P#*+!%XNA!!

Gusto mong i-wazzuuum kita?
Please Subscribe to read the full chapter

"Irene nasaan ka na ba? Shuta ka beh bilisan mo nasa gate na ako ng school mag sisismula na yung game-"

 

Bungad na sita sa akin ni Jennie pagka sagot ko ng tawag niya. Kakasakay ko pa lang kasi ng tricycle dahil late na ako naka alis ng bahay. Nahirapan kasi akong isuot yung jeans ko na luma. Paano ba naman kasi yung ibang pantalon ko na bago nasa marumihan pa o suot suot ng magaling kong kapatid. Yung mas bata pero halos mas matangkad na sa akin nang onti.

 

Kaya ayun mala suman ang peg ko today. Sikip sikip buti na lang nagawan ko ng paraan para di bumukas yung zipper. Ginamit ko yung napanood ko sa tiktok na hack eme using yung bilog na bakal sa keychain tas kinabit ko sa zipper at butones pang sara para di bumukas.

 

"Wait, wait eto na nga malapit na yung tricycle okay? Bye na stay foot ka lang diyan." sabi ko 

habang dinudukot sa bulsa yung singkwentang nahablot ko lang sa harapan ng tv namin kanina sa bahay. Napaka mahal pa naman ng singil ng tricycle dito sa amin. Hindi pa ako naka uniform at di ko rin dala yung I.D ko so di applicable yung student discount. 30 pesos tuloy yung ibabayad ko. 

 

Hindi kasi ako nagdadala ng sling bag kasi wala ako non. May tiwala ako sa dalawa kong kamay na kayang bitbitin ang maraming bagay tulad ngayon hawak ko yung selpon at panyo ko sa iisang kamay.

 

"Diyan na lang po sa tabi." turo ko sa driver sa bandang gate. Kita ko na ang nakabusangot na si Jennie.

 

Inabot na sa akin yung sukli kong bente nung driver kaya naglakad na ako papalapit sa nakapamewang na babae sa harap ko with matching taas ng kilay pa.

 

Syempre hindi ako magpapatalo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Battle of the rising eyebrows na'to.

 

" Tara na, bagal mo girl masyadong makafilipino time" irap nito sabay hatak sa akin papasok ng gate.

 

Dire-diretso lang kami papunta sa bleachers bandang lower na upper lang sa may gilid. Bakit sa gilid at hindi sa gitna? Kasi hindi naman talaga soccer game yung pinunta namin dito. Pinunta namin dito yung pagsilay nitong magaling kong bestfriend.

 

At ito pa ha, hindi soccer player yung sinisilayan niya. Kundi ay isang water girl. Ewan ko ba anong trip nito sa buhay medyo questioning mga type niya pero di nalang ako magtalk kasi never naman ako nagka gusto sa isang tao na hindi artista o fictional character.

 

"Maayos ba itsura ko beh? Ganda ko ba today? Masyado atang nakabuhaghag hair ko what if itali ko kaya? Anong satingin mo?" sunod na sunod na tanong ng katabi ko pagkaupong pagkaupo namin.

 

" Okay nayan mukha ka ng tao- ARAY naman" reklamo ko dito nang hamapsin ako ng pamaypay niyang bilog na may logo pa ng school namin.

 

"Keri lang ba kasi?" 

 

" Oo keri yan." 

 

Nagsimula na yung game dahil rinig ko yung pito nung referee at hiyawan nung mga nasa gitnang audience. Ako nag cecellphone lang tamang tingin ng mga memes sa twitter at facebook. Habang itong katabi ko panay titig sa water girl minsan may niyayaya akong magselfie pero kita sa likod yung watergirl. I know ikacrop niya lang yon mamaya.

 

" Matagal pa ba? Nauuhaw na ako. " tanong ko habang nagcclear ng cache and junk files eme sa cellphone. 

 

" Malapit na atang matapos, di ko rin gets di naman ako nanonood. Tara hingi tayong tubig sa bebe ko" yaya niya habang nagsusuklay ng buhok.

 

Anong hihingi ng tubig don? Di ba pag water girl doon lang sa mga players yung pagbibigyan nila ng water? Di naman ata kasali sa water budget ang audience.

 

" Sure ka bibigyan tayo? Nakakahiya ano ka ba hindi naman tayo soccer player"  iling ko. 

 

" Samahan mo na ako dali ako bahala."

 

So gagawa nanaman to ng kahihiyan. At damay na naman ako. Well, mabuting pinsan at bestfriend ako so hayaan na.

 

" Ako mag sasalita ha, oh-em-ji eto na yon beh feel ko talaga hihingin na niya number ko." pag aasyumera nito habang pababa kami ng hagdan papunta sa bebe daw niya.

 

" Go lang support kita basta hingi mo rin ako yung malamig lamig sana na medyo may yelo pa." 

 

Nang makalapit kami biglang natameme si ate mo Jennie.

 

" Huy yan na oh humingi ka na tuyot na lalamunan ko." bulong ko dito at bahagyang tinulak.

 

Narinig kong nagbuntong hininga siya bago maglakad papunta sa water girl. Sinundan ko rin to nang onti para marinig yung pag uusap nila. For sure tatanungin ako nito kung okay lang ba yung usapan nila or what.

 

Paglapit namin sabay nito yung pito ng referee ba yon. Hindi ko talaga alam. Pero nung nilingon ko parang break time ata nila.

 

Patay na, sasabay tong mga to sa paghingi ng tubig for sure again.

 

" Hi Rosé" pabebeng bati ni Jennie.

 

" Uhh Hello?" medyo nagtatakang bati nung isa.

 

Tangina ang awkward naman, bakit naman kasi binati gamit agad yung name. Masyadong halata no filterism talaga tong isang to.

 

"I'm Jennie nga pala we're here to get water sana" 

 

"Hello Jennie, sorry but this is exclusively for the team-"

 

Ouch. Pain. Pighati. Kalungkutan. Pagdadalamhati. At iba pa.

 

" Ah- Uhm ganon ba oka-"

 

" Hey, I know her- Jennie right?" biglang may umeksenang lalaking soccer player.

 

Pawisan pa di manlang nagpunas buti nalang walang amoy. Sabagay ongoing yung game or sadyang maarte lang ako. O ayaw ko talaga sa mga lalaki.

 

" Yes? How did you know me?" taray englishera mode on.

 

" Oh we're from the same chemistry class, here take it." inaabot nito yung bote ng tubig kay Jennie.

 

Mukhang dumadamoves.

 

" No, it's okay we'll buy nalang sa cafeteria." 

 

Boi di yan gagana, ayaw din nito sa lalaki.

 

"Oh you nee

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
user459174826274193
Work on-hold.

Comments

You must be logged in to comment
lisamalabon
#1
Chapter 2: ANG ASTIG OMG BITIN DIN
_m3owrene
#2
Angggg Coooool!
kang_ddeul
#3
Chapter 2: woahhh excitingggg 😍
chaeng03 #4
Chapter 2: Do bong soon is dat you???
howdoyouknowmee
552 streak #5
For the power naman pala hahaha upvoted!