Chapter T-5

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter
Winter's Pov  

         4:15 na rin ng madalaling araw ng makauwi kami galing palengke. Medyo ok naman na ako, hinayaan ko na rin dahil kung magpapa-apekto ako sa sinasabi ng ibang tao, liliit lang ang mundo ko. Ang mahalaga, alam ko sa sarili ko na hindi ako nakakasakit o nakakatapak  ng ibang tao.

 

"Magsi-kain muna kayo ng almusal dito" narinig ko agad ang boses ni nanay pagkaakyat namin ng bahay.

 

"Hala parine na kayo at lalamig ang pagkain"  tawag naman ni lola sa amin at umupo sa tabi ni lolo.

 

           Si nanay naman ay naghahain na, dumating na rin pala sila. Mukhang may uwing ulam, batchoy,! paborito ko!

 

          Eto kasi unang niluluto ng mga tao kapag sa handaan,para makahigop ng sabaw ang mga tumulong sa pagkakatay ng baboy at nag gayat ng mga sangkap na gagamitin.

 

          Uso ito sa probinsya namin, may kusa ang mga tao, hindi mo na kailangan mag tawag ng tutulong kapag mga ganitong okasyon, kusang tutulong ang mga tao lalo na ang matatanda. Hindi mo kailangan mag bayad, ayos na yung pakainin mo sila pagkatapos. Tradisyon na kasi ito  dito.

 

           Mabilis ako lumapit kila lolo at lola at nag mano, kasunod ko si Ryujin at Karina na nagmano din. Narinig ko pa nga si lola na pinuri puri na ang ganda ni Karina at kinamusta ito.

 

Hay sana all na lang sinasabihan ng maganda araw araw.

 

Lumapit ako kay nanay sa kusina at nag mano rin.

 

"Oh winter anak, kamusta? nandito na pala si Karina." sabi ni nanay at kinuha ang sinandok na kanin, kinuha ko naman ang pitsel ng tubig at mga baso.

 

"Ayos naman po, ang aga namin nakaubos ng paninda kagabi nay, hindi ko nga po alam kung matutuwa po ba ako na dahil kay karina kung bakit naubos agad"  naghihimutok pa rin ako dahil kahapon. Mga Lalaki nga naman

 

           Narinig ko na natawa si nanay "Hayaan mo at wag ka na magselos dyan. Ikaw naman ang asawa, wala na silang magagawa kundi tingnan na lang si karina na lambing labingin ka sa ihawan" may pang aasar sa boses ni nanay

 

Aba nanay! 

 

Namula ako

 

"H-hindi naman po ako nagseselos" mahina kong sagot at napanguso, nakita ko si nanay na may nakakalokong ngiti.

 

"Oh sige winter sabi mo eh"

 

haynako! Pati si nanay inaasar na ako!

 

           Eto kasing si karina, apaka harot! kung saan saan na lang talaga abutan ng kaharutan ! 

 

           Nakita nya kasi isang beses na yakap yakap ako ni karina sa likod habang nag iihaw ako. Pinipilit nya kasi ako na sumama sa kanya noon para manuod ng sine, kasi daw may bagong labas yung Marvel movie daw ewan ko ba dun, hindi ko nga alam yun, Mga superheroes daw yun, eh si Darna lang naman ang kilala ko na super hero. Tska pala si Lastikman.

 

"Dalhin mo na yan doon at nang makakain na tayo, aalis pa ang mga lolo mo para gumapas, susunod na ako" kinuha ko ang pitsel at ilang baso.

 

Napatayo si karina ng makita nyang madami ang dala ko, sinalubong nya ako, at kinuha ang pitsel at yung ibang baso.

 

"Here, let me help you, may kailangan pa bang kunin sa kusina?" tanong nya habang kinukuha ang hawak ko. 

 

Ngumiti sya sakin.

Ang ganda nya talaga, parang hindi minumuta sa umaga.

"Wala na, salamat.  Kumain ka na at aalis pa kayo" 

 

Susunod na sana ako sa kanya ng may bumulong sa tabi ko.

 

"Sana all nalang winter yieee " si nanay na naman!  

 

        Naku Ryujin! Pati sila nanay tinuturuan ng kalokohan, narinig ko pa nga isang beses si lolo na sumagot ng "Ok lods!" kay lola! 

 

Sira ulo talaga tong si Ryujin.

 

           Napapikit ako, pakiramdam ko araw araw ko na mararanasan yung ganito dahil dito na titira si karina.

 

           Nilapag ni Karina ang mga bitbit nya at lumapit kay nanay para mag mano, ang tamis ng ngiti ni nanay parang sya naman yung kinilig at hindi ako.

 

Ah talaga ba winter?

 

Hmp

 

         Pagkatapos ay umupo na rin sya sa tabi ko. Nasa dulo nakaupo si lolo, katabi nya si lola na nasa kanan nya ang katabi ni lola at si nanay. Sa kaliwa ni lolo si Ryujin, ako tapos si karina. 

 

Nag simula na kami kumain ng magtanong si lola.

 

            "Vicente ,isasama mo ba talaga si karina sa bukid? Baka naman mapaano ang bata doon." tanong ni lola halatang nag aalala din para kay karina. 

 

Kagabi ko pa iniisip talaga yan

 

            Ang hirap kaya gumapas, nasubukan ko yan bago ako mapilayan. Grabe sobrang init, ang sakit sa likod dahil nakayuko ka talaga para gapasin ang mga palay, sobrang kati pa ng dayami lalo na pag uwi at mag huhugas ka ng katawan. Halos umiyak nga kami ni Ryujin nung una, naawa na ata sila nanay sa amin noon dahil mangiyak ngiyak kami habang naliligo sa poso, kaya yung sukang tuba namin e, ipinaligo na lang sa amin para matanggal ang kati.

 

Kami nga na sanay sa bukid nahirapan si karina pa na alagang alaga ng lolo nya. 

 

"Oo nga itay, hindi sya sanay sa gawain dun"  segunda rin ni nanay 

 

"Excuse po" mahinang bulong ni karina, lihim ako napangiti

 

Nung sinabi ko na matigas din ulo ni karina , totoo yon

 

"Ayos lang naman po sa akin, tska po gusto ko po talaga. Kaya ko naman po, Promise po makikinig po ako kay lolo para hindi po ako mapahamak" 

 

Parang batang nagmamakaawa si karina, akala mo sa perya lang punta. Good luck na lang talaga sa kanya.

 

"Oh ayan hindi ako ang nagsabi" turo ni lolo kila lola at nanay "Sya ang may gusto, hindi ako" Si karina naman parang tuta na tango ng tango sa sinasabi ni lolo kila nanay at lola, yung mata nya nagmamakaawa pa rin.

 

Narinig ko ang mahinang tawa ni Ryujin sa tabi ko, palihim ko pinalo ang hita nya. 

 

"Wag kayo mag alala lola at nanay, ako na ang bahala kay pinsan, hindi mapapahamak to!" proud pang ngiti ni Ryujin

 

Yari tayo dyan.

 

"Bakit parang mas lalo ako kinabahan?" sabi ni lola at umiling iling pa, ganun na rin si nanay at nagpatuloy kumain 

 

Umakto pa na humawak sa dibdib nya si Ryujin at animo nasaktan sa narinig.

 

"Grabe kayo sa akin, ang sakit nyo na talaga" pag ddrama pa nya.

 

Natawa ako, apaka oa talaga .

 

"Sinasabi ko sayo Ryujin, wag mong isasama sa kalokohan mo si karina kung ayaw mong ikaw pag bantayin ko ng pakwanan." banta ni lola sa kanya.

 

Napakamot ng ulo si Ryujin.

 

        May maliit kasi na kubo sa gitna ng taniman ng pakwan namin, may aso doon si bruno, kasama ng nagbabantay doon, si lolo ang madalas tumao at matulog sa kubo para magbantay ng tanim , marami kasing taga ibang lugar na nang nenenok ng tanim palibhasa paani na.

 

Panakot nila lola ito kay Ryujin lalo na't nakakagawa ito ng kalokohon minsan.

 

"Opo, ako nga po bahala sa kanya" nakangusong sagot nito

 

Bumuntong hininga si lola

 

"Oh sige, basta mag iingat ka apo, kapag pagod ka na ay wag pilitin ang sarili ha" malumanay na paalala ni lola kay karina.

 

Tinignan ko si karina na todo ngiti, napailing ako. Sana nakangiti ka parin mamaya pag uwi mo karina.

 

Kailangan ko na ata

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
895 streak 0 points #1
Chapter 84: Buti na lang talaga andyan ka ate khio abunjing ko 🤧🤧
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #2
Chapter 84: Buti naman at safe si naynay at ang mga little dinotors. Buti na lang din at nandoon si ate khio, natulungan si naynay.

Napaka brave and strong mo ate khio, nakaka proud ka. Talagang napalaki ka ng tama ni naynay at mimi. Keep it up ate khio, para sa safe delivery ng mga wittew dinotors niyo.

Buti na lang talaga at hindi ka nag cliffhanger 'tor, kung hindi marami talagang huhunting sayo, kasama na ako roon.😅 Thank you po ☺.
Etoile__
351 streak 0 points #3
Chapter 84: grabe yung pa-kaba nakakalagut hininga 😫
tipsylesbi 0 points #4
Chapter 84: grabe sobrang mature ni khio to comfort her mommy 😭 nakakaiyak yung pag mamahal nila sa isa’t-isa. Ang nerve wrecking din ng aksidente ni winter, hindi ko maimagine kung pano umiyak si mochi. Kudos sayo author, another emotional roller coaster ride na naman hahaha thank you sa pa comedy niyo sa dulo 😂🫶
Eybrelros 0 points #5
Chapter 84: Tuwang tuwa ako kase 6k words. Ang kaso nakakanginig mag scroll kung gantong kalahatian yung inis iyak at pagod ko naghalo halo. Grabe naman yon nasaktan nanaman ang mochi naten tapos ang naynay at triplets nakakatakot 😭
Mabuti nalang ligtas na sila kung hindi papasabugin ko yung Cr na yon eh 😠💣 ingat na ingat tayo sa mochi masusugatan lang sa ganung paraan haaaayyy awit memorable ang peklat nya kung magkakaron man🤦‍♂️
dandileon 0 points #6
Chapter 84: Chapter 84: Ito pala ang dahilan kung bakit hindi sinabi ni Khio yung ginagawa sa kanya ng batang demon sa school. Poor mochi 🥺
aegiminjeong
0 points #7
Chapter 84: authorrr napanood ko yung si karina nagluluto ng pancake tapos binaligtad nya tapos nahulog ganun yung naiimagine ko kung pano sya magluto 😭😭
Karinaenjoyerrr 0 points #8
Chapter 84: Hayss goal ko talaga to yung household full of love 💙
Kelllorente
0 points #9
Chapter 84: buti na lang 7months ng buntis si Winter sa K.A. kundi baka ano pa maisip ko. Napakabait na bata ni Khio the best ate talaga.
yujiwinteo
57 streak 0 points #10
Chapter 84: Iba talaga ang babies who grew up in a household full of love 😭 we luv yew ate Khio!