Part 2.3: It's just a bad week.

Double-dealing
Please Subscribe to read the full chapter

November 10, 2023

9:45 am

Saturday 

Marikina, Metro-Manila

KFC.




Maraming tao sa KFC, lalong lalo na sa labas dahil araw ng sabado.

Didiretso na sana sila ng presinto nang biglang mag-inarte ang kasama niyang babae. Gutom na raw kaya ito sila ngayon nasa tapat ng KFC. “Dalhin mo yung helmet.” utos niya nang sinubukang iabot sakaniya ang helmet.

Maraming mga bata ang nasa paligid. Mga nagbebenta ng basahan, bimpo, bayong, at marami pang iba. Hindi maitatanggi kung gaano kalala ang childlabour dito sa Pilipinas at kung gaano ito nanonormalize.

It’s something that makes Winter upset habang yung pulis na kasama niya ay walang pake at dire-diretso ang pasok sa loob.

Bwisit may mga uhuging bata na naman.

“Wag tayo sa may salamin umupo, bandang gitna sana o sa may gilid.” hindi lumilingong paalala niya sa kasama na kahit na nagtataka, hindi na nito kinuwestiyon pa.

Ginagawa pa nito? Tuod yan?

“Hinihintay mo?” taas kilay niyang tanong sa babae. “Humanap ka na ng upuan.”

Sumagot yung isa. “Hindi mo pa nga alam order ko?”

Ay oo nga pala.

“Sige, anong order mo?”

Teka nga, bakit kailangan pa siya tanungin? ‘Di ba pwede magkusa siyang magsabi? Lakas talaga ng amats mo Winter.

“Yung bucket na lang tapos 8 pieces.”

Luh?

Mabilis na napalingon si Karina.

“Seryoso ka ba?” tinapik lang siya nito braso nang tatlong beses bago naglakad para maghanap ng mauupuan nila.

Confirmed, malakas talaga ang amats.

Bwiset talaga magpapalibre na nga lang, yung mahal pa.

Teka, oo nga ‘no? Bakit hindi yun nagbigay ng pera?

Naisahan na naman ako ng gingerbread na ‘yon.

“Ma’am?”

Sa irita niya hindi  niya napansin na siya na pala ang next sa linya. “8-pc chicken bucket meal and sprite lahat ng inumin. Dine-in. Cash.”

Naglapag siya ng isang libo sa counter. “Okay po ma’am. Bali 5 minutes of waiting na lang po.”

5 minutes? Ambilis naman? Naabnormal na ba ang mundo?

Pagkakuha ng sukli pumunta na siya sa mga dine-in area. Mabilis naman niyang nakita ang babaeng kasama dahil nangingibabaw ang buhok nitong orange. Dahil narin kumaway ito sakaniya.

Cute naman ni gago.

Sa may bandang gitna ito umupo.

Buti naman, ayokong kumain nang may nanunuod na patay gutom. Nakakawala ng gana.

Pagkaupo pa lang ni Karina may waiter na agad na dumating dala ang inorder nilang pagkain. Si Winter na ang nag-ayos sa lamesa. “Thank you.” pagpapasalamat pa nito sa waiter.

“Seryoso ka ba mauubos mo yan lahat? Isang chicken lang sa akin.” isang malawak na ngiti lang ang ibinigay na sagot ng babae sa kaniya. Napaismid ang ating bida.

Yan, dinadaan na naman ako sa ngiti.

Leche talaga naman oh.

At nagsimula na silang kumain. Tahimik lang naman silang dalawa kumain. Napasapok lang sa noo si Karina nang makita si Winter na may dalang isang malaking mangkok na puno ng gravy.

Iba talaga ang amats niya. Yung totoo? Saan ba siya pinaglihi?

“Balak mo ba magswimming diyan?” puna niya bago uminom ng sprite. “Sige ‘wag kang hihingi ah.” na hindi sinunod ni Karina dahil kumuha rin siya.

Anong ‘wag hihingi eh libre ko ‘to.

Kumain na ulit sila hanggang sa may napuna na naman si SPO2. “Para kang bata kumain. Ang dungis mo oh may sauce ka pa sa bibig.” Laking gulat niya nang tila wala lang na dinilaan ng babaeng kasama ang naiwang sauce ng gravy na may crumbs pa ng chicken skin yung gilid ng labi.

Amputa.

Ano kaya nasinghot nitong good?

Bwiset bakit naman ako nahiya bigla? Wala akong hiya ‘no.

Putangina kasi may tissue naman.

“Mag tissue ka nga.” as usual, itinago niya ang kaniyang pagkahiya for some gay reason sa pamamagitan ng pagsusungit. Ni-likezone lang siya ni Winter.

Ay ewan ko sa’yo Chavez.

Bahala ka diyan.

Sinubukan ni Karina na sa pagkain niya ibigay ang buong atensyon kaso hindi niya talaga maiwasan tignan kung gaano kasaya kumain at humigop ng gravy ang babaeng kasama niya ngayon.

Bwiset talaga.

Grabe na talaga ang pagiging salot ko sa lipunan.

Jusko ka lord.

Naunang natapos si Karina. Imbes na pairalin ang kabadingan, binuksan niya ang cellphone upang i-text ang kaibigang si Ningning. May unread messages din siya galing dito. 






Ningning na walang sparks


Teh anu na? 

Gaga ka talaga, hindi ka ba papasok ngayon?

Sayang naman teh dumaan pa naman
Yung kapatid ni Hyunjin dito at dinalhan ka ng
pagkain kaso kinain na namin. Baka kasi
mapanis. Bawi ka na lang next life.


Anak ng pu- Amputangina talaga ng mundo.

“Mukha kang nalugi.” 

 

Hindi niya iniangat ang tingin sa kaharap na nagsalita. 

 

“Kumain ka lang diyan.”

Ningning na walang sparks

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
I almost forgot to update.. The next part will take awhile bago ko mapublish because I have a lot of exams to survive. Regardless, thank you for waiting~

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Daan daan lang baka sakali 👨‍🦯
stillintoyu
200 streak #2
Chapter 6: ANG KULITTT naeexcite na ako sa next happenings hahshaah
stillintoyu
200 streak #3
Chapter 3: bading pota HAHAHSHAHHAHAHA
stillintoyu
200 streak #4
Chapter 1: tangina hahshshaha
Eybrelros #5
Chapter 6: Bilis naman mapol ni SPO2 😆 pasok "Hindi kita iiwan" by Sam milby😌
Eybrelros #6
Chapter 5: Sabi na nga ba ang lala haha
Ang swerte swerte naman ng ating bida lahat ng problema kusang lumalapit pati sariling solusyon lumalapit din yawa😆
yujiwinteo
64 streak #7
Chapter 4: Kulit pa din ng pov ni polis puro mura lang 😂
Kael_neo #8
Chapter 4: naks, medj close na. pero bro, I'm curious about sa key.
idkwhatnametouse #9
Chapter 4: kakarmahin ba to c karina
Kael_neo #10
Chapter 3: kyottie naman, sana si Minjeong 'yung angkas niya.