Part 1: It's just a bad day.

Double-dealing
Please Subscribe to read the full chapter

November 06, 202*

Monday

3:00 pm 

 

Recto Avenue, Metro-Manila.




Ano nga ba ang kinakailangan para matawag kang alagad ng batas? Kailangan bang naka uniporme ka? Yung kulay blue? 

 

O basta mapanatili mo yung kaayusan sa paligid, saks na yun? Basta dapat may malasakit ka, tapat ka sa trabaho, at higit sa lahat, dapat matatag ang pagtindig mo para sa tao, bayan, at hustisya.

 

Eh paano naman kung ilang tao na ang nakapag sasabi ng malutong na putangina mo sa bawat liko mo ng tsikot mo? 

 

At sa tuwing liliko ka rin, nagpapakawala ka ng mas malutong na “Putang inang mga iskwater ‘to.” at hindi lang ‘yon, binaba mo pa yung bintana ng kotse mo para dumura at itapon ang sigarilyong kakaubos mo lang, not caring kung may maduduraan at matatamaan ka ba o wala. 

 

“Tangina nung kotseng itim nandudura oh!” sigaw ng babaeng may bitbit pang bata.

 

“Oo, gago yan naduraan nga niyan si Nene kaya ayun umiyak. Napalo pa ni Aling Bebang.” dagdag ng batang kararating lang. Nasa siko panga nito ang pares ng tsinelas niya.

Sa mga nangyayari ngayon, matatawag pa kayang alagad ng batas ang kung sino mang siraulo ang nasa manibela ng kumikintab sa linis na itim na kotse? 

 

Walang siyang pake. Literally no s given. Dire-diretso lang siya sa pagdaan sa masikip na daanan.  

 

Hanggang sa may tumawag sa iPhone 15 pro max niyang fully paid from Power Mac. Siyempre sinagot niya agad kahit pa nagmamaneho siya. Remember? No s given. 

 

“Tangina ano na naman ba?” 

 

Tangina talaga ang favorite word of the day ng karakter na ito. Hindi matatapos ang isang araw nang hindi siya nagsasabi ng 

 

“Putangina ang tagal magsalita. Nagdadrive ako Toy oh! Anak ng tangina, ano ba kasi yon?!”

 

Sabihin na lang nating mas mainit pa ang ulo ng nagmamaneho kesa sa init ng Maynila. “Sorry, ‘te si Eunchae kasi nagmessage sa akin. Sa may gilid na lang daw ng FEU mo siya daanan yung sa may tindahan daw alam mo na raw yun.”

 

“Naghihintay na raw siya doon ngayon.” Biglang may tumawid na bata, naglalaro ng habulan sa gitna ng daanan. Hindi na bago basta nasa Maynila ka.

 

Malas lang nila ngayon dahil kung tarantado sila eh mas tarantado yung taga-sundo ng FEU student. 

 

Lalo na at tila takuri siyang nagaalburito dahil sa nairita siya sa kapatid niyang matagal raw sumagot. Kahit na minor inconvenience lang talaga, kapag mainitin ang ulo, tiyak na may sasabog na bulkan. 

 

Dumungaw ang driver saglit dahil sa hindi mapigilang pagkairita. “TANGINA? MAGPAPAKAMATAY BA KAYO HA?! PUTANGINANG MGA BATA ‘TO!”

 

Rinig ng mga malalapit sa eksenang ‘yon ang lahat ng pagmumura niya pati narin ang kapatid niyang si Totoy na nasa tawag.

 

Tumabi naman kaagad ang mga bata sa daanan. May walang modong namakyu nga lang na isa sa kanila. 

 

That made the character even more mad. Short-tempered nga at kaninang kanina pa bwisit sa lahat ng bagay tapos papakyuhin pa ng kung sinong batang hamog na tulo sipon. Kaya naman wala na siyang pake kung matagal na maghihintay ang kapatid niyang si Eunchae sa gilid ng FEU. 

 

Padabog siyang lumabas ng kotse. “Hoy, ikaw!” dinuro niya ang batang namakyu. “Oo, siraulo kang bata ka. Ikaw. Walang modo amputa.”

 

Natakot ang bata, onti na lang ay maiihi ito. “Teh, wag mong patulan yung bata.” subok na pigil sa kaniya ng pinaka matandang bata sa kumpulan.

 

“Ikaw ba kausap ko ha? Manahimik ka isa ka pang kutong lupa ka, salot kayo sa lipunan.” Galit na talaga siya kaya wala silang magagawa. When a cop gets mad, you know will happen.

 

“Anong pangalan ng magulang mo? Tanginang kamay yan eh walang respeto.” lumapit siya. Hindi sumasagot ang bata. “Kayo? Sabihin niyo sa akin pangalan ng magulang ng batang ‘to.”

 

Walang sumasagot pero may batang tumakbo. “Puta? Bingi ba kayo?”

 

Putanginang mga iskwater ‘to, mga inutil na nga, bingi pa. Putangina talaga.


Kung malutong siya mag mura nang pasalita, mas malutong siya magmura sa isip. 

 

Ilang saglit lang ay may dumating na lalaki. Mukhang nakainom pero hindi naman lasing. Usual na tambay na bundat at may malaking katawan na nag-iinom sa kanto. “Anong nangyayari dito?” tumingin siya sa batang mukhang natatae sa kaba at sa babaeng dayo sa lugar nila.

 

“Aba miss, anong ginagawa mo sa anak ko?!” Anak niya ang namakyu sa pulis. Bakas sa tono nito ang inis kaso mas inis ang Miss na tinawag niya.

 

“Ikaw pala tatay nitong walang modong tyanak.” 

 

Gago kaya pala tarantado yung bata, mukhang nagshashabu yung ama. 

 

“Anong sinabi mo?!” Sinubukan nitong lumapit sa ating bida. May mga ilang kalalakihan din na mukhang handang maging resbak ang naka pwesto sa likod nito.

 

“Miss, maganda ka pa naman baka gusto mong malaman kung anong ginagawa sa mga magaganda dito sa-”

 

Bago pa matuloy ng lalaki ang kabastusan na sasabihin niya, napatigil at natahimik siya. 

 

Bakit?

 

Pinakitaan lang naman siya ng ID at ng tsapa ng babaeng kaharap niya.

• PNP Intel Division.
Police Senior Master Sergeant, Karina P. Rosario.

“Ganun? Sige, putangina. Anong ginagawa?” Hindi makasagot ang brusko. “Edi-” piniit ng ibang mga tambay ang isang magsasalita sana.

Bobo amputa halatang hindi marunong magbasa.

“Police yan bobo mo Bogart!”

“Ay gago? Nalintikan na putangina niyo kasi sabi ko sainyo wag na natin bilhin yung bine-”

“Gago! Manahimik ka nga!”

Muling humarap ang mga pulpol sakaniya. “Sorry ho, Ma’am. Inabala ho ba kayo ng anak ko? Malikot at sakit sa ulo talaga ‘yan. Pagsasabihan ko po.” magalang na paumanhin ng kaninang tunog manyak.

Yan, ganiyan dapat. Mga hunghang.

“Yang anak mong tarantado, namamakyu. Putulan mo na kamay kung 'di mo kayang disiplinahin.” nandidiring tumingin siya sa mga tao.

“Mga gago.” hindi lumilingong bumalik siya sa sasakyan at nagmaneho na paalis. 

 

Putangina dapat lang talaga binubura sa mundo yung mga pesteng adik na’to.


Kung siguro hindi nagmamadali at wala masyadong inaatupag ang bida, she would have ruined their lives. Hindi siya tanga alam niyang illegal ang tinutukoy ng isang tambay kanina na tinawag nilang Bogart.

Swerte talaga nila at maraming inaasikaso ang bida sa ngayon or else magsisiksikan sila habang humihimas ng rehas or maybe worse na inuuod 6 ft under the ground.

 

The truth is she doesn’t really have the It’s not worth it don’t waste your time mindset pa naman. She doesn’t let s slide kahit pa minor inconvenience lang sa buhay niya ang nangyari. 

 

Sobrang rare ng nangyari kanina, letting someone who ruined her mood (kahit na wala naman an talaga siya s amood even before that) get away that easily.

 


SPO2 Rosario can go far even just to satisfy her ego and pride- most importantly, for respect. She likes the feeling of being ten steps ahead and superior. Kumbaga, kapag binato mo siya ng tinapay, may babaon pabalik na bala sa ulo mo.

Nakabukas pa rin ang screen ng iPhone 15 pro max at nasa kabilang linya pa rin ang kapatid niyang lalaki. “Toy, bakit nasa tawag ka parin? May ipapabili ka ba? Ikaw na bumili, puro ka laro diyan kaya lumiliit yang utak mo.” tuloy-tuloy niyang sabi.

“Ay ate sorry, may sasabihin pa kasi ako eh. Nasira kasi yung laptop ko at-” at binabaan niya ito ng tawag.

Putaragis talaga puro na lang gastos. Kingina gastos na naman.

Si Karina ay isang pulis na laging galit, na hindi maubusan ng mura, na iritang irita sa lahat ng bagay. Especially sa mga bayaring, siya lang ang nagbabayad sa pamilya nila.

Itinigil niya sa harap ng isang estudyanteng naka full white n uniform ang kotse niya. Agad naman itong sumakay.

“Hi, ate natagalan ka? Traffic ba?” Hindi siya nito tinignan. “Eunchae, sa susunod nga matuto kang gamitin yung utak mo ha? Tangina kung di mo yan gagamitin, mabubulok yan.”

Ang kaninang nakangiting med student ay biglang bumagsak ang balikat. Galit na naman ang ate niya. “Pucha, ang layo layo ng FEU. Ano ba kasing klaseng katangahan yan? Iiwan-iwan mo baon mo tapos magpapasundo ka sa akin? Wala ka bang kaibigan na mahihiraman saglit? Hindi talaga kayo mabubuhay nang wala ako ‘no? Letche, ang init-init.”

Humigpit ang hawak ni Eunchae sa bag niya. Nagmala machine gun na naman kasi ang bunganga ng kapatid. Pinipigilan niyang umiyak, kasi kapag umiyak siya, sasabihan siyang drama queen o basta iinvalidate ang feelings niya. Medyo nasaktan kasi siya, parang pinapamukha nito na ang bobo niya at wala siyang kaibigan.

Even though she’s used to it, masakit pa rin.

Naging tahimik sila sa byahe. 


Hanggang sa may tumawag ulit kay SPO2. 

 

“Karina, san ka raw sabi ni Chief?”

 

Mapasapok siya sa noo. Bad timing and a stupid miscalculation. Akala niya kasi pwede na umalis ng presinto, hindi pa pala. “Sinundo ko lang kapatid ko, babalik na rin ako diyan. Bakit daw ba?”

May narinig siyang nag-uusap na tatlong tao sa kabilang linya pero hindi niya maintindihan masyado dahil medyo malayo sila sa microphone. “Ah sige, sige. Balik ka agad, may itatanong sayo eh.”

Tangina niya kamo bakit ‘di na lang tanungin ngayon.

Reklamo niya sa isip. Huminga siya nang malalim. 

 

“Sige, sige. Copy that. Bye.” 



Tumingin siya sa kapatid niya. “Tignan mo? Imbes na nasa trabaho ako ngayon naging sagabal ka pa. ‘Nako naman Eunchae.” Sa isip ni Eunchae, sana pala ay naglakad na lang siya pauwi o nanlimos sa Recto o walang hiyang nanghingi sa mga classmates niya na nasa university pa kahit na hindi niya ito ka-close.

“Wag kang uulit, sinasabi ko sayo.”


 

//

 

November 06, 202*

Monday

5:14  pm 

 

San Juan, Quezon City, Metro-Manila.

SPO2 Intel Division Precinct.



"The police uniform represents a commitment to justice and a willingness to serve and protect."

 

Kaya siguro walang naka uniporme kahit isa sa presinto kung nasaan si Officer Rosario ngayon. Mas gusto niyang tinatawag siyang officer imbes na detective. Siya lang yata ang batang hindi nagustuhan ang Detective Conan na cartoons noong bata siya.

“Pinatawag mo raw ako Chief?” agad niyang tanong at umupo. ‘Ni hindi manlang sumaludo, tumango lang siya saglit.

Sa harap niya nakaupo si Chanyeol Q. Bautista. Police Chief Master Sergeant, big-time. Siya ang boss dito. 

Nilapag ng chief ang bote ng smirnoff. Ginawa na kasi nitong softdrinks ang naturang alak, actually lahat sila. They got refrigerator full of liquor inside the precinct.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, itigil muna natin yung pagtanggap ng mga pera sa lahat ng nasa listahan.”

‘Nak nampucha. Sabi na bad news ‘tong putanginang araw na’to.

“Eh boss, bakit naman?” hindi naman sa marami siyang dapat bayaran, marami naman siyang ipon kaya kahit ilang buwan pa sila tumigil sa katarantaduhan nila, mabibili niya kung anong gusto niyang bilhin.

“Tatlong presinto na yung nareraid, baka idamay din tayong sa intel gayong may mga inutil na nagsinungaling sa senado nung nakaraan.”

Putangina talaga.

She went out of the office with a displeased facial expression. Pagkalabas niya, may apat pang mga pulis na sitting pretty sa kani-kanilang lamesa ang bumungad sakaniya. 

 

“Anong sabi Rosario?” tanong ni Ningning, nakatingin siya sa kakakabit lang niyang fake nails.

“Wag daw muna kayong mag Starbucks.” tinawanan siya ni Soobin. Napamura naman ang kanina pang naglalaro ng ML na si Taehyun. Binato siya ng may pinaka mataas na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
I almost forgot to update.. The next part will take awhile bago ko mapublish because I have a lot of exams to survive. Regardless, thank you for waiting~

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Daan daan lang baka sakali 👨‍🦯
stillintoyu
200 streak #2
Chapter 6: ANG KULITTT naeexcite na ako sa next happenings hahshaah
stillintoyu
200 streak #3
Chapter 3: bading pota HAHAHSHAHHAHAHA
stillintoyu
200 streak #4
Chapter 1: tangina hahshshaha
Eybrelros #5
Chapter 6: Bilis naman mapol ni SPO2 😆 pasok "Hindi kita iiwan" by Sam milby😌
Eybrelros #6
Chapter 5: Sabi na nga ba ang lala haha
Ang swerte swerte naman ng ating bida lahat ng problema kusang lumalapit pati sariling solusyon lumalapit din yawa😆
yujiwinteo
65 streak #7
Chapter 4: Kulit pa din ng pov ni polis puro mura lang 😂
Kael_neo #8
Chapter 4: naks, medj close na. pero bro, I'm curious about sa key.
idkwhatnametouse #9
Chapter 4: kakarmahin ba to c karina
Kael_neo #10
Chapter 3: kyottie naman, sana si Minjeong 'yung angkas niya.