Pinsan

Banda Rito Banda Roon
Please Subscribe to read the full chapter

Third person's pov

 

    napaka-bilis naman lumipas nang panahon, parang kailan lang highschool pa lang sila Karina at nasa cafeteria ng school nila, magkaka-sama silang magkaka-ibigan habang kumakain at nagtatawanan sa mga kwento nina Chaeryong at Jaemin, sa pagmama-ganda ni Giselle, sa pagkukulitan nina Lia at Yuna at sa pakikinig sa mga tsismis ni Chaewon.


ngayon ito na sila, unang araw bilang mga college students, syempre pare-parehas sila nang course na kinuha dahil first year highschool pa lang sila noon eh napagka-sunduan na nilang dapat magkaka-sama parin sila pagtungtong nila sa college. 'walang iwanan' ang pangako nila.

 

at sumang-ayon naman sa kanila ang panahon dahil sa halos lahat ng subjects nila ay magkaka-block naman sila.

 

    sampu nga pala silang magbabarkada at pare-parehas nga nilang napag-desisyunan na Bachelor of Science in Architecture ang kukunin nila.

 

naalala pa ni Karina noon na kaya raw architecture ang kukunin nilang course ay dahil mahilig mag-drawing ng lakad ang magbabarkada.


masaya si Karina na papasok sa bagong chapter ng buhay niya bilang college student dahil kasama parin niya ang mga kaibigan niya na halos kasabay na din niyang lumaki, pakiramdam niya wala namang magbabago bukod sa iba na ang papasukan nilang school at oo nga pala may isa pa lang pagbabago na sobrang excited siya:

 

    makakasama na niya ang mga kaibigan niya sa isang bahay. hindi naman bahay na as in isang buong bahay. dormitory ang tawag nila dito, meron kasing mga dorm sa loob ng university nila. mayron' ding mga apartment pero mas gusto nilang masubukan ang buhay dormitoryo.

syempre hiwalay ang dorm ng mga babae sa mga lalaki kaya medyo mapapalayo sila sa mga barkadang lalaki na sila Jaemin, Jaehyun at Hyunjin.

 

pero isang building lang naman ang pagitan ng dorm nilang mga babae sa dorm ng mga lalaking kaibigan nila kaya hindi na din masyadong nalungkot pa sila Karina dahil panigurado araw-araw parin naman silang magkikita-kita at magkaka-sama-sama.

 

    sa dorm naman nilang mga babae, magkatabi lang ang kwarto nina Karina, Giselle, Yeji at Chaeryeong sa kwarto nila Chaewon, Lia at Yuna.

may isa pa silang makakasama pero hindi pa nila nakikilala at nakikita.


para kay Karina perfect na ang simula ng pagiging college student niya.

may maganda silang dorm, kasama niya ang mga kaibigan niya at higit sa lahat magkaka-klase sila. kaya naman alas sais pa lang ng umaga ay dilat na agad ang mga mata niya ready na ready na para sa 9am class niya, hindi naman masyadong halata na excited siyang pumasok.

 

ginising na agad niya ang mga kaibigan na kasama niya sa kwarto at kinatok na rin ang kabilang kwarto para gisingin sila chaewon.

kinuha na din ni Karina ang cellphone niya at akmang tatawagan na si Jaehyun para gisingin na din sila pero nauna na pala itong mag-chat sa kanya. naunahan pa siyang magising.

 


Jaehyun 🍑: Goodmorning Kat! 😊  anong gusto mo for breakfast? gusto mo ba try natin yung coffee shops nila dito sa loob ng Uni? syempre libre ko 😁

 

    napa-ngiti naman agad si Karina sa nabasa niya. Jaehyun is always consistent pagdating sa panliligaw sa kanya at pagbibigay sa kanya ng special treatment sa kanilang magbabarkada.

simula kasi nung umamin ang lalaki two years ago na gusto niya si Karina, nagsimula na din itong manligaw sa kanya.

nung una hindi nagustuhan ni Karina ang idea na may magliligawan sa kanilang magbabarkada ang kaso nga lang persistent kasi si Jaehyun at mabait naman ang kaibigan niya.

dahil palagi nga silang magkasama, at pabor din naman ang mga kaibigan nila, wala na din siyang nagawa kundi ang payagan ito.

 


ang problema nga lang... dalawang taon na simula nung manligaw sa kanya si Jaehyun at hanggang ngayon wala parin siyang maramdaman na kakaiba sa lalaki bukod sa pagiging magkaibigan nilang dalawa. 

 


syempre gusto naman ni Karina na bago niya sagutin si Jaehyun ay dapat maramdaman muna niya yung tinatawag nilang 'butterflies in my stomach' kaso wala, dalawang taon na siyang naghihintay nang paru-paro pero wala, kahit man lang sana bubuyog eh wala parin. bokya

 

sinabi niya kay Jaehyun bago ito pa sila mag-college na wala talaga siyang nararamdaman para sa binata at baka umaasa lang ito sa wala at masira pa ang maganda nilang samahan bilang mag-kaibigan dahil sa loob ng two years wala man lang maisukli si Karina sa pinapakita ng binata sa kanya bukod sa pagiging magkaibigan nila.

 


pero dahil nga persistent talaga itong si Jaehyun, ito ang isinagot niya kay Karina: 


    maghihintay ako kahit gaano katagal hanggang sa maramdaman mo din na gusto mo ako Karina. balewala yang dalawang taon, kaya ko pang maghintay kahit pa sampung taon.

 

    napailing na lang ng ulo si Karina nang maalala ang naging pag-uusap nila noon ni Jaehyun. minsan nagtatanong na nga siya sa sarili niya kung ano bang problema at bakit hindi man lang siya makaramdam ng kahit konting kilig para sa mga sweet gestures ng binata para sa kanya, oo napapa-ngiti siya nito tulad nga ngayong umaga..

sino ba naman ang hindi mapapa-ngiti sa libreng kape?


pero ang kaso nga hindi niya maramdaman yung kilig na hinahanap-hanap niya. yung kagaya sana nang kilig na nararamdaman niya tuwing nagbabasa siya ng mga romantic scenes sa libro, o sa mga napapanood niyang romantic movies.

 

ilang beses na siyang nabigyan ng bulaklak ni Jaehyun at ilang beses na din niyang inaabangan ang mga paru-paro tuwing mangyayari yun pero WALA. ilang beses na ding hinahawakan ni Jaehyun ang mga kamay niya pero wala siyang maramdaman na kakaiba, parehas lang din sa pakiramdam kapag magka-hawak kamay siya at sila Giselle. purely platonic

 

ano kayang problema? sobrang bait naman ni Jaehyun at higit sa lahat kaibigan ko siya matagal ko na siyang kilala at alam kong seryoso naman siya sa akin.

 

 napabuntong hininga si Karina, parang kanina lang excited na excited ang pakiramdam niya dahil unang araw ng klase nila, bakit naman ngayon namomroblema siya sa lagay nilang dalawa ni Jaehyun? mahinang tinapik-tapik ni Karina ang mga pisngi niya para alisin ang pag-iisip sa problema niya kay jaehyun at sa nararamdaman nito para sa kanya. 


bahala na, go with the flow na lang, basta ang importante nilinaw ko naman sa kanya na wala talaga akong maramdaman at hindi naman ako nagbibigay ng mixed signals. hindi naman diba? kinuha niya ang cellphone at nag-reply na muna sa binata.

 

Karina 💙: Goodmorning! tulog pa sila Gigi eh. next time na lang siguro yayain natin silang lahat hehe.

mabilis pa sa alas kwatro na nag-reply si Jaehyun sa kanya parang abang na abang talaga sa pag-rereply ni Karina sa kanya.

 

Jaehyun 🍑: alright 😊 but how about your breakfast? dalhan ko kayo diyan? do you want pandesal? your favorite alongside your coffee 🤝

 

 

Karina 💙: next time na lang ang pandesal Jae. hmm 🤔 parang gusto kong magluto ng egg at pancit canton for breakfast. see yah later!

 

 

Jaehyun 🍑: okay Kat, see you later 😊 sunduin ko kayo.


hindi na nagreply pa si Karina at alam niya namang hindi papayag si Jaehyun na hindi sila magpasundo, sabay-sabay naman silang papasok dahil magka-klase silang lahat sa first subject nila.

kumilos na lang siya para gisingin ulit ang mga kaibigan at magluto ng almusal para sa kanila.
ngayon ko lang to gagawin kasi sobrang excited ako. natatawang sabi ni Karina sa sarili niya.

 


----


"Gigi! bangon na aba! Yeji! Chae!" umaalingawngaw sa dormitory nila ang boses ni Karina alas syete na nang umaga at tulog parin ang mga kaibigan niya, nakapagluto na siya at naka-handa na din ang lamesa pero nasa dreamland parin ang mga kaibigan niya.

buhusan ko kaya tong mga to nang malamig na tubig?

 

"Kat ano ba ang aga-aga pa! 9 pa yung first class natin, andito lang naman tayo sa loob ng university hindi tayo male-late!" pag-uungot ni Chaeryong, kanina pa kasi to naririndi sa kaibigan pero alam naman niyang excited lang naman si Karina sa first day of college life nila.

excited din naman siya pero syempre mas importante parin ang kompleto ang tulog. nagpuyat kasi sila ni Giselle kagabi, ito kasing si chaeryeong aliw na aliw sa panonood sa isang korean variety show na Soshi tamtam dinamay pa si Giselle.

 

"guys kahit na 9am pa ang class natin, kailangan nating agahan kasi hahanapin pa natin yung room natin, hindi naman tayo nakapag-libot kahapon para sana hanapin na yung mga magiging classrooms natin bawat subjects eh, baka maligaw pa tayo! kaya bangon na" niyugyog na ni Karina ang katawan ng mga kaibigan at pilit silang pinapatayo sa higaan, inalis na din niya ang kumot nila.

 

"gosh Kat! okay okay! I'm awake" si giselle.

 

si Yeji naman iminulat na din ang mga mata at bumangon na, nasa taas nang double deck ang higaan niya at nasa baba naman ang kay Karina.

bumaba na si Yeji at nag-inat inat ng katawan, naka-ngiti sa tatlong kaibigan niyang nagbabangayan sa unang umaga nila sa dormitory.


    "tell me, bakit nga ba ako umagree na maging dormmates kayo?" pang-aasar ni Yeji sa tatlo. pero bakas naman ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

    "because you love us" naka-ngising sagot ni Karina sa kanya.

 


totoo naman, kahit malaki ang pagkaka-iba ng ugali ni Yeji sa tatlo niyang kasama sa kwarto, mahal na mahal niya ang mga to.

kaya kahit hindi siya pilitin ay talagang gugustuhin parin niyang sila ang makasama kahit pa araw-araw na sasakit ang ulo niya dahil sa ka-ingayan nila.

 


Si Yeji, madalas lang kasi na tahimik, siya yung type ng barkada na hindi palakibo pero palagi namang naka-ngiti sa mga kaibigan niya habang nakikinig sa kanila tuwing nag-uusap-usap ang mga ito.

madalas din na nakikitawa sa biruan ng mga kaibigan, dahil sinong hindi matatawa sa mga kaibigan niyang puro kalokohan ang alam? bukod pa syempre sa araw-araw na pa-tsismis ni Chaewon.


para kay Yeji, ang mga kaibigan niya ang support system niya ngayong college na siya.

 


    "i cooked for us! tara kain na tayo and get ready for our class, sabay-sabay na tayong pumasok lahat since sabi ni Jaehyun susunduin daw niya tayo dito" masiglang sabi ni Karina habang papunta na sa dining table nila.

 

    "sus! you mean susunduin ka?" sabi ni chaeryeong habang papasok na sa cr para maghilamos. naka-ngiti naman si Yeji na very supportive sa panliligaw ni Jaehyun kay Karina.

 

 

    "mang-aasar pa eh, bilisan mo diyan sabay-sabay na tayong kumain. nag-chat na din sila chaewon gising na din sila sa kabila" nilakasan ni Karina ang boses niya para marinig ni Chaeryeong habang nasa banyo ito.

 


------

 

naghihintayan na ang magbabarkada sa tapat ng ladies dormitory, time check 8:30am. aligaga naman si Karina dahil baka nga ma-late na sila sa klase nila, hindi pa man din nila alam kung saan banda ang AC room 104. ang alam lang nila ay nasa Engineering buildings ang room na yun. magka-halo-halo lang kasi ng buildings and rooms ang mga students ng architecture at engineering.
baka nga may maging ka-block pa silang mga engineering students or same room sila ng pagka-klasehan since pare-parehas naman silang common first year, halos puro minor subjects pa lang naman sila.

 


"nasaan na ba sila Jaemin? Kat akala ko ba susunduin ka ni Jaehyun?" tanong ni Giselle.

 

"palabas na daw sila, natagalan sila dahil kay Hyunjin late na naman nagising yung lalaking yun tsk" pagrereklamo ni Karina habang binabasa ang chat sa kanya ni Jaehyun.

 

"eh sila Yuna? wag nilang sabihin na nahirapan silang pabangunin si Lia?" natatawa pa si Chaeryeong. kilala na kasi nila ang kaibigang si Lia, grabe kung matulog. Tulog mantika.

naisip ni Chaeryeong na buti na lang hindi siya ang araw-araw na mahihirapan sa pag-gising sa kaibigan nilang yun.

 

"ayan na pala sila eh" sabi ni Karina habang papalapit sila Chaewon, Yuna at ang humihikab hikab pang si Lia sa tabi nila. "buti successful niyong nagising to" dagdag pa ni karina habang inakbayan ang antok na antok na si Lia.

 

"jusko po! lahat na ginawa namin para magising lang yan" nag-kwento si Yuna kung paano nila ginising si Yuna, animated pa nga ang pagki-kwento niya buhay na buhay na naman ang tawanan sa grupo nila.

 


"nagkakasiyahan na pala ang mga fersons! hello guys Goodmorning! andito na kami" masayang bati sa kanila ni Jaemin habang patalon-talon pa na palapit sa mga kaibigan. nakasunod naman sa kanya sina Jaehyun na malawak ang ngiti kay Karina, at si Hyunjin na naka-pikit.


pumalakpak naman ng tatlong beses si Chaewon para kunin ang atensiyon ng mga kaibigan niya.

"wow guys! kompleto parin tayo, at kompleto din tayong papasok sa unang klase natin bilang architecture students!"

 

napangiti naman si Yeji sa kanila, nasa gilid lang siya. ganyan talaga yan, masaya nang nakatingin sa mga kaibigan niya at paminsan-minsan mag-sasalita naman siya kapag tinatanong ang opinyon niya.

 

    "oo nga, ang saya noh? kasama ko parin kayo. parang highschool with a twist lang to kasi naka-dorm na tayo" si Jaehyun.

 

    "hay naku Jaehyun mamaya na ang drama, mali-late na tayo." pagpuputol naman ni Yuna sa kaibigan niya.

 

    "tara na! tara na! bawal ma-late sa first day, AC room 104 tayo guys lakihan niyo ang mata sa paghahanap ng room natin ha" masayang sabi ni Karina sa mga kaibigan niya habang naka-cling na sa braso ni Giselle.

 


    "guys, may tsismis pala ako sa inyo later, sabihin ko sa lunch break natin" ayan na naman si chaewon, hindi talaga mawawala sa araw nila ang tsismis nito tungkol sa kung kani-kaninong tao.

kahit yata hindi niya kilala eh inaalam parin niya ang chika.

 


halos sabay umiling-iling ang ulo ng mga magkaka-ibigan sabay sabay nilang naisip na: typical chaewon

 

----

 

naglalakad ang magkakaibigan sa hallway ng engineering building 2 papunta sa classroom nila at halos lahat ng mga estudyante ay mabali na ang mga leeg kakasunod ng tingin sa grupo nila. sino ba naman ang hindi mapapa-tingin sa sampung estudyante na parang mga artista ang datingan at sabay-sabay pa naglalakad?
para tuloy silang nasa isang eksena sa Kdrama. naisip ni karina na sana hindi naman sila mukhang mga bully na characters. mababait kaya sila.

 


8:50am nang sa wakas ay mahanap na nila ang room nila sa subject na English 100. unang araw, unang klase mapapasabak agad sila sa english.

nang makapasok sila sa room, syempre kailangan magkakatabi parin ang grupo nila.
napagdesisyunan nilang sa may bandang likod na lang umupo.  magki-kwentuhan pa nga sana sila nang bigla namang pumasok na ang instructor nila at nagpakilala bilang si Ms. Jessica.

 

halatang-halata naman ng magkakaibigan ang pagkagulat sa mukha ni Yeji nang makita ang instructor nila, mukhang kilala ito ni Yeji.


pero hindi naman magawang tumingin ng diretso ni Yeji kay Ms. Jessica, bakas din ang parang pagka-walang emosyon niya.

 


nag-take note si Chaewon na tanungin mamaya ang kaibigan nila tungkol dito, syempre mamaya na muna ang chika, aral muna.

 

 

halos isang oras lang itinagal ng first class nila dahil puro introduction lang naman muna, dapat nga ay sasakupin ni Ms. Jessica ang isa't kalahating oras na schedule nila.

pero dahil nga first day pa lang naman, binigyan niya muna ng time para makahinga ang mga studyante niya.

 

    "see you next meeting! sana mag-enjoy kayong lahat sa first day niyo" sabi ni Ms. Jessica habang inaayos na ang mga gamit niya at maya-maya pa ay lumabas na din ng classroom nila pagkatapos magpasalamat ng mga estudyante niya sa kanya.

 


    "Yeji!" agad namang kinuha ni chaewon ang pansin ng kaibigan niya, syempre kailangan na niyang tanungin agad kung ano ang eksena nila ni Ms. Jessica.


    "hay naku chae, alam na namin ang itatanong mo kay yeji. mamaya na yan kumain na muna tayo habang vacant natin. 11 to 12:30 ang next class natin mawawalan na tayo ng time para mag-lunch eh." sabi ni karina habang sinusuot na ang bag sa likod niya.

 

    "oo nga tara guys mag-early lunch na tayo" sang-ayon naman agad itong si Jaehyun sa nililigawang si Karina. parang kahit ano namang sabihin ni karina, susunod naman lagi itong lalaki na to.

 

    "sige, magchikahan na lang tayo habang kumakain" hindi talaga papaawat itong si chaewon.

 

 

----

 


gulat na gulat ang magkakaibigan sa sobrang dami ng estudyante sa main cafeteria ng university nila.
    "ganito pala talaga pag nasa University na, nakakalula.. ang daming fersonability!" si Jaemin.

 

buti na lang at nakahanap din n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
hello. short update po muna. hehe
may private X account pala ako, may AU ako dun ☺️ @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
nkenravi
#1
inaabangan ko parin tor
_multiplayer__troy #2
Chapter 5: minsan talaga kapag madami namang nagkaka-gusto sayo, yung maling tao pa yung mapipili mo... (ay may hugot)
nkenravi
#3
Chapter 5: grabe daming nakapila kay pareng retniw
cleofierayne #4
Chapter 5: Huhu thanks po sa pa updateee huhu. Gigil parin ako kay Jaehyun 😆

Pero yieeee gagi lang yung point ng meetup ng mag frenny ay dahil si Winter hahahaha di daw curious halata na po kayo wag na kayo mag deny 🤣

Excited na ako sa susunod na mangyayari myghaddd magkikita napo ulit!!
tenixwnrn #5
Chapter 4: excited na ako sa mga susunod na mangyayari. ang hirap hulaan kung anong mga pwedeng mangyari kina karina at winter huhu. pero naka kainis talaga si jaehyun!
minsansilent #6
Chapter 4: winter ilaban mo na yan ngayon 😭 hindi na uso ang mag paubaya sa ngayon. wag kang mag paubaya sa ex friend mong war freak at puno ng inggit sa katawan hahahaha

and ngayon palang i feel sorry na kaagad kay yeji 🥺
kwinminjeong
#7
Chapter 4: kinikilig ako sa interaction ng mag destiny na yan 🫠 anuvahyarn may ganyan palang ganap ah haizzz winter bebe qoh i feel so sorry for u 🥹 pls wag ka na magpaubaya! choose yourself naman this time and don't be selfless na! sana malaman ng tropahan nila yeji kung anong klaseng tao yang jaehyun na yan! at para di na pagbigyan ni rinrin plith 🙏🏻 inggitero kasi kay win ampota pak ka tlg beh!!! (ily irl jaeh)
kwinminjeong
#8
Chapter 4: thanks sa pag accept 'tor! kanina ko pa talaga nabasa kaso di ako maka comment huhu, at ang masasabi ko lang ay you ka jaehyun inis ako sayo dito
jmjenjoyer
#9
Chapter 4: "love is sacrifice, love is letting go" yes yeji at mukhang sasapitin mo din yan :( okay lang yan girl ienjoy mo muna ngayon si winter.

may mga feelings talagang temporary lang kaya winter fighting!

bowset ka jaehyun! pavictim ka pre