III

The Star's Solace

Yoona 

 

Pagkadating ko sa aking Hotel Room ay Iniwan ko sa tabi  ng kama yung maleta at agad humiga sa kulay puti at napakalambot na kama. 

"Haay! Kapagod to the highest level ang bumyahe " at inat ko, balak so sana bumawi ng tulog dahil nga kulang padin ako sa tulog pero di ko magawa ng marinig ko ang ringtone ng aking phone, ginala ko yung kamay ko at ng maramdaman yung metal na case ng phone ay inabot ko at inilapit ko sa Mukha ko para makita ko kung sino yung caller. Agad ako napasimangot at inilagay sa may parteng tyan kong pinapabayaan Ng matapos yung ringtone at ilang saglit lang ay narinig ko yung message tone kaya tiningnan ko kung kanino galing,

Napa upo ako at napa buntong hininga  bago ko sya tinawagan.

"Ano yun?" Tanong ko sa kabilang linya at pinipigilan kong ipakita ang nararamdaman kong pag ka asar sa kanya ngayon.

"Where are you?" Matipid nyang tanong. Di padin talaga to nagbabago.

"Why?" Biglang sumagi sa isip ko na kaya siya nag tatanong saken dahil kay Marecakes.

"Just answer me?" Singhal nya this time. 

"Manager Oh nalilimutan mo na ata na di nyo na ako artist" Pagsusungit ko this time

"Is Taeyeon with you? " At tama nga ang hinala ko.

"What if i don't want to answer your question"  

"Taeyeon's out of reach , i need to talk to her ...it's an important matters?" Baka ito na yung about sa gusto ni Marecakes na Hiatus kaya binigyan ko sya ng impormasyon 

"Nasa kabisera ako and she's safe ,she's with my brother" 

"Okay" and call ended 

Napakagat ako ng lower lip. Kahit kailan ganun padin sya. Tinawagan ko si Marecakes at Chan-Chan pero sa true out of coverage sila.

 

Lumipas ang gabi ng makareceive Ako ng Video call mula kay Chan-Chan. 

Nang ma accept ko yung Vc ay bakas sa kanya ang kalungkutan.  Bigla akong nakaramdam ng pag aalala ngayon. 

' why's with the long face? Is everything okay?' 

'I'm okay Ate, but i think Ate Taeyeon is not Okay'

' Anyare?' Kinutuban Ako na may kinalaman dito yung  tao na yun. 

' She cried until she fell asleep ' 

'Taeyeon Talked to that Man kanina sa harap ng bahay naten and i want to stay by her side but she immediately declined at pinapasok na Ako agad sa house Ate... And  when she headed inside ,i saw  her... she's cupping her left cheek in tears..' 

Bigla uminit ulo ko dahil apaka gago nung Manager Oh na yun. Humanda sya dahil pagtapos Nang work shop ay susugurin ko sya sa Company o sa bahay nya mismo. 

 

'Bantayan mo si Taeyeon, Chan-Chan' 

'Yes, I will Ate... But im  scared coz what if she does that again , i Can't assure you Ate that i Can't stop her for the second time because im a deaf' 

Sa totoo lang kung di lang to importante yung Secretary ko nalang papapuntahin ko ...dahil alam kong unstable ngayon si Marecakes.

 

'Sorry Chan-Chan....' 

'It's okay Ate.... I'll do everything para mabantayan siya" napangiti ako. Napalaki ko talaga syang mabuti. 


 

Morning at Pumunta na ako sa Venue ng workshop at nagulat ng may nakita ako na familiar Na itsura saaken. 

"Ate " tawag nya saken habang nakangiti

"Bat ka andito?" Ako 

"Hala si Ate ka sad ...parang ayaw ako na andito" 

"Di naman Baek" ngiti ko " di Lang ako na inform na magkikita tayo dito " 

"Kasi last minute na nung nag backout yung artist na mag spespeech ngayon kaya ako pinalit" 

"Ohh i see " at tango ko

"Ate di mo ba kasama si Taeng?" Tingin nya sa likod ko.

"Wow, nickname basis paden Baek"

"Nasanay lang ako Ate" kita ko ang malagkit na ngiting yan at Alam ko din ang ibig sabihin nyan . I'll assume na gusto nya padin si Marecakes....pero ayaw ko na madagdagan pa ang mga hate comments dahil di maganda na mababasa nya yun sa sitwasyon nya ngayon at ayaw ko din na maulit yung nangyari dati.

 

"Ate alam mo ba if nasaan si Taeng ngayon? Kasi bigla syang nag hiatus after nang incident sa tv" 

"Hindi ehhh, nabalitaan kodin yun" pagsisinungaling ko. 

 

"Pero lam mo Ate ,doon sa hometown mo may nabalitaan ako na andun daw siya nag shoshopping na may kasamang lalaki, gusto mo makita yung pic." Agad akong nag oo at pinakita nya saken.

Kita ko na magkasama si Marecakes at Chan-Chan kaya agad akong napalunok.

"Pero may nagsasabi na di daw sya yun ...kasi deaf daw yung babae at lalaki" 

"Tama ka kamukha Lang siguro talaga sila ni Marecakes" 

"Pero ,ganyan manamit siya pag nasa labas ehhhh" at tingin nya saken na nakapout.

Cute cute paden ng batang to pero di na uubra yan sakin ngayon.

"Baka nagkataon Lang Baek" 

"Baka nga... Nag labas na yung company ng notice about sa hospitalization ni Taeng pero nakakapag taka ayaw sabihin kung saang hospital Kahit saaken na Artist ng Company...gusto ko lang naman sya Makita" at sigh nya

"Baek, sabihin mo nga saaken may gusto kapadin ba kay Marecakes? " tanong ko habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Oo,gustong gusto kopadin siya...tyaka di naman namin ginustong dalawa yung break up namen Ate" 

 

"Baek didiretsuhin na kita, kung mahal mo si Marecakes di mona itutuloy yan. Alam mo naman nangyari noon diba? Gusto moba maranasan nanaman ni Marecakes yun?" Dahil nasaksihan ko ang mga hate ,threats ,at paghihirap ni Marecakes dahil nalantad ang relasyon nila sa public ng isang media kaya ayaw ko na mangyari sakanya to ulet. 

 

"Siguradong di na kami mabubuko ngayon Ate....alam kona ang gagawin at gagawin ko ang lahat para maprotektahan sya" 

 

"Baek, alam mo ba ang Sinasabi mo? Paano mo sya maproprotektahan sa mga baliw mong Seasang fans, at sa haters nya ahh?" 

 

"Kaya ko Ate" 

"At tyaka sigurado kaba na may feelings pa si Marecakes sayo?" 

"Di ko alam....pero pag wala na syang nararamdaman para saken ..kaya ko yang ibalik" 

pasalamat tong Baek na to dahil may mga tao dito kundi nasaktan ko na to.

 

Pag katapos ng first day ng seminar/workshop and etc. Ay napagdesisyonan kong didiretso na sa kotse ng makita ko si Baek sa hallway na kausap ang Manager nya, huminto sya at napatingin saken ,bumati at ininvite ako kumain sa labas, pero tinanggihan ko dahil alam kong di niya ako titigilan hanggang sa mapilitan akong mabigay ang impormasyon about kay Marecakes.

Pagdating ko sa hotel room ay sinubukan ko ulet kontakin si Marecakes at Chan-Chan, nagtagumpay naman na ako this time Kay Marecakes after ng 20th attempt.

"Marecakes, bat ngayon mo lang sinagot? Kanina pa kita sinusubukang kontakin" 

 

"Sorry Marecakes ,busy kasi ako kanina" paumanhin nya

 

"San?" Ngiti lang ang sagot nya saken. 

 

"Huy saan?" Na mas nacurious ako this time 

"Dinala kasi ako ni Chan-Chan sa amusement park and tingnan mo to ohhh" nilipat nya sa back camera at nagpunta sa isang couch para ipakita ang isang teddy bear

At nilipat nya ulet sa front camera.

 

"Chinika mo ba sa kanya yung mga bet ko sa buhay?"  

Napangiti ako dahil effort si Chan-Chan para kay Marecakes. 

"Hindi noh! Malay naten nag research siya para maging close kayo agad ... Asan na pala si Chan-Chan?"  At nilipat nya ulet sa backcam yung camera para ipakita yung kapatid ko. 

"Napagod kanina" kita ko na mahimbing ang Tulog ng kapatid ko sa may sofa. Ilang saglit ay nilipat nya ulet sa front cam yung Camera.

"Ikaw Marecakes, 3 days kapalang dyan pinagod mona agad kapatid ko..." at ngisi ko 

"Hoy Gaga!" Kita ko na biglang may umusbong na tintang kulay pula sa magkabila nyang cheeks at paglaki ng mata nya.

"wag ako marecakes, resibo na yung sleeping position ng kapatid ko" pagpatuloy ko bago napatawa ng bongga 

 

 

"Ibababa kona nga to MareCakes, lumalabas nanaman kasi kapansanan mo" simangot nya.

"Charoot lang Marecakes. May tatanong pala ako sayo" 

"Dapat matino yan, kundi block kana saaken" 

"Yep serious to kaya maupo ka muna kasi Dalawa to" at sinunuod naman nya ako 

"MareCakes, ano yung sinabi sayo ni Manager Oh nung pumunta sya dyan?" 

"Saan mo nasagap yan?" Gulat sya 

"Tinawagan kasi nya ako, hinahanap ka saken kasi di ka nya ma contact ,sabi ko magkasama kayo ni Chan-Chan" 

 

"Ganun ba, Sabi ni Manager Oh napag desisyunan ng company is 1 month lang and sabi nya pa na wag daw ako magpapabuko na wala akong sakit at andito ako. yun lang " kita ko na nagpipigil sya ng luha, meron syang di Sinasabi saken pero wala sa ugali ko ang mamilit at may idea na din naman ako kung ano yun... base sa pinaalam saken ng kapatid ko kagabi, sa pinakitang picture ni Baekhyun at sa ugali ni Manager Oh. Gusto kong magalit at sumpain si Manager Oh ngayon pero di ko ginawa, napasigh nalang at Napatango ang tangi kong ginawa at Napagdesisyonan kong pumunta na sa pangalawang Tanong.

"Marecakes, may communication paba kayo ni Baekhyun?"  

Tango ang sagot nya Pero napakunot sya ng noo.

"May nararamdaman kapaba sa kanya?" Sunod kong Tanong.

"Wala na , we stay as friends nalang..bakit Marecakes?"  

"Owwwkie dowwkie" narinig kona galing kay Marecakes ang gusto kong sagot.

At inilahad ko sa kanya yung pangyayari kanina sa Venue ng Seminar At sinabi naman niya na Wala na talaga at ayaw nya muna makipag relasyon sa ngayon. Pero na fefeel ko na di nya yun matutupad. 


At dumating na ang Araw ng Uwi ko papunta sa hometown, pero bago yun ay napagdesisyonan ko muna na sadyain si Manager Oh sa dati kong Company, pumayag naman syang makipag kita saken sa may lobby dahil busy sya ngayon. May mga kakilala akong nakakasalubong saken ,binabati naman nila ako at nakikipag kwentuhan bago umaalis dahil may gagawin pa, huli kong nakakwentuhan si Oppa Leeteuk bago magpakita si Manager Oh saken. 

"Sige, una na ako Yoona" at alis nyang may ngiti sa mukha. 

Nang humarap ako sa taong kinakaasaran ko ay nawala ang ngiti ko at napalitan to ng poker face na same lang sa pinapakita nya saken.

"You'll only have 10 mins." Tingin nya sa wrist watch nya.pagkatapos ay napunta na ang atensyon niya saaken. 

"Don't worry ...di naman tayo aabot ng 10 mins" at tango nya. 

Nalipat yung tingin ko sa right shoulder nya.

"Teka lang, may dumi yung damit mo" at turo ko sa right shoulder nya.

Sinundan naman nya ng tingin yung tinuro ko at ginala yung kamay nya dito. Agad kong ginalaw yung kanan kong paa para masipa ng may malakas na pwersa yung ibabang bahagi ng kaliwa nyang tuhod. 

Napamura naman sya sa sakit habang napaupo at hinawakan yung ibabang tuhod nya. Dapat lang yan sayo. 

"The ! Yoona" galit nya 

"That's what you get for slapping and treating my friend as a less human ... Kulang payan kung tutuusin" galit kong banggit sa kanya 

 

"I'm going to sue you for this" 

"You're free to do so... But masisira ka pag ginawa mo yan, Manager Oh ,tandaan mo yan" talikod ko at lakad papalabas sa building. Madaming napatingin pero wala akong pake dahil wala na ako sa limelight para maapektuhan sa mga maglalabasan pics. Or vid nito.

 

Dinala ako ng Taxi na sinakyan ko sa paroroonan ko ngayon, sa isang 5 star condominuim. 

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 8th floor, paglabas ko doon ay dumiretso ako sa dulong part ng floor, pinindot ang password at pumasok sa loob. 

Di ako nag aksaya ng oras at hinanap ko Agad yung kwarto nya para kunin yung maleta nya ,binuksan yun,nilapag sa kulay light blue na cover ng kama, pumunta sa walking closet para kunin yung mga susuotin nya para sa isang buwan. Pagkatapos ay tinupi ko yun at pinag kasya sa loob ng maleta. Paglabas ko sa unit na may bitbit ay sinara ko muna yung pinto at nilock. Pagtalikod ko ay may nasulyapan akong lalaki na ayaw ko makita ako sa pagkakataong ito.

 

"Ate, anong Ginagawa mo sa Unit ni Taeng?" At tingin nya sa maletang daladala ko na pag aari ni Marecakes na may mga stickers " at dala mo yung maleta nya?" 


              Taeyeon 

 

 kalaliman na ng gabi at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga kuliglig at ang mga palaka sa may labas dahil katatapos lamang ng ulan. 

"Nakakaenganyong lumabas" banggit ko muna bago ako bumangon mula sa kama. Isunuot ko muna yung kulay lila na jacket galing sa drawer bago ako dinala ng paa ko sa may harap ng pinto ng bahay. Binuksan ko yung pinto at umupo sa may papag, pinagmasdan ko ang kapaligiran ,sa pagkakataong ito at nasaksihan ko ang grupo ng isang alitaptap na nagliliparan sa isang puno at nagpapaganda na pagmasdan. 

Inilibot ko ang kamay ko sa may bulsa ng jacket na suot ko at kinuha yung isang kaha ng sigarilyo at lighter. Pili ang pagkakataong ito dahil payapa ang isipan ko ngayon ngunit gusto kong humithit ng sigarilyo na ginagawa ko lamang pag kailangan kong kumalma.

Kumuha ako ng stick, sinindihan , hinithit , binuga ang usok na galing dito at napangiti.

Biglang lumiwanag ang paligid sa loob ng bahay at may narinig akong hakbang na papalapit saken. 

Binaba ko yung sigarilyo at nilingon ang taong papalapit saken, nginitian ko sya habang sinusundan ng tingin hanggang sa maupo sya sa may Tabi ko.

Nilabas nya yung cellphone nya at may tinaype pagkatapos ay pinakita yung screen.

'Di ka makatulog?" 

Napatango ako pagkatapos ay

 Tinuro ko sya gamit ang kanan kong kamay para ibalik sa kanya yung tanong, tango lang din ang sagot nya. 

Naamoy nya ata yung Amoy ng sigarilyo kaya hinanap nya at nung natagpuan nyang Nasa kanan kong kamay ay may tinaype sya muli sa cellphone bago ipinakita saken yung screen.

'Nag sisigarilyo ka pala' tango padin ang sagot ko at pinakita sa kanya yung kaha para alukin pero umiling sya para ako ay tanggihan. Wala siguro tong bisyo? 

Tanong ko sa sarili ko bago ko 

Ibinalik ulet yung kaha sa dati nitong lalagyan, at tiningnan sya , sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitingnan, ang mga alitaptap sa may puno na para bang nagpapanggap na Christmas light.

Gustong gusto ko ang napapalibot saming katahimikan.

Narinig ko ang pagkilos nya at napatingin sa kanya ng maglakad sya papalayo saken. 

"Siguro inaantok na sya" banggit ko at Medyo nakaramdam ng Lungkot ngunit nawala ito ng makita ko syang bumalik pagkalipas ng ilang minuto. 

Umupo sya sa harap ko, hinawakan ang itaas ng paa ko at isinuot ang medyas sa magkabilang paa ko. Napangiti sya na ginantihan ko din ng ngiti , pagkatapos ay may tinaype sya sa phone bago ipinakita saaken. 

'Napansin kong lagi kang may suot na medyas kaya nag assume akong ayaw mong nilalamig paa mo' 

Napa sign language ako ng Thank you sa kanya habang nakangiti. 

​​​​​​


Tbc.

Kitakits sa next chapter😊

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet