Chapter L-2

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

Jimin's Pov

 

 

"Ayaw ko dwess ate!" nagmamaktol na sabi ni Saf sa akin.

 

 

Napakamot na lang ako ng ulo dahil umagang umaga nakikipaglaban ako sa isang bote ng toyo ni Saf, ayaw nya daw mag-dress, gusto nya pareho kami ng suot. Ang kaso nga nasa labahan pa ang jogger pants nya dahil mamaya pa ako maglalaba pag uwi namin. Papagurin ko muna kasi sila mag gala sa mall para pag uwi namin tulog sila at makagawa ako ng gawaing bahay na walang nalambitin sa katawan ko.

 

 

Aalis kasi kami ngayon, katulad ng pinangako ko sa kambal, ipapasyal ko sila. Kahit naman busy ako sa kaka-raket, ayoko maramdaman ng mga kapatid ko na napapabayaan ko sila at puro trabaho na lang ako. Kaya may isang araw sa isang linggo na nilalaan ko talaga para sa bonding namin tatlo. 

 

 

"Saf hindi pa nalabhan ni ate yung joggers mo eh, mag dress ka na lang muna. Sa susunod pag may sahod na si ate, bibilhan kita ng tatlong jogger pants pa, para hindi kana mag dress."

 

 

Dalawa lang ang jogger pants nya. Hindi ko naman kasi aakalain na magugustuhan nya ang pants na yun, kaya tig isa lang sila ni Daf, buti na nga lang at ayaw ng kambal nya yung jogger, mas gusto kasi ni Daf yung mga dress. Kikay na kikay talaga itong kambal nya, kabaligtaran ni Saf na short at sando lang ok na.

 

 

Napabuntong hininga na lang ako habang tinitingnan ko ang nakatalikod sa akin na si Saf habang nakaupo kami sa papag nila. Wala syang damit at tanging diaper lang ang suot nya. Mukha tuloy syang stuff toy na maraming bulak sa katawan, dagdag pa yung pulbo nya sa likod na pinaglaruan na naman nya, tapos labas pa mga baby fats.

 

 

Apaka cute! 

 

 

"Saf, sige ka hindi na tayo makakaalis nyan kasi ayaw mo mag-bihis." sabi ko habang tinusok tusok ko ang tagiliran nya.

 

 

"Pwomise bili mo ako ulit ng joggew?" lumingon naman agad sya sa akin habang yakap yakap ang bote ng gatas nya. 

 

 

"Opo, bibilhan ka ni ate. Pero dapat magbihis ka na muna. Para makaalis na tayo, sige ka baka makalipad na nyan si Jollibee hindi na tayo pagbilhan ng chickenjoy." nanlaki ang mata nya ng marinig nya ang sinabi ko at agad agad naman nyang binitawan ang hawak nyang bote ng gatas, sabay taas ng dalawa nyang kamay 

 

 

"Ate jiwm bilis po!" aba loko minadali pa ako.

 

 

Natawa na lang ako, mabilis kong inilusot ang ulo nya sa dress nya at sya na mismo ang natatarantang naghanap ng butas ng manggas nito para ilusot ang mga malulusog nyang braso. 

 

 

"Lesh go na ate! Baka lipad na si jabeeli yung chiwken ko! Daaaaaf maya ka na inom miwlk alis na tayo!" inalog alog naman nya ang binti ng kambal nya na bihis na at nakahiga sa gilid habang busy dumedede ng gatas nya. 

 

 

"No saf, hindi sya lipad kasi liit lang wings nya eh, tapos sya biwggg." ibinuka pa ni Daf yung kamay nya habang nakahiga sa pagpag at chill na chill sa pag dede. 

 

 

Hindi mo talaga mauuto ang batang to. Sa kanilang dalawa, si Daf ang tahimik, papakiramdaman muna nyan ang tao kung gusto nya o hindi, bago sya sumama. Sa mga bagay bagay mabilis din sya maka-pick up, matured sya mag isip sa edad nya kahit magtatatlong taon palang sya, nag oobserve lang sya kaya nag iingat talaga ako sa mga salita at kilos ko kapag nandyan si Daf, kasi akala mo hindi nakikinig pero maya maya may tanong na sya tungkol sa mga narinig nya. 

 

 

"Ate iwan na natin si Daf, buy na lang natin sya pasawubong dali po!" dali dali naman bumaba sa papag si Saf at kinuha ang paborito nyang blue na rubber shoes sa sapatusan nila.

 

 

Buti na lang talaga blue din ang dress nya, kung hindi mukha na naman syang Nips sa dami ng kulay na suot nya. Kahit saan kasi kami pumunta kapag aalis, hindi sya papayag na hindi nya suot yang blue na sapatos nya, kahit nga noong nag swimming kami, nag uumiyak dahil gusto mag sapatos sa dagat. Buti na lang at na-uto ni lalabs. Si lalabs din kasi ang nag-regalo sa kanila nito noong pasko. Kaya ayan, dahil favourite ng kambal si lalabs, pati mga bigay nya favourite din nila.

 

 

"Halika na Daf, mamamalengke tayo, pagkatapos, dadaanan pa natin yung gusto mong lutu lutuan diba?" at ayun na nga ang magic word, mabilis nyang inabot sa akin ang bote ng gatas nya at sumunod sa kambal nya para kunin din ang pink naman nya na rubber shoes. 

 

 

Napailing na lang ako sa kanila habang pinapanuod silang dalawa na nag-kanda gulong gulong na sa sahig para lang maisuot ang sapatos nila. Mukha silang mga bola. Hinahayaan ko kasi sila maging independent, kaya kahit sa maliit na gawain gusto matuto agad sila. 

 

 

"Done na po ate jiwm! Lesh go!" ngumiti ako at lumapit na sa kanila dala ang elsa at ana nila na bag, pagkatapos ay isinuot ko na ito sa kanila. 

 

 

"Gala time! Let's go mga abunjings ko!" hinawakan ko na sila sa magkabilang kamay ko at bumaba na kami ng bahay para pumunta sa mall.

 

 

Sana lang mauna silang mapagod kesa sa akin, may naghihintay pa na tambak na labahan at maduming bahay sa akin pag uwi namin mamaya. Hay... Bahala na nga, ang mahalaga mag enjoy ang dalawang bubwit. 

 

_____

 

Jimin's Pov

 

"Ate jiwm bakit po kami pikit eyes? May supways ka po sa amin?" tanong ni Saf habang buhat ko sila ni Daf at dali dali akong naglakad para lampasan ang toy kingdom na dadaanan namin.

 

 

Nandito na kami sa mall at nag iikot na, ang kaso nakalimutan ko na mali pala ang nadaanan namin at dito kami napadpad sa madadaanan ang malaking tukso sa mga bata. Ang toy kingdom na presyong mapapa-overtime talaga sa trabaho ang mga magulang sa mahal ng mga laruan. Kapag sa akin yan baka yung isang araw na mga raket ko ay presyo na ng isang laruan dito. Paano pa ang dalawa?

 

 

"A-ah oo, sandali pikit lang kayo, pag dumilat wala ng surprise." kunwari na sabi ko, mahirap na, ang budget ko pa naman na panglaruan nila yung sa palengke lang. Baka kape na lang dedehin nila kapag nagturo sila ng laruan dito, jusmiyo kamamahal pa naman. 

 

 

"Lapit na po?" tinakpan na ni Saf ang mata nya gamit ang kamay nya dahil alam nya din sa sarili nya na hindi sya makakatitiis na hindi sumilip.

 

 

Buti na lang. 

 

 

"Oo, eto na...ugh! Ang bigat nyo..open your eyes na." mabilis silang nag bukas ng mata ng maibaba ko sila at ganun na lang ang tuwa nila ng makita nila ang nasa harap nila. 

 

 

"JABEELLIIIIII!!!!!" sigaw nila pareho at excited silang nanakbo para lumapit sa istatwa ni Jollibee. Tawang tawa ako, kasi yumapos pa talaga sila dito at tinawag ako para picturan ko daw silang dalawa.

 

 

"Ate jiwm pitchur po! Baka fly na si jabeeli!" nagtatarantang tawag ni Saf sa akin, nakita ko na natawa yung mga nakarinig sa kapatid ko at tuwang tuwa naman sila na pinanuod ang dalawa.

 

 

Parang gusto ko na tuloy i-audition sa mga commercials ang dalawang to, lagi kasi silang napapansin kapag nalabas kami, maliban kasi sa para silang bola char! busog lusog at bibo kasi ang kambal.

 

 

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko at mabilis silang pinicturan dalawa. Ready na ready naman sila mag pose kasama ang favourite nilang bubuyog. 

 

 

"Ate jiwm jiwm sewlfie po tayo!" yaya sa akin ni Daf. 

 

 

Mabilis ako lumapit sa kanila at inuluhod ko ang isa kong tuhod bago tumalikod kay Jollibee, naramdaman ko na lang ang pagdamba ng dalawa sa likod ko at pagyapos nila sa leeg ko. Nasa magkabilang balikat ko sila at ngiting ngiti sa camera. Wala akong pake kahit pinatitinginan na kami ng mga tao na nadaanan, Bakit ba? Cute naman kaming tatlo. 

 

 

"Ang cute nyo naman magkakapatid." mabilis ako lumingon at nakita ko ang isang matandang babae na nakatingin sa amin at ngumiti. 

 

 

"Kapatid mo sila hindi ba? Narinig ko kasi na tinawag ka na ate eh. Ang swerte naman ng mga magulang nyo sa inyo, close na close kayong tatlo kahit malayo ang agwat ng edad nyo."  sabi nya at nagtago naman ang kambal sa binti ko. Mahiyain ang dalawang to kahit makulit. 

 

 

"Salamat po." ngumiti din ako sa kanya at nagpaalam na sya sa amin. Nahihiyang kumaway naman ang kambal sa matanda na ikinatuwa nito. 

 

 

"Ate jiwm, kain na po tayo chiwkenjoy ?" naramdaman ko na hinihila na ni Saf ang laylayan ng damit ko kaya bago nya pa ulit mapunit ang suot ko na t-shirt ay hinawakan ko na ulit sila sa magkabilang kamay ko para pumasok sa loob ng jollibee. 

 

 

"Tara na, naabutan natin si jollibee bago sya umuwi!" biro ko. 

 

 

"Yey!" 

 

 

 

"Ate gusto ko po ng chiwkenjoy, buwgew, fays, and ice cweam pweaseee..." napakamot na lang ako ng ulo sa request ni Saf ng makahanap na kami ng bakanteng upuan sa loob, buti na lang at may nag offer sa amin na magjowa na tapos na kumain para may maupuan kaming tatlo.

 

 

"Ok po, dito lang kayo ha, wag kayo aalis. Anong gagawin kapag may strangers na lalapit at aalukin kayo na sumama sa kanila?" 

 

 

"Mag scweam po ng help." sagot ni Daf, si Saf naman tango tango lang. 

 

 

Tinuruan ko na kasi sila tungkol dito, mahirap na. Takaw mata pa naman ang mga siopao ko, kahit naman mahirap kami ay naalagaan ko naman sa pagkain ang dalawang to kaya malulusog, akala nga minsan ng iba anak mayaman. Hindi nila alam, isang itlog lang katalo na sa dalawang to basta madaming ang kanin, kahit kaning lamig pa yan basta kanin.

 

 

"Good good, pipila muna si ate para umorder, eto cellphone ko, nuod muna kayo ng Ms Rachel, wag mag aaway ha." paalala ko sa kanila, ipinatong ko na ang cellphone ko sa lamesa at isinandal sa bag nila.

 

 

Hindi ko din kasi sila mailagay sa highchair na pang baby, natakot na sila noong isang beses na halos hindi namin matanggal si Saf sa pagkaka-upo doon, dahil nga sa malulusog nyang legs. Ayan, sa normal chair na lang sila pumapayag umupo. 

 

 

"Alis na ako, tanaw naman kayo ni ate sa counter eh. Sigaw lang kayo kapag may problema ok?" 

 

 

"Ok po ate jiwm." sabay nilang sagot, busy na din kasi silang manuod habang nakain ng biscuit na baon namin pang tawid gutom kapag nagmamaktol na sila.

 

 

Umalis na ako at pumila sa counter, ang haba ng pila kaya malamang matatagal ako dito, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kambal habang nakapila ako. Natatanaw ko sila na nag uusap at minsan at kumakanta kanta pa habang nanunuod. Nakakawala ng pagod, kahit na minsan masakit na ang katawan ko pag nauwi, makita ko lang silang dalawa parang nawawala na yung pagod ko at alalahanin ko sa buhay.

 

 

Malambing din kasi itong kambal, alam nila kapag pagod ako, tatabi sila sa akin pag tulog pero i-mamassage muna nila ako, kahit na nga puro pag-dangan sa likod ang nararamdaman ko, atleast nag eeffort sila. Worth it talaga yung sakit ng katawan ko para sa kanilang dalawa. 

 

 

"Ay ma'am sorry po!" nagulat ako ng may bumunggo na crew sa likod ko kaya agad ako lumingon para tingnan at tulungan sya dahil napaupo na ito sa sahig at nagkalat ang dala nyang orders.

 

 

"Ma'am pasensya na po, hindi ko po nakita yung sign na bagong lampaso po pala. Natapunan po ba kayo?" hingi nya ng tawad sa akin at nag aalala nyang tiningnan ang damit ko ng maitayo ko na sya.

 

 

"Hindi, wala naman, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ko kasi ang lakas ng pagkakabagsak nya. 

 

 

"O-opo. Pasesnya na po ulit." hingi nya ulit ng pasensya.

 

 

"Hindi ok lang. Ingat ka sa susunod ha." tutulungan ko pa sana sya na maglinis ng pigilan nya ako.

 

 

May dalawang lalaki naman na ka-crew nya ang lumapit sa kanya at tinulungan sya mag linis. Nakita ko yung bata sa tabi na nakatingin sa natapon na ice cream kaya napangiti ako. Kitang kita ko yung panghihinayang nya. Baka kung yung kambal to, umiyak na sila kahit hindi naman namin order ang natapon.

 

 

Nilingon ko ang kambal kung saan ko sila iniwan, at ganun na lang ang kaba ko ng makita ko na si Daf na lang ang nandoon, iginala ko ang mata ko sa paligid habang patakbong lumapit sa lamesa namin para hanapin si Saf. Sinilip ko pa ang ilalim ng lamesa pero wala sya.

 

 

"D-daf! Nasaan si Saf?" natataranta ko na tanong kay Daf na nanlaki ang mata ng makita nya na wala sa tabi nya ang kambal nya. 

 

 

"Hindi ko po alam a-ate.." sagot nya at nakita ko na nangilid na ang luha nya. 

 

 

Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang cellphone ko at ang bag ng kambal , tsaka ko binuhat si Daf, tinanong ko ang katabi na tao sa lamesa namin na nakain na dito ng dumating kami kung napansin nya ba ang isa sa kambal, sinabi nya na tumayo daw si Saf para pumunta sa counter. Akala daw nya eh pupuntahan ako. 

 

 

Takot na takot ako pumunta sa guard sa may entrance para itanong kung may lumabas ba na batang babae na naka-blue na dress, pero wala daw sya napansin. Naiiyak na ako sa takot na baka kung ano na nangyari sa kapatid ko, pero nilakasan ko na lang ang loob ko. Ibinigay ko ang number ko sa guard at nagpatulong ako na hanapin si Saf sa loob ng jollibee, habang kami naman ni Daf ay lumabas para pumunta sa security para ireport agad ang nangyari. Ang kinakatakot ko kasi mailabas ng mall si Saf. 

 

 

"A-ate, h-hanap natin si saf , ayoko po wala si Saf..." umiiyak na si Daf habang karga ko, at ganun na lang din ang pag pigil ko ng luha ko dahil kapag nakita ako ni Daf na umiyak mas lalo syang matatakot.

 

 

Nay, Tay, tulong po, alam ko marami akong pagkukulang sa mga kapatid ko, pero parang awa nyo na po, tulungan nyo po ako mahanap si Saf, pangako po, kung pwedeng tripleng pag aalaga gagawin ko, wag nyo lang po syang hayaang mawala sa amin ni Daf, hindi ko po kakayanin...      

Hindi ko na alam ang ginagawa ko, para na akong lumilipad sa hangin sa sobrang takot. Kung ano ano ng senaryo ang pumapasok sa isip ko. Nagsisimula na din ako magalit sa sarili ko.

 

 

Sana pala hindi ko na lang sila iniwan.

 

 

Sana pala sinama ko na lang sila sa counter, edi sana hindi nangyari to.      

Sobra yung panginginig ng katawan ko, hindi ko na halos alam kung paano kami nakarating sa security office at naireport na nawawala si Saf. Agad naman nila sinabihan ang mga guards sa entrance at exit para hindi makalabas si Saf. Pero hindi pa din ako mapakali kaya iniwan ko ulit ang number ko sa kanila at sinabi ko na iikot ulit kami para hanapin si Saf. 

 

 

Saf, nasaan ka na ba? Please bumalik ka na...nag aalala na si ate..        

Mabilis ako na naglakad kung saan nawala si Saf at inikot ikot ko ng walang kapaguran ang buong lugar, hindi ko na halos alintana ang bigat ni Daf na karga karga ko. Ayoko sya bitawan, natatakot ako na baka pati sya mawala sa akin. Hindi na baling sumakit ang likod ko, mahanap ko lang ang kapatid ko. 

 

 

Napahinto ako ng marinig ko na umiyak si Daf sa balikat ko, malamang ay nag aalala na din sya sa kambal nya. Kahit naman lagi syang inaasar ni Saf hinding hindi talaga sila mapapaghiwalay dalawa. 

 

 

"Ate jiwm, saan na po si S-saf?" hinalikan ko sya sa noo at pinahid ang luha nya. 

 

 

"Hahanapin ni ate si Saf ok? Tahan na baby, hindi tayo uuwi na wala  ang kambal mo. Promise yan." humihikbi syang tumango at sumiksik na sa leeg ko. 

 

 

Kailangan ko lakasan ang loob ko para sa mga kapatid ko. Kailangan ko mahanap si Saf. Hindi ako papayag na uuwi ako na wala ang isa sa kambal. 

 

 

Hahanapin ka ni ate Saf...         Sorry baby, pangako, hindi ka na ulit iiwan ni ate.          _______    

Winter's Pov

 

 

"Tangina nila...bwiset!" galit na galit ko pinahid ang luha sa mata at pisngi ko bago ako sumalampak ng upo sa tagong parte ng foodcourt. 

 

 

"Ang panget naman nya! Hindi hamak naman na mas makinis ako sa kanya tapos lolokohin nya lang ako?! Kapal ng mukha-" 

 

 

"Ate Winteww..." 

 

 

Napatigil ako sa paglalabas ng hinanakit ng parang may pamilyar na boses ako na narinig, agad agad ako lumingon sa paligid pero wala akong nakita.

 

 

Bakit parang narinig ko ang kambal?

 

 

"Ate...aym scawed..." nagulat ako ng paglingon ko ulit sa kanan ko ay nakita ko si Saf na nahihilaman na ng luha ang mukha at pawis pawisan. 

 

 

"Saf!" agad agad akong tumayo at nilapitan sya, kinarga ko na din sya at muling akong umupo sa pwesto ko para kalungin sya. Ramdam ko ang takot nya dahil yumakap agad sya sa akin at isiniksik nya ang mukha nya sa dibdib ko tsaka sya umiyak ng malakas. 

 

 

Lumingon ako sa paligid para hanapin si Jimin at ang kambal nya pero wala akong nakita. Kinabahan ako.

 

 

"Sshhh tahan na , nandito na si ate winter, safe ka na baby..tahan na.."  niyakap ko sya ng mahigpit at hinagod hagod sa likod. Kumuha ako ng tissue na nakalagay sa lamesa at pinunasan ko agad ang ulo nya na pawisan at ang mukha nya na puro luha. Kinapa ko din ang likod nya dahil nag aalala ako na matuyuan sya ng pawis, basang basa na kasi ang ulo nya. Nakahinga ako ng maluwag may makapa ako na towel sa likod nya at pulbo. 

 

 

"Saf? Anong ginagawa mo mag isa dito? Nasaan si ate Jimin mo at ang kambal mo?" nagtataka ko na tanong. Pero parang alam ko na ang nanyari dahil hindi naman to iiyak ng ganito kung nandito lang si Jimin.

 

 

"Nawala ka ba?"  marahan ko na tanong sa kanya at hiwakan ko sya sa pisngi. Nadurog ang puso ko ng humikbi sya at tumango bago nya ulit isiniksik ang mukha nya sa dibdib ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buo nyang katawan, tiningnan ko kung a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
1234_qwerty
0 points #1
miss ko na agad sila 😭
rinagerie
#2
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#3
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#4
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1163 streak #5
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #7
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#8
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #9
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #10
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂