Chapter L-6

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

Jimin's Pov

 

 

"Ate Jimjim san ka po punta?" 

 

 

"Aalis muna kami ni ate Winter, saglit lang, babalik din kami agad." 

 

 

Naka-ngiti kong hinarap si Saf na nasa higaan ko kasama si Daf habang nagla-laro sila ng laruang lutu-lutuan, hinihintay ko na lang sina Yeji at Ryujin, sila muna ang magbabantay sa kambal ngayong gabi. Pakiramdam ko nga ay planado ng mag-jowang yon ang lahat ng ito.

 

 

Kunwari pa si Yeji na busy daw si Ryujin ngayong araw kaya hindi sila matutuloy. Pero nang sabihin ko na hindi din ako pwede dahil walang mag-babantay sa kambal, biglang hindi na daw tuloy si Ryujin, sila na daw mag-aalaga sa mga kapatid ko, yayain ko na lang daw si lalabs. 

 

 

Pero sobrang pasalamat ako sa dalawang yon, successful ang plano nila dahil pumayag si lalabs. Hindi lang payag na manuod ng sine, pumayag din sya maki-pagdate sa akin!

 

 

Totoong may himala!

 

 

Halos hindi na ata nawala ang ngiti ko simula kagabi, wala din halos akong tulog dahil kapag na-aalala ko na pumayag si lalabs sa date, para akong bulate na inasinan sa higaan. Grabe yung kilig ko, kung tao lang siguro yung unan ko, baka puro black-eye at pasa na ang inabot non sa akin kaka-suntok ko mag-damag.

 

 

Hanggang ngayon na bihis na ako at nagha-handa na para sa date namin, ay hindi pa din ako mapakali, nagha-halo na yung kaba at excitement ko. 

 

 

"Sama kami ate Jimjim.." naka-ngusong ungot sa akin ni Saf, nagpa-awa effect pa nga, kaya na-upo ako sa papag katabi nila.

 

 

La-lambingin ko muna at baka toyoin mamaya pag-alis namin ni lalabs. 

 

 

"Pa-pasalubungan na lang namin kayo, bibilhan kayo ni ate ng waffles, diba favourite nyo yon?" 

 

 

"and fways..?" nakangusong ungot din ni Daf na kumalong pa sa akin at sumiksik sa dibdib ko. 

 

 

"Opo, yung big fries." hinalikan ko sila pareho sa noo ng makita kong biglang nagbago ang mood nila at ngumiti na. Buti na lang talaga, food is life sa kambal kaya madaling utuin. 

 

 

"Naks! Dapat pala naligo muna ako bago pumunta dito, nakaka-hiya naman sa get up mo Jimin. Ngayon lang kita nakitang pumorma ng ganyan ah. Hmm amoy jojowain din."

 

 

Nandito na ang mag-jowa at nagulat na lang ako ng biglang kumandong si Ryujin sa akin at inamoy-amoy pa ang damit ko. 

 

 

"Halika dito beb, parang nagseselos na ako ah." napatayo naman sya agad ng hilahin sya ni Yeji para umalis sa kandungan ko sabay yakap sa jowa nyang ngingiti-ngiti pa. 

 

 

"Para kang timang Yeji, hindi naman kami talo ni Jimin!" kunwari ay pagalit ni Ryujin sa jowa nya na nauwi sa harutan nilang dalawa. 

 

 

Napa-irap na lang ako.

 

 

Tumayo na din ako para ituloy ang pag-aayos ko, grabe, kalahating oras ko ata pinlantsa etong suot ko kahit hindi naman kailangan plantsahin dahil t-shirt lang naman. Pero kasi, gusto kong maging presentable kasama si lalabs. Date kaya namin to, ang tagal ko pinangarap ang pagkakataon na ito kaya kailangan itodo ko na. 

 

 

"Wala, selos pa din ako na sya ang first kiss mo-Aray! Makabatok naman Jimin!" reklamo ni Yeji habang hinihimas ang ulo nya. 

 

 

Apaka-arte kasi, hindi maka-move on ang potek.

 

 

"Arte mo, akala mo naman, may trauma pa din kaya ako sa amoy ng suka dahil sa jowa mo." sabi ko na ikinatawa nya, at sya naman ikinainis ni Ryujin kaya muntik na din ako mahampas. Nakaiwas lang ako. 

 

 

Takteng Ryujin to, hirap kaya magplantsa tas gugusutin nya lang?

 

 

"Siraulo ka talaga Jimin. Lakad na, bago pa magbago ang isip ko, enjoy at ingatan mo ang bff ko ha?" bilin ni Ryujin sa akin. 

 

 

Ngumiti naman ako at mabilis na tumango tsaka ko sila niyakap ni Yeji. 

 

 

"Salamat sa inyo, wag ka mag-alala Ryu, ako bahala kay lalabs ko." tinapik-tapik ko pa sya sa balikat ng maghiwalay kami. 

 

 

"Alam ko naman yon, enjoy kayo, kami na bahala sa mga siopaos mo. Promise, hindi ko sila kakagatin, pisil-pisil lang." biro nya. 

 

 

Natatawang lumapit ako sa kambal at pareho na silang naka-nguso sa akin. Alam nilang aalis na ako kaya nanghihingi na ng kiss. 

 

 

"Take kew ate jimjim, I wab you." paalam ni Daf na syang una kong i-kiniss sa labi at noo. At nag-pout pa nga, labag talaga sa loob nya na iiwan namin sila ng ate Winter nila. 

 

 

"Fways and waffles ate, tenkyu!" request naman ni Saf, nag-kiss na din sya sa akin at bumalik na ulit sa paglalaro. 

 

 

Natawa ako, kambal lang talaga sila sa itsura pero sa ugali hindi. Pero kahit ganyan pa eh, love na love ko ang mga siopaos ko na to. 

 

 

"Love din kayo ni Ate jimjim, magpapa-kabait kayo okay?" bilin ko sa kanila, tumango naman ang kambal at nagkiss ulit sa akin, tumayo na din ako agad dahil dadaanan ko pa si lalabs sa bahay nila.

 

 

"Alis na ako Ryu at Yeji, salamat ulit ha? Kayo na muna bahala sa mga kapatid ko." muling kong paalam sa dalawa na kumaway at nag-thumbs lang sa akin bago ako lumabas ng kwarto ko.

 

 

Huminga ako ng malalim nang maka-labas na ako ng bahay namin, kinabahan ako ng matanaw ko ang bahay nila lalabs sa tapat namin. 

 

 

Ba't parang na-jejebs pa ata ako?          ______      

"Anong klaseng date ba gagawin nyong dalawa? Friendly date o yung magjojowaan date?" 

 

 

"Bakit hindi ka manahimik kuya? Kanina ka pa dyan ang chismoso mo." 

 

 

Inis na inirapan ni Winter ang Kuya Wilfred nya na katabi nyang naka-tayo sa tapat ng salamin sa tokador nila. Nag-aayos sya ng tumabi ito sa kanya para mag-ahit ng balbas at bigote nito, alam naman nyang aasarin lang sya ng kuya nya kaya ito tumabi sa kanya kahit may salamin naman sa loob ng banyo nila. 

 

 

"Nagta-tanong lang eh, pero bunsoy, kung ako sayo, jowain mo na yan si Jimin, hanap ka ng hanap ng jojowain eh baka naman talagang sya ang para sayo kung saan-saan ka pa tumitingin." sulsol pa nito sa tabi nya, tingnan nya lang ito ng masama sa repleksyon ng salamin pero imbes na matakot ay tinawanan lang sya ng kuya nya. 

 

 

"Sabing manahimik ka eh!" singhal nya.

 

 

"Ay shet, lipgloss ba yan? At bakit ang pula ng pisngi mo? Saan mo kinuha yang make-up? Nay si bunsoy pinakialaman yung make up nyo!" 

 

 

Pigil na pigil si Winter na wag i-saksak sa kuya Wilfred nya ang suklay na hawak nya dahil sa pang-aasar nito. Naalala nya noong JS prom nila noong highschool, sangkatutak na pang-aasar lang naman ang inabot nya sa mga kuya nya dahil napilitan sya mag-ayos at mag-gown na hindi nya karaniwan gawin dahil nga boyish sya.

 

 

Balak pa naman nya noon mag-coat para sana yayain sumayaw yung nililigawan nya, ang kaso ay hindi pumayag ang school. Kaya ang nangyari, sa hakdog sumagot ang gagang niligawan nya. 

 

 

"Kay Ningning to! Bwiset ka talaga kuya! Dun ka na nga!" itinulak nya ito sa balikat pero dahil sa katawan nito ay hindi naman natinag ang kuya nya at tumawa pa ito lalo. Inis na inis na talaga sya, lalo pa nang tila pasadahan nito ng tingin ang suot nya mula ulo hanggang paa. 

 

 

"Nag-make up ka na din lang at lahat, bakit hindi ka pa nagpang-babae na suot? Baka mag-mukha kayong mag-kumpare ni Jimin nyan kesa mag-jowa-Aray naku!" asar pa din nito, kaya tinuluyan na nya ng hampas sa balikat.

 

 

Ano bang masama sa boy shirt at jeans? Eh sa doon sya kumportable.

 

 

"Manahimik ka sabi kuya!" 

 

 

"Bunso! Nandito na ang future manugang ko! Baba na dyan anak!" 

 

 

Hahampasin pa sana ulit ni Winter ang kuya nya sa ulo ng suklay ng marinig nyang tinatawag na sya ng tatay nila na nasa talyer. 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Winter, pati ang tatay nya na halatang mas excited pa sa kanya ay inaasar na din sya. Hindi nga lang nya alam kung pang-aasar ba yon o sadyang tuwang-tuwa lang ito dahil matagal na itong boto kay Jimin para sa kanya, at ngayon nga na nalaman nito na lalabas sila ay halos hindi na sya nito pinatulong sa talyer, mag-beauty rest na lang daw sya. 

 

 

Mabilis na tumingin sa salamin si Winter, hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan, ginagawa naman nilang dalawa ni Jimin ang lumabas na sila lang, lalo na kapag gusto nya makalimot sa mga babaeng bumasted sa kanya. 

 

 

Oo, si Jimin ang tinatakbuhan nya kapag nababasted sya. 

 

 

Ang manhid lang nya sa part na yon,

 

 

Kay Jimin pa talaga. 

 

 

Pero kasi akala nya, pinagtitripan lang sya ni Jimin.

 

 

"Yieeee sabi sayo jowain mo na eh, malay mo, kapag binigyan mo na agad ng apo si tatay, i-pamana na nya sayo ang talyer-ouch!" 

 

 

Hindi na naka-pagpigil si Winter, at Inis nya ulit na hinampas ang kuya nya gamit ang suklay. Naiinis na talaga sya dito. 

 

 

"Sabing manahimik ka eh! Tabe!" 

 

 

"Sungit mo!" 

 

 

"Tukmol!" 

 

 

Agad na bumaba ng bahay si Winter para puntahan si Jimin na naabutan nyang napapalibutan ng tatlo nya pang mga kuya at nang tatay nya na tuwang-tuwa pang tinatapik ang likod nito. Kahit malayo ay tanaw nya ang namumulang mukha at tenga ng kababata nya.

 

 

Lihim syang napa-ngiti. 

 

 

Cute ni gago.      

Hindi nya alam sa sarili nya, parang dati lang nai-irita sya kapag nakikita nya si Jimin dahil puro pang-aasar lang ang ginagawa nito pero ngayon parang nagiging cute na ito sa paningin nya. 

      Ang sabi ko dati si Saf at Daf lang ang cute sa paningin, boset na yan, ngayon pati ate na din nila. 

 

 

Anuna Winter?

 

 

"H-hi lalabs..." muntik ng matawa si Winter ng magtagpo ang mata nila ni Jimin nang makita sya nito, kumaway ito sa kanya na parang na-eewan, pulang-pula na din ang mukha nito dahil sa panunukso ng mga kuya at tatay nya. " A-ang ganda mo.." tila nahihiyang pahabol nito. 

 

 

Parang tanga..      

Natatawa sya sa itsura nito ngayon, ibang-iba sa Jimin na halos ipag-sigawan na crush na crush sya nito kahit na kaharap pa nito ang magulang at mga kuya nya. 

 

 

Hindi alam ni Winter kung paano pigilan ang sarili na wag mamula at ma-apektuhan sa sinabi ni Jimin, basta ang alam nya, nagpigil sya ng paghinga, hindi sya sure kung effective ba yon? Pero sana effective, baka lalo lang sila tuksuhin ng mga kuya nya. 

 

 

Gago ka Jimin, pag ako namatay kasalanan mo! 

 

 

"Kalmahin mo bata, wag mo ipakitang patay na patay ka sa anak ko." napa-irap na lang si Winter ng tapikin ng tatay nya sa balikat si Jimin na halos ika-subsob nito, ngunit wala syang narinig na reklamo dito dahil na din ata sa takot na mapurnada ang lakad nila ay pinilit nitong ngumiti sa tatay nya. 

 

 

"Tay! Ano ba yan, aalis na nga po kami, pareho kayo nila kuya ang lalakas mang-asar." reklamo nya. Naawa na din kasi sya kay Jimin na parang malalamog na sa mga ito. 

 

 

"Oh? San punta nyo? Ang popogi nyo ah." tanong ng Kuya Wilson nya, nakahubad pa ito nang pang-itaas na damit.

 

 

"Mag-date yan sila tol." sagot naman ng kuya Wilfred nya na pilit pinapa-amin si Jimin kung sino ang nagbigay ng suot nitong t-shirt. 

 

 

Nainis lalo si Winter, alam naman ng kuya nya na sya ang may bigay nito kay Jimin noong pasko. Gusto lang talaga nito asarin sila ni Jimin, pakiramdam nya ay konting galaw lang nila ngayon ay bibigyan na agad nang mga ito ng malisya. 

 

 

"Sino magda-date?" 

 

 

"Si Jimin at Winter magd-date?!" 

 

 

Parang mga timang!      

Inis na maktol ni Winter sa isip nya, kaya agad nyang hinawakan ang kamay ni Jimin para yayain na itong umalis, sumunod naman agad ito pero pinigilan din nang kuya Wilson nya. 

 

 

"Luh tangina, gumana na yung gayuma mo Jimin? San mo nabil-aray!" 

 

 

"Isa ka pa! Tara na nga iglot, baka hindi na ako makapag-timpi sa mga tukmol na to!" 

 

 

"O-okay, Tito William alis na po kami ni lalabs, mga kuyas bye!" masayang kaway ni Jimin sa mga kapatid at tatay ni Winter. Kumaway din naman ang mga ito pabalik at naghabilin pa.

 

 

Na may kasamang pagbabanta galing sa mga kapatid nito.

 

 

"Ingatan mo ang Unica hija ko Jimin ha?" paalala ng tatay ni Winter.

 

 

"Ako po bahala tiyo, ibabalik ko po ng buong-buo si lalabs!" sagot naman ni Jimin na nag-salute pa dito. 

 

 

"Wag kayo mag-kikiss, ikaw ang i-wewelding ko dito sa bakuran namin Iglot!" 

 

 

"Opo kuya!" 

 

 

"Okay lang jowa-jowa Jimin, pero ayaw ko pa ng pamangkin!" 

 

 

"Pakyu ka kuya!" 

 

 

Napakamot na lang ng ulo si Jimin ng galit na lumingon si Winter sa kuya Wilfred nito sabay labas ng middle finger na ikinatawa lang ng mga ibang kuya ng dalaga. 

 

 

"Tay pinakyuhan ako ni bunso!" 

 

 

"Takteng date yan, parehong siga, sige enjoy! Sana all!" 

 

 

_____

 

Jimin's Pov

 

 

"Jimin! Sorry na-late ako, wow! Congrats pala, napalambot mo na si Wintot uwu~" 

 

 

"Gago ka ba?" natawa na lang ako ng muntik na ma-kotongan ni lalabs si Max na kaagad din naman umiwas.

 

 

Nako, maliit lang to si lalabs ko pero ang kamay nyan, mabigat pa sa bakal kung maka-hampas. 

 

 

"Sakay na mga pre, hatid ko na kayo sa kanto." yaya ni Max sa amin.

 

 

Nagtatakang tiningnan ako ni lalabs at medyo kinabahan ako ng kumunot ang kilay nya. 

 

 

"Inarkila mo ba to?" tanong nya, sabay turo sa pedicab ni Max. 

 

 

Napa-kamot ako ng ulo bago tumango, medyo malayo kasi ang lalakarin papunta sa kanto kung saan ang sakayan ng jeep, kaya naman inarkila ko na si Max na pedicab driver, kapitbahay lang naman namin sya, para ihatid kami ni lalabs. Sya talaga ang pinili ko kasi ang cute nung pedicab nya, personalized ang loob na may minion designed na paborito ni lalabs, para naman una pa lang eh mag enjoy na sya. 

 

 

"Daming alam Jimin, pwede naman tayo maglakad." naka-hinga naman ako ng maluwag ng makita ko na mukhang nagustuhan naman ni lalabs. Napansin ko kasi na napangiti sya habang iginagala ang paningin sa loob ng pedicab ni Max. 

 

 

"Mainit kasi lalabs, sakay kana." tumayo ako sa tabi ng pedicab para paunahin sumakay si lalabs pero umiling lang sya.

 

 

"Ikaw na mauna." turo nya sa akin, magkatapat na kami ngayon sa tabi ng pinto ng pedicab at nag-uuyuhan kung sino ang mauuna sumakay.

 

 

"Ikaw na lalabs, ladies first." mwestra ko ulit.

 

 

"Babae ka din Jimin baka nakaka-limutan mo?" simangot nya.

 

 

"Pero may-" 

 

 

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan nya agad ang bibig ko gamit ang kamay nya. Sabay tulak sa akin sa tabi para mauna na syang pumasok sa loob. 

 

 

"Bastos! Oo na sasakay na ako-" 

 

 

"Paanong bastos-Ouch! Sorry na." 

 

 

Hindi pa nga ako nakaka-upo ng ayos naka-kurot na agad.

 

 

Mygoodness ang pino mangurot. 

 

 

"Yung first date nyo tapos nalilito kayo kung sino ang magiging gentlewoman kasi pareho kayong siga, ayos ah." narinig kong asar ni Max.

 

 

"Manahimik ka dyan Max, kapag kami na-late, wala kang tip." 

 

 

"Eto naman si Jimin my pards, joke lang." bawi nya agad, at nagmamadali pa nga ang mokong magpatakbo. 

 

 

Tiningnan ko si lalabs sa tabi ko na naka-tingin na din pala sa akin, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya, kaya naman nag-alala na naman ako. Hindi naman namin first time na mag-solo sa gala, pero kasi, iba ito sa mga gala namin dati, date namin to...

 

 

Date namin...         Kinikilig ako boset! 

 

 

Hindi ko lang natanong kung anong klaseng date ba, kagabi pa ako nagiging assumera, pero paano kung mali ako? Baka friendly date lang ang ibig sabihin ni lalabs, kasi diba? Bakit naman sya papayag na makipag-date sa akin? Eh allergic nga sya sa panghaharot ko. Alangan naman mag-bago agad ang isip nya. 

 

 

Jimin wag ka muna maging asado para sure.

 

 

Hay bahala na nga, ang mahalaga mag-enjoy kami. 

 

 

"Baka naman ma-usog ako nyan kaka-titig mo Jimin." may sumilay na nakaka-lokong ngiti sa labi ni lalabs ng asarin nya ako, napatagal na pala ang titig ko sa kanya. 

 

 

Ang ganda nya kasi...parang ang ganda nya lalo ngayon.

 

 

Ako lang ba? Ba't parang may iba kay lalabs?

 

 

Naka-make up ba sya? 

 

 

Wait.

 

 

Naka-make up si lalabs?! 

 

 

Omg, kaya pala parang may nag-iba sa awra nya kanina paglabas nya ng bahay nila. Manipis lang ang make up nya, parang natural lang, pero grabe. Ayoko sabihin ito sa kanya at baka masapak ako, pero lalo syang nag-mukhang baby...

 

 

Baby girl.

 

 

Ay hayop ka Jimin, kumalma ka kung ayaw mo masapok!

 

 

"Ang ganda mo lalabs." wala sa sariling sabi ko. Nawawala na talaga ako sa sarili..

 

 

Crush na crush ko talaga sya Universe! Please baka naman!

 

 

Sabay kami nag-bawi ng tingin, nahiya ako lalo, buti na lang at "Ang ganda mo lalabs" ang lumabas sa bibig ko at hindi "Ang ganda mo baby girl." Malamang, wala pa kami sa kanto, eh may black eye na agad ako galing kay lalabs. 

 

 

"Thank you." 

 

 

Mahina, pero narinig kong sabi ni lalabs sa tabi ko, gusto ko sya lingunin, ang kaso ay kilig na kilig na talaga ako, yung kilig na tipong gusto ko na manapak. Kaya naman pa-simple akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nakakahiya naman kung mangisay ako dito sa kilig diba?

 

 

Mamaya na lang pag-uwi ko,

 

 

Shet! Kawawa na naman ang mga unan ko nito.

 

 

"Alam mo? Maganda ka din naman Jimin-Hoy gagi-!"

 

 

Shet ulit.

 

 

"Ay gagu ka! Anong nangyari?!" gulat na bulalas ni Max na napahinto sa pagpa-padyak sabay silip sa amin sa loob ng pedicab. 

 

 

Napa-kamot na lang ako ng ulo habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko kay Max, at sa harapan ng pedicab nya na may butas, hindi ko pa natatanggal ang paa ko na pinang-sipa ko doon dahil sa pagkabigla sa nangyari. 

 

 

Nanlaki ang mata ni lalabs at Max habang mabilis ko naman inalis ang paa ko sa butas.

 

 

Oo mga kababayan, nasipa ko sa sobrang kilig ang harapan ng pedicab ni Max, dahilan para lumusot ang paa ko doon. 

 

 

Hayop na kilig kasi to!

 

 

"S-sorry Max, mag-uunat sana ako, kaso nalimutan ko na nasa pedicab pala ako. Ayusin ko na lang bukas, sorry pre." palusot ko, pero imbis na mainis ay tinawanan lang ako ni Max na tila walang nangyari, tumuloy pa din sya sa pag-padyak 

 

 

"Unat na may kasamang kilig ba yan?" asar nya.

 

 

Namula ako, narinig ko kasi si lalabs na tumawa din sa tabi ko sabay tapik sa likod ko, pagkatapos ay hinaplos nya...

 

 

Hinaplos nya ang likod ko...

 

 

Aaaaaahhhhhh!!!!! 

 

 

Tangina naman naiiyak na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko! 

 

 

Umayos ako ng upo at huminga ng malalim, ayoko ipahalata kay lalabs na nag-wewelga na ang mga laman loob ko sa kilig kaya naman si Max ang pinag-diskitahan ko. 

 

 

"Tuklapin ko tong mga minion stickers mo dito." banta ko kay Max na huminto naman agad sa pagtawa.

 

 

"Huy gago wag! Hirap na hirap ako idikit yan, ang pikon pikon mo!" maktol nya. 

 

 

"Tama na yan Jimin, tulungan mo yan si Max gawin yang sinipa mo ha?" saway sa akin ni lalabs, nakangiti sya ng nilingon ko sya kaya parang nag-backflip na naman ang mga bulate sa tiyan ko. 

 

 

Kinulang ata ako sa purga ng nanay ko langya.

 

 

"Okay lalabs, tamang-tama kakatapos lang ng election, madaming tarpaulin ng politiko sa mga poste, pwede na yon no?" biro ko. 

 

 

"Ampotek na yan Jimin!" 

 

 

Natawa na lang kami ni lalabs kay Max na todo ungot habang nagpapadyak.

 

 

____

 

Winter's Pov

 

 

"Halika na lalabs." 

 

 

Baba na sana ako kasunod ni Jimin sa pedicab ng mapa-hinto ako dahil sa kamay nya na nakalahad sa tapat ng mukha ko. Napa-iling na lang ako sabay dukot ng 50 pesos sa bulsa ko. 

 

 

Gagong Jimin to, akala ko pa naman arkila nya, ako pala magbabayad, may pa-ladies first, ladies first pa sya dyan na nalalaman.

 

 

"Huh?Ano to lalabs?" kunot noong tanong nya habang hawak ang sikwenta pesos na inilagay ko sa kamay nya. 

 

 

"Bayad kay Max." sagot ko, aktong lalabas na ulit sana ako ng pigilan nya ako. Yumuko pa sya para silipin ako sa loob ng pedicab. 

 

 

"Ha? Hindi, bayad na sya lalabs, binayaran ko na sya in advanced." kunot noong sabi nya, iniabot nya ulit sa akin ang sikwenta pesos na bigay ko. 

 

 

"Eh bakit naka-lahad kasi yang kamay mo? Akala ko tuloy hihingi ka ng pambayad sa akin." simangot ko.

 

 

"Aalalayan kasi kita bumaba lalabs..." namumulang sagot nya. Umiwas din ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay na-nginit din ang mga pisngi ko. 

 

 

Ano bang nangyayari sa akin? Kung dati-dati to baka nahampas ko na si Jimin dahil sa mga pa-andar nya.

 

 

Pero ngayon eto ako..

 

 

Tumitiklop.

 

 

Bulaklak yern?

 

 

"Marunong naman ako bumaba Iglot." sabi ko na lang dahil pareho kaming natahimik. 

 

 

"Ba yan lalabs, dapat ganito ang ginagawa mo kapag may nililigawan ka, be a gentlewoman dapat." sinamaan ko sya ng tingin. 

 

 

Oh diba? Bagay nga ata talaga kami, parehong manhid.

 

 

"Sige sa susunod." inis kong sabi, pero nagulat ako ng harangan nya ako dahil baba na sana ulit ako. 

 

 

"H-hoy joke lang!" pigil nya. 

 

 

Inirapan ko lang sya, kainis tong itlog na to, wag nyang sabihin na hindi pa sya makaramdam, sasapukin ko talaga sya.

 

 

"Para kang ewan, akin na nga yang kamay mo." utos ko sa kanya saka ulit ako umupo sa loob. 

 

 

"Huh?" kunot noong tanong nya sa akin. 

 

 

"Kamay mo sabi ko, ulitin mo." 

 

 

"Alin?" 

 

 

Batukan ko kaya to?

 

 

"Ulitin mo sabi ko, alalayan mo ulit ako." 

 

 

Asan na nga ulit yung maangas na Winter? 

 

 

Ampotek, ma-angas dapat ako eh. Boset na Jimin to. 

 

 

"O-okay.." tumayo na ulit sya sa labas, at inilahad ang kamay nya para alalayan ako.

 

 

Gusto ko matawa sa sarili ko, naninibago ako, nasanay kasi ako na ako ang gumagawa ng ganito sa mga niligawan ko. Kabaligtaran pagdating kay Jimin, hindi naman ako nai-ilang, kasi siguro si Jimin naman to.

 

 

"Salamat Max, mamaya ulit ha? Text kita kapag nandito na kami sa kanto." kaway ni Jimin kay Max.

 

 

"Welcome pre! Enjoy kayo!" paalam din nito at umalis na dahil may nakita itong pasahero. 

 

 

Napa-tingin ako sa kamay namin ni Jimin na magka-hawak. 

 

 

Ampotek, nag-HHWW lang naman kami habang papunta sa pila ng jeep. 

 

 

Sabi ko nga, kung dati nangyari to, baka inasar o inupakan ko na si Iglot. 

 

 

Pero ngayon...

 

 

Hinigpitan ko pa talaga ang pag-hawak sa kamay nya ng makita kong, bibitaw na sana sya dahil nakita nyang nakatingin ako sa mga kamay namin na magka-hawak. 

 

 

Akala nya ata nai-ilang ako. 

 

 

"Tara na, baka ma-late tayo." naka-ngiting yaya ko sa kanya.

 

 

Ngumiti din naman sya ng makita nya na okay lang sa akin ang lahat. 

 

 

Sa dami ng niligawan ko noon, parang hindi pa ata ako nakaramdam ng ganitong excitement. Parang ang natural ko lang kasi ngayon, hindi ko na kailangan magpa-impress kay Jimin. Oo at nag-make up ako para naman may kakaiba sa akin, pero itong mga kinikilos ko, natural, chill lang.

 

 

Dahil siguro alam ko na kahit ano pa ang i-kilos at itsura ko, nakikita ko sa mata nya na parang ang ganda-ganda ko ( saan nga ulit ang angas Winter?). Katulad ngayon, nakangiti syang lumingon sa akin habang naka-pila kami sa paradahan ng jeep. Ipinuwesto nya ako sa harap nya para ako ang mauna sa pila, at sya ang nasa likod ko, habang nakahawak naman ang dalawang kamay nya sa magka-bilang balikat ko.

 

 

"Excited ka na lalabs?" bulong mula sa likod ko. 

 

 

"Oo naman, first date natin eh." 

 

 

Hindi ko napigilan ang matawa ng bigla syang naubo, tinapik-tapik ko pa ang likod nya. 

 

 

"Kalmahin mo Jimin, bawal ka matigok, nag-uumpisa pa lang tayo." dagdag ko pa kaya lalo syang nag-ihit ng ubo. 

 

 

Pinagti-tinginan na kami ng mga tao dito sa pila pero wala akong pake, excited ako ngayong araw kaya kebs.

 

 

___

 

 

"Tapos na ba?" 

 

 

"Hindi pa ata, tegi na ba yung kasama nila?" 

 

 

"Oo ata, aahhh! Potaena ni Ryujin at Yeji-aray ko!" 

 

 

Mabilis na hinawakan ni Jimin ang tagiliran ng kurutin sya doon ni Winter, kahit nasa dilim ay alam nyang masama na ang tingin nito sa kanya. Nagulat kasi sya sa lumabas na multo sa pinapanuod nilang horror movie.

 

 

Hindi naman sila fan ni Winter ng mga horror, ang kaso lang ay hindi nya nakita na katatakutan pala ang papanuorin nila, hindi na sila naka-atras dahil nasa loob na sila ng sinehan at naka-bili na din ng snacks. 

 

 

Itinuloy na lang nila dahil nasayangan sila sa ticket at medyo hindi naman nakakatakot sa una, ang masama ay nung nasa na ito. Sa takot nilang dalawa ay nag-talukbong na sila ng jacket nya na pinagsaluhan nila, halos hindi na sila makanuod ng ayos, dagdagan pa ang mga tili nang ibang mga nanunuod na kasama nila sa loob ng sinehan. 

 

 

"Bakit kasi hindi mo binasa yung nasa ticket! Parang gago naman Jimin!" reklamo naman ni Winter na sa sobrang takot ay hindi na alintana na nakayupyop na si Jimin sa kili-kili nya. 

 

 

"Na-excite ako eh, lalabs ang lamig ng kamay mo."

 

 

"Paanong hindi lalamig? Eh nakakatakot pinapanood natin tapos ang lamig lamig pa dito." 

 

 

"Yakapin kita?" biro ni Jimin.

 

 

Umupo sya ng ayos at tuluyan nang ibinigay ang jacket nya kay Winter na ginamit nilang pang-talukbong. Mabuti na lang at nagdala sya ng jacket, hindi kasi nakapag-dala si Winter na syang mas ginawin sa kanilang dalawa. 

 

 

"Siraulo, i-angat mo na tong nasa pagitan natin, ang lamig!" 

 

 

"Papa-yakap ka lang eh." asar ni Jimin kay Winter kaya naman naka-tikim na naman sya ng mahinang hampas sa braso. Natawa na lang sya bago i-angat ang dantayan sa pagitan nilang dalawa.

 

 

"Parang kanina ka pa naman naka-siksik sa akin, tsansing ka lang." asar pabalik ni Winter, u

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
1234_qwerty
0 points #1
miss ko na agad sila 😭
rinagerie
#2
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#3
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#4
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1163 streak #5
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #7
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#8
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #9
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #10
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂