Chapter T-8

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter
Note: Promoted ba yung story ko? Hindi ako makapaniwala 😭 salamat sa inyong lahat na nagvotes,subs and comments, first story ko to, alam ko na kulang kulang pa pero Thank you so much talaga 🤧🍂🧡. 

 

Winter's Pov

 

Apat na buwan na halos ang nakakalipas simula nang tumira si Karina dito sa amin, halos nakasanayan na rin nya ang simpleng pamumuhay, tila sa araw-araw ay nakikilala namin ang isa't isa at higit sa lahat, nakakasanayan ko na din na nandito sya, kaya hindi ko alam ang mararamdaman ng bigla syang nagsabi na pinababalik sya ng Lolo nya sa Maynila dahil may kailangan daw asikasuhin sa kumpanya nila. Nalimutan ko na future ceo nga pla ang asawa ko. Masyado ata ako nasasanay na makita syang tumulong kay Lolo mag tanim, mangahoy, at tumulong dito sa tuhog tuhog namin.

 

"Mahal..."

 

HIndi ko sya pinapansin habang tinitiklop ko ang ilang damit na dadalhin nya, konti lang naman ito dahil may damit pa naman daw sya dun. Isang linggo lang naman sya sa Maynila. Mabilis lang naman yon di ba? 

 

"Mahal hindi na lang ako babalik ng Manila " nag angat ako ng tingin sa kanya, nakatayo na sya sa harap ko, kanina pa nya kasi ako pinipilit na sumama, umupo sya sa kama katabi ko at isa-isang nilabas ang mga damit na naipasok ko na sa loob ng bag nya.

 

Napailing ako, at marahang pinalo ko ang kamay nya "Isang linggo ka lang naman dun eh" binawi ko ang mga damit na inalis nya at ibinalik ko ito sa loob.

 

Wala na syang nagawa at pinanuod na lang ako hanggang sa matapos sa ginagawa ko, nang matapos ay isinara ko na ito at ibinaba ang bag nya sa gilid ng kama namin at hinarap sya, nagmamaktol parin ang bata.

 

"Next time promise, sasama na ako"

 

Tampong tampo talaga sya oh

 

Hindi sya umimik, hindi rin sya tumingin sa akin, 

 

"Karina..." tawag ko dahil hindi nya parin ako pinapansin, nakakunot lang ang noo nya na nakatingin sa kobre kama namin.

 

Sige nga kung matitiis mo na ako..

 

"Mahal.." 

 

Oh diba!

 

Rupok din eh

 

Parang hindi nagtampo, yumuko at nagpipigil na ng ngiti nya, natawa ako, dahilan para tumingin ulit sya sa kin ng seryoso. Para kaming shunga na nagtitigan hanggang sa nag-buntong hininga na sya at humiga sa kandungan ko patagilid, sinubsob nya ang mukha nya sa tyan ko, pagkatapos ay tumihaya din, inalis ko ang iilang buhok na humarang sa mukha nya. Ang ganda ng asawa ko..

 

Kita ko yung lungkot ng mata nya pero kasi. Sorry mahal...

 

"I'm sorry...naiintindihan ko naman na hindi ka makakasama, It's just that, I'll miss you." niyakap na nya ako sa bewang, siniksik nya ulit ang mukha nya sa tyan ko.

 

Hindi kasi ako makakasama dahil inarkila ng isang debutante dito sa amin ang ihaw ihaw cart namin, hindi ko naman pwedeng hayaan na si Ryujin at si Nanay lang dahil malaking selebrasyon iyon maraming tao ang kakain, hindi na pwede si lola at matanda na. Kung hindi lang ako nakaka-oo noon ay sasama talaga ako sa kanya, ang kaso nga ay biglaan din syang pinatawag ng Lolo nya, kung kelan umoo na ako sa magulang ng debuntante.

 

"Matulog ka na at maaga ka pa luluwas bukas" inayos ko na ang kumot namin, marahan ko syang tinapik sa balikat ,humiga na sya sa tabi ko, nakaharap na kami sa isa't isa. 

 

"Hindi mo ba ako mamimiss?" ang nguso talaga parang pato na, natawa ako at tinusok ang nunal nya malapit sa labi. 

 

Hmp ganda !

 

Ngumiti ako at lumapit sa kanya, ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nya, naramdaman ko din na hinapit nya ako sa bewang at iniunan sa ulo ko ang braso nya. Isa pa ito sa nagbago sa amin, hindi na ako tumatanggi, hinahayaan ko na kung ano ang gusto ng puso ko. 

 

"Mamimiss, pero babalik ka naman diba?"  babalik naman sya diba? Hindi naman sya katulad ng tat-

 

"Sayo lang naman ako uuwi mahal ko "

 

Hihintayin kita...

 

____________

 

 

"Alam mo besh? kung hindi lang masarap mga tinda mo, wala ng bibili sayo, bakit nag tataray te? "  nandito na naman si ningning, nung sinabi ko na tambay na sya, talagang uuwi na lang yan para matulog at maligo sa kanila, dito na rin yan nakain, may dala dala narin ulam yan minsan para daw hindi nakakahiya makitambay. Pero ok na rin dahil may katulong ako dito, ang galing umechos ng bumibili, sanay na sanay sa business.

 

"3 days na lang besh uuwi na asawa mo, tsk ano ba yan winter?! mas mataray ka pala kapag walang dili- " hinampas ko agad sya ng abaniko na hawak ko bago nya maituloy ang sasabihin nya, siraulo talaga apaka bastos!

 

"Ouch! masakit ha!" angal nya, inirapan ko lang sya at nagtuloy sa pagpapa baga ng uling.

 

"Bunganga mo kasi baka may makarinig!" namula ako kaya umiwas ako ng tingin. Bwiset yung imahinasyon ko na naman! Alis alis

 

GASSSPPP

 

"Shemay besh! Sinuko mo na talaga ang Pearl of the Orient?! NAKAKAIYAK OMG BESHIE IM SO PROUD OF YOU! MAGIGING NINAN-" binusalan ko na sya ng hotdog sa bibig para manahimik, nakakahiya talaga sya jusko! 

 

"Pwe! Shuta ka besh! hilaw pa yan! tska hindi ko bet ang hakdog please" maarteng reklamo nya pero idinarecho din naman nya sa ihawan ang hotdog na isinubo ko sa kanya, langya! utang na naman to.

 

"Pero besh bumiga-" hindi nya ulit natuloy dahil tinakpan ko na ang bibig nya gamit ang kamay ko, mahirap na baka maubos paninda ko sa kakasubo ko sa kanya, apaka daldal pa naman.

 

"Wala nangyari bwiset ka! bunganga mo marinig ka ng mga kapitbahay nating mga marites! tska bakit ba lagi yan inuusisa mo?!" inalis nya ang kamay ko sa bibig nya at ngumit ngiti pa. Lukaret talaga! 

 

"Eh kasi excited na ako maging ninang, first inaanak ko yan pag nagkataon, pero wag ka mag alala besh, willing to wait naman si ninang" sumasakit ang ulo ko kay ning jusme.

 

"Heh! manahimik ka nga dyan! utang na naman yan ha" turo ko sa hotdog na inii

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 84: authorrr napanood ko yung si karina nagluluto ng pancake tapos binaligtad nya tapos nahulog ganun yung naiimagine ko kung pano sya magluto 😭😭
Karinaenjoyerrr 0 points #2
Chapter 84: Hayss goal ko talaga to yung household full of love 💙
Kelllorente
0 points #3
Chapter 84: buti na lang 7months ng buntis si Winter sa K.A. kundi baka ano pa maisip ko. Napakabait na bata ni Khio the best ate talaga.
yujiwinteo
57 streak 0 points #4
Chapter 84: Iba talaga ang babies who grew up in a household full of love 😭 we luv yew ate Khio!
winjeongsimp 0 points #5
Chapter 84: grabe kaba ko habang binabasa ko yun, hays buti na lang talaga at ligtas si winter at ang mga little dinosaurs. super bait at maalagain talaga ni mochi, napaka swerte ng magulang niya at ng mga kapatid niya 🥺💙
arkiminjeong
0 points #6
Chapter 84: Grabe yung panlalamig ng kamay ko. Natigil ako sa pagkain kasi parang hindi na ako makalunok. Masyado akong nadala sa eksena. Damang dama ko yung bigat. Ang OA ko lang. Buti okay na. Huhuhu.

Khio babyyy... the sweetest! most green flag baby. 😭😭😭♥️
Jaeeeeee_
201 streak 0 points #7
Chapter 84: Naka 6k words ka! Feeling ko talaga bibitinin mo to eh 🤣

Lahat naman tayo nakaranas madapa at msugatan nung bata pa pero nung si Mochi na. Bakit naiiyak ako. Okay lang yan bebelabs di ka naman magkakapeklat eh. Si Mimi na bahala diyan 🤣 pero if ever nga magkapeklat siya parang iyayabang niya pa yan eh. Parang trophy.

Lagi na lang may nangyayari sa mag-iina mo Karina kapag wala ka. Oras na yata para mag resign ka hahahahahaha

Sobrang bait na ni Khio dito. Bawas bawasan naman natin baka kunin eh HAHAHA
dork_seulgi_k
865 streak 0 points #8
Chapter 84: yung kaba ko shet huhuhu
Coleeee 0 points #9
Chapter 84: This is before Khio got bullied sa school and Winter had another pregnancy scare noh? No wonder Karina reacted like that dun sa nanay nung bully.
yowyowminji
0 points #10
Chapter 84: Gagi ing emosyon ko sa chapter na to please parang ganito oh 📈📉📈📉📈📉📈📉