Gusto mong i-wazzuuum kita?

Please Subscribe to read further chapters

Description

Journey ni Irene Balagtas na out of nowhere biglang nagkaroon ng superpowers. 

Foreword

What if nagkaroon ka ng superpowers pero taga Pilipinas ka? Dagdag mo pa na hindi naman Earth 616 o 838 yung mundo niyo, kumbaga walang avengers, x-men, illuminati, o justice league. 

 

Eto pa pala ang isang phenomena, 

 

ako ay ikaw.

 

Wait, nakakalito yung statement. 

 

Ulit ulit.



I mean, si Irene Balagtas. Normal at boring na buhay ang meron ka. Galing ka rin sa typical filipino family na puro chismis, kalokohan, awayan sa lupa, at overall over dramatic na kamag anak. Pero

 

P-E-R-O

 

Ikaw din si Irene Balagtas na ayaw na pinapa komplikado ang sitwasyon. Kumbaga ultra mega brain moments every time. Wais kasi matalas ang sentido kumon. In short, hindi ka tanga-tanga lang. 



Isa pa ngang pero.



Pero paano ka nga ba nagkaroon ng superpowers? 

 

Ay wait, sige, tukuyin ko na yung sarili ko. Sarili ko naman talaga yung kausap ko dito sa journal o diary o memoir o basta libro ko. As if may makakabukas nito.

 

Nilagyan ko to ng malupitang lock na di ko rin alam paano ko nagawa.

 

 

 Okay so balik sa pero ko.

 

 

Nagka superpowers ako hindi gaya ng mga typical na sikat na series or movies. Or baka may kagaya nga pero so far wala pa akong nalalaman na katulad ko ng way.

 

No, hindi ako nakagat ng gagamba o ng kahit anong insekto.

 

Hindi rin ako pinag eksperimentuhan dahil hindi yon uso sa pinas. Wala ring cosmic energy na ironically inabsorb ng katawan ko. Hindi rin ako nagkaroon ng contact sa infinity stones kasi wala naman yon dito. At hindi rin ako well-trained assassin o weapon ng private underground organization. Lastly, hindi ako natamaan ng kidlat o bulalakaw. Wala ring espesyal na out of this world history ang pamilya namin

 

Nakuha ko lang to one random day. Niyaya ako ng magaling kong pinsan slash(/) bestfriend na si Jennie para samahan siya na pumunta sa isang game ng soccer ball.

 

Una sa lahat, hindi ako mahilig sa sports lalo na sa soccer. Mukhang tanga lang sila na nag aagawan ng bola. 

 

Hindi naman nangyari yon during the game, after lang. Nung papauwi na kami. Dumaan kasi muna ako sa locker room. Ako rin naman yung dahilan kasi naiwan ko don yung libro ko na may nakaipit na 100 pesos. Na short kasi kami sa budget balak pa naming dumaan sa tusok-tusok bago umuwi talaga mismo. Plus wala na rin akong pamasahe. 

 

Pagbukas ko ng pintuan kasabay non yung pagbunggo sa akin ng isang tumatakbong tao galing sa isang portal na bukas. Glowing na kulay blue at parang hindi tugma yung appearance sa matter ng hallway kaya nasabi kong portal.

 

Speaking of nasabi.

 

Nasabi ko na ba na may open wounds ako non gawa ng pintuang tumama sa akin at pagtama sa akin ng ballpen na pinapatunog tunog ko?

Matalas pa man din yung ballpen dahil Gtech. 

 

So ayun nangyari, duguan yung taong walang hiyang bumunggo sa akin. Open wounds ko at dahil nga napahiga kaming dalawa at maraming dugo sakanya. Natalsikan ako nito, as in napunta pa yung iba sa mga sugat ko.

 

Masyadong mabilis ang nangyari. Bigla na lang nawala ulit yung bumunggo sa akin. Dahil nga malas ako, kahit na dumadaing pa ako sa sakit naapakan naman ako nung humahabol sakanya. Sa tiyan, putangina. Buti sana kung may abs eh kaso tabs ang meron ako so malambot lambot.

 

Lalo akong namilipit sa sakit.



Huli na nung dumating si Jennie. Wala na yung dalawang naghahabulan. Ang natira sa eksena ay ang kawawang si ako at ilang sirang lockers at yung pintuan.

 

Mas pinili kong magmadaling umuwi. Dahil baka mapagbintangan pa ako. Umaasa akong bibigyan ako ng hustisya ng cctv camera don pero dahil nga nasa kuripot na paaralan ako nag aaral, forda display lang ang cctvs. 

Buti na lang makapal yung hoody ko na nakatago sa locker. Kulay red pa kaya natakpan at hindi halata yung dugo nung hayop na yon.

 

Iika-ika akong naglalakad habang si Jennie panay tadtad sa akin ng tanong. It was a weird feeling. Hilong hilo ako pero rinig ko yung hysterical na pagtatanong niya. Ang lagkit lagkit pa nung ibang parte ng katawan ko dahil sa dugo.

 

Putanginang araw yun. Napaka gago gusto ko lang naman kumuha ng pera para makapag foodtrip. Minsan na nga lang lumabas na hindi para pumasok sa klase naganito pa.

 

Ngunit,

 

subalit,

 

datapwat,

 

Ang dapat sisihin ay yung bumangga sa akin at siyempre yung tumapak rin sa akin na humahabol sakanya.

 

Sino ba yung bigla biglang nag ttravel sa kung ano mang universe, reality, space, time, o bansa pa yan. Ang naalala ko lang babae yung bumangga sa akin at babae rin yung humahabol sakaniya. Nakasuot sila ng silver attire akala mo cinocosplay nila yung disco ball. Imbes na matakot ako, pagtataka yung nanaig sa sistema ko. Shutang suot naman kasi yan.  Ano to comedy? Patawa lang?

 

Malinaw sa memorya ko yung boses niya. Bago siya umalis, imbes na mag sorry ang sinabi ba naman ay isang malutong na "Get the out".

 

Leche. Punyeta. 21st century na pero mattrace pa rin yung pagmirror ng nakaraan sa present in some ways.Tulad ng nangyari. Bilang isang Filipino, naputaragis ang buhay ko dahil sa isang english person. Paano ko nalamang english siya? Through accent, dami ko ba namang napanood na movies at series sa HBO, Netflix, at Disney+ ewan ko na lang.

 

Medyo kalmado pa ako sa pag iinform niyan pero grabeng pagmumura na ang nasabi ko. To the point na naubusan na ako ng mga masasamang mga words na kaya kong i-blurt out.

 

Mga putangina.

 

Hindi na kami nag food trip at umuwi na lang. Si Jennie hinatid ako hanggang sa loob ng kwarto. Panay dada parin buti na lang at hindi na tumagal tinulungan na lang akong maglinis at gamot ng sugat. Malaking sugat sa kanang braso, hiwa sa kaliwang hita, galos sa bandang kanang noo, sa baba ko rin may gasgas, balikat at likod na cuts rin. Tangina parang nakipagbardagulan ako tapos ako yung umuwing talunan. Pinilit pa ako ni Jennie na pumunta sa hospital kaso tumanggi ako. Una sa lahat, ano na lang sasabihin ng magulang at mga kapatid ko? Swerte ko lang nga kahit papaano dahil wala sila sa bahay, hindi ko kasi kakayaning umisip ng matino-tinong excuse kung sakali.

 

 Later that day, at night (malamang later that day na nga). My body felt so strange. Like really strange. Parang may kung anong nangyayari sa katawan ko. Even though iba sa pakiramdam hindi naman in a masama na way. Nakatulog naman ako nang mahimbing.

 

Sobrang himbing hindi ko aakalain na after ng araw na yon sobrang nakakastress, frustrate, pagod, irita, gago, lungkot, at komplikado na ng buhay ko.

 

Ewan ko ba, putangina buti sana kung may avengers or x-men man lang sa earth na to edi okay pa may mga makakarelate sa akin tapos mag guide din kaso parang wala naman. Or di ko lang alam? Wala naman kasing binabalitang ganon dito plus wala ding alien attacks eme na nangyayari puro lang chismis sa buhay ng mga celebrities, pagtaas ng bilihin, at typical news sa mga krimen like pagnanakaw etc. Kaya for sure baka sabihin sa akin ng mga tao na diablo ako o lamang lupa. 

 

Bahala na. 

 

Kung ano mang code name ang maisip ko.

 

 

Basta, ako to si Irene Balagtas. Hindi ko sure kung taga pag ligtas o yung ililigtas. 

 

 

'Nako ewan ko na lang talaga.

user459174826274193
Work on-hold.

Comments

You must be logged in to comment
lisamalabon
#1
Chapter 2: ANG ASTIG OMG BITIN DIN
_m3owrene
1023 streak #2
Angggg Coooool!
kang_ddeul
#3
Chapter 2: woahhh excitingggg 😍
chaeng03 #4
Chapter 2: Do bong soon is dat you???
howdoyouknowmee
533 streak #5
For the power naman pala hahaha upvoted!