So, ano na?

Gusto mong i-wazzuuum kita?
Please Subscribe to read the full chapter

"IRENE GUMISING KA NA BAKIT NAKALOCK TONG PINTO? KARINA NASAN NA YUNG SUSI ITONG BATANG TO KABAGAL KUMILOS."

 

"Ma, umagang umaga highblood ka na agad kalmahan mo lang hinahanap ko pa yung susi baka nadala ni ate."

 

Kinusot kusot ko yung mata ko at nag inat-inat. Gumulong gulo pa ako sa kama. Sobrang sarap ng tulog ko. Pero yung panaginip ko mukhang tanga lang. Nabangga daw ako ng disco ball na tao tapos nahulog ako sa may pintuan. Take note duguan pa ako ha dahil sa dami ng sugat.

 

"IRENE ANO NA? BANGON BANGON DIN, NAKO KARINA IKAW NA ANG GUMISING SA ATE MO MAMALENGKE PA AKO."

 

" Okay po' ma ingat po."

 

"Nako magkakawrinkles ako sainyong magkakapatid kayo ewan ko ba sayo Hernesto, manang mana sayo yang mga anak natin blah blah blah" 

 

Unti-unting humina ang mga boses hanggang sa hindi ko na marinig yung pagbubunganga ng nanay ko. 

 

Sanay na ako diyan kay Mathilda. Almusal namin ay pagbubunganga niya. Ayun ata ang number one hobby niya. Tipong hindi makukumpleto yung araw niya kapag di siya nag bubunganga.

 

Nagstretch ulit ako ng katawan at dumilat na. Tinignan ko yung orasan ko dito sa kwarto na galing sa mercury drugs. 9 am pa lang pala, hindi naman sobrang late. Last week kaya 3 pm na ako gumising dahil sa kakalaro ng valorant.

 

Habang inaangkla ko yung braso ko sa may gilid ng kama sa dulo para tumayo nang bigla akong nakarinig ng katok kaya syempre nagulat ako.

Napadiin yung hawak ko sa may kahoy at imbes na makatayo ako napatagilid pa dahil sa biglang bumagsak to.

 

" Ate lagot ka kay mama lumabas ka na jan kagabi ka pa nagkukulong sa kwarto, ikaw pa naman yung maghuhugas ng pinggan natambak na."

 

, .

 

Narinig ko yung tunog ng susi kaya nagmamadali akong pumunta sa may pintuan para pigilan siyang buksan to.

 

"Hoy ate buksan mo to lagot ka talaga kapag nadatnan nila mama yung hugasin." kinatok niya ulit yung pintuan.

 

" Wait lang kasi nagbibihis ako, okay?"

 

"K, bahala ka talaga pag nagfliptop na naman yon."

 

Narinig ko na siyang umalis. Hoo!

 

Dahan dahan akong lumapit sa parte ng kama kong lumundo kanina.

 

Luh siya?

 

Paano nasira to? 

 

Wasak yung kahoy amp.

 

Takang taka kong pinagmasdan yung pagkasira nung kahoy.

Wala namang anay na butas butas? Baka ibang insekto. Consequences siguro ng hindi ko pag linis ng kwarto every month. Patay na naman ako kay Mathilda.

 

Napasabunot ako sa buhok ko. Shutanism.

Ang ganda ng gising ko nasira agad.

 

Lumingon lingon ako sa kwarto para hanapin yung cellphone ko. Hindi ko kasi nakapa kanina sa kama nung gumulong gulong ako. Baka nasa drawer, sana lang hindi lowbat.

 

Kamot kamot ang ulo nagpunta na ako sa cr para maghilamos. Pagharap ko sa may salamin sa sink binuksan ko na yung gripo at naghilamos at mumog na. Kinuha ko na yung toothbrush ko at nilagyan to ng toothpaste. Habang nagsisipilyo gamit ang kanang kamay kinamot ko yung tiyan ko kasi trip ko lang.



Eh?



Teka nga.

 

Bakit ang tigas?

 

Napatigil ako sa pagsisipilyo kinapa kapa yung tiyan ko.

 

Luh gago?

 

Lubaklubak?

 

Kahit nasa bibig ko pa yung toothbrush agad agad kong hinubad yung tshirt ko.

 

Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa salamin.

 

Anak ng juice?????

 

Tinitigan kong mabuti yung salamin. 

Hinawakan ko pa para makasigurado.

 

Yung lubaklubak na nahawakan ko kanina sa tiyan ko ay abs.

 

GAGO BAKIT AKO MAY ABS?

 

I mean it's a good thing kasi gusto ko naman talaga mag ka pandesal pero cake yung tiyan ko dahil sa sobrang tamad ko magworkout.

Napansin ko rin yung mga band-aid, bulak, at bandages sa katawan ko. Inalis ko naman to isa-isa dahil wala namang tinatakpan. 

 

Bakit ba ako meron nito? Sayang lang wala namang bakas ng dugo. Mahal pa naman tong mga to.

 

Tinapos ko na yung pagttoothbrush ko at saglitang facial wash at daliang nanakbo para magbihis ng damit. Kinuha ko na rin yung cellphone kong nasa drawer pala.

 

Pagkabukas na bukas ko tinawagan ko agad si Jennie.

 

Hindi pa nakakadalawang ring sumagot agad ang gaga.

 

" Ire-"

 

"JENNIE MAY ABS AKO GAGO."

 

" ARAY ANG LAKAS NG BOSES MO"

 

"Ay sorry naman, nasaan ka? Gago may abs na ako promise di ko alam kung paano nangyari. Baka favorite na ako bigla ni lord." pagkukwento ko dito habang kinakapa pa yung abs ko.

 

Matagal ko na tong pinangarap. Mamaya nga mag mimirror shot ako at ipopost ko sa instagram.

 

" Anong abs ? Gaga ayos ka na ba? Yung mga sugat mo?"

 

Luh? Pinagsasabi nito?

 

" Huy nandiyan ka pa ba? Papunta na ako diyan may pinapadala ding leche flan si mama favorite daw to ni Karina." rinig kong sabi nito sa kabilang linya.

 

" Wala naman akong sugat duh lutang ka ba?" 

Sinuot ko na yung bagong tshirt na kinuha ko sa cabinet.

 

"Nagka amnesia ka ba? WAIT DI MO PA NAKUKWENTO KUNG ANONG NANGYARI KAHAPON." sigaw nito sakin.

 

" Anong meron kahapon?" tanong ko.

 

Kinakabahan na ako. Kung totoong nagka sugat ako that explains kung bakit may kung anek anek nakakabit sa katawan ko kanina.

 

Saglit nga lang muna.

 

" Kahapon nakita kitang nakahandusay sa pintuan na sira sa locker room, napakadami mo pang sugat tapos may umuusok pa sayo non, umuwi na tayo diyan sa bahay niyo kasi ayaw mo mag pahospital plus di-"

 

Nabitawan ko yung cellphone ko.

 

Unti unti ako napa nga nga sa reyalisasyon ko.

 

TANGINA TOTOO YUNG PANAGINIP KO?

 

SHET SHET.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
user459174826274193
Work on-hold.

Comments

You must be logged in to comment
lisamalabon
#1
Chapter 2: ANG ASTIG OMG BITIN DIN
_m3owrene
#2
Angggg Coooool!
kang_ddeul
#3
Chapter 2: woahhh excitingggg 😍
chaeng03 #4
Chapter 2: Do bong soon is dat you???
howdoyouknowmee
549 streak #5
For the power naman pala hahaha upvoted!