Part 2: It's just a bad week.

Double-dealing
Please Subscribe to read the full chapter

November 07, 2023

9:13 am

Tuesday

San Juan, Metro-Manila




Nagmamaneho muli ang ating bida pero hindi kotse ang gamit niya ngayon kundi ay motor. Yung big bike, binili niya gamit ang mga perang nahuthut niya sa mga mapanglamang na business owners na ayaw makulong o malagyan ng rumi ang mga pangalan nila.

 

Swak na swak ‘no? 

 

Sa una lang yan. Sa huli, babalik at babalik din sa tao kung ano ang nararapat para sakaniya.

 

Putangina.

 

Ito na naman ang mura ng bida. She’s running late. Pinatawag kasi siya sa presinto nila. Para saan?

 

Edi para sa mga monkey business nila.

 

Hindi na niya pinantay masiyado ang pagkakapark ng motor at agarang pumasok sa presinto.

 

Amputangina talaga naman oh.

 

Napahawak siya sa noo niya nang makita niyang naka maayos na uniporme ang mga kasamahan niya. May apat na ibang mukha ang nasa loob.

 

“Nandito na pala si Rosario eh.”

 

Tangina mo kung sino ka man.

 

“Ganda ng outfit ah.” 

 

Tanginang mukha yan sarap basagin. 

 

“Hindi dapat ako papasok, nahospital tatay at walang magbabantay. Baka pwedeng bilisan niyo ‘to?” Nakipag sukatan ng tingin si Karina sa pulis. 

 

Parehas silang SPO2 nito. Kaya parehas hindi nagpapatalo sa sukatan ng tingin. 

 

“Ang aga-aga. Anong kaguluhan ‘to?” Lahat sila ay lumingon kay Chief Bautista.

 

“Kumpleto na kayo, pwede ko nang basahin ‘to.”

 

Salaksak ko yan sa lalamunan mong gago ka.

 

Nagpekeng ubo muna ang pulis bago basahin ang hawak niyang listahan.

 

“Month of October. SPO1 Soobin H. Cruz, 70,000. SPO1 Taehyun K. Flores 75,000. SPO1 Hyunjin C. Laurel 75,000.”

 

Umiwas ng tingin ang tatlong lalaki. Guilty ba sila? Oo, guilty lang kasi nahuli. Ganiyan naman ang lahat ng pulis na nahuhuling gumagawa ng katarantaduhan. 

 

“SPO1 Ningning S. Salvador 80,000. SPO2 Karina P. Rosario 130,000.” tumingala ang nagbabasa upang tignan ang mas nakakatangkad na si Chanyeol.

 

“Police Chief Master Sergeant, Chanyeol Q. Bautista. 200,000.”

 

Hindi nagpakita ng kahit anong emosyon ang Chief nila. Nagpatuloy sa pagsasalita ang pulis. 

 

“Tumatanggap kayo ng mga suhol sa mga taong tumatakas sa batas at sa mga kasalanan nila. Ang laking pera rin kung iisipin, ito pa nga lang isang buwan oh." Winagayway niya ang listahan. "Tiba-tiba na kayo, noong mga nakaraan pa kaya?”

 

Pasabugin ko kaya bungo nito? Deputangina eh.

 

Karina is still in the process of processing everything. Wala pang 24 hours simula nung nakapatay siya at ngayon naman ay binibigyan siya ng isa pang nakakagagong problema ng tadhana.

 

“Wala na ho kayong takas dito.”




//



November 07, 2023

1:47 pm

Tuesday

San Juan, Metro-Manila




Kakatapos lang nila kumain ng tanghalian. Kahit na masarap ang kanilang mga kinain, problemado ang mga mukha nila.

 

Lalong lalo na si Karina.

 

“Boss, paano na yan?” si Hyunjin ang nagtanong. Nag-aalala siya dahil nga sa nabisto sila at maaaring masuspend sila o mas malala ay matanggalan sila ng trabaho.

 

Pero kung tutuusin ay malabong mangyaring alisin sila sa trabaho. Suspension lang ang pinaka posible sa ngayon bukod sa papalampasin na lang dahil nga sa pulis sila at intel division pa na may mga matataas na ranggo. 

 

Besides, bawal din uto makalabas. Kakatapos lang marumihan ang imahe ng mga pulis dahil sa nangyaring public hearing nung nakaraan lamang. 

 

Nagpakawala ng malalim na hininga si Ningning. Napailing naman si Soobin. “Malaman ko lang sinong nagtip sa atin, talagang mawawalan ng hininga.”

 

Binasa muna ni Chanyeol ang mensahe ng kaniyang kaibigan sa cellphone bago magsalita. “Malulusutan naman natin ‘to. Wag kayong mag-alala.”

 

Sige, sabi mo eh. 

 

Pasimpleng umismid si Karina na si Ningning lang ang nakakita. “Tama naman si boss, tiwala lang sa atin guys.” pagsang-ayon ni Taehyun.

 

Tiwala? Sabagay, yung mga katulad nilang mga hindi mapagkakatiwalaan, sila-sila na lang din ang mga nagtitiwala sa isa’t isa.

 

Isang nakakatawang sirko.




//



November 08, 2023

2:02 pm

Wednesday

San Juan, Metro-Manila




“Wala bang magbabantay diyan kay papa? Baka pwedeng tawagan mo yung mga pinsan nating malakas umutang bago ka umalis diyan Eunchae?” 

 

Hindi na kinakaya ni Karina ang stress. Kanina pagkapasok niya, may magandang balita pero may kaakibat din na paparating na masamang balita.

 

Ang good news ay nakalusot sila. Ang bad news, may mga ipapadala sa kanilang dapat trabahuin.

 

Putanginang buhay naman ‘to.

 

“Ate busy daw sila e-”

 

Bumulyaw na siya sa inis. “Putangina nila kamo! Wag na wag mong papautangina yang mga siraulong ‘yan ha? Kingina kapag may kailangan, ang bilis-bilis. Ang kapal ng mukha ng mga putangina!”

 

Mabilis na naman ang paghinga niya sa galit. Natahimik ang kapatid niya sa kabilang linya. “Eun, sabihan mo yung Nurse na tignan, tignan muna yang matanda. Mga 6 pm pa kasi ako makakaalis dito. Si Totoy ba? Sabihin mo wag na munang makipagdate o makipagdate siya sa kwarto na lang ni papa para mabantayan.”

 

Binaba na niya ang tawag pakatapos um-oo ng kapatid.

 

Mga walang kwenta talaga mga kamag-anak namin. Hayok na hayok sa pera, kapag kailangan mo naman palaging wala.

 

“Stressed ka Karina?” May nilapag sa lamesa niya si Hyunjin. “Oh yan mas mastress ka pa.” sinamaan niya ito ng tingin at inambaan ng suntok.

 

“Hindi mo pa nga nakikita yan, stressed ka na.” tinuro ni Soobin ang mga nasa papel.

 

“Yang mga yan malapit na sa statute of limitations.”

 

“Eh? Gago?” mabilis na reaksyon ni Karina. Marami rami ang mga papel kaya ang ibig sabihin lang non, marami yung kaso.

 

Lumapit na rin si Ningning sa mga nagkumpulan. “Nascan ko na yan. Mostly missing persons lang pero may isang big shot na cold case.”

 

Kinginang yan akala ko graduate na ako sa ganito.

 

Putangina mo talaga Satanas.

 

“Human trafficking involving drug lords sa mga suspicious bar around Taguig. Base sa nagtip, isang organisasyon lang yung nagpapaikot nun.”

 

Puta mga pokpok at adik pa nga.

 

Nakakabwisit naman talaga oh.

 

“Sino yung nagtip?” ngumunguyang tanong ni Taehyun. Nagawa pang kumain ng donut. “John alyas Robert kaso hindi na macontact.”

 

Naduwag na naman ba o nadispatya na? 

 

“May picture ka?” pinakita ni Ningning ang isang papel na may litrato nung John. Katabi ni Hyunjin si Karina kaya kitang-kita ni SPO2 ang mukha ni John.

 

Pu. tang. ina.

 

Buti na lang at hindi napansin ng mga kasama niya kung paano siya nanigas sa kinauupuan nang masilayan ang itsura ng nasa litrato.

 

Paano naman kasi makakalimutan ni Karina yung mukha ng taong napatay niya? Mukha ng taong sinilid niya sa tent bag na parang wala lang? Mukha ng taong pinalubog niya sa ilog pasig ang bangkay?

 

“Baka naman nagtatago lang? Medyo kulang yung impormasyon niya eh.” umakbay sakaniya si Taehyun. 

 

“Satingin ko hindi na yun magsasalita eh malaking organisasyon yung binangga niya.”

 

Tangina ko.

 

“Hindi bale na, yari yang mga yan satin ngayon.”

 

Putangina ko.

 

“Sino ba yung main target?”

 

Putanginang-putang ina ko.




//



November 08, 2023

10:24 pm

Wednesday

San Juan, Metro-Manila

Public hospital




Nagising na ang tatay ng mga magkakapatid na Rosario. Ngunit sa buong magdamag na ito ay gising, si Jake lamang at si Eunchae ang kumausap sa kaniya. 

 

Yung panganay niya? Ayun tahimik. Nag-iisip kung mamalasin ba siya o hindi. Kung makukulong ba siya o hindi.

 

Hindi naman siguro ganon kaimportante buhay nun. Iisipin din naman nila na yung sindikayo may pakana ng paglaho niya. Nakipag tulungan siya sa mga pulis eh.

 

Pagkukumbinsi at pagpapakalma niya sa sarili.

Hindi na rin mahahanap yung katawan nun. Sa dinami-rami ba naman ng mga tinapong bangkay sa ilog Pasig, makuha pa nila yun?

Basta, hindi yan.

Sapat na ‘tong problemang kinakaharap ko.

“Ate.” natigil ang nakakalunod niyang pinag-iisip nang tawagin siya ng kapatid niyang si Jake. “Tawag ka ni papa.” kamot ulo nitong paalam.

Sasabay pa ba yang matandang yan sa mga dinadala ko? Tangina ha.

“Sabihin mo may kausap ako sa trabaho.” simpleng pagtaboy niya.

“Eh ate wala ka namang kausap..” pagkatapos sabihin yon ng pangalawang anak, saktong pag ring naman ng cellphone ng panganay.

Umirap si Karina bago umiiling na sinagot ang tawag ni Soobin.

“Rosario, mag-isa ka pa rin bang nagbabantay sa tatay mo?” bungad nitong tanong.

Problema nito ni kapre?

“Hindi na, bakit?”

“Nakita na yung bangkay ni John dito sa ilog Pasig.”



//



November 09, 2023

4:23 pm

Thursday

Pasig, Metro-Manila

 

Forensic Center.

 


Kararating lang ni Karina. Kasabay niya si Hyunjin at Ningning. Nauna na kasi ang chief nila pati narin si Taehyun at Soobin.

Kabado bente ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
I almost forgot to update.. The next part will take awhile bago ko mapublish because I have a lot of exams to survive. Regardless, thank you for waiting~

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Daan daan lang baka sakali 👨‍🦯
stillintoyu
200 streak #2
Chapter 6: ANG KULITTT naeexcite na ako sa next happenings hahshaah
stillintoyu
200 streak #3
Chapter 3: bading pota HAHAHSHAHHAHAHA
stillintoyu
200 streak #4
Chapter 1: tangina hahshshaha
Eybrelros #5
Chapter 6: Bilis naman mapol ni SPO2 😆 pasok "Hindi kita iiwan" by Sam milby😌
Eybrelros #6
Chapter 5: Sabi na nga ba ang lala haha
Ang swerte swerte naman ng ating bida lahat ng problema kusang lumalapit pati sariling solusyon lumalapit din yawa😆
yujiwinteo
65 streak #7
Chapter 4: Kulit pa din ng pov ni polis puro mura lang 😂
Kael_neo #8
Chapter 4: naks, medj close na. pero bro, I'm curious about sa key.
idkwhatnametouse #9
Chapter 4: kakarmahin ba to c karina
Kael_neo #10
Chapter 3: kyottie naman, sana si Minjeong 'yung angkas niya.