Chapter L-7

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

Halos 2 weeks na din simula ng manliligaw ako kay Jimin, ewan ko ba kung panliligaw pa ba to o kami na, sa sobrang harot nitong si Iglot pakiramdam ko mag-jowa na kami.

 

 

Ganito ata talaga ang pakiramdam na alam ko na pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Ang saya gumising sa araw-araw, lalo na kapag bibisita ako sa kanila, tapos makikita ko yung excitement nya kapag niyaya ko syang maki-pagdate. At ang pinaka-paborito namin gawin eh ang tumambay lang sa bahay nila kapag wala syang raket at ipagluluto ko sya ng paborito nyang pag-kain.

 

 

Simpleng mga bagay lang, pero nakikita ko na talagang nag-eenjoy at na-aappreciate nya ang ginagawa ko. 

 

 

Hindi naman mahilig si Jimin sa bulaklak o mga materyal na bagay, lagi nyang ipina-paalala sa akin na wag syang gastusan dahil masaya na daw sya sa efforts ko na makasama ko sya at ang kambal. Kaya kahit minsan eh sobrang busy sa talyer, gumagawa talaga ako ng paraan para ma-bakante ako, dahil gusto ko maging consistent sa kanya, at ibigay yung quality time na para sa kanya. 

 

 

Pero kahit sabihin ni Jimin na wag ko syang bibilhan ng kung ano-ano, eh sa kambal naman ako nabawi, at parang mas bumigat ata lalo ang kambal kakabili ko ng snacks na paborito nilang mag-aate. 

 

 

"Nasusuka ako, pahinging candy!" narinig kong reklamo ni Jimin sabay lingon sa likuran namin.

 

 

"Jusko Jimin, ano ka bata?" ani Ning na syang nasa likuran namin katabi ng jowa nyang si Giselle. 

 

 

Bleeuukkk        

"Yeji!" 

 

 

"S-sorry, pasensya na hindi ako sanay sumakay sa bus na may aircon, nasusuka ako." 

 

 

"Eto Jimin amuyin mo, tapos i-pahid mo sa noo mo."

 

 

Naawa naman ako kay Iglot dahil nagku-kulay papel na talaga ang mukha nya sa putla, sign na hindi talaga sya nagbi-biro kaya ibinigay ko na yung vicks na dala ko. Incase nga na may mag-kalat sa amin, buti na lang, kasi dalawa pala sila ni Yeji ang halos lupaypay na sa sobrang hilo. Bibihira na din kasi ang bus na walang aircon kaya wala kaming choice. 

 

 

"Thank you lalabs, buti ka pa concern sakin, nakakahiya naman sa isang bff ko dyan, tulog lang ng tulog." reklamo pa din ni Jimin sa tabi ko.

 

 

Si Giselle ang tinutukoy nya dahil pagka-sakay na pagka-sakay pa lang namin ng bus ay natulog na agad ito, wala ng pakialam sa nangyayari sa amin buong byahe. Eh nasa kanya pa naman yung baon namin na candy. 

 

 

Nangingiti na lang ako na tinulungan syang magpahid ng katinko sa noo, habang si Ryujin naman ay busy i-balot ang supot na pinagkalatan ng jowa nyang si Yeji, sa unahan namin sila naka-upo at sa likod naman namin ay si Ningning at Giselle. 

 

 

Buma-byahe kami ngayon papuntang San Isidro sa probinsya ng nanay ni Jimin. Fiesta doon bukas, kaya naman pina-uwi sila ng pinsan ng nanay nya dahil matagal na daw ang huling uwi nila doon. At sakto naman dahil weekend kaya niyaya nya na ang tropa, bale tatlong araw at dalawang gabi lang kami doon dahil may pasok din sa trabaho ang mga kaibigan namin.

 

 

Parang nagsi-sisi na din kami sa naging trip namin magka-kaibigan. Ang hirap pala bumiyahe sa bus, lalo na't halos limang oras ang layo ng pupuntahan namin. Sa terminal pa lang, sobrang haba na ng pila, mabuti na nga lang at madaling araw kami bumiyahe at naka-sakay kami agad, kawawa din kasi ang kambal dahil antok na antok pa.

 

 

Eto nga't isang oras na lang at makakarating na kami sa San Isidro, kaya nagkakalat na itong si Yeji, at pakiramdam ko ay susunod na din si Jimin kaya may naka-handa na din syang supot ng plastik sa tabi nya. Mabuti pa nga si Giselle at natulog lang, etong dalawa nyang bestfriend akala mo mga first time bumiyahe ng malayo. 

 

 

"Ate Jimjim bakit mo kain candy ko?!" 

 

 

Napa-lingon ako kay Jimin at Saf na naka-kandong sa ate nya, kunot na kunot ang noo nito na naka-tingin kay Jimin na lihim akong sine-senyasan. Sabi ko naman kasi sa kanya na wag kainin yung candy ng kapatid nya, ayan tuloy, mukhang magma-maktol pa ata ang siopao. Akala ata nya ay makakalimutan ni Saf yung candy na ipinahawak nito sa kanya. 

 

 

"Daf? Okay lang ba na i-share mo yung candies mo kay Saf?" tanong ko kay Daf na naka-upo naman sa kandungan ko. 

 

 

Buti na lang at mabilis kausap itong si Daf, ibinigay nya agad sa akin yung candy na galing sa bulsa nya. At agad ko naman iyon palihim din na inabot kay Jimin dahil parang manununtok na si Safsaf. Napaka-sutil din naman kasi ng ate Jimin nya, tingnan mo't nagpipigil pa ng tawa, habang etong kapatid nya ay naka-kuyom na ang mala-siopao na kamao, ready na talaga syang umbagin ang ate nya. 

 

 

"Eto na, eto na, papalitan ko naman Saf, diba dapat nagsi-share." 

 

 

"Di ka naman po nagpaalam ate Jimjim." simangot ni Saf sa ate nyang nag-kamot lang ng ulo.

 

 

Muntik ako matawa sa itsura ni Jimin, para tuloy sya yung naging bunso, si Saf yung ate, napa-galitan pa nga. 

 

 

"Sorry na baby, kasi nasusuka na ako, eh tulog ka, kaya hindi na kita ginising." pagda-dahilan ni Jimin.

 

 

"Okay." kibit-balikat na lang ni Saf, sumandal na ulit sya sa ate nya at tahimik na kinain ang candy nya. 

 

 

Natatawang naka-tinginan na lang kami ni Jimin, kinabahan din ang loko. 

 

 

"Malapit na tayo Iglot, kaya pigilan mo yang suka mo." biro ko kay Jimin, dahil nakita ko na inilabas nya yung plastik na nasa bulsa nya. 

 

 

"Grabe ka lalabs, naka-dalawang lunok na ata ako parang awa mo na." nanghahaba ang ngusong reklamo nya sa akin.

 

 

"Kadiri ka!" simangot ko.

 

 

"Shuta ka Jimin kadiri-" 

 

 

Bleeuukk         Kayanin mo Yeji.       

"Mas kadiri ka, nakaka-apat na supot ka na, susunod nyan bituka mo na ang lalabas dyan." 

 

 

"Pakyu ka-bleeuuuk" 

 

 

Sana naman makarating na kami sa pupuntahan namin bago pa ma-ubos ang laman ng sikmura nina Jimin at Yeji. 

 

 

_____

 

 

Simple lang ang buhay ng mga kamag-anak ni Jimin sa probinsya ng San Isidro na kinalakihan din ng kanyang ina. Katulad ng mga karaniwan na trabaho ng mga naninirahan sa probinsya ay pagsasaka, pangingisda at pagha-hayupan ang ikina-kabuhay ng mga ito.

 

 

Noong na-ulila silang magka-kapatid sa magulang ay sumagi na din sa isip ni Jimin na iwan ang Maynila at sa San Isidro na lamang manirahan kasama ang kanyang mga kapatid. Dahil nandito nga ang kanilang mga kamag-anak na pwedeng tumulong sa kanila. Ngunit naisip nya ang mga oportonidad na pwede nyang makuha sa Maynila. 

 

 

Oo at pwede syang magtrabaho sa bukid o mag-hayupan, pero ang kikitain nya ay hindi sasapat sa kanilang magka-kapatid. Lalo na't ng mga panahon na iyon ay sanggol pa ang kambal, araw-araw syang mag-iisip ng pambili ng pang-diaper at gatas ng mga ito. Malayo sila sa bayan, kaya naman mahihirapan sya kung raraket sya doon, ayaw din naman nyang iwan ang kambal sa mga kamag-anak nila ng matagal. 

 

 

Ang dahilan ni Jimin, tatlo na nga lang silang naiwan, hindi na nya hahayaan na malayo pa ang kambal sa kanya. Kaya naman kahit halos hatiin na nya ang katawan sa apat na raket sa Maynila ay titiisin nya. Wag lang mahiwalay ang mga kapatid nya sa kanya. 

 

 

"Parine kayo Jimin, pina-ayos ko na sa tiyo mo ang mga kwarto sa taas, hindi ko nasabi sa iyo na hindi na kami nakatira dito dahil nakapag-pagawa na kami ng bagong bahay. Pero dahil nandito ang ala-ala ng mga tiya ay nililinisan at hindi pa din namin tinatanggal ang mga gamit nila sa loob, para kung sakaling uuwi kayong magkakapatid at magba-bakasyon ay may matutuluyan kayo." 

 

 

"Salamat po tiya Malou, lalo na po sa pag-aasikaso dito." nakangiting pagpapasalamat ni Jimin sa tiyahin nyang sumalubong sa kanila. 

 

 

Mag-aalas otso na ng umaga sila nakarating sa San Isidro, tama lang ang alis nila sa bahay ng alas 3 nang madaling araw, dahil wala pang masyadong traffic sa Maynila. 

 

 

Pagkarating nga nila ay sinalubong sila ng kanyang tiya Malou, ang pinsang buo ng kanyang nanay sa side ng lola nya. Tila bumalik sa ala-ala ni Jimin noong panahon na nabubuhay pa ang kanyang mga magulang kapag nauwi sila sa San Isidro para magbakasyon. Ganoon pa din ang lumang bahay ng kanyang lola, luma pero matibay at malinis. 

 

 

"Pumanhik na kayo sa itaas at nang makakain na muna kayo, pagkatapos kayo ay magpahinga, napaka-tagal pala ng inyong byahe." dagdag pa ng kanyang tiya Malou. 

 

 

"Maraming salamat po ulit tiya." 

 

 

"Walang anuman, oh sya at maiwan ko na muna kayo, alam mo naman ang bahay namin, puntahan mo lang kami doon kapag may kailangan kayo, at wag na kayo mag-alala sa maka-kain, marami dyan sa bahay ni lola at hahatiran din kayo ng tiyo mo mamaya." dagdag pa nito.

 

 

"Salamat po." 

 

 

Sabay-sabay ng nagpaalam ang magkakaibigan sa tiyahin ni Jimin bago ito umalis. Naiwan silang manghang-manghang sa bahay na nasa gitna ng kabukiran. Lalo na't maliban kay Jimin, ay mga laking Maynila na ang lahat sa kanila at minsan lang maka-punta sa probinsya.

 

 

"Ang ganda dito Jimin, eto yung lugar na kahit wala ata akong internet mabubuhay siguro ako." ani Ryujin habang iniikot ang paningin sa loob ng lumang bahay ng lola ni Jimin. 

 

 

"I can stay here for the rest of my life, look at that windows-oh wow! Parang bumalik ako noong unang panahon." manghang-manghang sabi din ni Giselle na tuwang-tuwang dumungaw sa malaking bintana na gawa sa kapis. Kasunod nito si Ning na yumakap sa kanyang nobya mula sa likod nito na tila ginaya pa ang isang sikat na scene sa titanic movie.

 

 

Naka-akyat na sila sa taas at isa-isa na din nilang binuksan ang tatlong kwarto na pinagpi-pilian nilang tuluyan. Bale, couple ang matutulog sa isang kwarto, hindi pa naman opisyal na mag-girlfriend sina Jimin at Winter pero napag-pasyahan na lang nila na matulog sa isang kwarto dahil kasama naman nila ang kambal. 

 

 

"Ate~I'm hungwy na po..." ani Saf na kakagising lang at naka-upo sa kama habang kalaro si Daf na na-dede naman ng gatas nito. 

 

 

Napa-buntong hininga naman si Jimin ng makita ang simot na bote ng gatas ni Saf na binitawan na nito. 

 

 

"Lakad na Jimin, ako na magba-bantay kay Daf, mukhang gutom na talaga si Saf pakainin mo na muna." ani Winter na naka-upo din sa papag na may latag na banig, katabi nito si Daf na nag-i-in-in pa sa higaan. 

 

 

"Salamat lalabs." naka-ngiting pagpa-pasalamat ni Jimin kay Winter na nag-aayos ng gamit nito sa maliit na aparador sa loob ng kwarto nila.

 

 

"Susunod kami ni Daf, tapusin ko lang to." dagdag pa ni Winter na ngumiti din sa kanya. 

 

 

"Okay lalabs, Daf susunod kayo ni ate Winter, tapos kakain na ng kanin ha?" 

 

 

"Opo ate Jimjim.." sagot naman ni Daf, at bumalik na ulit ito sa pag-dede ng gatas nito.

 

 

Pagkatapos ay nilingon nya si Saf na naka-tayo na sa papag, kaya naman agad nya itong binuhat para dalhin sa kusina at pakainin. 

 

 

"Ano po ulam ate Jimjim?" tanong ni Saf. 

 

 

"Itlog na may kamatis at sibuyas, pritong tilapia at talong." sagot naman ni Jimin.

 

 

"Ooohhhh yummy~!" 

 

 

Napangiti na lang si Jimin sa kapatid, mag-a-alas onse na din kasi ng tanghali at kakagising pa lang ng kambal, naka-tulog ang mga ito bago sila bumaba ng bus kanina at ngayon lang nagising. 

 

 

"Jimin! May perya pala doon sa court sa kabilang barrio, punta tayo mamaya." excited na yaya ni Ryujin kay Jimin ng makita nito ang kaibigan na papasok sa kusina karga ang kapatid nito. 

 

 

Inabutan ni Jimin ang apat na nasa kusina na at namamapak ng langka na dinala ng tiyo Rodel nya galing sa bukid. May singkamas at mangga din na bigay ang tiya Malou nya, may kasama pa itong isang garapon ng bagoong alamang. Kaya naman hindi na ito tinigilan ng mga kaibigan nya, lalong-lalo na si Ningning at Winter na walang kangilo-ngilo na sini-simot pa ang buto ng mangga. 

 

 

Nag-ayos lang talaga ng damit si Winter, pero mamaya ay lalabas na din ito at makiki-lantak na ulit ng mangga.

 

 

"Sige ba, mas masaya doon ngayon kasi bisperas ng piyesta." sagot ni Jimin.

 

 

Ini-upo na din nya si Saf sa tabi ni Yeji at kinuhaan ng pagkain para makakain na din ito. 

 

 

"Sawap yan ate Gigi?" tanong ni Saf kay Giselle na naka-upo sa tapat nito, na sarap na sarap kumain ng manibalang na mangga.

 

 

"Super yummy!" sagot naman ni Giselle. 

 

 

"Penge-" 

 

 

"Oy Saf, kumain ka muna ng kanin, mamaya ka na kumain ng mangga at kaka-dede mo pa lang." pigil agad ni Jimin sa kapatid. 

 

 

Napa-nguso na lang si Saf.

 

 

"Ate Gigi, wag mo po ubos." 

 

 

"Don't worry baby, madami pa dito, tapos may mga manggo trees pa sa labas ng bahay, si ate Jimin mo bahala umakyat doon." 

 

 

"Loko, ako pa u-utusan, si Yeji na lang, dati naman akyat bahay yan." 

 

 

"Gagi, bahay lang nila Ryujin ang inakyat ko, mga judger kayo." depensa naman ni Yeji. 

 

 

Natawa na lang ang magka-kaibigan sa sinabi ni Yeji, bigla nilang naalala ang pinag-gagawa nila Yeji at Ryujin para lang makapag-harutan dati. May pagka-boyish man si Ryujin ay sobrang alaga ito ng kuya at tatay nito dahil nag-iisang babae na nga lang ito sa pamilya. Halos dalawang taon din bago nakuha ni Yeji ang loob ng mga ito para lang hayaan na ligawan si Ryujin. 

 

 

"Oo, para kayong nagla-landiang pusa doon sa bubong nung nadaanan ko kayo." irap ni Ning sa dalawa na ngayon ay nag-susubuan na ng mangga sa harap nya, kaya napa-simangot sya. 

 

 

"Hoy Giselle, kain ka ng kain ng mangga dyan, landiin mo muna kaya yang jowa mo, kulang na naman sa muah muah mo yan eh." tawag ni Ryujin kay Giselle na lumapit naman agad kay Ning para lambingin nga din ang jowa nito. 

 

 

"Potek na mood swing yan." napapa-iling na lang na sabi ni Yeji ng makita nyang kilig na kilig na naman si Ningning habang niyayakap ito ni Giselle.

 

 

"Jimin, ayos na din yung damit mo at nang kambal ha, magkasama yung mga damit natin doon sa isang cabinet, yung sa kambal nasa kabila." 

 

 

Napa-lingon silang lahat ng pumasok si Winter sa kusina, karga na nito si Daf, kaya naman agad na tumayo si Jimin para kunin dito ang kapatid, para i-upo sa tabi ni Saf na maganang na-kain na ng tanghalian nito. 

 

 

"Salamat lalabs-" 

 

 

"Wala pang label yan, pero mag-asawa na ang galawan." asar ni Ryujin sa kaibigan. 

 

 

"Manahimik ka nga dyan Ryujin!" 

 

 

Natawa lang sila ng samaan ng tingin ni Winter si Ryujin na tawang-tawa dahil kitang-kita nila kung paano namula ang leeg at pisngi ni Winter. First time nilang makita na nagka-ganito ito, yung kini-kilig na pero nagta-taray pa din. 

 

 

"Ang cute cute ni Wintot oh, yieeee tanggal angas, kilig yan pre?" dagdag pa ni Yeji, ngunit huminto din ng hampasin sya ni Winter sa balikat pero imbes na masaktan ay tumawa lang ito katulad ni Ryujin. 

 

 

"Isa ka pa! Pagbu-buhulin ko na talaga kayong mag-jowa dyan eh." 

 

 

Nakita naman iyon lahat ni Jimin kaya hindi din nito alam ang gagawin, simula kasi ng malaman ng mga kaibigan nila ang tungkol sa kanila ni Winter ay hindi na tumigil ang mga ito na tuksuhin sila. Ang totoo ay kinikilig din naman talaga sya pero palihim lang dahil ayaw nyang lalo silang asarin.

 

 

Pero eto nga't si Winter ang syang hindi makapag-pigil, kaya eto ang laging naasar.

 

 

"Halika na lalabs, wag mo na sila pansinin, kain na, sabay na tayo sa kambal." tawag nya dito para tigilan na ito ng mga kaibigan nila. 

 

 

"Okay." 

 

 

Napa-nganga na lang silang lahat ng biglang tumigil si Winter sa pag-hampas kay Yeji, dahil para itong batang napag-sabihan, ngumuso lang ito at parang tutang inapi na tumabi kay Jimin. 

 

 

"Winter nyo dating ma-angas ngayon under-Standing!" agad na bawi ni Ningning ng makita nyang samaan sya ng tingin ng bff nya. "Eto naman si Winter Pearl Dimagiba masyadong mainitin ang ulo. Nai-intindihan kita bestfriend, hindi inis yan, kilig yan." 

 

 

"Mga boyset!" 

 

 

Lihim na lang na natawa si Jimin dahil ngumuso muli si Winter nang tumingin ito sa kanya na tila nagsu-sumbong. Kaya naman kinabig nya ito sa balikat at hindi nya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya, at kung bakit naisipan nyang bigyan ito ng mabilis na halik sa gilid ng ulo nito. 

 

 

Gasp!        

"S-sorry lalabs, nawala sa isip ko!" hinging tawad

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
1234_qwerty
0 points #1
miss ko na agad sila 😭
rinagerie
#2
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#3
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#4
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1163 streak #5
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #7
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#8
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #9
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #10
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂