Chapter T-37

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"Nasaan na si Karina?" tanong ko kay Ryujin ng sya lang ang makita ko na umakyat sa bahay. 

 

 

"Sinisibak pa yung kahoy na natira na panggatong insan, susunod daw sya." sagot nito at umupo na sa tapat ko sa lamesa. 

 

 

Alas syete na ng umaga at mag uumagahan na kami. Isang linggo na din ang nakakalipas simula ng buksan ulit namin ang ihawan. Sobrang daming costumers ngayon, nagulat din ako sa pagdasa ng bumibili, pati taga ibang barangay ay nadayo dito sa amin. Namiss daw nila ang tuhog tuhog namin. Halos ilang buwan din kasi kami hindi nakapagbukas dito sa bahay simula ng manganak ako. 

 

 

"Puntahan mo na nga yon insan, ako ang napapagod sa asawa mo eh, grabe lang magtrabaho, ganun ba pag ceo? Kailangan tapusin agad ang trabaho?" 

 

 

Kahit ako din, ako yung napapagod sa schedule ni Karina lalo nitong mga nakaraang araw dahil bukas na ang ihawan, sya ang kasama ni Ryujin sa pamamimili sa palengke ng ibang sangkap sa pagtitinda dahil may delivery na kami ng laman loob ng baboy at manok na dinadala na dito mismo sa bahay. 

 

 

Kaya lang ay halos wala syang tulog sa mag-damag dahil ayaw nya pumayag na ako lang ang mag aasikaso kay Khio sa madaling araw. Ang kaso nga alas tres kailangan na din nila umalis para mamili. Pag uwi pa nila, trabaho ulit, magdedeliver pa sila ng paninda namin sa bayan.

 

 

Pinipilit ko sya matulog sa tanghali, pero tila may hinahabol na kota ata itong asawa ko, malingat lang ako sandali, yung laptop naman nya ang hawak nya at nagtatrabaho naman sa kumpanya. 

 

 

"Mahal!" tawag ko sa kanya ng sumilip ako sa bintana. Napailing na lang ako ng makita ko na wala sya sa sibakan ng kahoy. Nakahilera na din ang mga sinibak nya at malinis na. 

 

 

Saan na naman kaya nag suot yon?

 

 

"Mahal! Nasaan ka? Kakain na!" tawag ko ulit sa kanya.

 

 

Maya-maya pa ay nakita ko na sya na nananakbo galing sa kural. Dala ang balde na pinaglalagyan ng feeds para sa pagkain ng baboy.

 

 

"I'm here mahal, akyat na ako. Pinakain ko lang yung baboy." sagot nya.

 

 

"Bilisan mo, lalamig ang pagkain." 

 

 

"ok po!" 

 

 

"Ryujin pupunta ba si Yeji?" tanong ko kay Ryujin ng makabalik na ako sa hapag.

 

 

"Oo, tatambay yun dito." sagot nya habang kagat kagat ang ulo ng tuyo na ulam namin.

 

 

"Pwede ba na kayo muna magbantay ng ihawan? Papatulugin ko muna si Karina. Halos walang tulog yon kagabi, ala una na natulog si Khio."  pakiusap ko kay Ryujin na tumango tango naman agad.

 

 

"Oo naman insan, pagpahingahin mo nga yang asawa mo. Nakalimutan ko pa lang sabihin sayo, kanina sa palengke nahilo yan. Siguro ay sa pagod nga. Kaya hayaan mo insan, kaya na namin ni jowabels yung ihawan." 

 

 

"Thank you Ryu." 

 

 

Lalo tuloy ako kinabahan, ngayon pa naman na madalas sumakit ang ulo nya at alam ko na dahil sa kakapuyat yon, ayoko naman na lagi syang uminom ng gamot dahil masama din sa kidney nya. Ang tigas din kasi ng ulo, ganitong ganito sya sa kumpanya nila eh. Madaling araw na halos umuwi dahil sa mga reports na tinatapos. Pero iba naman kasi ngayon, pati katawan nya pagod. Tapos hindi pa sya nakakatulog ng maayos dahil gising nga si Khio sa gabi. 

 

 

"Salamat Ryu." 

 

 

Napagpasyahan ko na din talaga, sa ayaw at sa gusto nya bago kami umuwi sa mansyon sa ikalawa, ipapacheck ko muna sya. Ayoko isawalang bahala ang nararamdaman nya. Maganda na yung naaagapan agad. 

 

 

"Hi mahal." naramdaman ko na lang ang pag halik ni Karina sa pisngi ko. Pagkatapos ay dumaretso naman sya sa kuna ni Khio na nasa sala at humalik dito. 

 

 

"Good morning love." bati nya sa tulog na si Khio.

 

 

"Kumain ka na, tapos matulog ka, pupunta si Yeji dito mamaya. Sila na muna ang bahala ni Ryujin sa ihawan." sabi ko at umupo na ako para kumain. 

 

 

Lihim ko na nakita na sinenyasan nya si Ryujin at ngumuso naman si Ryujin sa akin, kunwari ay busy ako magsandok ng kanin sa pinggan ni Karina. Malamang ay yung tungkol sa pagkahilo nya sa palengke. Ayaw na ayaw pa naman ni Karina kapag ganito. Kasi alam nya na malilintikan talaga sya sa akin. 

 

 

"Oo sinabi na sa akin ni Ryujin ang nangyare sa palengke, ang tigas ng ulo mo." sersyosong sabi ko, nakita ko na mabilis na napayuko si Ryujin at tahimik na kumain.

 

 

Naiinis ako kay Karina. Minsan tuloy hinihiling ko na lang na kahit isang araw lang tamarin naman sya, sobra magtrabaho, lalo na kapag nakikita ko na sumasakit ang ulo nya, akala nya ata hindi ko maamoy yung katinko na pinapahid nya.

 

 

"Sorry mahal, matutulog na ako promise." humalik sya sa balikat ko at kinabig ako sa tagiliran. "Wag ka na magalit please, matutulog na talaga ako. Sorry na." napabuntong hininga na lang ako. 

 

 

"Siguraduhin mo lang talaga." tahimik ko na sagot. Ayoko kasi na pagalitan pa sya, nakakahiya kay Ryujin at nasa hapag kami. Pero kung kami lang talagang dalawa, ratatat talaga aabutin nya sa akin. 

 

 

"Opo, sorry.." 

 

 

________

 

Winter's Pov

 

 

At tuluyan na ngang buminggo ang magaling ko na asawa sa akin, kanina ko pa sya hindi pinapansin at kanina pa din sya patingin tingin sa akin at nakikiramdam habang inaayos nya yung gatong sa nakasalang na talyase na paglulutuan ng kangkong na pakain sa baboy. Hindi na din sya nagtangkang lambing lambingin ako dahil nakatikim talaga sya ng mala-armalite ko na sermon kanina. Alam nya na seryoso na yung galit ko at hindi na ako madadaan sa pagpapa-cute nya. 

 

 

"Hayaan mo couz, tabi na lang tayo matulog kay Gigi sa kwarto nya mamayang gabi. Para may kayakap ka naman kapag nilamig ka."  narinig ko na sabi ni Yeji kay Karina. 

 

 

"Ouch!" daing ni nito. "Yung dyaryo na lang sana pinukpok mo! Bao ng niyog talaga? Galit na galit yan?" 

 

 

"This is all your fault! Doon ka matulog sa living room mamaya, kami lang ni Gigi sa room nya." 

 

 

"Bakit ako? Ikaw dyan sumali sali sa amin eh." 

 

 

"Pinilit nyo ako e." 

 

 

"Excuse me?! Ikaw kaya dyan! nagulat na lang kami ni baby nakapasok ka na sa game." 

 

 

"Nag send kaya kayo ng link ng invitation sa gc! akala mo dyan, dun ka matulog sa living room." 

 

 

"Ah ganon? WINTER-" 

 

 

"SHUT UP! Galit na nga eh!" 

 

 

"Under- titigil na nga! Parang hindi pinsan eh, baba mo nga yang kahoy! May pako yan, potek na to, apaka pikon." 

 

 

Lihim na lang ako na napailing sa dalawang mag pinsan. Nagsisihan pa, pareho naman silang matigas ang ulo. Yung isa pasimuno sa kalokohan, yung isa naman ang bilis mauto. 

 

 

Pero si Ryujin talaga ang mastermind nito, jusmiyo.

 

 

Hindi naman talaga ako bungangera dahil hindi naman mahirap kausap si Karina, sobrang malumanay kausap ng asawa ko, ikaw na ang mahihiyang magbunganga kahit na nga minsan ay talagang umaandar ang pagiging isip bata nya at hindi na nakikinig. Pero kanina talaga napuno na ako, parang lahat ata ng dugo sa katawan ko napunta na sa ulo ko sa sobrang inis at pag aalala sa kanya. Wala na akong pake na magising si Khio na kakatulog lang ng makita ko pag silip ko ng bintana kung ano ang ginagawa ni Karina sa baba imbis na magpahinga.

 

 

Noong sinabi ko kay Ryujin na sila na muna ni Yeji ang tumao sa ihawan at hahayaan ko muna matulog si Karina ay pumasok na kami mag anak sa kwarto bandang alas dose ng tanghali pagkatapos namin na maihanda ang mga paninda at magbubukas na ang ihawan. Kaya na si Ryujin at Yeji ang mag asikaso doon.

 

 

Nagmamadali na nga kami kanina at nagmumuryot na si Khio dahil inaantok na at gusto na dumede, at itong si Karina kusot na ng kusot ng mata nya, isa sa palatandaan ko na masakit na naman ang ulo nya.

 

 

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ay nilinisan ko na agad si Khio at pinadede, buti na lang at antok talaga sya kaya pumayag na nakahiga lang kami mag nanay habang nadede sya sa akin. Nakatagilid ako habang pinapadede ko sya, sa likod ko naman ay si Karina na nakahiga na din at nakayakap sa akin. Panatag naman ako na tulog na sya, at dahil puyat din ako ay napagpasyahan ko muna umidlip din kahit isang oras lang dahil magtitiklop pa ako ng mga damit namin. 

 

 

Kaya ganoon na lang ang pagtataka ko ng magising ako na wala si Karina sa tabi ko. 12:30 pagtingin ko sa orasan, kalahating oras pa lang simula ng makatulog kami. Pumikit ulit ako pero hindi na ako nakatulog dahil nagtataka ako na ang tagal bumalik ni Karina. Naghintay ako hanggang sampung minuto at walang Karina na bumalik sa kwarto kaya dahan dahan ako tumayo at inayos ko ang pagkakahiga ni Khio. Nang masigurado ko na mahimbing na ang tulog nya ay dumungaw ako sa bintana para silipin kung bumaba ba si Karina, dahil tanaw naman dito ang ihawan. 

 

 

Pagka silip ko sa bintana ay ganon na lang ang inis ko ng makita ko silang tatlo, kasama nya sina Ryujin at Yeji na naka-earphones at panay ang dutdot sa cellphone nila. Tumigil lang si Ryujin ng may bumili pero yung dalawa hala sige sa dutdot.

 

 

Sa inis ko, sumigaw talaga ako para tawagin si Karina, at dahil nga naka-earphone sya hindi nya ako narinig, pero si Ryujin ang gulat na gulat na lumingon sa akin sabay hila ng earphone ni Karina na nagtataka na tumingin sa kanya. Nanlalaki ang mata ni Ryujin sa takot na itinuro ako sa bintana. 

 

 

At sa taranta ni Karina ng makita ako, ayon, muntik pa madapa sa pagtakbo para umakyat pabalik sa bahay. Ilang minuto ko ata syang nasermunan ng makapasok sya sa kwarto habang ini-hehele ko ang nagising na si Khio. Hindi nya tuloy alam kung matutulog ba sya o makikinig sa sermon ko. At buti nalang mas pinili nya ang una dahil gigil na gigil ako sa kanya.

 

 

Pag gising nya hindi ko na sya pinapansin, alam din nya ang kasalanan nya kaya tahimik lang sya. At para syang inapi na tuta kapag nagtatama ang mata namin. Panay na nga ang pagsakit ng ulo sa puyat at imbis na matulog kanina, nakipag laro pa ng online games sa dalawa. Hindi na napahinga ang mata nya. 

 

 

Pinapayagan ko naman na sya maglaro ulit, dahil naawa naman ako kapag naglalaro yung dalawa tapos sya hindi makasali dahil nagagalit nga ako. Pero wag lang ngayon dahil nag aalala na ako sa kanya. Kulang na kulang na sya sa tulog. 

 

 

"Mahal?" mahinang tawag nya sa akin. Naramdaman ko din na umupo sya sa tabi ko sa papag habang pinapadede ko si Khio. Hindi ako kumikibo, nakatingin lang ako kay Khio habang hinahamplos hamplos ko ang buhok nito. 

 

 

Hay anak, kamukhang kamuka ka ng mommy mo, please lang wag mo na manahin pagiging sutil nya, puputi ng maaga ang buhok ni nanay kapag nagkataon.        

"Mahal? Sorry na, kasalanan ko, nag aalala ka na sa akin tapos hindi pa ako nakinig. S-sorry na please...mahal..."  mahinang sabi sa akin ni Karina sa tabi ko. Siguro ay nag iingat din sya na hindi marinig ni Yeji. Lumapit lang kasi sya sa akin ng tumulong na sa Yeji kay Ryujin sa ihawan.

 

 

Alam ko na kanina pa sya bumubwelo para kausapin ako, ang kaso nga busy sila ni Yeji magpa-apoy ng lulutuan ng pakain sa baboy. Kanina pa din sya inaasar ng pinsan nya dahil nga hindi makalapit sa akin. Hindi na talaga ako nagtataka bakit lagi nakakatikim ng kutos itong si Yeji sa asawa ko e. Ang sutil. 

 

 

"M-mahal..." nagulat ako ng marinig ko na suminghot singhot na sya sa tabi ko. Kaya nag angat na ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa kanya, pinunasan nya kasi yung luha sa mukha nya gamit ang kamay nya na puro uling galing sa kahoy na panggatong , kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 84: ito talaga problema ng mga mababaw luha e, grabe lang iyak ko kay Khio, thank you sa super bait na ate Khio namin kahit napuno na ng sugat yung paa pati tuhod 😭😭 loveyou mochi
jaangwaang
895 streak 0 points #2
Chapter 84: Buti na lang talaga andyan ka ate khio abunjing ko 🤧🤧
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #3
Chapter 84: Buti naman at safe si naynay at ang mga little dinotors. Buti na lang din at nandoon si ate khio, natulungan si naynay.

Napaka brave and strong mo ate khio, nakaka proud ka. Talagang napalaki ka ng tama ni naynay at mimi. Keep it up ate khio, para sa safe delivery ng mga wittew dinotors niyo.

Buti na lang talaga at hindi ka nag cliffhanger 'tor, kung hindi marami talagang huhunting sayo, kasama na ako roon.😅 Thank you po ☺.
Etoile__
351 streak 0 points #4
Chapter 84: grabe yung pa-kaba nakakalagut hininga 😫
tipsylesbi 0 points #5
Chapter 84: grabe sobrang mature ni khio to comfort her mommy 😭 nakakaiyak yung pag mamahal nila sa isa’t-isa. Ang nerve wrecking din ng aksidente ni winter, hindi ko maimagine kung pano umiyak si mochi. Kudos sayo author, another emotional roller coaster ride na naman hahaha thank you sa pa comedy niyo sa dulo 😂🫶
Eybrelros 0 points #6
Chapter 84: Tuwang tuwa ako kase 6k words. Ang kaso nakakanginig mag scroll kung gantong kalahatian yung inis iyak at pagod ko naghalo halo. Grabe naman yon nasaktan nanaman ang mochi naten tapos ang naynay at triplets nakakatakot 😭
Mabuti nalang ligtas na sila kung hindi papasabugin ko yung Cr na yon eh 😠💣 ingat na ingat tayo sa mochi masusugatan lang sa ganung paraan haaaayyy awit memorable ang peklat nya kung magkakaron man🤦‍♂️
dandileon 0 points #7
Chapter 84: Chapter 84: Ito pala ang dahilan kung bakit hindi sinabi ni Khio yung ginagawa sa kanya ng batang demon sa school. Poor mochi 🥺
aegiminjeong
0 points #8
Chapter 84: authorrr napanood ko yung si karina nagluluto ng pancake tapos binaligtad nya tapos nahulog ganun yung naiimagine ko kung pano sya magluto 😭😭
Karinaenjoyerrr 0 points #9
Chapter 84: Hayss goal ko talaga to yung household full of love 💙
Kelllorente
0 points #10
Chapter 84: buti na lang 7months ng buntis si Winter sa K.A. kundi baka ano pa maisip ko. Napakabait na bata ni Khio the best ate talaga.