—" ngayon na nga lang ako magsasalita eh hindi ko pa nagawang matapos ang sasabihin ko.

 

 

    "i think were friends naman po"


si winter. sabi yan ni winter!

 

    "really?" mukhang nagulat din si ate taeyeon. nanlaki ang mga mata eh.


tumingin sa akin si winter, feeling ko ako na ang pinapasagot niya. anong sasabihin ko? aba syempre oo, choosy pa ba ako?

 

    "yes friends naman po kami. ang bait po ng kapatid mo ate taeyeon" sagot ko. 
    


okay na yung 'yes friends naman po kami' ano bang pinagsasabi ko? bakit ko pa dinagdagan. gusto kong lumubog sa kinauupuan ko.

 

tumingin tuloy ulit sa akin si winter na parang takang-taka. kinabahan ako!


buti na lang ngumiti siya. grabeng smile yan winter ang ganda mooooo.

 


    "kung 'ganun, i hope to see you palagi dito sa bahay winter. feel free to visit our daughter kapag weekends. pwede kayong mag-hang out dito" si dad na naman!

 

ano ba yan namumula na yata ang buong pagkatao ko dito. bakit ba sa amin napunta ang topic? para kila ate tiffany at ate taeyeon po ang ganap ngayon.
tinignan ko naman sila pero mukhang hindi naman sila against sa sinabi ng tatay ko.

 


    "i think that would be great po. gusto ko din po na makipag hang out din sa mga kaibigan niya itong kapatid ko" si ate taeyeon. ang ganda naman ng ngiti niya sa akin habang sinasabi niya yan.

 

kinikilig tuloy ako sa mag-ate na kim na to!

 

kaso lang hindi na umimik pa si winter hanggang sa natapos na kaming kumain. puro na lang siya tango.
 


 

 

 

 

 

nang matapos kaming kumain, umakyat muna sa room si mommy. si dad naman sa office room niya pumasok. yung mag-girlfriend naman nag-decide na maghugas ng plato.
naghaharutan pa nga. baka mabasag pa ang mga baso!

 

ito tuloy kami ngayon ni winter, naiwan na naka-upo sa sala. may awkward silence.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
hello. short update po muna. hehe
may private X account pala ako, may AU ako dun ☺️ @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
nkenravi
#1
inaabangan ko parin tor
_multiplayer__troy #2
Chapter 5: minsan talaga kapag madami namang nagkaka-gusto sayo, yung maling tao pa yung mapipili mo... (ay may hugot)
nkenravi
#3
Chapter 5: grabe daming nakapila kay pareng retniw
cleofierayne #4
Chapter 5: Huhu thanks po sa pa updateee huhu. Gigil parin ako kay Jaehyun 😆

Pero yieeee gagi lang yung point ng meetup ng mag frenny ay dahil si Winter hahahaha di daw curious halata na po kayo wag na kayo mag deny 🤣

Excited na ako sa susunod na mangyayari myghaddd magkikita napo ulit!!
tenixwnrn #5
Chapter 4: excited na ako sa mga susunod na mangyayari. ang hirap hulaan kung anong mga pwedeng mangyari kina karina at winter huhu. pero naka kainis talaga si jaehyun!
minsansilent #6
Chapter 4: winter ilaban mo na yan ngayon 😭 hindi na uso ang mag paubaya sa ngayon. wag kang mag paubaya sa ex friend mong war freak at puno ng inggit sa katawan hahahaha

and ngayon palang i feel sorry na kaagad kay yeji 🥺
kwinminjeong
#7
Chapter 4: kinikilig ako sa interaction ng mag destiny na yan 🫠 anuvahyarn may ganyan palang ganap ah haizzz winter bebe qoh i feel so sorry for u 🥹 pls wag ka na magpaubaya! choose yourself naman this time and don't be selfless na! sana malaman ng tropahan nila yeji kung anong klaseng tao yang jaehyun na yan! at para di na pagbigyan ni rinrin plith 🙏🏻 inggitero kasi kay win ampota pak ka tlg beh!!! (ily irl jaeh)
kwinminjeong
#8
Chapter 4: thanks sa pag accept 'tor! kanina ko pa talaga nabasa kaso di ako maka comment huhu, at ang masasabi ko lang ay you ka jaehyun inis ako sayo dito
jmjenjoyer
#9
Chapter 4: "love is sacrifice, love is letting go" yes yeji at mukhang sasapitin mo din yan :( okay lang yan girl ienjoy mo muna ngayon si winter.

may mga feelings talagang temporary lang kaya winter fighting!

bowset ka jaehyun! pavictim ka pre