Chapter 2

Close To Me
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

* * * * *

Hindi ko alam kung anong oras siya umalis. Pagkagising ko kasi ay wala na siya sa tabi ko. May  almusal narin na nakahanda sa mesa, pero kahit good morning text wala ako natanggap galing sa kanya.

Napabuntong hininga ako at kinain ang inihanda niyang almusal. Nang matapos ay hinugasan ko ang kinainan ko. Napatingin rin ako sa alaga kong pusa, binuhat ko siya at dinala sa tulugan niya. Nilagyan ko rin siya ng cat food at dinagdagan ang kanyang litter sand.

Nang matapos ay umalis na ako sa condo at agad na sumakay sa jeep. Ito ang unang beses na nauna siyang pumasok. Usually kasi nagsasabay kami, pero hindi kami magkatabi. Ayokong mailang siya sakin, lalo na sa titig ng mga tao. Habang iniisip iyon ay nakaramdam ako ng lungkot at tampo sa kanya.

Narating ko ang classroom ko at wala pa naman ang Prof namin sa first subject. Inayos ko na lang ang gamit ko at nang matapos ay napatitig ako sa labas ng bintana. Maganda ang panahon ngayon, hindi gaano ka init at masarap mamasyal mamaya.

Saglit lang ako sa pag-iisip ng may tumabi sa akin. Napalingon ako sa gilid na upuan at nakita ko si Caitlyn na nakangisi.

"Good morning, pogi." Sabi niya dahilan para mapangiti ako. Ganito siya kapag alam niyang may iniisip ako. Yung ipong alam na alam niya na may problema ako.

"Good morning, beautiful." Tugon ko na rin, she giggled at bumalik sa pwesto niya.

Dumating na rin kasi ang katabi kong feeling pogi. Umayos na lang ako ng upo. Ilang minuto pa ay pumasok na rin ang Prof namin. Napatingin siya sa gawi ko, tumingin lang din ako sa kanya. Mukhang natatandaan niya ako, buti na lang talaga maaga akong pumasok.

Nagsimula ang klase namin. Nagkaroon pa kami ng surprise quiz, literal na surprise talaga. Kasi hindi man lang siya nagbigay ng notes about sa quiz na ibinigay niya. Nag advance lecture din siya para bukas. Hindi ko rin talaga naiintindihan ang mga lessons ng Prof namin. Nakakayamot din minsang pumasok.


 

* * * * *

Nang matapos ay pumunta ako sa Food Court para bumili ng makakain. Nahagip ng mga mata ko si Ellie, kasama niya ang ibang faculty members. Kumunot ang noo ko dahil magkatabi sila ng lalaking Prof. Hindi ko kilala ang pustora niya, pero mukhang bago lang siya dito. Ilang segundo ko pa silang tinitigan, bago ako nagpatuloy sa pagbili ng pagkain.

Napakagat ako ng aking labi dahil sa inis. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit hindi niya ako ginising kanina. Akmang maglalakad ako ng may humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino ang may-ari nun.

"Let's go together?" It was Caitlyn again. Umiling ako sa ginawa niya, natawa na rin siya.

Nagsimula kaming maglakad, tinahak ang kinaruruonan ng asawa ko. Hindi ako lumingon sa kanya, patuloy lang kami ni Caitlyn habang nag kkwentuhan. Nang makalabas ay dumating ang iba naming kaklase. Nagsitawanan sila kung bakit hawak-ha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ohhjever
Hope you like it. :3

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet